Si Alex ay mukhang magulo. Sa pagtingin sa walang buhay niyang itsura, maaawa sa kanya ang mga tao sa labas. Kung ibabase sa dating tingin sa kanya, kahit si Sabrina maaawa sa kanya.Kahit hanggang ngayon, naaalala pa rin ni Sabrina yung unang beses na nakilala niya si Alex. Dati, siya ay nasa opisina ni Sebastian, pakiramdam niya ay para nakabitin ang buhay niya, na para bang siya ay papatayin nito sa susunod na segundo. Wala siyang pagkakataon na isipin ang tungkol sa trabaho o karera niya. Pero, nung siya ay nawawala at walang gana, sinabi sa kanya ni Alex, "Pwede kang magkaroon ng sarili mong karera, pwede mong gawin ang trabaho na gusto mo. Dahil gusto sa industriya ng paggawa, pwede mong gawin yun."Ang pagkikitang yun ay nag-iwan kay Sabrina ng magandang pagkilala kay Alex. Kalaunan, nung nakilala niya ang babaeng kinakasama nito, nagustuhan ni Sabrina kung gaano kabait si Jane. Si Sabrina ay hindi pa halos nakakakilala ng kasing hinahon, elegante, bait, at mapagkumbaba tulad
Pinagsisihan niya nang sobra ang mga sinabi niya, halos makagat niya na ang kanyang dila. Siya ay nagsasalita lang galing sa anggulo ng Poole family na nalimutan niyang pagdugtungin ang relasyon ng mga karakter na naroon. Sa sandaling ito, agad na naalala ni Ryan na si Tita Sabrina, Yvonne, at Ruth ay matalik na kaibigan sa pansamantala niyang tita.Inamin niya nang medyo nauutal. "Ang...ang babaeng yun, siya...siya ay nagpapakasaya lang sa labas."Tinanong ulit ni Sabrina, "Siya ba ay ikakasal na sa tito mo?""H...hindi.""Ilang taon ba silang hindi nagkakitaan!""Halos...halos sampung taon..."Hindi napigilan ni Sabrina ang sarili niya at suminghal. "Kung ganon paano mo naging tita ang babaeng yun! Sagutin mo ako!"Si Ryan ay nautal sa ilalim ng pang-iipit sa kanya. "Tita...Tita Sabrina, kalasanan ko ito lahat. Simula ngayon, ako na ang bahala sa paghanap sa tita ko, sa totoong tita ko. At ako na ang bahala sa pagbabantay sa tita na kakauwi lang. Kaya...kaya kong pagbayaran an
Napatayo si abrina a sobrang gulat. Hindi niya na napigilang maiyak sa obranbg pag aalala, “Jane, Jane, nasaan ka? Kamusta ka na? Alam kong naghiwalay na kayo ni Alex, pero saan ka pumunta? Nasaan ka ngayon? Pwede ba kitang puntahan?”Noong oras na tumawag si Jane, tila ba nag flashback kay Sabrina yung araw na nawawalan na siya na siya ng pag asa pero biglang dumating si Jane na binigyan siya ng tubig. Hinding hindi niya makakalimutan kung gaano gumaan ang loob niya dahil sa ngiti nito. Natawa si Jane at mahinahong sumagot, “Sabrina, okay lang naman ako, busog ako….”Ramdam ang saya a boes ni Jane noong sinabi niya ang mga salitang ‘busog ako’, pero para bang sinaksak ang puso ni Sabrina nang marinig niya ito. Wala siyang ideya kung ano ang hirap na pinagdaanan nito sa nakalipas na dalawang linggo para maging sobrang saya ito sa isang napaka liit na bagay. “Jane…” Humahagulgol na sabi ni Sabrina. Pero bago niya pa masabi ang gusto niyang sabihin, bigla namang inagaw ni Alex
“Naging sakim kasi ako… sakanya naman talaga yung pera na yun…”“Pero sinaktan ka niya, at ginusto ka pa niyang patayin?!”“Oo, kung hindi lang ako niligtas ng isang nag magandang loob na lalaki, baka namatay na ako kagabi.”“T*ng*n*!” Galit na galit si Sabrina.“Okay lang ako, Sabrina! Busog na busog nga ako eh. Dalawang linggo na kasi kitang hindi nakakausap kaya ako napatawag. Kakamustahin lang sana kita at itatanong kung anong nangyari sa ospital.”“Okay lang ako at naayos na yung problema. Nasaan ka? Susunduin kita.”“Hindi, wag na. Uhm…. si Mr. Poole, hindi niya na ba pinapapabayad yung utang ko?” Nag aalalang tanong ni Jane. Nang arinig yun ni Alex, uli niyang inagaw ang phone ni Sabrina, “Jane, nasaan ka? Sabihin mo sa akin! Susundin kita! Makinig ka sa akin. Tanga-tanga ka kaya hindi o kakayanin jan! Bumalik ka na! Bumalik ka na sa akin!” “A…anong sabi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jane. “Bumalik ka na!” Sa tono ni Alex ay para bang inuutusan niya si Jane, p
Pagkatapos, tinignan ni Jane ang matandang babae na nag alaga sakanya kagabi, “Ma’am, araing salaat. Sa totoo lang, gusto ko pa sanang magtagal para makabawi an lang ako sa inyo, pero ngayong ay huahabol sa akin, ayokong idamay kayo. Ipagdadasal ko nalang na sana magkita pa tayo ulit balang araw nang makabawi ako sainyo.” Naging sobrang emosyunal ng matanda at umiiyak itong sumagot, “Anak, bakit ba ang kumplikado ng buhay mo? Halos kaedad mo lang ang anak ko pero ang bigat ng pinagdadaanan mo.Nahihiyang ngumiti si Jane sa matanda bago siya tumingin kay Noah. Ngumiti si Noah at medyo nagaalangang sinabi, “Pwede ko namang pasanin ang nanay ko tapos sabay-sabay na tayong ualis. Pwede tayong pumunta sa norte.” “...Noah, anong….anong ibig mong sabihin?” Gulat na gulat na tanong ni Jane. “Masasabi ko sa tono ng pananalita mo na hindi ka talaga taga rito. Ibang iba ang South accent sa north accent at kung hindi mo naitatanong, taga north din kami.” “Hin…hindi talaga kayo taga rit
Noong nalaman niya na araming oportunidad sa South, napagdesisyunan niyang lumuwas sa South City para magtrabaho. Pero paano nalang ang nanay niya? Hindi naman niya pwedeng iwanan nalang ng basta-basta ang nanay niya, pero kailangan niya ring magtrabaho kaya nakisuyo siya sa isang pinagkakatiwalaan nilang kapit bahay na alagaan ito at regular niya itong pinadadalhan ng pera bilang kabayaran. Bukod sa matalino, sobrang sipag din ni Noah kaya bandang huli ay nakahanap rin siya ng maayos na trabaho. Naging mananahi siya ng isang clothing factory at noong mga panahong yun, yun ay kadalasang trabaho lang ng mga babae dahil para bang nakakahiya yun na maging trabaho ng isang lalaki. Pero kung magiging apili siya, paano ang nanay niya? Walang ibang mas mahalaga sakanya kundi ang nanay niya kaya handa niyang gawin ang lahat maipagamot lang ito. Sa loob lang ng isang taon, nakaipon si Noah ng mahigit sampung libo. Dalawang libo lang ang iniwan niya para sa sarili niya, at ipinadala niya a
Gulat na gulat si Noah. Siya? Isang probinsyano na galing sa isang maliit at mahirap na baryo? Siya na wala namang ibang kayang gawin kundi ang trabaho niya lang sa clothing factory na tinatanggihan pa nga ng ibang mga kalalakihan? Bakit? Hindi niya alam kung bakit siya ang napili ng boss niya na ipakasal sa anak nito. Nanatiling kalmado si Noah, “Boss, bakit ako ang napili mong maging son-in-law mo?”“Nabasa ko yung mga sinulat mo, maganda. Nakita ko rin yung work manual na ginawa mo at noong nag leave ang team leader niyo, ikaw ang tumayong leader sa mga kasama mo. Sinigurado mong maayos at disimulado ang lahat kaya sobrang nabilib ako sayo.”HIndi alam ni Noah kung paano siya sasagot. “Kung hindi ako nagkakamali, nakagraduate ka ng high school diba?”Tumungo si Noah. “Opo, boss.”“Sobrang hirap ng pamilya mo kaya hindi na nila kayang suportahan ang pag aaral mo, tama?”Muling tumungo si Noah. “Halos lahat po ng mga nakatira sa kabundukan ng norte ay sobrang hirap kagaya ko.
Noong oras na tumawag siya, naghihintay na ang nanay niya kaya nasagot ito kaagad. Nang marinig ang maganda niyang balita, sobrang saya rin ng nanay niya. “Ibig sabihin nagkakaroon na rin ako ng apo diba? Kahit na hindi Hill ang gamitin niyang apilyido, tatawagin niya pa rin naman akong lola, diba?” Natawa si Noah. “Nay, masaya ako na masaya ka para sa akin. Kapag ikinasal na kami, dadalhin kita dito!” Natawa din ang nanay niya. “Salamat salamat. Sa wakas, magwawakas na ang paghihirap ko.”Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo matapos nilang mag usap ng nanay niya, pinuntahan ni Noah ang kanyang boss para sabihing pumapayag na siya sa kasal.Nanatili siyang kalmado. “Dahil magiging oarte na ako ng pamilya ninyo, gagawin ko po ang lahat para alagaan ang anak niyo. Aalagaan ko ang apo ninyo na para kong tunay na anak, at tutulungan ko rin kayo sa pag mamanage ng kumpanya. Sa ngayon ay wala pa ako masyadong alam, pero gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting son-in-