Noong nalaman niya na araming oportunidad sa South, napagdesisyunan niyang lumuwas sa South City para magtrabaho. Pero paano nalang ang nanay niya? Hindi naman niya pwedeng iwanan nalang ng basta-basta ang nanay niya, pero kailangan niya ring magtrabaho kaya nakisuyo siya sa isang pinagkakatiwalaan nilang kapit bahay na alagaan ito at regular niya itong pinadadalhan ng pera bilang kabayaran. Bukod sa matalino, sobrang sipag din ni Noah kaya bandang huli ay nakahanap rin siya ng maayos na trabaho. Naging mananahi siya ng isang clothing factory at noong mga panahong yun, yun ay kadalasang trabaho lang ng mga babae dahil para bang nakakahiya yun na maging trabaho ng isang lalaki. Pero kung magiging apili siya, paano ang nanay niya? Walang ibang mas mahalaga sakanya kundi ang nanay niya kaya handa niyang gawin ang lahat maipagamot lang ito. Sa loob lang ng isang taon, nakaipon si Noah ng mahigit sampung libo. Dalawang libo lang ang iniwan niya para sa sarili niya, at ipinadala niya a
Gulat na gulat si Noah. Siya? Isang probinsyano na galing sa isang maliit at mahirap na baryo? Siya na wala namang ibang kayang gawin kundi ang trabaho niya lang sa clothing factory na tinatanggihan pa nga ng ibang mga kalalakihan? Bakit? Hindi niya alam kung bakit siya ang napili ng boss niya na ipakasal sa anak nito. Nanatiling kalmado si Noah, “Boss, bakit ako ang napili mong maging son-in-law mo?”“Nabasa ko yung mga sinulat mo, maganda. Nakita ko rin yung work manual na ginawa mo at noong nag leave ang team leader niyo, ikaw ang tumayong leader sa mga kasama mo. Sinigurado mong maayos at disimulado ang lahat kaya sobrang nabilib ako sayo.”HIndi alam ni Noah kung paano siya sasagot. “Kung hindi ako nagkakamali, nakagraduate ka ng high school diba?”Tumungo si Noah. “Opo, boss.”“Sobrang hirap ng pamilya mo kaya hindi na nila kayang suportahan ang pag aaral mo, tama?”Muling tumungo si Noah. “Halos lahat po ng mga nakatira sa kabundukan ng norte ay sobrang hirap kagaya ko.
Noong oras na tumawag siya, naghihintay na ang nanay niya kaya nasagot ito kaagad. Nang marinig ang maganda niyang balita, sobrang saya rin ng nanay niya. “Ibig sabihin nagkakaroon na rin ako ng apo diba? Kahit na hindi Hill ang gamitin niyang apilyido, tatawagin niya pa rin naman akong lola, diba?” Natawa si Noah. “Nay, masaya ako na masaya ka para sa akin. Kapag ikinasal na kami, dadalhin kita dito!” Natawa din ang nanay niya. “Salamat salamat. Sa wakas, magwawakas na ang paghihirap ko.”Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo matapos nilang mag usap ng nanay niya, pinuntahan ni Noah ang kanyang boss para sabihing pumapayag na siya sa kasal.Nanatili siyang kalmado. “Dahil magiging oarte na ako ng pamilya ninyo, gagawin ko po ang lahat para alagaan ang anak niyo. Aalagaan ko ang apo ninyo na para kong tunay na anak, at tutulungan ko rin kayo sa pag mamanage ng kumpanya. Sa ngayon ay wala pa ako masyadong alam, pero gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting son-in-
Biglang tumaas ang tono ng boses ng asawa niya. “Noah HIll, ang pamilya ko ang papakasalan mo! Ang pamilya ko! Mula sa araw na yun, kami nalang ang mayroon ka, kaya bakit kailangan mo pang magdala ng isang matandang probinsyana sa kasal ko? Ang mga magulang ko ang mag oorganize dun at sa oras na makita ang nanay mo ng mga bisita, ano nalang sasabihin nila?!”Nagalit si Noah. “Kung gusto mong ikasal, dapat nandoon ang nanay ko! Kung hindi, mag divorce nalang tayo!” Hindi sanay ang asawa niya na nasisigawan kaya iyak ito ng iyak. Tinawag siya nito na masamang tao at walang puso. “Ang bait bait ng mga magulang ko sayo na ipinagkatiwala nila yung kumpanya nila sayo. Ako din! Graduate ako ng college pero kahit kailan hindi kita minaliit. Minahal ka rin ng anak ko. Pero ikaw? Wala pa nga yung wedding ceremony natin pero may plano mo ng agawin ang lahat sa pamilya ko!” “Anong sinasabi mong agawin ang lahat sa pamilya mo?!” “Eh bakit kailangan mo pang dalhin yung matandang probinsyana n
Mangiyak-ngiyak si Noah nang marinig ang sinabi ng nanay niya. “Nay, pasensya ka na. Hindi manlang kita mapapunta sa sarili kong kasal.”Tumawa ang nanay niya, “Wala namang problema yun, anak. Basta maayos ang lagay mo, masaya na ako.” Huminto ito ng sandali at nagpatuloy, “Anak, anong pangalan ng hotel na pagdadausan ng kasalm mo?”Hindi kaagad sumagot si Noah. “Dito po sa South City. Ang panagalan daw ay Grand Sage International Hotel. Sobrang sikat ng hotel na yun dito sa South City… Nay, sigurado ako na yun ang pinaka magandang kasal na mapupuntahan mo sana….”Tumawa lang ang nanay niya. “Masaya na ako na malamang maganda ang kasal ng anak ko! Oh paano anak, ibababa ko na ito, malaki na ang magagastos mo.”“Nay, mag iingat ka palagi.”Pagkatapos ng tawag, hindi kaagad umalis si Noah sa phone booth. Sobrang lungkot niya. Naalala niya yung sinabi sakanya ng mga kapitbahay niya noong high school palang siya.“Noah, kapag grumaduate ka na ng college, maghanap ka ng trabaho sa s
Sa loob ng malaki at mamahaling hotel, si Noah ay nakatayo sa labas, mukhang masaya at malusog. Samantala, ang nanay niya naman ay nakatayong nakakuba sa labas. Dahil sa rami ng taon ng pagtatrabaho niya, halos hindi niya na maituwid ang bewang niya. At ganon nalang, sinuportahan niya ang kanyang sarili sa may hagdan sa labas ng hotel, nakatingin siya sa loob nang may matang puno ng pagkasabik at saya.Nung oras na yun, pakiramdam ni Noah ay may mga kutsilyong humihiwa sa puso niya. Bigla niyang naramdaman, hindi ito madali tulad ng iniisip nila. Ang pagpapakasal sa mayamang pamilya ay hindi kasing dali ng tingin nila. Ang paghamak at pambabalewala nila sa kanya ay nakatanim nang malalim sa mga buto nila. Hindi na ito mababago. Kahit na siya ay hinahangaan na ng marami ngayon, sa loob loob niya, siya ay sobrang nasasaktan at naghihirap kumpara sa nung siya ay isa pa lang mahirap na binata.Nung oras na nakita niya ang kanyang ina, binigyan niya ito ng mainit at nakakagaan sa loob na
Siya ay isang lalaking may prinsipyo. Matapos na iwan ang asawa niya, hinanap ni Noah ang nanay niya malapit sa hotel. Sa kabuting palad, nakita niya ito. Ang nanay niya ay nananatili sa isang maliit na motel na nagkakahalaga lang ng dalawampung dolyar kada gabi. "Ma, napagaling mo. Kaya mong sumakay ng bus papunta sa South City nang mag-isa, at nahanap mo pa nga ako." Niyakap ni Noah ang kanyang ina, ang mga luha ay tumulo sa pisngi niya.Tumawa ang nanay niya. "Lokong bata! Ako nasa limampu pa lang, hindi pa naman ako ganun katanda. Kuba lang ang likod ko, yun a yun, at may ilang puting buhok. Hindi mo nga matatawag na matatandang babae ang mga babae na kasing edad ko dito siyudad! Marunong din ako bumasa at sumulat. Ginamit ko ang perang pinadala mo sa akin at pumunta muna ako sa bayan, tapos sumakay ako ng bus papunta sa bayan ng probinsya, tapos sumakay ako ng taxi papunta sa istasyon ng tren. Ganun lang yun, hakbang-hakbang. Sa tingin mo ba hindi ko kayang pumunta sa malaking
Binati ni Noah ang biyenan niyang lalaki at binanggit ang diborsyo. Pero, nung oras na yun, binuka ng nanay niya ang bibig nito. "Noah, nagkakamali ka sa paghiling ng diborsyo habang buntis ang asawa mo. Humingi ka ng tawad sa biyenan mo at sumunod ka na sa kanya pauwi!"Kahit na hindi umalis ng kabundukan kailanman ang kanyang ina sa buong buhay nito, siya ay isa pa ring maunawaing babae. Alam niya ang kahalagahan ng kapayapaan at pagkakaisa higit sa lahat.Nung oras na lumabas ang mga salita ng kanyang ina sa bibig nito, nagsimula na din siyang pagsabihan ng biyenan niya. "Ikaw bastos ka! Paano mo nagawa ito! Normal lang naman sa mag-asawa ang magtalo, paano mo nagawang humingi ng diborsyo dahil lang sa isang argumento? Ang paghingi ng diborsyo sa babaeng nagdadala ng anak mo! Tao ka ba!"Alam ni Noah na kasalanan niya ito, kaya tumungo siya at humingi ng tawad. "Pasensya na po.""Umuwi ka na!" Utos ng biyenan niya.Hindi gumalaw si Noah. Nagpatuloy ang biyenan niya, "At dahil n