Nagulantang si Jane. Binaling niya ang kanyang ulo at agad na nakita ang babae pagkatapos 'non. Suot pa rin ng babae ang isang cargo jumpsuit. Gayunpaman, puno ng nakakaakit na ekspresyon ang mukha niya. Ang babaeng nakikita niya ay natural na nakakaakit. Gayunpaman, puno ng kalupitan ang titig sa mga mata niya habang nakatingin kay Jane. Lumabas na mas walang maiku-kumparang nakakatakot ang babae kasama ang nakakaakit sa taas ng kanyang kalupitan. Nagulat si Jane sa una. Tapos ay kalmado at dahan-dahan niyang sabi, "Ikaw ang fiancee ni Alex, hindi ba?"Humakbang si Lily, tinaas ang kanyang kamay, at sinampal ang mukha ni Jane. "Ikaw, ang matandang babae na bumabagabag sa asawa ko ng halos pitong taon! Matanda ka na, at kinukuha mo pa rin ang asawa ko! Alam mo ba kung bakit ayaw ka ng asawa ko?"Inangat ni Jane ang kamay niya para hawakan ang sariling mukha. Tumingin siya ng hindi makapaniwala sa nakaka-akit at malupit na babae sa harap niya. Tina-trato si Jane nang may r
Ang buong katawan niya ay masakit at hindi talaga siya makatayo. Gumapang siya nang dahan dahan habang ang mga luha ay tumutulo sa pisngi niya na parang isang pabugso ng dam. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. Umiiyak ba siya dahil malapit na siyang mamatay?Malinaw naman na sa pagitan nila ni Alex, hindi siya nangako sa kanya ng kahit ano. Malinaw na siya ang nagkusa na maging isang kabit ni Alex, di ba? Siya mismo ang nangako na kapag hindi na siya nito gusto, kailangan niya lang sabihin ito agad sa kanya. Tapos ay iiwan niya na agad ito nang tahimik at hindi niya na ito gagambalain kahit kailan. Bakit siya humahagulgol nang ganito ngayon sa oras na ito?'Jane Sheen! Hindi ka mahal ni Alex! Tama na sayong nabigyan ka niya ng magandang buhay sa loob ng halos walong taon. Hinayaan ka niyang maranasan ang buhay ng pagiging isang mayamang asawa niya, matamasa ang respetuhin ng iba, at hinayaan ka niyang mabuhay nang maginhawa. Ano pa ba ang gusto mo?''Ikaw ay dapat matagal nang
Hindi alam ni Sabrina kung bakit siya nagkaroon ng ganung klaseng panaginip. Nung siya ay nagising, hindi siya nag-alala tungkol sa paghulog sa bangin. Pagkatapos ng lahat, isa lang naman itong panaginip.Pero, ang miserableng boses ni Jane ay narinig sa tenga ni Sabrina. Ang boses ay sobrang linaw na para bang ito ay totoo. Nakaramdam ng pagkabahala si Sabrina sa puso niya, at pakiramdam niya lang ay may nangyari. Hindi man lang niya ito inisip, at nilabas niya lang ang phone niya sa mesa sa gilid ng kama at tinawagan si Jane. Sa kabilang dulo, ang phone ni Jane ay nakapatay.Tumingin si Sabrina sa oras, at bigla itong tumawa. Alas sais pa lang ng umaga sa sandaling ito. Si Jane ay madalas hindi nagtrabaho, kaya malamang hindi pa siya gigising ng ganitong oras. Siguro ay natutulog pa siya.'Hayaan mo na, wag mo na siyang istorbohin.' Naisip ni Sabrina na baka ito ay dahil kinakabahan siya nitong nakaraang dalawang araw, at yun ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganung bangung
Nang marinig ang ganung tono galing kay Sebastian, ang mag-ina, na nag-uusap pa rin at nagtatawanan ngayon lang, ay biglang natigilan. Lalo na ang munting bata, si Aino. Wala siyang kamalay-malay na humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara. Ang ekspresyon niya ay para bang may isang tao na namang gumugulo sa nanay niya, walang awa niya talagang gugulpihin ang taong yun!Tanong ni Sabrina, "Sebastian, sinong tumawag?"Tumuro si Sebastian kay Aino tapos ay binulong ang salitang "Lolo" kay Sabrina. Si Sabrina ay nakaramdam ng kaba. Kung ang hula niya ay tama, si Sean ang kasabwat na nakuha ni Old Master Shaw! Tumingin siya kay Sebastian at umasa na makarinig siya ng kahit ano galing sa earpiece. Sa kabilang linya, sabi ni Sean, "Kahit na hindi ako ganun kagaling, ako pa rin ang tatay mo! Hindi mo na nga ako tinatawag na Dad ngayon. Sebastian, pwede ko bang sabihin na pagkatapos mong pakasalan si Sabrina, mas lalo kang naging hindi makatao? Tama nga ang Lolo Shaw mo. Siya ay isang man
Walang nasabi si Sabrina. Ang mga salita niya ay medyo masakit, pero hindi niya inasahan na may dugong biglang lalabas mula sa bibig ni Sean. Tumingin siya kay Sebastian at nagpapanic ito. Si Sebastian ay nakatuwad na para alalayan si Sean."Dad...," tawag ni Sebastian.Si Rose ay humahagulgol. "Mahal, anong nangyayari sayo? Mahal, gumising ka!"Walang sagot si Sean. Agad na tinawagan ni Sebastian ang numero ng emergency. Matapos na sabihin ang address, inutos niya, "Pumunta kayo dito sa loob ng sampung minuto."Ang ambulansya at ang doktor ay dumating sa loob lang ng walong minuto, at nagmamadali nilang binuhat si Sean papasok ng ambulansya. Si Sabrina, Aino at pati na rin si Sebastian ay sumunod.Hinawakan ni Sabrina ang braso ni Sebastian at sinabi, "Sebastian, Pa-pasensya na."Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. "Tama naman ang sinabi mo. Ang dahilan kung bakit malaki ang utang na loob natin kay Old Master Shaw, nung una palang, ay dahil lahat sa mga pagkakamaling nagawa n
Tumawa siya nang bahagya at sinabi kay Sabrina, "Madam, naaalala mo pa ba na binigyan mo ako ng isang maliit na pampainit ng kamay nung nakalipas na anim na taon?"Nagtatakang tinanong ni Sabrina, "Bakit mo naman ito biglang naisip? Isa lang namang pampainit ng kamay yun, hindi na yun mahalaga para banggitin pa."Umiling si Kingston. "Hindi po! Madam, ang pampainit ng kamay na binigay niyo sa akin ay nagpainit ng puso ko habang buhay. Samakatuwid, Madam, wag na po kayong mag-alala. Kung susubukan ni Old Master Shaw ang lahat ng paraan para iligtas mo ulit si Selene, ako, Kingston Yates, ay hindi magpapakita ng awa sa kanya!"Walang nasabi si Sabrina. Matapos ang ilang sandali, sinabi niya, "Salamat, Kingston.""Madam, pumasok na po kayo sa kotse. Ihahatid na po muna natin ang munting prinsesa sa eskwelahan," sabi ni Kingston."Sige."Matapos na ihatid si Aino sa eskwelahan, tumawag si Sabrina kay Sebastian. "Sebastian, si Dad...kamusta siya?"Sa kabilang linya, sinabi ni Sebasti
Si Sabrina ay nag-aalangang tumango. "May...may ginawa ba akong mali?"Siya ay agad na napuno ng pakiramdam na para bang may masamang bagay na mangyayari. Nung nakalipas na siyam na taon, ito ang eksaktong paraan kung paano siya nakuha nang biglaan nung siya ay nasa pangalawang taon niya sa kolehiyo."Ito pa rin ay tungkol sa kaso nung nakalipas na siyam na taon. Ang pamilya ng biktima ay nahanap ka at gusto nilang sampahan ka ulit ng kaso."Si Sabrina ay nanatiling tahimik."Siya yun! Siya yun! Diyos ko naman, natagalan kami masyado ng anak ko para mahuli ka! Ikaw mang-aagaw ng lalaki, ginawa mo kaming mali at ngayon gusto mong ibaling ang sisi?" Sinigawan siya ng isang babae na nasa kalagitnaan ang edad.Si Sabrina ay natigilan, nang makilala niya ang babae. Ito ang parehong babae na humawak sa pintuan niya para tingnan pa siya ng isang beses bago umalis."Bakit ikaw...!" Nung oras na yun, siya ay sobrang galit na nahirapan siyang ilabas ang mga salita."Nung nakalipas na siya
Kung ito ay ibang oras, ang biyenan niya ay hindi siguro pupunta, at hindi rin siya maglalakas-loob na atakihin ang anak niya. Pero ngayon, si Sean ay naging matapang simula nung nagpakita siya at si Sabrina ay nalito kung ano ba ang nangyayari sa biyenan niya. Pero, kung ano man ang gumulo sa kanya ay malinaw na ngayon. Bumalik siya sa eksena kung saan sumuka ng dugo ang biyenan niya bago mahimatay nung umagang yun, posible kaya na pinepeke niya rin ito? Ang gusto nilang gawin ay tabuyin si Sebastian. Sa wakas naintindihan niya na, ito ay isang panlilibang, tulad na lang kung paano aakitin ng isang tao ang tigre palayo ng bundok.Hindi niya mapigilan ang luha niya. Ano ba ang ginawa niyang mali, para hanapin siya nang walang katapusan at pagbayarin siya nang paulit-ulit! Noon pa man ay isa na siyang anak na magaling sa pag-aaral habang nananatiling mapagkumbaba. Ang tatay niya ay namatay sa sakit, ang nanay niya ay ikinulong at ngayon ay nawawala, habang siya naman ay nilinlang at ip