Humalakhak ang old Master. Kalmado ang tono niya kahit kontrolado niya ang lahat, na siyang paraan niya rin ng pagpapakita ng pag-aalipusta kay Sabrina. "Nagtagumpay na sana ako kung wala lang ako sa'yo. Kung saang mayroong usok, mayroong apoy. Kailangang mayroon kang kahinaan sa trabahong ito."Tumingin siya kay Lincoln at nagtanong, "Ikaw ang... tatay ko, hindi ba? Biogically speaking?""Wala akong anak na sakim katulad mo," malupit niyang sagot. "Lahat ng ito, para lang isalba ang pinakamamahal mong anak na nakaratay sa ospital?" bulong niya. "Hindi ba dapat ikaw ang nagsasalba sa kanya?" sigaw ni Lincoln, "Parehas kayo ng dugong nananalaytay sa mga ugat niyo, pero plano mong panoorin siyang mamatay! Paano ako naging ama sa isang walang pusong halimaw na katulad mo?""Walang pusong halimaw!" bulong ni Sabrina sa kanyang sarili. Inangat niya ang kanyang ulo para titigan ang kalangitan sa taas, sinusubukang pabalikin ang mga luha niya. Tumingin siya pabalik kay old Master Shaw
"Pumapayag ako! Nang walang bayad o kondisyon!" napagpasyahan niyang sagot. "Sayang, huli na ang lahat!" 'Tila hindi makahinga si Sabrina sa kalupitan sa mga salita ng old Master Shaw. Mas lalong naging malamig at malupit ang kanyang tono habang nagpapatuloy, "Bakit naman ako papayag sa isang kidney mo, kung pwede namang kuhain ko pareho?"Lumunok siya. "Wala na po bang silid para sa negosasyon?""Pasensya ka na, pero wala sa lugar mo ang makipag-negosasyon sa akin!"Nginuya ni Sabrina ang kanyang mga labi habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha sa kabila ng pagpigil sa kanila. Malakas ang pagkakagat niya na halos dumugo na ito. Muli, tinulak siya sa dulo ng pagkasira sa isipan sa malupit na paraan ng old Master Shaw at sumigaw, "sige kung ganoon! Patayin mo ako! Lincoln Lynn, ako, si Sabrina Scott, ay nangangakong hahanapin ka kahit sa kamatayan ko! Minsan ka nang naging tatay sa akin, hindi ako humiling na isilang sa mundong 'to, bakit kailangan mo akong tratuhin at ang a
Ang sigaw ang nagpatigil sa lahat ng nasa eksena, nagpa-paatras sa bawat tao kung gaano kapaos at kagaspang ang tunog na umalingawngaw mula sa mga tao. Tunog ito na parang mula sa halimaw na handang makipaglaban para sa buhay nito. Kasunod ng boses, nahanap ng taong ito ang daan palabas mula sa mga tao. Halos hindi tao ang pigura. Walang kahit na anong anyo na tao siya o multo. Sira sira ang damit na suot niya at natintahan sa punto na wala nang makakapagsabi sa orihinal na kulay nito. Puno ng patches ang damit, kaunting walang puwang sa tela na hindi nagalaw. Hawak ng taong ito ang isang mahaba, makapal na kahoy patpat at tumayo sa harap ni Sabrina. Dahil sa kalapitan, nakikita ni Sabrina ang lahat sa taong ito. Gusot ang buhok niya sa maliliit na buhol ng dumi at lupa, tinatakpan ang mukha niya at pinapakita lang ang dalawang hazy na mga mata niya, na siyang nakatitig kay old Master Shaw. "Shaw, kapag sinubukan mong hawakan ang buhok ng anak ko, pagpipiraso-pirasuhin ko yang apo mo
"Hindi ko alam kung kaninong anak ang nasa tiyan ko. Nakalabas na ako sa wakas sa bilangguan, pero wala akong pera at walang lugar na pupuntahan. Bumalik ako sa Lynn Family para maghanap ng hustisya. Hinarap ko si Lincoln Lynn tulad ng kung bakit siya nagsinungaling sa akin at hindi sinagip ang buhay mo. Sinabi niya sa akin na sinubukan niya pero hindi mo na nakayanan, at sinabi niya sa akin na nilibing ka niya doon sa bayan natin. Gusto kong bumalik pero wala akong pera. May hindi pa akong pinapanganak na bata at hindi ako makabalik.""Patawarin mo ako, Mommy, patawarin mo ako. Hindi ko alam na buhay ka pala sa buong oras na 'to. Akala ko patay ka na, akala ko nilibing ka ng tatay ko. Desperado akong kumita ng ilang pera, sakto lang para makabalik ako sa bayan natin, pero kalaunan ay pinaghahanap ako ng mga Lynn. Nagtago ako ng anim na taon doon, pero kahit saan ako tumakbo, palagi akong nahahanap nina Lincoln at Jade. Wala akong magawa kundi itago ang pagkakakilanlan ko at lumipat n
Nilapitan ni Marcus ang madungis na babae nang tinawag niya itong tita. Nanigas ang babae at binaling ang maulap niyang mga mata kay Marcus. Dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi, pinapalis ang dumi habang dumadaloy ang mga ito. Sa isang namamaos na boses, tanong niya, "Batang lalaki, anong... tinawag mo sa akin ngayon lang?"Umabante si Marcus at hinawakan ang mga kamay ng babae sa tuwa. "Tita, ikaw ang tita ko, 'di ba? HIndi ka anak ng step-mother ko, pero ng lola ko talaga. Tita kita sa dugo."Hindi maayos ang pagsasalita niya sa galit na estado. "Pero tita, pinalaki ka ng step-grandmother ko. Napilitan kayong dalawa na lumayo mula sa Shaw residence at nanirahan sa maliit na bahay. Sa taon na mag-eighteen ka, sinabi ng step-grandmother ko sa lolo ko na ikaw talaga ang anak ni lola. Ang step-grandmother ko, nakakabilib siya sa dami ng kanyang talento. Tinatago ko pa rin ang mga guhit niya hanggang ngayon..." inaral ni Marcus ang ekspresyon ng tita niya, pero halos buong mukha niya
"Kumakain ka ba na parang tao? Hindi! Malamang nabubuhay ka sa dugo ng tao! Gagong matanda, hindi mo lang gusto ang mga kidney ng anak ko, sinusubukan mo ring i-frame siya sa lahat ng mga krimen na 'yon. Akala mo wala na siyang taong masasandalan o taong magtatanggol sa kanya, 'di ba? Diyan ka nagkakamali! Nandito ako! Ipagtatanggol ko ang anak ko! Ikaw gagong matanda ka na kaya lang apihin ang mga mahihina! Akala mo ba isa kang lalaking makapangyarihan sa lahat na kaya lang kuhain ang buhay ng ibang tao kung gugustuhin? Sinubukan mong hamakin ang anak ko nang paulit-ulit sa pamamagitan ng pag aalipusta at pamamahiya sa kanya, dahil akala mo ay walang tatayo sa likod niya, hindi ba? Hayaan mong sabihin sa'yo, gagong matanda, nasa likod ako ng anak ko! Ang sino man sa inyo ang sumubok na manakit sa kanya at papatayin ko ang bawat tao sa pamilya mo! Naging pagala gala akong natutulog sa kanal araw araw, ano pa ba ang dapat kong katakutan?"Ang mga salita niya ang nagpailing sa mga taong
"Oh...!" Nagulat, tumalon si Lincoln at nahulog sa lupa. Tumitig siya sa madungis na babae sa harapan niya, natatakot. "Hindi ka... hindi ka patay? Paanong..."Umismid siya. "Lincoln, minaliit mo ako. Kaya ko nang mabuhay mag-isa simula nang mag-labing walo ako. Nasubukan kong magmakaawa ng pangkain, matulog sa ilalim ng mga tulay, at makipagsapalaran sa pagkain laban sa mga daga, mabangis na pusa at aso. Simula noong natulog akong mag-isa sa ilalim ng tulay, nakipag-away din ako sa mga siga na gustong i-molestiya ako! Paano kong hahayaan ang sarili kong mapatay mo ng madali lang? Tsaka, may anak pa ako ritong nagdudusa, syempre hindi dapat ako mamatay!""Ikaw..." Sa puntong ito, ganap nang nasa estado ng pangamba at pagsisisi si Lincoln, sa punto na hindi na niya makita ang sasabihing salita maliban sa "ikaw". Sa katotohanan na tumakbo siya sa unang asawa niya sa tapat mismo ng bahay ni Sabrina ay sapat na para hindi mabaliw siya. "Niloko mo ang anak ko at pinadala sa bilangguan s
"Lincoln Lynn! Isa kang halimaw na dapat mamatay! Buntis ang anak ko sa anak ni Sebastian Ford 'nong oras na 'yon, pero inutusan mo ang alibughang anak mo na makisali habang nakikipagkita sa kanya ang anak ko! May puso ka ba talaga, Lincoln?? Dapat kang mamatay ng milyon na beses at kahit iyon ay hindi sapat! Hindi ka lang tumangging sabihin sa anak ko na ang ama ng anak niya ay buhay pa rin at nasa tabi na niya, sinubukan mo ang lahat ng kaya mo para patayin ka nang paulit-ulit! Ang isang ama na gaya mo ay dapat pira-pirasuhin ng mabangis na hayop pagkatapos mamatay!"Sobrang balisa at naiinis si Lincoln na masumpa sa ganitong paraan. Desperado na siyang tumakbo, pero padami nang padami ang mga taong pumapalibot sa kanila, na siyang nag-iiwang wala siyang tiyansa na makatakas. Kaya niya lang tumayo at tanggapin ang mga hinanakit ng palaboy na babae. Gustong aluin ni Sabrina ang kanyang Mommy, nang makita kung paano siya sumigaw kay Lincoln gamit ang namamaos na boses. Mga siyam na