Isang palaboy na babae ang napatigil nang marinig niyang may tumawag sa kanya ng "Mama". Lumingon siya kung saan nanggaling ang boses at sumunod si Sabrina, nalaman niya lang na ang asawa niyang si Sebastian ay nakatayo sa kabilang dulo ng karamihan ng tao.Si Sebastian ay nakatayo nang may mahigpit na ekspresyon, siya ay bihis na bihis na naka-suit at bahagyang nakayuko nung sandaling yun."Sebastian..." Tinawag siya ni Sabrina.Sa likod ni Sebastian ay ilang indibidwal na hindi makilala ni Sabrina. Ito ay halong matatanda at mga bata, ang ilan ay mukhang normal na mga tao na mataas ang estado, habang ang iba naman ay normal na mga taong nagtatrabaho sa mga opisina. Walang may alam kung bakit plano ni Sebastian na gawin ito kasama ng mga estrangherong yun. Dumaan siya sa gitna ng maraming tao papunta kay Sabrina at sa palaboy na babae, bago siya pormal na yumuko. "Mama..."Ang palaboy na babae ay humihikbi nang walang tigil nang sumagot siya sa paos na boses, "Ikaw...handa ka bang
"Nung siyam na taong nakalipas, ang anak mong si Selene ay nakikipag-inuman sa isang grupo ng lalaki sa bar at siya ay nalasing. Siya ay dinala naman sa isang maruming hotel ng isang lalaking nasa apatnapu," sabi ni Sebastian sa malamig na boses.Ang mukha ni Lincoln ay namula nang sobra."Nung oras na nagising na si Selene, siya ay nagalaw na ng matandang lalaki sa paraang gusto niya. Yun ang unang beses niya sa isang lalaki, kaya siya ay nagalit nang matindi at merong kutsilyo sa mesa. Ito rin ang parehong kutsilyo na ginamit ng matanda para bantaan si Selene, pero sa bandang huli, ito ang naging armas na ginamit ni Selene para patayin siya. Pagkatapos nun, siya ay natakot sa pag-iisip na baka siya ay makulong o mamatay, kaya nanloko kayo ng mga tao at ipinalit niyo si Sabrina sa kanya! Gumastos kayo ng medyo malaking pera para dito kaya ang lahat ay naging perpekto, pero Lincoln, ang ibig sabihin ng pineke ay pineke! Siyam na taon na ang lumipas simula nung insidenteng yun, at si
Ang old Master Shaw ay tumingin kay Sebastian, at nanginginig ito. "Se-sebastian, ano...anong sinasabi mo?""Narinig mo ako, tanda," sumagot siya nang walang pag-iingat.Napanganga si Old Master Shaw sa kanya.Hindi na siya interesado kay old Master Shaw, kaya si Sebastian ay lumingon na para tumingin kay Lincoln, na nahuli na. "Lincoln Lynn, dalhin mo na ang anak at asawa mo sa istasyon ng pulis at ipaliwanag mo ang bawat isang detalye tungkol sa kung paano napunta si Sabrina sa kulungan sa nakalipas na maraming taon!" sinabi niya sa napakalamig na boses."Hindi..." umangal si Lincoln."Grandpa Shaw, tinupad ko ang pangako ko sa inyo sa buong panahong yun," dagdag ni Sebastian, "sinabihan mo ako na wag kong galawin ang Lynn Family. Nangako ako at sumunod ako sayo. Pero kung gumawa sila mismo ng krimen laban sa batas, edi hindi ko na yun kasalanan, tanda. At saka, baka kailangan mo rin sumama sa kanila..."Ang old Master Shaw ay nanatiling tahimik.Gumapang si Marcus papunta kay
Pero, hindi nagbanggit si Sebastian ng kahit ano tungkol sa mga Shaw. Sa wakas ay nakumbinsi ang babae sa pagbanggit ng maling pagkakakulong kay Sabrina at ng mga isyu tungkol sa pagkakakilanlan nila ni Aino. Mahigpit siyang tumango bago siya tumingin muli kay old Master Shaw at Marcus. "Pero wala talaga...akong relasyon sa kanila. Pakiusap gusto kong lubayan na nila ang anak ko simula ngayon. Kung hindi sisirain ko sila kahit na wala nang matira sa akin kundi ang mga ngipin ko.""Auntie..." Nagsimulang umapaw muli ang luha sa mga mata ni Marcus. Ang lalaking nasa tatlumpu, at nakasuot ng suit na may perpektong imahe ng isang maginoo ay humagulgol nung sandaling yun. Tumingin siya sa nanay ni Sabrina at nagmakaawa, "Auntie, noon pa man pamilya na ang turing ko sa inyo. Nakilala ko na agad kayo nung oras pa lang na nagpakita kayo ngayon, kahit na ang mukha niyo ay natakpan na ng buhok niyo, pero ang mga mata niyo ay talagang kamukha ng kay Sabrina. Simula nung una kong nakita si Sabrin
Mabilis na hinawakan ni Marcus si old Master Shaw. "Lolo. Lolo, ayos lang po ba kayo?"Ang tingin ni old Master Shaw ay lumabo dahil sa luha at siya ay nakaramdam ng pagkahilo. "Siya...siya ba talaga ay tita mo?""Isang daang porsyento po itong totoo, Lolo!""Buhay pa rin siya?"Tumango naman si Marcus. "Ang mga Lynn ang nanloko sa inyo! Ang impormasyon na nakuha ng mga magulang ko ay totoo. Si Auntie ay ikinasal kay Lincoln Lynn hindi nagtagal matapos niyang umalis sa bahay, pero hindi siya namatay sa panganganak tulad ng sinabi ni Lincoln. Silang dalawa ay nagdiborsyo din yung tumagal."Edi...edi dapat mo pala silang habulin...""Habulin ang tita ko, ibig niyong sabihin?" tanong ni Marcus."Halika na!"Agad na pumasok ng kotse ang dalawa, pero si Marcus ay bumaba ulit matapos nilang isara ang mga pinto ng kotse sa likod nila. Pumunta siya sa kotse ng pulis kung saan ipinasok si Lincoln at sinabi sa mga pulis, "Pasensya na, pero pakiusap dalhin niyo siya maya mayang kaunti. An
"Ang pinakamagandang paraan para kunin ang mga laman loob mo ay gawin ito pag patay ka na."Si Sabrina ay nakaramdam ng panginginig sa gulugod niya sa ideyang yun."Dahil kung patay ka na, pwede na nilang kunin ang gusto nila nang hindi iniisip ang kapalit nito. Nang marinig ng tatay ko ang tungkol sa plano ni old Master Shaw, agad siyang pumayag na tumulong."Ang puso niya ay agad na nadurog sa mga sinabi niya, pero nagawa niya pa ring pagaanin ang loob ni Sebastian. "Wag mong sisihin ang tatay mo. Ang impluwensya ni Old Master Shaw sa Ford Family ay malaki rin kasi."Ngumisi si Sebastian. Marami pang kailangang gawin ang tatay niya, pero hindi sa ngayon."Edi ngayon..." Tumingin si Sabrina sa asawa niya. "Wala na bang maghahabol sa mga bato ko?""Wala nang maghahabol sa mga bato mo."Ang mag-asawa ay hindi sinasadyang mapalingon para tumingin sa entrance ng hoted, nang may dalawang taong pumasok. Si Marcus at ang old Master Shaw.Pansamantalang solusyon na sinabihan sila ni S
Ang lahat ay napatingin nang sabay-sabay nang marinig ang paos na boses, at nakita ng isang babae na nasa limampung taong gulang na nakatayo sa may hawakan ng pangalawang palapag. Ang babae ay maputla, siguro dahil hindi siya nakakita ng sikat ng araw sa mahabang panahon at ang katotohanan na ang mukha niya ay natatakpan ng buhok kadalasan. Merong manipis na linya sa gitna ng mga kilay niya pero hindi nito naapektuhan ang kagandahan niya kahit kaunti, sa halip ito ay nagbigay sa kanya ng paggulang at dignidad, Kung hindi siguro tinawag ng babae si Sabrina, walang makakaalam na ang babae ito na nasa harap nila ay ang parehong palaboy na babae kanina. Ang bawat isang tao ay natulala sa nakita nila.Ang tatay ni Marcus ang unang nagsalita. "Kapatid!"Ang nanay ni Sabrina ay hindi sumagot at nanatiling walang ekspresyon."Kapatid! Ikaw ang nakababata kong kapatid na babae. Nakita na kita nang ilang beses nung bata ka pa, kaya alam ko na ikaw ay kapatid ko sa isang tingin pa lang!"Pina
Kanina pa walang hinto sa pag ring ang phone ni Lincoln pero hindi niya ito masagot dahil pinapanuod ng lahat ang kanyang bawat kilos kaya pagkalabas ni Sebastian, lumapit sakanya si Marcus para kunin ang kanyang phone na nasa bulsa niya. Sinilip niya kung sino ang tumatawag at nang makita niya ang pangalan ni Jade sa screen, sobrang namutla siya.Tinignan ni Marcus si Old Master Shaw at sinabi, “Lolo, ikaw ang nag umpisa ng lahat ng ‘to kaya ikaw ang sumagot nito!” Kinuha ni Old Master Shaw ang phone at sinagot ang tawag, na niloud speaker ni Marcus. “Hello? Jade?” Kamadong bungat ni Old Master Shaw. “Hi, dad…dad…!” Sobrang excited na sagot ni Jade mula sa kabilang linya. Lahat, maging si Old Master Shaw, ay biglang natahimik at bukod tangi lang ang nanay ni Sabrina ang nag react at sarcastic na tumawa. Huminga ng malalim si Old Master Shaw at pinilit niyang kumalma. “Ano yun, Jade?”Halatang sobrang saya ng boses ni Jade sa kabilang linya. “Kamusta naman kayo jan, Dad? O