Biglang kinilabutan si Selene nang marinig niya ang boses. Dahan-dahan siyang lumingon at doon niya nakita ang isang maputing babae na halatang mayaman. Sa tantya niya, halos kaedadaran ito ng mommy niya, pero mas matangkad at di hamak na mukhang mas mayaman ito. Six years ago na rin noong huling beses na nakita ni Selene si Gloria. Mula noong ipinakulong ito ng mga Lynn, ipinatapon ito sa liblib na lugar para api-apihin kaya nakalimutan niya na talaga kung anong itsura nito. Tinitigan niya ang babae at naguguluhang nagtanong “Sino ka?” “Tita ko siya!” Galit na sabat ni Marcus. Tita? Natigilan si Selene ng ilang segundo para mag isip bago siya tumawa, “Ahhh. Kung tita siya ng pinsan ko edi tita ko rin siya! Sigurado ako na mas matanda ka sa mommy ko, diba? Hello, Auntie. Ako po yung anak ng anak ng kapatid mo. Um… bakit ngayon ko lang nalaman na may isa pa palang anak si lolo?” “Mommy ko siya!” Sabat ni Sabrina. “Ah!” Kalmadong sagot ni Selene bago niya marealize n si Sabrina a
“Ayaw mong mamatay, pero gusto mong patayin ang anak ko?” Galit na tanong ni Gloria. “A… ka…kapag… hindi siya namatay… mabubuking ako.” Sa sobrang takot ni Selene, siya na mismo ang nag laglag sa sarili niya. “Ha! Haha!” Tinawanan ni Gloria ng malakas si Selene bago siya tumingin kay old Master Shaw. “Nakikita mo ba ‘to, Mr. Shaw? Yan ang magaling mong apo na ikaw mismo ang pumili. Anim na taon mong pinagtabuyan ang anak ko. Ginawa niya ang lahat para tanggapin mo siya pero anong ginawa mo? Hindi mo siya tinanggap! Mr. Shaw, hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?” Sobrang nagging emosyunal ni old Master Shaw at umiiyak siyang tumingin kay Gloria, “Gloria, anak ko. Ikaw yan diba?”“Anak mo yung Gloria na hinahanap mo diba?”"Gloria..."Ngumisi si Gloria at nagpatuloy, “Pasenysa ka na, Mr. Shaw, pero… hindi ako ang anak mo. Maniwala ka sakin.”“Pa…paano nangyari yun?”“Bago mamatay ang nanay ko, nagsinungaling siya sa asawa mo. Sinabi niya na ninakaw niya ang anak niyo, pero hind
Tumayo si Sabrina at inalalayan si Gloria, “Sige, Mommy.”Huminga ng malalim si Gloria bago niya tignan sina Lincoln, Jade at Selene na pare-parehong nakasalampak sa sahig, bago siya tumingin kay Sebastian.Agad naman itong sumagot, “Ano yun, Gloria?”“Hindi lang ako pinakulong ng asawa ko, pati anak ko ay friname up at ginamit niya. Sobrang dami niyang kademonyohan na ginawa at alam yan lahat ng asawa niya. Yang Selene na yan, siya ang totoong murderer sa insidente nine years ago. Kaya nga dapat makulong na yang tatlong yan para mapag bayaran nila ang lahat ng mga ginawa nila sa anak ko.”Tumungo si Sebastian. “Sige, Gloria.”“Tara na.” Sinenyasan ni Gloria sina Sebastian at Sabrina at dinaanan lang nila si Old Master Shaw na humahagulgol at ang pamilya ni Marcus Shaw. “Gloria… Kahit anong mangyari, anak pa rin kita. Dugo’t laman ko pa rin ang dumadaloy sayo. Kahit na totoo pang hindi ka anak ng asawa ko, anak pa rin kita.”Lumingon si Gloria. “Old Master Shaw, talaga? Kung
Pumikit si Gloria. Kahit 50 years na ang nakakalipas, pakiramdam niya ay kahapon lang nangyari ang lahat. Nasa 30s palang si Old Master noong panahong yun, kasagsagan ng kalakasan at katapangan nito, lalo na at sundalo ito noon. Magkababata si Old Master Shaw at ang asawa nito. Parehong mayaman din ang mga pamilya nito, kaya talagang nirerespeto ang mga ito ng lahat. Pagkatapos ikasal ng dalawa, nagkaroon ng isang anak ang mga ito. Sobrang saya pa ng mga ito noong una, pero bandang huli ay kinailangang lumayo ni Old Master Shaw para mag trabaho.Nadeploy ito sa Middle East habang kasagsagan ng gera. Doon nito nakilala ang isang teacher na nagtuturo ng mag piano at mag drawing. Galing sa Kidon City ang nasabing teacher at pumunta lang ito sa Middle East dahil sa magandang tanawin doon at bandang huli ay napag desisyunan nitona mag hanap na rin doon ng trabaho.Isang araw, napadaan si Old Master Shaw kung saan ito nagtatrabaho at narinig kung paano ito tumugtog ng piano. Sobrang nagali
Napatigil si Old Master Shaw nang narinig niya ang balita. Tapos, nandidiri niyang tiningnan si Goldie. "Noong na-frame ako at tinusig ng mga kasamahan kong sundalo, inisip ko kung may secret puppet master ka sa likod ng event."Medyo lumamlam ang tono niya. "Nandito ka ba para pagbayaran ako sa pagpapalaglag mo?"Agad napuno ng mga luha ang mata ni Goldie. "H...hindi.""Anong gusto mo kung gano'n?"Nanatiling tahimik si Goldie. "Mayroon akong asawa at sobrang mahal namin ang isa't isa! Kasal kami ng ilang taon, disiplinado ako palagi, hindi kailanman natulog sa ibang babae. Iyon kung bakit, gusto kong ipalaglag mo ang bata. Ako ang magbabayad sa lahat, kaya kong bayaran kahit ang ibang bayarin. Sabihin mo lang kung magkano!"Grabe ang paghikbo ni Goldie kaya hirap siyang magsalita. "May sakit ako!"Umismid si Old Master Shaw. "May sakit ka?"Tumango si Goldie. "20 years na lang ang nalalabi sa buhay ko! Pero ayoko pang mamatay. HIndi pa ako nakakaakyat ng bundok o tumawid s
Hindi nakaimik si Goldie sa mga salita niya. Pagkatapos ng mahabang saglit, binabaan niya ang kanyang tono at nagmakaawa, "Pakiusap, nagmamakaawa ako sa'yo, bigyan mo ako ng titulo, at hayaan mong ipanganak ang anak natin. Tapos, makikipaghiwalay ako sa'yo agad para makabalik ka ulit sa asawa mo!""Baliw ka na!" walang pakialam si Old Master Shaw sa kahit anong sabihin niya. Sinagi niya ito at tinulak palayo. Sa hindi inaasahan, tatlong araw ang nagdaan, tapos na ang misyon niya at oras na ito para makauwi siya. Bago umalis, hindi na siya nag-abalang bisitahin si Goldie dahil hindi niya nakikita ang dahilan para bisitahin ito. Imposible para sa kanya na maging responsable sa dalawang babae. Ang taong mahal niya ay ang asawa niya sa bahay, siya at siya lang. Kahit na umuwi siya at aminin ang kasalanan niya sa asawa niya, hindi siya papatawarin nito base sa kapalit nito. Mula sa pagkabata niya hanggang sa naging matanda siya, lagi niyang inaako ang responsibilidad sa mga nagawa ni
Pagkatapos ng ilang saglit, sabi ni Goldie kay Old Master Shaw at sa kanyang asawa, "Ngayon na lumaki na ang bagay sa ganito, wala na akong mapuntahan. Nagmamakaawa ako, pakasalan mo ako. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako, wala akong gusto na kahit ano, gusto ko lang mabuhay."Pinanghawakan niya ang sarili niya na parang mababang katulong. Pinalubutan sila ng mga tao. Nahirapan si Old Master Shaw. Sa wakas, dahil sa pressure, hiniwalayan niya ang kanyang asawa, tapos ay pumirma ng marriage certificate kasama si Goldie. Pagkatapos makuha ni Goldie ang Certificate of Permitted Birth, nagmadali siyang hiwalayan ito at pinakasalan muli ang una niyang asawa. Simula 'non, tumira si Goldie sa bahay malapit sa mansyon ng Shaw Family sa South City. Nangako siyang babayaran niya ang living expenses nito kada buwan. Maliit lang ang halaga pero hindi sapat para mabuhay siya. Kumikita siya para mabuhay, nagtuturo ng piano at ilang drawing lesson. Siguro dahilan ito ng desperadang kagustuha
"Para naman sa bata, babayaran ko ang pang araw-araw na gastusin niya kada buwan! At bilang nanay niya, kailangan mong akuin ang responsibilidad at palakihin siya. Kung ano man ang mangyari sa bata paglaki niya, mabuti man o masama, wala na akong kinalaman dyan!"Pagkatapos nun, nagtapon si Old Master Shaw ng ilang pera sa sahig at umalis na. Si Gloria ay naiwang nag-iisa, tahimik na humihikbi. Ginusto niyang makilala ng anak niya ang sarili nitong tatay. Desperado niya itong hiniling. Pero, hindi niya ito magawa. Ang tatay niya ay abot-kamay na niya, pero si Gloria ay nag-isang taong gulang at wala pa rin siyang ideya kung sino ang tatay niya.Minsan, nung dinala ni Goldie ang isang taong gulang na si Gloria sa parke para maglaro, habang ang bata ay nagsisimula pa lang magsalita, narinig niya ang pagtawag ng ibang bata, " 'Daddy, daddy', ang munting isang taong gulang na bata ay ginagaya ang mga ito, dumadaldal ng ilang mga salita nang may laway na tumutulo sa panga niya, "Ah...Dad,