Pagkatapos ng ilang saglit, sabi ni Goldie kay Old Master Shaw at sa kanyang asawa, "Ngayon na lumaki na ang bagay sa ganito, wala na akong mapuntahan. Nagmamakaawa ako, pakasalan mo ako. Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako, wala akong gusto na kahit ano, gusto ko lang mabuhay."Pinanghawakan niya ang sarili niya na parang mababang katulong. Pinalubutan sila ng mga tao. Nahirapan si Old Master Shaw. Sa wakas, dahil sa pressure, hiniwalayan niya ang kanyang asawa, tapos ay pumirma ng marriage certificate kasama si Goldie. Pagkatapos makuha ni Goldie ang Certificate of Permitted Birth, nagmadali siyang hiwalayan ito at pinakasalan muli ang una niyang asawa. Simula 'non, tumira si Goldie sa bahay malapit sa mansyon ng Shaw Family sa South City. Nangako siyang babayaran niya ang living expenses nito kada buwan. Maliit lang ang halaga pero hindi sapat para mabuhay siya. Kumikita siya para mabuhay, nagtuturo ng piano at ilang drawing lesson. Siguro dahilan ito ng desperadang kagustuha
"Para naman sa bata, babayaran ko ang pang araw-araw na gastusin niya kada buwan! At bilang nanay niya, kailangan mong akuin ang responsibilidad at palakihin siya. Kung ano man ang mangyari sa bata paglaki niya, mabuti man o masama, wala na akong kinalaman dyan!"Pagkatapos nun, nagtapon si Old Master Shaw ng ilang pera sa sahig at umalis na. Si Gloria ay naiwang nag-iisa, tahimik na humihikbi. Ginusto niyang makilala ng anak niya ang sarili nitong tatay. Desperado niya itong hiniling. Pero, hindi niya ito magawa. Ang tatay niya ay abot-kamay na niya, pero si Gloria ay nag-isang taong gulang at wala pa rin siyang ideya kung sino ang tatay niya.Minsan, nung dinala ni Goldie ang isang taong gulang na si Gloria sa parke para maglaro, habang ang bata ay nagsisimula pa lang magsalita, narinig niya ang pagtawag ng ibang bata, " 'Daddy, daddy', ang munting isang taong gulang na bata ay ginagaya ang mga ito, dumadaldal ng ilang mga salita nang may laway na tumutulo sa panga niya, "Ah...Dad,
Nung hapon na yun ang unang beses na nakilala ng tatlo at kalahating taong gulang na munting bata ang tatay niya.Umalis si Old Master Shaw ay umalis ng bahay kasama ang asawa niya. Siya ay nakasuot ng isang suit, at ang asawa niya ay nakasuot ng isang magandang bestida. Ang mag-asawa ay nakabihis nang maganda, mukhang sopistikado at elegante.Nasa tabi nila ang isang batang lalaki, na nasa mga pito or walong taong gulang. Ang mga tambay na nanonood ay sobrang nainggit sa pamilya ng tatlo "Tingnan mo, Gloria. Siya ang daddy mo," sabi ni Goldie sa anak niya."Si Daddy ay sobrang gwapo," sabi ng munting bata."Oo, ang tatay mo ay gwapo at makapangyarihan. Siya ay mabuting tao, tama at matuwid. Kapag lumaki ka na, kailangan mong maging mabuting anak sa tatay mo dahil binigyan ka niya ng buhay, naintindihan mo ba?" Pinangaralan ni Goldie ang anak niya.Kahit na ang anak niya ay galing sa isang pamilya na isa lang ang magulang, kahit kailan hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa anak
"Mommy, gusto ko po munang tumugtog ng piano saglit."Ang tatlo at kalahating taong gulang na munting bata ay hindi naman alam kung paano magbasa ng piyesa o tumugtog ng piano. Pero, kadalasan para ilabas ang ngiti sa anak niya, hahawakan niya ito at uupo sa harap ng piano, tinuturuan niya ito ng fingering techniques.Sa tuwing tinuturuan niya ang bata, sinasabi niya sa kanya, "Ang musika ay kayang linisin ang kaluluwa ng isang tao; kaya rin nitong pasayahin ang taong yun."Siguro dinibdib talaga ng bata ang mga sinabi niya pero, sa loob niya, basta kaya niyang tumugtog ng piano nang maayos, magiging masaya na ang tatay niya. Kapag sumaya ang tatay niya, siguro baka magustuhan niya na si Gloria?Nung gabing yun, ang tatlo at kalahating taong gulang ay tumugtog ng piano sa loob ng dalawang oras, mukha siyang mahinahong munting pianista. Kahit na siya ay sobrang bata pa, natutunan niya ito agad.Sa loob ng anim na buwan, ang apat na taong si Gloria ay kaya nang tumugtog ng isang buo
Ang ekspresyon ni Old Master Shaw ay napuno ng hindi maipintang itsura na parang gusto nitong pumatay.Nakikita niya ito. Kahit papaano, ang itsura ng bata ay sobrang kapareho ng kanya. Siya ay kamukha niya talaga nung bata pa siya. Sa kabutihang palad, wala pang nakakakita sa kanya nung bata pa siya sa kasalukuyan. Kung hindi, agad nilang malalaman ang katotohanan: na ang munting batang ito ay anak niya.Ang sama ng loob na nakasulat sa mukha niya ay halata.Nakikita rin ito ng guro. Hinila niya nang malakas si Gloria. Kung wala lang si Old Master Shaw, gusto niya na sanang sampalin ang bata dahil sinuway siya nito at ipinahamak pa siya.Nung oras na yun, napagdesisyunan na ni Old Master Shaw na, kapag naglakas loob ang munting batang ito na tawagin siyang tatay, agad niya silang ipapadala ng nanay niya sa malayo at liblib na lugar para hindi na sila makabalik sa South City kahit kailan.Pero, kahit na binitawan na ng guro si Gloria, hindi siya tinawag na tatay ni Gloria. Tumingi
Kung hindi, ipapadala niya sila pareho sa pinakamalayong probinsya.Paano naman niya ito hahayaang mangyari?Si Goldie ay nabahala. Sa malayong bayan sa probinsya, hindi lang edukasyon ng anak niya ang magkakaroon ng sagabal, ang sakit niya ay hindi rin magagamot.Agad naman niyang ipinangako kay Old Master Shaw na, simula bukas, ipapasok niya na si Gloria sa ibang eskwelahan.At ganun na lang, nung si munting Gloria ay puno ng pag-asa na makikita niya muli ang tatay niya sa malapit na hinaharap, siya nilipat naman sa ibang eskwelahan.Pagkaraan ng mahabang panahon, hindi niya na nakita ang tatay niya.Nakita niya na marami sa tatay ng mga kaklase niya ay pumupunta para sunduin sila paminsan minsan, naglalakad sa paligid at sumasakay sa balikat ng mga tatay nila.Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito kahit kailan.Siya ay sobrang naiinggit sa kanila.Pero hanggang doon lang ang hangganan ng emosyon niya. Kahit na naiinggit siya sa kanila, hindi siya nagreklamo.
Si Gloria ay pumayag na dumalo sa kaarawan ng bago niyang kaklase dahil para bang ang pangalan nito, na Jennie Gibson, ay pamilyar sa kanya...... Na para bang narinig niya na ito kung saan dati. Pero ang labindalawang taong gulang na bata ay hindi maalala nang eksakto kung saan niya ito nakita dati. Nakaramdam lang siya ng pagpapalagayang-loob sa babaeng yun.Nung oras na nakauwi siya ng bahay, sinabi niya pa sa nanay niya, "Ma, may isa akong kaklase na inimbitahan ako sa kaarawan niya. Mommy, gusto ko pong maghanda ng regalo para sa kanya."Si Goldie ay natuwa rin nang marinig niya ito. Wala na siya masyadong oras na natitira. Kaya niya nalang mabuhay hanggang sa maglabinlawa ang anak niya dahil sa sari-sari niyang gamot na nagkakahalaga ng higit sa sampung libong dolyar kada buwan, pinapanatili nito ang maayos na tibok ng puso niya. Binibilang niya ang kanyang mga araw habang lumilipas ang mga ito. Umaasa siya na mabuhay pa para makita ang anak niyang magtapos ng high school.An
Dahil hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa puso niya, katulad naman, hindi rin siya nagkaroon ng mababang tingin sa sarili niya.Yun ang dahilan kung bakit kaya niyang sabihin nang tapat kay Jennie na wala siyang tatay. Si Jennie ay napaka maunawain naman sa sitwasyon ng kaibigan niya. Nung oras na yun, ang dalawang babae ay naging sobrang lapit na halos pwede na silang magsuot ng parehong pares ng pantalon!Mapagbigay na sinabi ni Jennie, "Okay lang yan, Gloria. Kahit na wala kang tatay na magmamahal sayo, sobra akong mahal ng tatay ko. Hindi lang ang tatay ko ang nagmamahal sa akin, ang tito at tita ko ay mahal na mahal din ako. Nagkataon naman, wala silang anak. Mamaya, kakausapin ko ang tito ko at sasabihin ko na kunin ka niya bilang inaanak. Siya ay sobrang bait na tao."At doon, lumiko na sila sa isang kanto. Nung oras na yun, nakita ni Gloria ang malawak na Shaw residence.Ang Shaw residence! Ang pagkakataon nga naman!Ang puso ni Gloria ay para bang nahulog sa ibabang pa