Nang marinig ang ganung tono galing kay Sebastian, ang mag-ina, na nag-uusap pa rin at nagtatawanan ngayon lang, ay biglang natigilan. Lalo na ang munting bata, si Aino. Wala siyang kamalay-malay na humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara. Ang ekspresyon niya ay para bang may isang tao na namang gumugulo sa nanay niya, walang awa niya talagang gugulpihin ang taong yun!Tanong ni Sabrina, "Sebastian, sinong tumawag?"Tumuro si Sebastian kay Aino tapos ay binulong ang salitang "Lolo" kay Sabrina. Si Sabrina ay nakaramdam ng kaba. Kung ang hula niya ay tama, si Sean ang kasabwat na nakuha ni Old Master Shaw! Tumingin siya kay Sebastian at umasa na makarinig siya ng kahit ano galing sa earpiece. Sa kabilang linya, sabi ni Sean, "Kahit na hindi ako ganun kagaling, ako pa rin ang tatay mo! Hindi mo na nga ako tinatawag na Dad ngayon. Sebastian, pwede ko bang sabihin na pagkatapos mong pakasalan si Sabrina, mas lalo kang naging hindi makatao? Tama nga ang Lolo Shaw mo. Siya ay isang man
Walang nasabi si Sabrina. Ang mga salita niya ay medyo masakit, pero hindi niya inasahan na may dugong biglang lalabas mula sa bibig ni Sean. Tumingin siya kay Sebastian at nagpapanic ito. Si Sebastian ay nakatuwad na para alalayan si Sean."Dad...," tawag ni Sebastian.Si Rose ay humahagulgol. "Mahal, anong nangyayari sayo? Mahal, gumising ka!"Walang sagot si Sean. Agad na tinawagan ni Sebastian ang numero ng emergency. Matapos na sabihin ang address, inutos niya, "Pumunta kayo dito sa loob ng sampung minuto."Ang ambulansya at ang doktor ay dumating sa loob lang ng walong minuto, at nagmamadali nilang binuhat si Sean papasok ng ambulansya. Si Sabrina, Aino at pati na rin si Sebastian ay sumunod.Hinawakan ni Sabrina ang braso ni Sebastian at sinabi, "Sebastian, Pa-pasensya na."Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. "Tama naman ang sinabi mo. Ang dahilan kung bakit malaki ang utang na loob natin kay Old Master Shaw, nung una palang, ay dahil lahat sa mga pagkakamaling nagawa n
Tumawa siya nang bahagya at sinabi kay Sabrina, "Madam, naaalala mo pa ba na binigyan mo ako ng isang maliit na pampainit ng kamay nung nakalipas na anim na taon?"Nagtatakang tinanong ni Sabrina, "Bakit mo naman ito biglang naisip? Isa lang namang pampainit ng kamay yun, hindi na yun mahalaga para banggitin pa."Umiling si Kingston. "Hindi po! Madam, ang pampainit ng kamay na binigay niyo sa akin ay nagpainit ng puso ko habang buhay. Samakatuwid, Madam, wag na po kayong mag-alala. Kung susubukan ni Old Master Shaw ang lahat ng paraan para iligtas mo ulit si Selene, ako, Kingston Yates, ay hindi magpapakita ng awa sa kanya!"Walang nasabi si Sabrina. Matapos ang ilang sandali, sinabi niya, "Salamat, Kingston.""Madam, pumasok na po kayo sa kotse. Ihahatid na po muna natin ang munting prinsesa sa eskwelahan," sabi ni Kingston."Sige."Matapos na ihatid si Aino sa eskwelahan, tumawag si Sabrina kay Sebastian. "Sebastian, si Dad...kamusta siya?"Sa kabilang linya, sinabi ni Sebasti
Si Sabrina ay nag-aalangang tumango. "May...may ginawa ba akong mali?"Siya ay agad na napuno ng pakiramdam na para bang may masamang bagay na mangyayari. Nung nakalipas na siyam na taon, ito ang eksaktong paraan kung paano siya nakuha nang biglaan nung siya ay nasa pangalawang taon niya sa kolehiyo."Ito pa rin ay tungkol sa kaso nung nakalipas na siyam na taon. Ang pamilya ng biktima ay nahanap ka at gusto nilang sampahan ka ulit ng kaso."Si Sabrina ay nanatiling tahimik."Siya yun! Siya yun! Diyos ko naman, natagalan kami masyado ng anak ko para mahuli ka! Ikaw mang-aagaw ng lalaki, ginawa mo kaming mali at ngayon gusto mong ibaling ang sisi?" Sinigawan siya ng isang babae na nasa kalagitnaan ang edad.Si Sabrina ay natigilan, nang makilala niya ang babae. Ito ang parehong babae na humawak sa pintuan niya para tingnan pa siya ng isang beses bago umalis."Bakit ikaw...!" Nung oras na yun, siya ay sobrang galit na nahirapan siyang ilabas ang mga salita."Nung nakalipas na siya
Kung ito ay ibang oras, ang biyenan niya ay hindi siguro pupunta, at hindi rin siya maglalakas-loob na atakihin ang anak niya. Pero ngayon, si Sean ay naging matapang simula nung nagpakita siya at si Sabrina ay nalito kung ano ba ang nangyayari sa biyenan niya. Pero, kung ano man ang gumulo sa kanya ay malinaw na ngayon. Bumalik siya sa eksena kung saan sumuka ng dugo ang biyenan niya bago mahimatay nung umagang yun, posible kaya na pinepeke niya rin ito? Ang gusto nilang gawin ay tabuyin si Sebastian. Sa wakas naintindihan niya na, ito ay isang panlilibang, tulad na lang kung paano aakitin ng isang tao ang tigre palayo ng bundok.Hindi niya mapigilan ang luha niya. Ano ba ang ginawa niyang mali, para hanapin siya nang walang katapusan at pagbayarin siya nang paulit-ulit! Noon pa man ay isa na siyang anak na magaling sa pag-aaral habang nananatiling mapagkumbaba. Ang tatay niya ay namatay sa sakit, ang nanay niya ay ikinulong at ngayon ay nawawala, habang siya naman ay nilinlang at ip
Humalakhak ang old Master. Kalmado ang tono niya kahit kontrolado niya ang lahat, na siyang paraan niya rin ng pagpapakita ng pag-aalipusta kay Sabrina. "Nagtagumpay na sana ako kung wala lang ako sa'yo. Kung saang mayroong usok, mayroong apoy. Kailangang mayroon kang kahinaan sa trabahong ito."Tumingin siya kay Lincoln at nagtanong, "Ikaw ang... tatay ko, hindi ba? Biogically speaking?""Wala akong anak na sakim katulad mo," malupit niyang sagot. "Lahat ng ito, para lang isalba ang pinakamamahal mong anak na nakaratay sa ospital?" bulong niya. "Hindi ba dapat ikaw ang nagsasalba sa kanya?" sigaw ni Lincoln, "Parehas kayo ng dugong nananalaytay sa mga ugat niyo, pero plano mong panoorin siyang mamatay! Paano ako naging ama sa isang walang pusong halimaw na katulad mo?""Walang pusong halimaw!" bulong ni Sabrina sa kanyang sarili. Inangat niya ang kanyang ulo para titigan ang kalangitan sa taas, sinusubukang pabalikin ang mga luha niya. Tumingin siya pabalik kay old Master Shaw
"Pumapayag ako! Nang walang bayad o kondisyon!" napagpasyahan niyang sagot. "Sayang, huli na ang lahat!" 'Tila hindi makahinga si Sabrina sa kalupitan sa mga salita ng old Master Shaw. Mas lalong naging malamig at malupit ang kanyang tono habang nagpapatuloy, "Bakit naman ako papayag sa isang kidney mo, kung pwede namang kuhain ko pareho?"Lumunok siya. "Wala na po bang silid para sa negosasyon?""Pasensya ka na, pero wala sa lugar mo ang makipag-negosasyon sa akin!"Nginuya ni Sabrina ang kanyang mga labi habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha sa kabila ng pagpigil sa kanila. Malakas ang pagkakagat niya na halos dumugo na ito. Muli, tinulak siya sa dulo ng pagkasira sa isipan sa malupit na paraan ng old Master Shaw at sumigaw, "sige kung ganoon! Patayin mo ako! Lincoln Lynn, ako, si Sabrina Scott, ay nangangakong hahanapin ka kahit sa kamatayan ko! Minsan ka nang naging tatay sa akin, hindi ako humiling na isilang sa mundong 'to, bakit kailangan mo akong tratuhin at ang a
Ang sigaw ang nagpatigil sa lahat ng nasa eksena, nagpa-paatras sa bawat tao kung gaano kapaos at kagaspang ang tunog na umalingawngaw mula sa mga tao. Tunog ito na parang mula sa halimaw na handang makipaglaban para sa buhay nito. Kasunod ng boses, nahanap ng taong ito ang daan palabas mula sa mga tao. Halos hindi tao ang pigura. Walang kahit na anong anyo na tao siya o multo. Sira sira ang damit na suot niya at natintahan sa punto na wala nang makakapagsabi sa orihinal na kulay nito. Puno ng patches ang damit, kaunting walang puwang sa tela na hindi nagalaw. Hawak ng taong ito ang isang mahaba, makapal na kahoy patpat at tumayo sa harap ni Sabrina. Dahil sa kalapitan, nakikita ni Sabrina ang lahat sa taong ito. Gusot ang buhok niya sa maliliit na buhol ng dumi at lupa, tinatakpan ang mukha niya at pinapakita lang ang dalawang hazy na mga mata niya, na siyang nakatitig kay old Master Shaw. "Shaw, kapag sinubukan mong hawakan ang buhok ng anak ko, pagpipiraso-pirasuhin ko yang apo mo
"Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni
Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at
Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si
Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon
Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito
”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas
Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak
Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu