Walang nasabi si Sabrina. Ang mga salita niya ay medyo masakit, pero hindi niya inasahan na may dugong biglang lalabas mula sa bibig ni Sean. Tumingin siya kay Sebastian at nagpapanic ito. Si Sebastian ay nakatuwad na para alalayan si Sean."Dad...," tawag ni Sebastian.Si Rose ay humahagulgol. "Mahal, anong nangyayari sayo? Mahal, gumising ka!"Walang sagot si Sean. Agad na tinawagan ni Sebastian ang numero ng emergency. Matapos na sabihin ang address, inutos niya, "Pumunta kayo dito sa loob ng sampung minuto."Ang ambulansya at ang doktor ay dumating sa loob lang ng walong minuto, at nagmamadali nilang binuhat si Sean papasok ng ambulansya. Si Sabrina, Aino at pati na rin si Sebastian ay sumunod.Hinawakan ni Sabrina ang braso ni Sebastian at sinabi, "Sebastian, Pa-pasensya na."Hinawakan ni Sebastian ang kamay niya. "Tama naman ang sinabi mo. Ang dahilan kung bakit malaki ang utang na loob natin kay Old Master Shaw, nung una palang, ay dahil lahat sa mga pagkakamaling nagawa n
Tumawa siya nang bahagya at sinabi kay Sabrina, "Madam, naaalala mo pa ba na binigyan mo ako ng isang maliit na pampainit ng kamay nung nakalipas na anim na taon?"Nagtatakang tinanong ni Sabrina, "Bakit mo naman ito biglang naisip? Isa lang namang pampainit ng kamay yun, hindi na yun mahalaga para banggitin pa."Umiling si Kingston. "Hindi po! Madam, ang pampainit ng kamay na binigay niyo sa akin ay nagpainit ng puso ko habang buhay. Samakatuwid, Madam, wag na po kayong mag-alala. Kung susubukan ni Old Master Shaw ang lahat ng paraan para iligtas mo ulit si Selene, ako, Kingston Yates, ay hindi magpapakita ng awa sa kanya!"Walang nasabi si Sabrina. Matapos ang ilang sandali, sinabi niya, "Salamat, Kingston.""Madam, pumasok na po kayo sa kotse. Ihahatid na po muna natin ang munting prinsesa sa eskwelahan," sabi ni Kingston."Sige."Matapos na ihatid si Aino sa eskwelahan, tumawag si Sabrina kay Sebastian. "Sebastian, si Dad...kamusta siya?"Sa kabilang linya, sinabi ni Sebasti
Si Sabrina ay nag-aalangang tumango. "May...may ginawa ba akong mali?"Siya ay agad na napuno ng pakiramdam na para bang may masamang bagay na mangyayari. Nung nakalipas na siyam na taon, ito ang eksaktong paraan kung paano siya nakuha nang biglaan nung siya ay nasa pangalawang taon niya sa kolehiyo."Ito pa rin ay tungkol sa kaso nung nakalipas na siyam na taon. Ang pamilya ng biktima ay nahanap ka at gusto nilang sampahan ka ulit ng kaso."Si Sabrina ay nanatiling tahimik."Siya yun! Siya yun! Diyos ko naman, natagalan kami masyado ng anak ko para mahuli ka! Ikaw mang-aagaw ng lalaki, ginawa mo kaming mali at ngayon gusto mong ibaling ang sisi?" Sinigawan siya ng isang babae na nasa kalagitnaan ang edad.Si Sabrina ay natigilan, nang makilala niya ang babae. Ito ang parehong babae na humawak sa pintuan niya para tingnan pa siya ng isang beses bago umalis."Bakit ikaw...!" Nung oras na yun, siya ay sobrang galit na nahirapan siyang ilabas ang mga salita."Nung nakalipas na siya
Kung ito ay ibang oras, ang biyenan niya ay hindi siguro pupunta, at hindi rin siya maglalakas-loob na atakihin ang anak niya. Pero ngayon, si Sean ay naging matapang simula nung nagpakita siya at si Sabrina ay nalito kung ano ba ang nangyayari sa biyenan niya. Pero, kung ano man ang gumulo sa kanya ay malinaw na ngayon. Bumalik siya sa eksena kung saan sumuka ng dugo ang biyenan niya bago mahimatay nung umagang yun, posible kaya na pinepeke niya rin ito? Ang gusto nilang gawin ay tabuyin si Sebastian. Sa wakas naintindihan niya na, ito ay isang panlilibang, tulad na lang kung paano aakitin ng isang tao ang tigre palayo ng bundok.Hindi niya mapigilan ang luha niya. Ano ba ang ginawa niyang mali, para hanapin siya nang walang katapusan at pagbayarin siya nang paulit-ulit! Noon pa man ay isa na siyang anak na magaling sa pag-aaral habang nananatiling mapagkumbaba. Ang tatay niya ay namatay sa sakit, ang nanay niya ay ikinulong at ngayon ay nawawala, habang siya naman ay nilinlang at ip
Humalakhak ang old Master. Kalmado ang tono niya kahit kontrolado niya ang lahat, na siyang paraan niya rin ng pagpapakita ng pag-aalipusta kay Sabrina. "Nagtagumpay na sana ako kung wala lang ako sa'yo. Kung saang mayroong usok, mayroong apoy. Kailangang mayroon kang kahinaan sa trabahong ito."Tumingin siya kay Lincoln at nagtanong, "Ikaw ang... tatay ko, hindi ba? Biogically speaking?""Wala akong anak na sakim katulad mo," malupit niyang sagot. "Lahat ng ito, para lang isalba ang pinakamamahal mong anak na nakaratay sa ospital?" bulong niya. "Hindi ba dapat ikaw ang nagsasalba sa kanya?" sigaw ni Lincoln, "Parehas kayo ng dugong nananalaytay sa mga ugat niyo, pero plano mong panoorin siyang mamatay! Paano ako naging ama sa isang walang pusong halimaw na katulad mo?""Walang pusong halimaw!" bulong ni Sabrina sa kanyang sarili. Inangat niya ang kanyang ulo para titigan ang kalangitan sa taas, sinusubukang pabalikin ang mga luha niya. Tumingin siya pabalik kay old Master Shaw
"Pumapayag ako! Nang walang bayad o kondisyon!" napagpasyahan niyang sagot. "Sayang, huli na ang lahat!" 'Tila hindi makahinga si Sabrina sa kalupitan sa mga salita ng old Master Shaw. Mas lalong naging malamig at malupit ang kanyang tono habang nagpapatuloy, "Bakit naman ako papayag sa isang kidney mo, kung pwede namang kuhain ko pareho?"Lumunok siya. "Wala na po bang silid para sa negosasyon?""Pasensya ka na, pero wala sa lugar mo ang makipag-negosasyon sa akin!"Nginuya ni Sabrina ang kanyang mga labi habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha sa kabila ng pagpigil sa kanila. Malakas ang pagkakagat niya na halos dumugo na ito. Muli, tinulak siya sa dulo ng pagkasira sa isipan sa malupit na paraan ng old Master Shaw at sumigaw, "sige kung ganoon! Patayin mo ako! Lincoln Lynn, ako, si Sabrina Scott, ay nangangakong hahanapin ka kahit sa kamatayan ko! Minsan ka nang naging tatay sa akin, hindi ako humiling na isilang sa mundong 'to, bakit kailangan mo akong tratuhin at ang a
Ang sigaw ang nagpatigil sa lahat ng nasa eksena, nagpa-paatras sa bawat tao kung gaano kapaos at kagaspang ang tunog na umalingawngaw mula sa mga tao. Tunog ito na parang mula sa halimaw na handang makipaglaban para sa buhay nito. Kasunod ng boses, nahanap ng taong ito ang daan palabas mula sa mga tao. Halos hindi tao ang pigura. Walang kahit na anong anyo na tao siya o multo. Sira sira ang damit na suot niya at natintahan sa punto na wala nang makakapagsabi sa orihinal na kulay nito. Puno ng patches ang damit, kaunting walang puwang sa tela na hindi nagalaw. Hawak ng taong ito ang isang mahaba, makapal na kahoy patpat at tumayo sa harap ni Sabrina. Dahil sa kalapitan, nakikita ni Sabrina ang lahat sa taong ito. Gusot ang buhok niya sa maliliit na buhol ng dumi at lupa, tinatakpan ang mukha niya at pinapakita lang ang dalawang hazy na mga mata niya, na siyang nakatitig kay old Master Shaw. "Shaw, kapag sinubukan mong hawakan ang buhok ng anak ko, pagpipiraso-pirasuhin ko yang apo mo
"Hindi ko alam kung kaninong anak ang nasa tiyan ko. Nakalabas na ako sa wakas sa bilangguan, pero wala akong pera at walang lugar na pupuntahan. Bumalik ako sa Lynn Family para maghanap ng hustisya. Hinarap ko si Lincoln Lynn tulad ng kung bakit siya nagsinungaling sa akin at hindi sinagip ang buhay mo. Sinabi niya sa akin na sinubukan niya pero hindi mo na nakayanan, at sinabi niya sa akin na nilibing ka niya doon sa bayan natin. Gusto kong bumalik pero wala akong pera. May hindi pa akong pinapanganak na bata at hindi ako makabalik.""Patawarin mo ako, Mommy, patawarin mo ako. Hindi ko alam na buhay ka pala sa buong oras na 'to. Akala ko patay ka na, akala ko nilibing ka ng tatay ko. Desperado akong kumita ng ilang pera, sakto lang para makabalik ako sa bayan natin, pero kalaunan ay pinaghahanap ako ng mga Lynn. Nagtago ako ng anim na taon doon, pero kahit saan ako tumakbo, palagi akong nahahanap nina Lincoln at Jade. Wala akong magawa kundi itago ang pagkakakilanlan ko at lumipat n