Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Nakahiga ngayon si Gerry sa higaan at nag-aalalang nakatingin ngayon si Mike sa kanya habang ginagamot siya ni Justine at nasa gilid naman si Jane na nag-aalalang nakatingin kay Gerry. "Hindi ko talaga malalaman na si Madame ay si Girlie." Napatingin naman sila kay Justine. Sinabi nila kay Justine at Jane ang katotohanan sa pagkatao ni Girlie na ito ay si Gerry. Gulat na gulat si Justine habang si Jane naman ay acting na lang na nagulat. "Ano po bang nangyari kay, madame, master?" agad na tanong ni Jane. Hindi kasi siya mapakali nung makita na walang malay si Gerry nung dumating sila kanina. Napatingin naman si Mike kay Jane. Naalala niya na ito pala ang inatasan niya na maging personal maid ni Gerry. "Nadamay siya sa pagsugod ng mga kalaban sa akin at nasugatan siya ng kutsilyo na may lason." Nanlaki naman ang mga mata ni Jane dahil sa sinabi nito. Napakamao na lang ito dahil kasalanan ni Mike ang nangyari kay Gerry. Dumating naman si Rafayel at
3rd Person's Point of View* Habang wala si Mike sa mansion ay agad namang naghanda ang mga kalaban na nakapasok sa mansion. Mga malalakas ang pinadala nila ngayon sa mansion at kahit sino ay walang makakatalo sa mga ito kahit na mga bodyguards ni Mike. Nalaman naman nila ang nangyari sa mga kasamahan nila na pinadala sa island na kahit isa ay walang nakabalik kaya heto sila ngayon ay plano nilang patayin ang lahat ng nandidito at alam nila na wala ngayon si Mike sa mansion. "Kayo pasok kayo sa loob." Tumango naman ang iba at agad namang pumasok sila sa mga bintana at tahimik na ang boung mansion dahil natutulog na ang lahat at 11:30pm na ng gabi. Pinag-aralan na kasi nila ang lahat kung kailan sila matutulog at gigising at inalam na din nila kung saan ito natutulog at ilan ang nandidito ngayon sa mansion. Hindi sila pwedeng sumugod na hindi nakaplano lahat at papatayin nila lahat kahit mga inosenteng nandidito. Napangiti din sila dahil nandidito ngayon ang Asawa ni Mike na is
3rd Person's Point of View* Sa garden ay isang malakas na putok ang nangyari pero hindi iyon tumama kay Justine kundi sa likod lang niya na at nanlalaki ang mga mata ng kalabang nagtutok ng baril sa kanya. At ang kamay niya ngayon ay nasa damuhan na. Dahil pinutol niya gamit ang malalaking gunting na hawak niya na kinaresulta na pagkaputol ng kamay niya. "Ohh... Nakakatakot yun," inosenteng pagkakasabi ni Justine sa lalaki at naging alerto naman ang iba. "H-Hindi ko nakita ang bagay na yun. Paano niya nagawa yun!" "Damn it! Patayin ang lalaking iyan!" sigaw nung naputulan ng kamay. Agad namang tinutukan ng baril si Justine ng apat na lalaki. At wala namang takot si Justine na nakatingin sa kanila at bigla siyang napangiti na kinalaki ng mga mata nila at inihanda ni Justine ang hawak niyang panggunting ng halaman. "Isa lang ang masasabi ko sa inyong lahat. Welcome to the mansion of monster." Napakunot naman ang noo nila nung narinig nila ang sinabi nito. Agad umatake si Just
3rd Person's Point of View* Sa library naman ay napatingin si Kenzo sa mga taong pumasok sa lugar niya at hawak-hawak niya ang ballpen na hawak niya at dahan-dahan din niyang tinanggal ang reading glasses niya bago tumingin sa iba. "Reading is the quiet preparation but survival is the test of that knowledge." Kalma ang boses niya at dahan-dahan siyang tumayo at nakikita niya ngayon ang anim na taong nandidito sa harapan niya. "Master said that I am the one who will protect the library, and I will do that because I was the one he entrusted with the task. Whoever tries to destroy it will not be forgiven." Nagkatitigan naman sila at mahina na lang natawa dahil sa pinagsasabi ni Kenzo. Nang biglang tumunog ang radio nila na kinakunot ng noo nila. 'Umalis na kayo sa lugar ninyo dahil pugad ang lugar na ito ng mga halimaw! Mamamatay lang tayo dito!' sigaw nung nasa radyo at narinig niya ang putok ng mga baril na kinalaki ng mga mata nila. "Ano yun? Umatras ba ang mga buntot nila? Wea
3rd Person's Point of View* Nang matapos ni Mike ang lahat ng sasabihin niya sa mga mafia na dumalo dito ay dali-dali namang lumapit si Rafayel sa kanya na nakasout din ng mask para hindi makilala. "Bro, may nangyayari." Napakunot ang noo ni Mike nung napatingin siya kay Rafayel. "What happened?" "Mukhang plinanuhan ng kalaban na puntahan ang mansion mo para i-massacre ang lahat ng nandodoon." "What!" Napatahimik ang lahat sa sigaw niya na may halong galit. "Who the hell is the head of all of that?" Mahinang binulong ni Rafayel ang pangalan ng taong iyon at agad napunta ang tingin niya sa isang mafia boss. hindi naman makikita kung saan nakatingin ang mga mata niya dahil sa mask na sout niya. "Sila po ang nagpa-plano ng lahat ng ito simula noon at yun ang nakita ko nung nag-investigate ako." Napakamao naman siya. "Kill that person's entire family, and do not leave a single life in their mansion later," mahinang ani nito. "It will be done, Your Majesty." Yumuko naman si R
3rd Person's Point of View* Laking gulat ng lahat nang mapatingin sila sa kwarto kung nasaan ang madame nila nagpapahinga. Dahil doon nanggagaling ang malakas na sabog. "Madame!" di makapaniwalang ani ni Justine. At kakarating lang din ng sasakyan ni Mike at lumabas na sila sa sasakyan habang di pa din makapaniwala habang nakatingin doon. "Wife!" Nagmamadali silang nagsitakbuhan papasok ng mansion at agad namang nakita ni Manang ang sniper kaya agad na niya iyong pinatay agad. Yun na lang ang naiwang kalaban doon at agad ng umalis si Manang doon. "Kasama ni Jane doon si Gerry diba?!" "May kalaban ding umakyat doon at agad inatake din si Miss Jane," ani ni ate cooker. Namutla naman si Rafayel sa narinig at agad nagmamadali sila na baka maligtas pa nila sila Gerry at lalo na si Jane. "Wala bang nag-back up kay Jane nung may umatake sa kanila sa taas?" Napatahimik naman ang narinig dahil may mga kalaban din sila bago sumabog ang kwarto nila Mike. Nakita nila ang malaking bi
Geraldine's Point of View* Hindi ko alam parang magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Parang na-cleansing atah ang kaluluwa ko dahil sa pagtulog ko. Naramdaman ko na may papalapit sa amin pero hindi sa baba kundi sa taas kaya agad akong napatingin kay Jane. "Jane." Napatingin siya sa akin at agad tumango nung ma-gets niya ang mean ko at agad akong umupo sa gilid ng puno at nag-act na walang malay. At inanalayan naman niya ako sa gilid ko. "Jane!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Rafayel na maski siya ay nagulat. "Wife!" At yun pa ang isa at napangiti na lang ako. Hindi ko alam na dumating na pala sila? Pero nakapikit pa din ako. "H-Hala... Wag kang tumalon, Sir Rafayel!" Pero narinig ko na may tumalon pero di ko na pinansin dahil tulog mode ako ngayon. "Wife." Biglang may yumakap sa akin. Teka lang tumalon din ang isang ito! Dahan-dahan naman niya akong binuhat at naamoy ko agad ang scent ng Asawa ko. Dahan-dahan akong napamulat at nakikita ko ang mukha ni Mike na para
Geraldine's Point of View* Napatingin ako sa laptop ko dito sa opisina ni Mike at sa may sofa ay may kasamahan siya at dito sila nagme-meeting at nandidito lang ako sa lamesa ko. Nakatingin kasi ako sa isang news at di ako makapaniwala na makita ang isang balita na isang pamilya ng mga mafia ang naubos ng isang gabi at walang buhay ang iniwan sa mansion nila. Hala ka, kagaya sa amin pero wala namang namatay sa amin. Ayon sa balita ay nakatanggap sila ng red card galing sa Mafia emperor at matapos nun ay inubos sila pagka kinagabihan nun. Hindi pa din ako makapaniwala habang nakatingin sa balita. Napasandal ako sa upuan ko habang nakatingin doon. Naalala ko din na sinabi sa akin ni Ethan na nagpakita ang Mafia emperor nung gabing iyon pero sinabi ko naman na not feeling well ako nun dahil sa nangyari sa akin at naintindihan naman nila kaya si Zeke ang pinapunta nila doon para tumingin kung ano ang nangyayari doon. At nagpadala lang sila ng litrato sa Mafia emperor at kagaya nung
Geraldine's Point of View*Nakangiti ako habang nakatingin sa Asawa ko. Nandidito kasi kami ngayon sa sasakyan at hindi siya naka-make up ngayon. Ang disguise na sout niya ngayon ay isang cup at mask lang naman dahil ayoko din naman na naiinitan ang Asawa ko.Madali lang naman akong kausap eh."Wife, are you really sure na hindi ka galit sa akin?"Napakunot ulit ang noo ko. Paulit-ulit na lang niyang tinatanong ang bagay na yun."Hindi nga. Ikaw talaga ikaw lang ang nagbibigay problema sa sarili mo. Hold my hand para hindi ka na ma-mroblema."Hinawakan naman niya ang kamay ko at para naman siyang bata ngayon."Wife, kahit anong make up na gagawin mo mas lalo kang gumaganda. Kahit ano pa ang gawin mong disguise ay makikilala't makikilala talaga kita."Mahina naman akong natawa dahil totoo naman ang bagay na yun. "Nakilala mo nga agad ako eh. Sigurado may red string tayo.""Red.... String?""Uhmm... Invisible siya na pulang string na nag-connect sa ating dalawa. Ganun ba."Napangiti s
Geraldine's Point of View*Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at gagalaw sana ako pero naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likuran ko.At ramdam ko ang panghinga ni Mike sa leeg ko at dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya.At ngayong kaharap ko na siya ngayon. "Good morning, my emperor," mahinang ani ko sa kanya."Good morning, my empress."Nakikisakay pa siya sa trip ko. Pagod na pagod ang isang ito dahil boung gabi ay siya ang gumalaw. Gusto niya eh kahit pagod na pagod na ako.Tiningnan ko siya na nakapikit pa din. "Inaantok ka pa ba?""Hmm... 5 minutes more."Mahina naman akong natawa dahil sa sinabi niya."Not easy to get me. Marami ka pang pagdadaanan bago mo ako makuha."Napamulat naman siya nang marinig niya ang sinabi ko na inulit ko na sinabi niya kagabi."W-Wife... I'm awake already. Anong gusto mong breakfast natin, hmm?"Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. "Matulog ka na ulit diyan. Maliligo lang ako."Kumalas ako sa pa
Geraldine's Point of View* Nasa hideout na kami ngayon at kasama ko sina Jane at isang kanang kamay ni dad na si Bruno. Kilala niyo pa naman si Bruno yung kanang kamay ni dad na kakaiba kung humusga sa akin noon. Humingi na din siya ng tawad sa akin kaya okay na kami ngayon. Pinatawag namin ngayon si Bruno dahil sure kami na kilala niya ang lahat ng mga assassins na dumaan sa kanya. "Uncle Bruno, kayo na po ang bahala sa kanila. Kilala mo naman sila diba?" Napatingin naman ito sa kanila at nakikita naman ng mga nahuli namin na namutla sila nang makita si Bruno. "Yes, I know them. Takas silang lahat na mga assassins at ang iba naman ay mukhang traidor lalo na ang dalawang babaeng ito." Dahan-dahan naman akong tumango. "P-Patawad po, Milady! Hindi po namin alam na buhay po kayo!" Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. "Hindi iyon pwedeng palusot sa akin. Sa pagkuha niyo pa lang sa katauhan namin ay ibig sabihin nun ay gagawa na kayo ng hindi magandang bagay." Napay
Geraldine's Point of View* "Mafia Emperor, once mananalo ako dito.... you're mine." Nagulat naman ang mga taong nandodoon dahil sa kapalan ng mukha ko. Pero wala akong pakealam dahil akin naman talaga siya. Kumindat ako sa kanya at nakikita ko na iba ang nahulog sa charm ko. Yung mga tao na nasa baba at pati na din ang dalawang babae na nilandi ko kanina. Jusko, hindi ko alam na marami na pala akong nagayuma. Magdadala na lang siguro ako ng asin sa susunod para matauhan ang mga ito. "We will see that. Lalo na ang mga kalaban mo ay mga assassin." Napatingin naman ako sa mga nakalaban ko kanina. "Isali mo na din ang dalawang babae na nilandi mo kanina dahil ayoko na may kaagaw ako." Natigilan naman ako at pati na din ang mga taong nandidito dahil sa sinabi niya. Oh my! Nagseselos ang asawa ko! "Game." Wala namang nagawa ang dalawang babae at umakyat ang mga ito sa entablado at nakangiti ako sa kanila. "Goodluck sa inyong dalawa, darlings." Kumindat ako sa kanila. "Kung man
3rd Person's Point of View* Nakarating si Jane sa opisina ng Mafia Emperor at hindi pa siya makapasok dahil hinarangan siya ng mga gwardya na nandidito. "Miss, hindi pwedeng pumasok dito dahil opisina ito ng emperor." "Kilala ko siya at kailangan ko siyang makita." "Hindi pwede." "Seryoso?" naiiritang ani nito. Kinuha niya ang phone niya at agad niyang tinawagan si Rafayel sa cellphone nito. "Hello, bab---" "Lalabas ka ba dito sa labas ng opisina o pabagsakin ko ang mga gwardya dito? May unexpected na nangyari." "Eh! Wait lalabas ako, baby. Kalma ka lang, okay? Inosente sila, baby." "5 seconds lumabas ka na." "Eh?!" Agad na niyang binilangan at lumabas na agad si Rafayel sa pintuan at tumakbo siya papunta kay Jane. "Baby, I'm here na." "Gusto kong makita ang amo ko." "Eh? Tungkol ba yan kay Gerry?" "Yes." "Okay." Lumakad na sila papasok sa loob at agad nilang nakita si Mike na nakasout na ng damit ng emperor. Nagtataka naman silang napatingin kay Jane na hindi nito k
Geraldine's Point of View* Nakangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na naglalaban sa gitna ng gym at maraming mga tao ang naghihiyawan dahil mukhang kilalang kilala na silang dalawa dito. Nakikita ko na totoo talaga silang naglalabanan at may mga nagpupustahan pa sa kanila. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit nag-aaway ang dalawa?" Napatingin naman ako sa gilid ko na nagsalita. At naramdaman ko din ang matalim na bagay na nasa leeg ko. "What do you mean?" inosenteng tanong ko sa kanya at naramdaman ko na hindi lang siya nag-iisa dahil marami sila. Nakikita ko na mga assassins sila. So it means may mga assassins na traidor talaga sa pamilya namin. "Ehh.... hindi ko naman kagustuhan na magalit sila sa akin. Kagustuhan naman nila ang bagay na yan." Siningkitan ko siya ng tingin at nakita ko na napaatras naman siya ng isang beses. Napatingin naman sila nung biglang bumagsak ang dalawa at nahihirapan silang tumayo. "Hmm... siya ba talaga ang totoong heir ng assassin clan o i
3rd Person's Point of View* Naglalakad ang bartender papunta asa table kung nasaan nakaupo ang dalawang babae na nag-di-disguise bilang Nyx at Katana. Masaya pa din silang nag-iinuman ngayon kasama ang ibang mga lalaki. "Good evening po, here's your drink." Napakunot ang mga noo nila Nyx at Katana habang nakatingin sa inumin. "At kanino ang bagay na yan?" "Wow, napakamahal ng inuming yan. Mukhang may nagkakagusto sa inyo na mayaman, Lady Katana at Lady Nyx." "Ohh... Mayaman? Where?" Tinuro ng Bartender ang pwesto nila Gerry at ngumiti naman si Gerry sa kanila. Natigilan naman silang dalawa dahil ngayon lang sila nakakita ng magandang babae. Hindi nagpapakita si Jane dahil may inutos si Gerry sa kanya na importante. Maski ang mga lalaking kasama nila ay natigilan sa ganda ng babaeng nasa unahan. "I-Imbitahan mo siya dito, bartender." Nagulat naman ang bartender at agad tumango na lang sa sinabi nito. "Masusunod po." Umalis na ang bartender. "Mukhang pati ang magandang
Geraldine's Point of View* Naniningkit ang mga mata ko dahil hindi ko hahayaan na makuha iyon ng kahit sino lang! Nasa rules kasi ng syndicate law na walang magni-nickname ng parehas o aagaw ng nickname. Pero d*mn! May kumuha ng nickname namin! "Milady..." Napatingin ako kay Jane na nag-aalalang nakatingin sa akin kahit alam ko na galit na din yan. "Uhmm..." Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa encoder doon. "Hahanapin lang namin ang mga taong yun." "Wag po, delikado po sila dahil sila po ang sinasabi na tagapagmana sa assassin world at ang isa naman ay kanang kamay niya." "What the h*ck! Ginaya pa ng mga p*cha!" "Milady, kalma lang po." Napabuntong hininga pa rin ako at tumingin sa encoder. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito. "Just give us a minute." Pumasok kami sa loob at agad bumungad sa amin ang lugar kung saan may casino, inuman, labanan at iba pa. May mga nagsisigawan sa gilid na parang nag-che-cheering pa. May mga naglalabanan sa gitna
Geraldine's Point of View* Magkaiba kami ng sasakyan ngayon ni Mike. Nakasakay kasi siya sa sasakyan ng emperor. Basta malaki yun na sasakyan na pwede ka ng matulog sa loob. Gusto nga niya na doon ako pasakayin pero hindi pa din ako pumayag. Magkasama kami ni Jane dito sa isang sasakyan habang sila naman ni Rafayel ang magkasabay doon. "Okay lang ba na tayo ang magkasama imbes na si Rafayel ang kasama mo?" Napatingin naman si Jane sa akin at nanlalaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. "M-Milady, wag niyo pong iisipin na mas pinili ko po ang lalaking iyon kaysa inyo. Ikaw pa din ang pipiliin ko po!" Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. "Hindi yun ang mean ko. Ang ibig kong sabihin na ayos lang ba sayo na kasama mo muna ako ngayon sa sasakyan at doon muna si Rafayel kay Mike." "Walang problema po sa akin. In the first place ay milady ko po kayo at safety po ninyo ang inuuna ko." Napangiti na lang ako. "Ikaw talaga." Napangiti naman siya at nakikita ko s