Share

CHAPTER 02

last update Last Updated: 2021-11-29 20:14:01

Kanina pa kami naglalakad dito sa plaza nitong lalaking to, ilang beses na kaming nagkita pero hindi ko parin alam pangalan niya. Tanungin ko kaya? oh baka mas yumabang pa siya kung tatanungin ko pangalan niya. 

Baka isipin niya na interesado ako sa kanya, ang kapal naman ng mukha niya kung nagtanong lang ako sa pangalan niya may gusto na ako sa kanya.

Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa kanina pa, ang awkward tuloy ng pakiramdam. Hindi ba talaga siya magsasalita? napakatahimik niya naman.

"Say what you want to say" he said.

I was surprised by his sudden speech, i looked at him and saw that he was already staring at me. I have suddenly turned away because of the way he look at me. 

"May gusto lang sana akong itanong... wag ka sana mag isip ng kung ano ha?" I said and i saw that he seemed to be thinking of what will i ask him.

"Anong pangalan mo?" 

He smiled but that was only for a moment and his face was serious again.

"Tinatanong ko lang yung name mo ah wala nang iba pa" mabilis na tugon ko mahirap na ngumiti na siya iniisip na nito na interesado ako kahit hindi naman.

"Do you really want to know?"

"Ayos lang naman kung ayaw mong sabihin tar-" hinawakan niya ang braso ko nang akmang lalapagsan kona siya.

"Flynn"

He said in a low voice so i didn't hear it properly "fling?! pano mo naging pangalangan yan? su-"

"Flynn not fling" ulit niya na mukhang naiinis.

I smile sweetly to him and give him apologetic look. Ang hina naman kase ng boses kaya hindi ko narinig, siya may kasalanan kung bakit ko nasabi yun.

 "flynn? yun ang name mo?" hindi niya ako pinansin at nagpatuloy ulit sa paglalakad, grabe naman to kinakusap pa eh umaalis agad.

Ang tipid pang magsalita. Mauubusan ako ng laway sakanya kakasalita eh. Tapos siya isa o dalawang words lang sinasabi, but why did I care? pake ko.

Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Ang haba ng legs niya kaya ang bilis niyang maglakad at nakapamulsa pa ito, angas yan?

Pumantay lang ako sakanya nang maabutan ko siya kaya sabay na ang lakad naming dalawa. Tahimik lang kami at walang balak magsalita.

Maya maya pa huminto siya at tinignan ako ng sandali at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ano yun? Okay lang ba siya? Nasisiraan naba to ng ulo? Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niyang iyon at the same ay nagtataka.

"Tes yeux ont l'air si tristes" he said but I didn't understand, it was a different language. His voice was deep, it seems difficult to pronounce the language he spoke but that just seems so easy for him.

Diretso lang ang tingin niya nang sinabi niya iyon at walang kaemo emosyon, his face is so manly, his dark skin is so perfect to him and his lashes is beautiful. Sana ako din.

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo?" sabi ko na naguguluhan at nakatingin lang din ng diretso sa linalakaran.

"Nothing" he said.

Napanguso naman ako dun sa sinabi niya, hindi talaga ako sinasagot. Gusto ko lang naman malaman kung anong ibis sabihin nun. Para kaseng may meaning yung salitang i'yon.

"Ano nga? sabihin mo na, anong ibig sabihin nun?" sabi ko na parang close ko siya at pinipilit pang alamin yung sinabi niya.

Pero gusto kong malaman kung ano yun. Baka mamaya minumura na niya pala ako tapos hindi kopa alam diba? Tsaka pakiramdam ko parang may meaning ang word na yun.

Wala parin siyang reaksyon habang naglalakad. "Sige na, ano nga ibig sabihin nun? Derseve ko rin namang malaman kase sinabi mo yun sakin" napanguso ako.

Pero hindi pa rin siya sumasagot. Okay sabi ko nga mananahimik na ako dito. Para lang akong kumakusap ng hangin, walang sumasagot. Kaya nanahimik nalang din ako habang sinisipa sipa ang mga maliliit na bato na nadadaanan ko.

Ako lang mag isa sa bahay. Kahit sinasabihan ako ng hindi magagandang salita. Sinasaktan ng mga taong mahal ko namimiss ko sila. Pero meron ring parte sa puso at isip ko na masaya dahil walang mananakit sakin at wala akong maririnig na ikakadurog damdamin ko.

I don't know where it started. I just feel it. That... that.. they no longer love me.  I was always wrong in their eyes. Since then I've always been thinking of things that don't help me.

I always crying. Even though I'm just arraging my things, my tears just drip away. 

"Your eyes looks-"

"Azaria" hindi na natapos ni flynn ang sasabihin niya ng makita kona ang mga kaibigan ko sa playground. Nakarating na pala kami dito, medyo malayo kase ang playground kaysa plaza. Mas tahimik dito.

"Kanina pa kayo dito?" Tanong ko kay pia at tumango naman sila, narinig ko pang tumikhim sila belle. Kaya tinignan ko silang dalawa ng masama at sinasabing mali ang iniisip nila.

"Nakasalubong ko lang si flynn" sabi ko at tinignan ko siya, mukhang hindi niya napapansin ang mga tinginan ng mga kaibigan ko kase nakapamulsa lang siya at parang walang pake sa paligid.

At.. pinagpapasalamat ko iyon, baka isipin niyang may crush ako sa kanya kahit wala naman. Tsaka kahit kailan hindi naman mangyayari yun dahil hindi naman siya ang tipo ko. Jolly na lalaki ang gusto ko. Hindi masungit o tahimik at lalong lalo na ang hindi sumsagot sa tanong ko.

Inayos ko muna yung buhok kong hinahangin at inipon ito sa kanan kong balikat para hindi magulo bago ako nagsalita.

"Tara na saan tayo gagala?" Lumapit ako sa pwesto nila at naiwan nalang mag isa sa harapan namin ang lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumayo ako agad, yung mga mata ng mga kaibigan ko mukhang ang dami dami nang inaasar sakin.

Simple lang din ang mga suot nila naka pants kaming apat. Pinagkaiba lang namin silang tatlo naka croptop pero.

ako naka hoodie. May psa rin kase ang braso ko kaya kailangan kong takpan para hindi na sila mag alala pa o kaya'y magtanong.

"Gusto mo sumama sa amin?" Tanong ni pia kay flynn. Dahil kawawa naman siya kung iiwan namin siyang mag isa dito diba? Pero di naman totally kawawa grabe naman. Kaya naman niya siguro sarili niya.

"No, I just wait my friends here" sabi niya kaya tumango nalang kami at nagsimula na kaming maglakad.

Kanina daig pa nila ang sementeryo sa sobrang tahimik pero ngayon nagsisilabasan na ang mga gusto nilang sabihin kanina pa. Sabi ko na nga ba at alam ko nang uulanin ako sa asar nila.

"Ria ah? Bakit kayo magkasabay?" Saad ni belle na may halong kilig "yieee bakit?" Dagdag pa niya at sinusundot sundot pa ang tagiliran ko kaya napapailag ako.

"Nagkasalubong nga kami diba? Paulit ulit kayo" bakas sa boses ko ang inis at napairap ako sa kanila dahil inuulit lang nila yung tanong nila kanina. Nagkasalubong nga lang kami. Nagsasabi naman ako ng totoo tapos ayaw nilang maniwala.

"Okay sabihin nating nagkasalubong lang kayo pero may crush kaba sa kanya? yieee hindi kana lugi tanga ang gwapo kaya ni flynn tsaka matalino pa  sa ka pa diba?" sabi ni pia.

"Ang sakit niyo sa utak hindi ko yun crush" napairap nalang ako nang sinabi ko yun pero hindi parin sila natinag at nagtatanong na naman ulit.

"But you know what, may lahi si flynn he's half french and filipino syempre" that makes sense kaya pala nagsalita siya ng ibang language kanina. Hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi anong ibig sabihin nun.

Kung makakausap ko man siya ulit hindi kona tatanungin kung anong ibig sabihin ng salitang sinabi niya. baka wala naman talagang meaning iyon. Masyado lang talaga akong nagiisip ng kung ano ano.

"Punta kayo mamaya sa bahay" aniya ni livia kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya "dadating mamaya yung tita ko galing Singapore. Maghahanda kami tsaka birthday rin ng kapatid ko" nakangiting sabi niya habang inaayos ang nagugulong buhok niya dahil sa hangin.

"May chocolate ba?" aniya ni pia umaasang meron, alam kong mahilig sa sweets na mga pagkain si pia kaya hindi niya pinapalagpas yung chocolate na yan. 

"I don't know but I think oo. sus uubusin mo lang yun" sagot ni livia habang tumatawa siya habang nakaakbay sa kanya si belle. Si pia naman ang katabi ko at nakahawak pa sa bewang ko. Ganito talaga siya palagi clingy. hindi naman ako nagrereklamo masarap rin naman sa pakiramdam na katabi mo ang kaibigan mo. Kailangan ko rin ito ngayon. Dahil mabigat parin ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan mawawala.

"Oo nanakawin ko lahat yun lalo na yung tobleron" sabi ni pia. Tumawa ito. Isinandal ang ulo sa balikat ko. Nakahawak parin ang kamay nito sa bewang ko. 

Kahit na hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko ang problema at nararamdaman ko ngayon. Alam kong hangad rin nila ang kasiyahan ko na sana ayos lang ako at masaya. Ganun rin ako sa kanila. Sadyang gusto ko lang talagang sarilin ang mabigat na nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko silang mag alala sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko. 

Alam ko namang... mawawala rin ito. Pero hindi ko nga lang alam. Wala naman talagang makakapagsabi kung kailan tayo magiging okay. Kase kung masakit talaga. masakit talaga. ang hirap kalabanin ng lungkot na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang sumaya pero hindi nito pinapayagan ng puso ko. naalala ko lang lahat ng mga masasakit na sinabi sakin nila mama at papa.

Kahit ilang ngiti pa ang gawin ko ay hindi parin maitatago ang lungkot ko. pero siguro ayos na iyon. Kaysa naman ipakita kong mahina ako sa ibang tao. Oo. Alam ko sa sarili kong mahina akong tao. Mabilis masaktan. Iyakin. Matampuhin. inshort napaka sensitive.

This is what I hate myself. I'm so sensitive. I always convince myself that it just a small things. Why would I cry about it? Pathetic little me. forcing that I would never cry all the things I heard in my parents. thinking that they are just teaching me because I was really wrong.

Pero habang patagal na nang patagal. Mapapaisip nalang ako na, hindi na pangaral ang sinasabi sa akin ng mga magulang ko. Kundi sinasabihan na nila ako ng masasakit na salita. Nasasaktan na ako ng sobra. pero tinitiis ko. tinitiis ko dahil kaya ko naman. wala rin akong karapatan magreklamo o sumagot. dahil alam kong sila ang nagpalaki sa akin. nagpakain, nagpa aral.

Naiintindihan ko sila... baka dahil kaya naging ganun nalang bigla ang pakikitungo nila sa'akin dahil hindi naman talaga ako nila tunay na anak. Ampon lang. na nagkamali sila na inampon nila ako. na pinalamon pa nila ako na hindi naman kaano ano at kadugo. ganun nga talaga. nasayang lang ang mga nagastos nila para sa'kin.

Itinagilid ko ang ulo ko para hindi nila makita na tumutulo na ang luha ko. naiisip ko na naman lahat ng pinagmulan ng kalungkutan ko. dahilan kung bakit hindi ko magawang hindi sumaya. pinunasan ko agad agad ang mata kong nagsisimula na namang magtubig. no. not right now. I'm with my friends. dapat masaya ako ngayon dahil kasama ko sila. Wala dapat akong iniisip ngayon kundi sila.

"Ria" aniya ni pia habang nakayakap parin ang isang kamay niya sa bewang ko. mas hinigpitan niya pa iyon kaya ganun rin ang ginawa ko. kilala ko si pia kapag ganito siya ay may gusto siyang sabihin pero hindi masabi. tumingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. ito ang sinasabi ko. kaya ayoko na silang problemahin ako dahil alam kong may pinagdadaanin din sila na hindi ko alam.

tinapik ko ang pisnge niya na nagsasabing 'ayos lang kahit di niya sabihin'. tumingin ako sa dalawa na nasa likuran namin. tahimik lang kaming apat. walang nagsasalita. nakakapanibago ito ah. ano kayang meron at ganito sila? maingay naman sila palagi.

pagtingin ko sa dalawa ay nginitian nila ako. hindi ko alam anong pinaparating nila pero alam kong may ibis sabihin yun. ano kaya iyon? may kalokohan na naman ba sila? tinuturuan na naman ni belle si livia.

"Saan tayo pupunta? kanina pa tayo naglalakad eh" aniya ko at huminto. nagkatinginan kaming apat. alam kona ang ibis sabihin. sinusundan lang din namin ang isa't isa. jusko! kaya pala ang tahimik. hindi din alam kung saan pupunta.

Nagtawanan kami bigla na parang tanga dito sa daan. Mabuti nalang talaga at wala masyadong dumadaan ngayon. baka pag nakita kami ng iba dito pag iisipan kami ng kung ano ano. 

"Bwesit kayo kala ko sa plaza tayo mag s-stay at maglibot libot?" si pia. tumatawa parin. nakahawak sa tiyan. 

""Ikaw ang sabi niyan eh. nagtaka nga ako umalis tayo dun" saad naman ni belle at nakakunot ang noo. tumatawa parin naman.

"Ay tanga. alam mo naman pala eh bakit hindi mo sinabi saamin?" si livia.

"Malay ko ba. sinabi koba yun?" Aniya ni pia at nagiisip kung sinabi niya nga ba talaga iyon. napakaulyanin talaga nitong si pia. kakasabiblang kanina eh. minsan pa nga nung may pinatago na pabango si belle sa kanya kase ayaw daw muna niya dalhin sa bahay nila kase palagi raw humihingi yung kapatid niya baka raw maubos. hindi.niya man lang naisip na mas mauubos pa ito lalo kay pia. 

Kinabukasan nun agad na tinanong ni belle si pia para kunin na iyong pabango niya. sabi raw ni pia na wala naman siyang pinatago. ayun. dun nagsimula ang debate nilang dalawa. muntik nang mag away kung hindi pa nakita sa bag. mabuti na nga lang at nadala niya eh.

"So ano mag tatalo nalang tayo dito? saan ba talaga tayo papupunta? pia ikaw ang nag aya sa amin" aniya ko at pinandilatan siya ng mata. napa buntong hiniga naman siya at tumawa nalang bigla. baliw talaga to. 

"Oo nga no, okay fine sa bahay nalang tayo total wala naman sila mommy at daddy ngayon. except sa mga katulong namin kaya tara?" sumang ayon kaming lahat at nagsimula ulit na maglakad.

Hanggang sa makarating kami sa kalsada para mag abang ng tricycle. alangan naman na maglakad kami no. ang layo layo kaya ng nila pia dito. pero hindi namn sobrang layo. malayo lang. Basta ganun. kapag nilakad namin mula dito hanggang sa bahay nila. Aba! gumagapang nalang kami siguro nun.

Sabi pa ni belle na mag taxi nalang daw kami ang mahal kaya ng taxi no. wala pa akong perang dala. hindi naman ako binibigyan ng allowwance ni mama. sorry siya dahil kaming tatlo ay ayaw. kulang daw kase ang pera na dala nila. gusto rin nilang sa mahangin sumakay.

Sila belle at pia ay nasa loob, kami naman ni livia nasa tabi ng driver or should I say nasa likod ng driver. front seat. kanina pa nagsasalita si manong sa tabi ko pero hindi ko naririnig ng maayos. Ang hangin kase tsaka malakas rin ang ingay nang takbo ng tricycle.

Tahimik lang kami dito ni livia. walang nagsasalita. nag iisip isip rin ako para sa sarili ko. ako lang mag isa sa bahay. wala akong kasama. hindi nila ako sinama sa bakasyon. masakit. pakiramdam ko hindi ako naging mahalaga sa kanila. pero.. ayos lang naman ang trato nila sa akin dati. may something off lang talaga.

Mga ilang minuto rin kami bago makarating sa bahay nila pia. Si pia na ang nag insist na magbayad dahil siya naman raw ang nag aya sa amin dito sa bahay nila. nag sorry ako sa kanya dahil wala akong perang dala. pero ayos lang daw iyon. kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya.

Ngayon nalang ulit ako naka punta sa bahay ni pia. Matagal tagal narin nung unang punta ko rito. marami naring nagbago, Iba na ang design sa dingding at mga gamit. May kaya ang pamilya nila kaya hindi na nakakapagtaka na ang ganda ng bahay nila at ang gara.

Umupo na kaming tatlo sa sofa. Pumunta munang kusina si pia para kumuha ng makakain namin. pagtapos nun ay nagkwentuhan lang kami at nag asaran ng kung ano ano. 

Hindi narin namin namalayan ang oras at malapit na palang mag gabi. tumingin ako sa bintana malapit dito sa sofa. makulimlim narin pala. kailangan ko nang umuwi dahil baka anong mangyari roon sa bahay. paniguradong ako talaga ang malalagot. ako ang pinag iwanan nila. iniwan nila.

"Uuwi na kami pia mag gagabi na" aniya ko at bumangon na kami sa pagkakahiga dito sa malambot na upuan sa sala. kanina pa kami nanonood sa n*****x ng iba't ibang movie. malaki ang tv nila pia. yung tv na makikita mo sa mall.

Yung upuan naman ay pwedeng gawing kama kaya kasya kaming apat habang kumakain lang ng popcorn. sayang nga eh at natapon lahat ng biglang nagulat sa paglabas ng multo si belle. siya ang may hawak ng popcorn. kanina nung nanonood kami ng horror movie. 

Hindi na kami umulit dahil puro lang din naman kami takip sa mata namin. ang ending mag tatanungan kami sa isat isat kung anong nangyari o kaya'y naman ay anong mangyayari sa susunod. mga baliw lang. 

But never lie. I enjoy this day spending time with my friends. kahit konting oras lamang ay nakalimutan ko ang mga bumabagabag sa isipan ko at mga bagay na nagpapalungkot lang sa akin lalo.

Nababawas bawasan ang pag ooverthink ko.

Sulit yung mga tawanan namin at kwentuhan. kahit matagal na kaming magkakaibigan ay ganun parin ang closeness. hindi nagbabago. sana hindi sila magbago.

Hinatid kami sa sakayan ni pia sa tricycle. hanggang sa ako nalang ang natira sa tricycle. kanina pa bumaba si belle sunod naman ay si livia ngayon ngayon lang din naman.

Si pia ulit ang nagbayad sa amin. binayadan niya na kami bago sumakay. tuwang tuwa kammi dahil ang bait niya ngayon. nalilibre eh. sulitin raw namin dahil ngayon lang daw iyon dahil siya ang nag aya sa amin gumala.

Gabi narin ako nakababa. sa looban pa ang bahay namin kaya naman kailangan ko pang maglakad. may mga dadaanan pa akong mga kanto bago makarating samin. 

Habang naglalakad ako nadaanan ko ang tindahan na maraming mga tambay na lalaki. sa hula ko ay kaseng edad ko lang din ang iba. ang iba naman ay mas matanda sakin.

Mga nagiinuman at nag yoyosi. ayaw na ayaw ko talaga ang amoy ng sigarilyo. ang sakit sa ilong. kaya nagmadali akong naglakad nang pakiramdam ko na sinusundan ako ng isa sa kanila. sa kasamaang palad nahawakan nito ang braso ko.

"Hi miss, dito ka muna samahan mo kami" aniya ng lalaking nakahawak ng braso ko na amoy alak pa at sigarilyo. mga adik. sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak nito pero mas lalo lang niyang hinihigpitan.

"Bitawan mo ako" mahinang saad ko at nagpupumiglas parin para matanggal ang braso ko sa kanya. kadiri. ayoko nang hinawakan ng mga ganito. sino ba namang gustong hawakan ng mga adik sa kanto? 

"Wag kang malikot dito ka muna" bakas sa boses nitong lalaking ito ang kalasingan. nakita kopa na pinasadahan ang katawan ko pababa bago nagsalita "maputi at makinis ka miss" naramdaman kong hinawakan niya ang pwetan ko kaya dun na ako sumigaw.

"Tulong! may manyak dito!" sigaw ko habang nilalabanan parin ang mahigpit niyang kapit sa akin. narinig ko pang pinagtatawanan lang kami ng mga kasama niya dun sa tinadahan.

Wala masyado taong dumadaan sa paligid, iilan lamang mga bumibili lang sa malapit lang din dito na tindahan. may dumadaan man pero tinitingnan lang din kami. hinahayaang bastusin ako. wala niisang tumulong.

"Mga adik kayo! ang papangit niyo bitawan moko!" sigaw kopa ulit at mas nilakasan ko pa ang pwersa ko para mabitawan na ako ng h*******k na ito. "lumalaban kana, ah" aniya pa nito at hinawakan ulit ang pwetan ko pati ang likod ko.

Kahit na umiinit na ang sulok ng mata ko at nagbabadya na itong lumuha ay pinigilan ko ito. kailangan kong lumaban. first time kong mabastos. nakakatakot. nakakakaba.

Susubukan kona sanang itulak ang hayup na to ng bigla nalang siyang napahandusay sa lupa. una mukha. nagulat naman ako dun dahil ang bilis ng pangyayari. napatingin ako sa lalaking naka black hoddie at black short.

Teka tama ba yung nakikita ng mata ko? hindi ba ako namamalikmata? si flynn... nandito... ibig sabihin niligtas niya ako? siya ang sumuntok sa lalaking nanghaharass sa akin.

Sinubukan ng lalaki na tumayo pero mukhang nahihirapan ito dahil sa sakit na iniinda niya. "Hoy! loko ka bakit ka nakikialam dito?" aniya nung lalaki.

Walang pasabing sinuntok nito ulit ang lalaki ni flynn. kaya napako ulit ang mukha niyo sa lupa. mabuti nga yun sa kanya, pero pakiramdam ko kulang pa iyon sa ginawa niya sakin!

Nandito lang ako sa harap nila at gulat parin sa nangyayari. Agad naman akong nakabawi dahil umakyat lahat ng galit ko sa ulo dahil sa ginawa sakin ng adik nato!

Lalapit na sana ako ng pigilan ako ni flynn. Hinila na niya ako papalayo dito sa maraming tambay na tindahan. Hindi ako kumibo habang hila hila niya ako. Sumasabay lang din ang paa ko kung san siya pupunta. hindi ako makapaniwala sa nangyari sa akin kanina. 

Minanyak ako. hinupuan ako. 

I can't imagine myself in that situation. I didn't expect this gonna happen.

Nagmistulang para akong aso na sumusunod lang kay flynn kung saan man niya ako dadalhin. hindi ko alam. ngayon lang nag sink in sakin lahat. naiiyak ko. naninikip ang d****b ko.

Maya maya pa huminto na si flynn at ganun din ako. Hindi ko namalayan na nadito na pala kami sa bahay ko. gusto ko sanang magtanong sa kanya kung paano niya nalaman kung nasaan ang bahay ko pero wala ako sa tamang wisyo ngayon. gusto ko nalang umiyak. magmukmuk. 

Nabablangko ang utak ko. hindi ako masyado makapag isip ng maayos.

"You okay?" aniya nito na bakas ang pag alala sa boses niya at mahina lamang ito pero sapat na para marinig ko. tumingin ako sa kanya. nakita ko sa mga mata niya sobra siyang nag aalala para sa akin. tumango lang ako. 

Kahit hindi masyado maliwanag banda rito ay nakikita ko parin ang mulha niya. ang mga mata niyang medyo singkit. ang matangos niyang ilong. ang makinis lang mukha. mga labi niyang mapupula at malalambot.

Hindi ako nagsalita at paulit ulit lang na tumango tango. yumuko ako. wala akong lakas na magsalita. naubos lahat kanina. nawala lahat ng saya ko. bigla nalang napalitan ng takot, kaba. 

Ang bilis naman ng kapalit. wala pang isang araw ang nakalipas.

Ganun ba talaga yun? kapag masaya ka may kapalit na lumgkot? talagang required? 

Kaya nakakatakot maging masaya eh.

Hindi mo alam kung hanggang kailan lang ang itatagal nito. Wala kang kamalay malay na wala na pala ang kasiyahan na iyon dahil napalitan na ng lungkot.

Tumingin ako sa palapulsuhan kong hawak parin niya. napansin niya atang nakatingin ako roon kaya binitiwan niya agad ito. 

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "ahh... papasok na ako sa bahay" aniya ko. nakatungo parin. 

Tumikhim muna siya bago nagsalita "sige. sa susunod mag iingat ka" malalim na saad niya ngunit ramdam ko parin ang pagkabahala niya at pag alala. nagpapasalamat ako dahil sa kanya. dahil dumating siya.

Paano nalang kung hindi siya dumating? ano nang nangyari sa akin? paano kung hinila na ako ng adik na iyon sa kung saan para gawan ako ng masama. baka pinagtulungan na ako ng mga iba pa niyang mga kasama.

Bago ako pumasok sa gate ay nilingon ko muna siya. nakatingin parin siya saakin. "salamat... flynn" aniya ko sa mahinang boses. hindi ko alam kung narinig niya ba iyon sa sobrang hina pero siguro naman ay oo, dahil nakita kong ngumiti siya. ang cute niyang tignan kapag nakangiti.

Binuksan kona ang gate at pumasok. binilisan kopa ang lakad ko para buksan na ang pinto. gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. gusto kong umiyak ng malakas. kahit ngayon lang ilabas ko lahat ng hinanakit ko. mga sama ng loob ko.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad na bumuhos ang luhang kanina kopa pinipigilan na umagos. halo halo na ang nararamdaman ko ngayon. 

Umupo lang ako sa sulok ng kama ko habang umiiyak. nakatakip ang dalawang palad sa mukha. sinasabutan ang sarili. I feel frustrated. I felt worthless. A useless. pathetic. Dumb. stupid. lahat ako na!

Pati sa mga magulang ko ay sinasaktan ako. Hindi lang physically, emotionally. sinasabihan ako ng masasakit na salita. 'walang kwentang anak' palaging pumapasok iyon sa isip ko.

Napilitan lang ba silang ampunin ako? baka dati pa silang walang pakialam sa akin. hindi ko lang nahahalata. masyado lamg akong walang alam nun. dahil bata palang ako. walang muwang.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. hindi ko iyon pinansin at patuloy parin sa pag hikbi. sinasampal ang sarili. ganito ako kapag nasasaktan. pati sarili ko sinasaktan ko narin. pakiramdam ko kase ako talaga ang punot dulo nito.

Nagvibrate paulit ito kaya kinuha kona sa bed side table. Nakita kong sa group chat namin ito. naming apat. 'Haduken' si pia ang nagpangalan nun. siraulo talaga.

Kahit pangalan palang nila ang nakikita ko through screen. napagaan na agad nila ang loob ko. napangiti ako dahil nag send ng funny meme si belle at pia. kung ano ano na naman ang pinapasa.

Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako.

Ibinaba ko ang cellphone ko at iniligay sa gilid ko. umurong ako sa kabilang side dahil baka mapunta sa ilalim ng kama ang phone ko. hinawakan ko ang pisnge ko. malagkit na ang mukha ko dahil sa mga luha ko.

Tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin para tignan ang sarili. namamaga ang dalawa kong mata. pula ang ilong. halatang hatalang umiyak ng bongga.

"Ang pangit mo"

Pagkatapos kong sabihin iyon sa sarili ko. Pumunta na ako sa banyo para maghilamos. nag hathbath narin ako dahil ang dumi kona. nahawakn ako ng adik. nakakadiri!

Mga ilang minuto pa ako nagbabad sa banyo bago lumabas. Dumiretso agad ako sa kama at humilata. pagod na pagod ako ngayong araw. Maraming nangyari na hindi ko inaasahan.

I guess, kailangan ko nang tansyahin ang sarili ko sa pagiging masaya. Delikado.

-[novel by xrstne]

Related chapters

  • Perfect kind of Pain   DISCLAIMER

    This is a work of fiction.Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Note: Grammatical and typographical errors. My characters in this story are not perfect as the other stories you read, so if you don't want to read this kind of story where in the characters have imperfection, flaws, this is a realistic story. Be kind to the other characters, i don't need a toxic reader please, lawakan ang pagiisip at pagiintindi sa mga bagay bagay. They get what they deserve in this world. I'm a new writer, so expected na hindi masyadong maganda ang storya na ito hihi. But i will try my best in this story, thank you!

    Last Updated : 2021-07-09
  • Perfect kind of Pain   PROLOGUE

    "Okay class dismiss" teacher jess said while she's fixing her things on her table. Kanina kopa hinihintay na mag uwian na dahil naboboring na ako, hindi ako makapag focus sa lesson dahil kay pia, daldal kase ng daldal. Bulong ng bulong ng kung ano ano, sinasabi pa sakin na nagugutom na raw siya, sinabi konalang sa kanya na kakain kami mamaya kapag nag dismiss na si maam. Samantalang yung dalawa ay katulad ko rin, mukhang hindi nakikinig, kanina pa kalikot ng kalikot sa bag, parang nag cecellphone pa. Tumayo na kami pagkaalis ng teacher namin, kanina pa ako nagugutom kaya siguro hindi ako makapag focus sa tinuturo, hindi kase ako nakapag breakfast kanina eh. Dahil sa pagmamadali 6:20 kase ako nagising at 7:30 ang klase namin. "Livia lagot ka ah nagcecellphone ka habang nagkaklase si maam" saad ni pia habang nakataas ang hintuturo at tinutok iyon sa kaibigan namin.

    Last Updated : 2021-07-09
  • Perfect kind of Pain   CHAPTER 01

    "Aria ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay sayo rito" iritang sambit sa akin ni livia habang nakakunot pa ang noo. "Agree, ang tagal mo nagkuskos kaba ng mabuti sa pagligo mo kaya ka natagalan? hahaha" sabay tawa nito sumabay narin ang dalawa kaya nagtawanan na sila, mga siraulo. "Mga baliw malamang nag ayos pa ako, tsaka naaantok pa ako nung tumawag kayo, ay oo nga pala bakit ang aga niyo ngayon? anong meron?" kunot noong saad ko sa kanila. Tumingin ako sa likod nila, may apat na lalaki na nakatayo, parang mga kasing edad lang namin iyon, bago ba sila? o kaibigan din nila pia to? Agad kong pinandilatan sila ng mga mata and i mouthed to them "sino sila?" sabay sabay naman silang lumingon sa likod kung saan ang apat na lalaki na halatang bored na. Lumapit sa akin si pia at bumulong "mga

    Last Updated : 2021-10-22

Latest chapter

  • Perfect kind of Pain   CHAPTER 02

    Kanina pa kami naglalakad dito sa plaza nitong lalaking to, ilang beses na kaming nagkita pero hindi ko parin alam pangalan niya. Tanungin ko kaya? oh baka mas yumabang pa siya kung tatanungin ko pangalan niya.Baka isipin niya na interesado ako sa kanya, ang kapal naman ng mukha niya kung nagtanong lang ako sa pangalan niya may gusto na ako sa kanya.Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa kanina pa, ang awkward tuloy ng pakiramdam. Hindi ba talaga siya magsasalita? napakatahimik niya naman."Say what you want to say" he said.I was surprised by his sudden speech, i looked at him and saw that he was already staring at me. I have suddenly turned away because of the way he look at me."May gusto lang sana akong itanong... wag ka sana mag isip ng kung ano ha?" I said and i saw that he seemed to b

  • Perfect kind of Pain   CHAPTER 01

    "Aria ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay sayo rito" iritang sambit sa akin ni livia habang nakakunot pa ang noo. "Agree, ang tagal mo nagkuskos kaba ng mabuti sa pagligo mo kaya ka natagalan? hahaha" sabay tawa nito sumabay narin ang dalawa kaya nagtawanan na sila, mga siraulo. "Mga baliw malamang nag ayos pa ako, tsaka naaantok pa ako nung tumawag kayo, ay oo nga pala bakit ang aga niyo ngayon? anong meron?" kunot noong saad ko sa kanila. Tumingin ako sa likod nila, may apat na lalaki na nakatayo, parang mga kasing edad lang namin iyon, bago ba sila? o kaibigan din nila pia to? Agad kong pinandilatan sila ng mga mata and i mouthed to them "sino sila?" sabay sabay naman silang lumingon sa likod kung saan ang apat na lalaki na halatang bored na. Lumapit sa akin si pia at bumulong "mga

  • Perfect kind of Pain   PROLOGUE

    "Okay class dismiss" teacher jess said while she's fixing her things on her table. Kanina kopa hinihintay na mag uwian na dahil naboboring na ako, hindi ako makapag focus sa lesson dahil kay pia, daldal kase ng daldal. Bulong ng bulong ng kung ano ano, sinasabi pa sakin na nagugutom na raw siya, sinabi konalang sa kanya na kakain kami mamaya kapag nag dismiss na si maam. Samantalang yung dalawa ay katulad ko rin, mukhang hindi nakikinig, kanina pa kalikot ng kalikot sa bag, parang nag cecellphone pa. Tumayo na kami pagkaalis ng teacher namin, kanina pa ako nagugutom kaya siguro hindi ako makapag focus sa tinuturo, hindi kase ako nakapag breakfast kanina eh. Dahil sa pagmamadali 6:20 kase ako nagising at 7:30 ang klase namin. "Livia lagot ka ah nagcecellphone ka habang nagkaklase si maam" saad ni pia habang nakataas ang hintuturo at tinutok iyon sa kaibigan namin.

  • Perfect kind of Pain   DISCLAIMER

    This is a work of fiction.Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Note: Grammatical and typographical errors. My characters in this story are not perfect as the other stories you read, so if you don't want to read this kind of story where in the characters have imperfection, flaws, this is a realistic story. Be kind to the other characters, i don't need a toxic reader please, lawakan ang pagiisip at pagiintindi sa mga bagay bagay. They get what they deserve in this world. I'm a new writer, so expected na hindi masyadong maganda ang storya na ito hihi. But i will try my best in this story, thank you!

DMCA.com Protection Status