"Okay class dismiss" teacher jess said while she's fixing her things on her table.
Kanina kopa hinihintay na mag uwian na dahil naboboring na ako, hindi ako makapag focus sa lesson dahil kay pia, daldal kase ng daldal.
Bulong ng bulong ng kung ano ano, sinasabi pa sakin na nagugutom na raw siya, sinabi konalang sa kanya na kakain kami mamaya kapag nag dismiss na si maam.
Samantalang yung dalawa ay katulad ko rin, mukhang hindi nakikinig, kanina pa kalikot ng kalikot sa bag, parang nag cecellphone pa.
Tumayo na kami pagkaalis ng teacher namin, kanina pa ako nagugutom kaya siguro hindi ako makapag focus sa tinuturo, hindi kase ako nakapag breakfast kanina eh. Dahil sa pagmamadali 6:20 kase ako nagising at 7:30 ang klase namin.
"Livia lagot ka ah nagcecellphone ka habang nagkaklase si maam" saad ni pia habang nakataas ang hintuturo at tinutok iyon sa kaibigan namin.
"Boring kaya, tsaka nag text din kase si mama" prenteng sagot ni Livia at kinuha na ang bag.
"Ang daldal niyo naman, tara na kaya kanina pa ako nagugutom" saad ni belle at nauna na saamin maglakad papalabas sa classroom.
Agad kaming tumakbo para mahabol si belle na nauna na samin, palagi nalang talaga nangiiwan yun, lalo na kapag gutom siya, parang wala siyang kaibigan na kasama. Tsk.
"Hoy belle gutom din kami ah, hintayin mo nga kami!" sigaw ko dahil malayo layo narin siya at malapit ng makalabas sa gate.
"Ikaw talagang babaita ka nangiiwan kanalang lagi!" Saad ni Livia at sinang ayunan naming dalawa iyon ni pia, agad na tumakbo kami ng mabilis mahabol lang si belle na nakarating na sa sisigan na katabi lang din ng school namin.
"Bwesit ka pinagod mopa kami" wika ni pia habang nakahawak sa tuhod at hingal na hingal, ganun kaming tatlo pagkarating na pagkarating namin.
"Ang bagal niyo kase, nagugutom na kaya ako" saad ni belle habang nagtitingin ng mga pagkain sa menu "ako nalang magbabayad sa atin, pambawi ko na sainyo napagod kayo eh" tumawa pa siya habang nakatingin samin.
Ang kaninang kunot na mukha ko ay napalitan ng saya sa narinig kong magic word, totoo ba yun? manlilibre si belle? alam ko kuripot itong kaibigan namin.
Sabay na nagbago ang ekspresyon naming tatlo at tumayo ng tuwid, parang kanina lang hingal na hingal kami, pero ngayon okay na.
Nakangiti kaming tumingin kay belle "legit? baka naman joke mo na naman yan" si pia na nagbabakasakaling totoo ang sinasabi sa amin ng kaibigan.
"Walang bawian ah sinabi mona" saad ni livia tsaka tinabihan si belle para tignan rin kung ano ang pwedeng iorder.
"Oo nga totoo yung sinabi ko, bilis na pumili na kayo baka magbago pa isip ko" sagot ni belle at nag unahan pa kami sa pagtuturo ng pagkain na gusto namin.
Syempre yung medyo mahal yung pinili namin, once in a blue lang to no, bihira lang kaya manlibre itong babaeng to, kaya dapat sinusulit na.
"Ayan gusto ko yan" "ito akin" "yan din akin" sabay na saad naming tatlo habang nakaturo sa order namin.
"Oo na teka lang naman, sabay sabay pa kayo ah" binigay na niya ang bayad sa cashier at naghanap na kami ng table namin.
Umupo na kaming apat ng makahanap ng table "may inspirasyon kaba belle?" wika ni pia habang nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kaibigan.
"Pinagsasabi mo? wala kaya, crush nga wala din" nakangusong sagot nito at inirapan pa si pia, "eh bakit ka nanglibre?" dagdag pa nito ni livia.
"Oo nga bakit kaya, maganda ba gising mo?" tanong ko sa kanya habang tumatawa ng kaunti "para namang mga adik tong mga ito, nanlibre lang" sagot nito at umirap na naman.
"Yun nga yun, kaya kami hindi makapaniwala kase nanlibre ka, kadalasan nga lang sa nanglilibre sa atin si livia tsaka ako" saad ko at agad na tumutol si pia sa sinabi ko "hoy aria ako rin kaya duh" saad nito at umirap pa.
"Nakakahiya naman kase sainyo" sagot ni belle at halatang nagtatampo, agad kaming tumawa dahil itsura nitong nagpapacute pa.
"Itigil mo nga yan pagpapacute mo, nakakasuka dzae" wika ni pia at umakto pang sumusuka "itigil mo rin yan pia, kakain na tayo" sabat ni livia, nakita namin na papadating na ang mga inorder namin.
Nag mailapag na sa harap ang pagkain ay kanya kanya kaming kuha sa inorder, parang hindi kami magkakasama lahat kami may sariling mundo habang kumakain.
Ganito na talaga kami matagal na, since we we're elementary magkakilala na kami,except kay livia, grade 7 na namin siya nakilala, pero kahit huli na namin siya nakilala naging close parin kaming lahat.
Isang bagay ang pinaka gusto ko saaming apat, hindi kami naglalamangan, lahat kami ay nagtutulungan sa kahit anong bagay, marami narin kaming pinagdaanan noon.
Pero alam ko naman na marami pa kaming dadaanan na pagsubok, naniniwala ako na makakaya namin lahat ng iyon, hinding hindi ko sila ipagpapalit nino man.
Sanay na kami sa isat isa, lahat ng mga badsides namin ay tanggap ng isat isa, sino paba ang dapat na magtutulungan?kami kami lang naman din na magkakaibigan wala nang iba pa.
"Alam niyo total malapit narin naman ang bakasyon, bakit hindi tayo mag out of town?" saad ni pia na kakatapos lang uminom ng tubig.
"Agree ako diyan" pag sang ayon naman ni belle at sinundan din ni livia habang nakangiti, kita ko sa mga mata nila na exited sila sa pinaplano nila na out of town.
Habang ako ay tahimik lang, pinagmamasdan ko lang sila habang naguusap sa plano, bahagyang nawala ang ngiti ko ng alam ko na hindi naman ako papayagan ng parents ko.
Napatigil sila sa paguusap at napatingin saakin, kita ko sa mukha nila na nalulungkot kaya binigyan ko sila ng ngiti na okay lang. "Sasama ka aria ha" hinawakan pa ni pia ang kamay ko "oo, walang maiiwan tayong apat dapat diba?".
Kahit na nakangiti sila sa akin ay alam ko na alam nila na hindi ako makakasama kahit na ipilit kopa, kinagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.
This is why i hate myself, i'm very soft to this, especially with my friends. I don't want to see them worrying about me, i need to be strong and act like i'm okay when im actually not.
"Don't tell me, bawal na naman?" may halong inis na saad ni livia ngunit malambot na nakatingin sakin, kita ko sa kanilang tatlo ang lungkot kaya ngumiti ako at tumawa.
"Ano ba kayo, syempre kayo ang kasama ko kaya sasama ako" pilit kong pinasaya ang tono ng boses ko kahit na alam kong hindi ako pwede.
Saaming apat ako lang ang hindi nakakasama sa mga ganito, kaya minsan ang ginagawa nalang nila ay pag natapos na ang klase kumakain nalang kami sa restaurants. Para kahit papaano ay kasama nila ako. ginagawan talaga nila ng paraan iyon.
Last year din, we are grade 9 that time and may fieltrip and school, maraming sumama dahil nga may plus points, silang tatlo ay gusto rin sana nilang sumama, pero hindi nalang sila tumuloy dahil nalaman nila na hindi ako pinayagan, sabi ko naman sa kanila na okay lang ako, pero sila mismo nag insist na hindi nalang sila sasama para magbonding nalang daw kaming apat.
And that, i really appreciate what they did just because hindi ako pinayagan, hindi din sila sumama, sabi nila na ang unfair raw sa akin yun silang tatlo ay nagsasaya na magkasama pero ako lang itong maiiwan, ayaw daw nila ng ganun, mas gusto namin ang magkakasama kami.
"Ang ooa nitong mga to" tumawa ako at lumingon sa gilid para hindi nila makita na tumulo na ang luha ko, agad ko naman itong pinunasan na kunware ay hinaei ko lang ang buhok ko at inayos ang mukha.
Mas humigpit ang hawak ni livia sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, nakita ko na tumulo narin ang luha nito, tinignan ko rin ang dalawa at nagsisiiyakan na ang mga ito.
"Hindi na kamj mag oout of town, joke lang pala yun" saad ni pia at tumayo at naglakad papunta sa pwesto ko, nagulat ako dahil niyakap niya ako, sumunod narin ang dalawa niyakap din nila ako.
Naririnig kona ang mga hagulgul nila, gusto kong tumawa sa mga mukha nila, dahil hindi kami sanay sa mga ganito, ngayon ngalang nangyari to, ewan koba kung bakit, siguro napapansin na nila na ganito nalang palagi ang sistema ko.
"Bakit kayo umiiyak?" saad ko at tumawa ng humigpit pa ang mga yakap nila "madaming tao mga mare" mahinang wika ko dahil ramdam ko rin na may tumitingin samin.
Dito pa talaga kami nagdrama sa public place "okay lang yan, edi tignan nila tayo wala kaming pakialam" sagot ni belle at humigpit pa talaga ang yakap, parang masasakal na ako dito sa mga kaibigan ko.
Naubo na ako konti dahil nasasakal na nga nila ako sa higpit ng yakap nila, kaya kumalas na sila "sorry hayaan mo mahal ka naman namin" tumatawang saad ni pia.
"Ang higpit kase ng yakap niyo eh, papatayin niyo yata si aria" kunwaring inis na sagot ni livia habang nakatingin sa dalawa, eh siya rin naman mahigpit rin ang yakap sakin.
"Sige so pano ba yan?.. sa bakasyon videocall nalang tayo ah" saad ni pia at napabuntong hininga pa, huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "guys.. sorry ah palagi nalang kayo di natutuloy sa mga gusto niyong puntahan" malungkot na wika ko sa kanila.
Nakokonsensya rin ako dahil ako ang dahilan kung bakit sila hindi maka outing, dahil sakin, dapat hindi na nila ako inaalala sa mga ganito eh, dapat mag enjoy sila, hindi dahil hindi ako makakasama ay hindi na sila tutuloy.
"Ano kaba pia, matagal pa kaya.." bahagyang humina ang boses ni belle sa huli niyang sinabi, matagal nga pero alam naman namin na isang buwan nalang bakasyon na.
"Isang buwan nalang kaya.. mamimiss ko kayo" malungkot na saad ni livia at iniwas ang tingin samin at napahinga ng malalim, "pwede naman tayong pumunta punta sa mga bahay natin, kaya magkikita parin tayo kahit bakasyon... yun ngalang may vacation rin kami sa palawan".
"Ako din eh, kami ng family ko, sa siargo.. gusto kase ng mommy ko na iba naman ang puntahan namin, tsaka she wants to complete our family for vacations" .
"I guess.. ako rin, sa cebu naman" saad ni belle at malungkot rin ang tono ng boses nito "i'm happy for all of you.. enjoy y'all vacations okay?" saad kona may malawak na ngiti pero tinignan lang nila ako na blanko ang mukha.
"So.. aria saan ka naman?" tanong ni pia habang hinalo halo ang shake na inorder niya "ah.. i don't know yet but.." ayoko sanang magsinungaling sa kanila na magbabakasyon kami ng pamilya ko, pero kailangan para alam nila na okay ako.
"Sabi ni papa, pupunta kami sa probinsya, katabi naman ng bahay ng lola ko ang dagat kaya mag eenjoy kami dun no, kasama yung kapatid ko syempre pati narin sila mama at papa" masiglang saad ko at nakangiti ng malawak para lang alam nila na magbabakasyon ako.
Sa loob ng 3 years ko nasa bahay lang ako palagi kapag bakasyon, alam nila iyon kaya palagi silang pumupunta sa bahay kaso patago lang o naghahanap ako ng tiyempo na wala sila mama at papa, para makapasok sila.
Nakita ko naman na kumislap ang mata nilang tatlo na parang nagulat pa sa sinabi ko "totoo? magbabakasyon na kayo?" sabay na tanong ng mga kaibigan ko.
Mabilis akong tumango at agad na tumili "natupad narin pangarap ko!" medyo may malakas na saad ko kaya napatingin ang ibang costumers sa amin.
Sabay sabay naman silang napangiti "omg i'm happy for you aria mahal" saad ni livia, kita ko sa kanilang mga mukha na masaya talaga sila, pero alam kong hindi naman totoo ang mga sinabi ko.
Hindi ko ginustong magsinungaling sa kanila pero, kailangan eh.. ayokong malungkot sila dahil ako lang ang hindi masaya sa bakasyon, alam nila na 3 years ng ganito ang takbo ng oras ko kada matatapos ang school year.
"Oh itigil na natin yung drama umalis na tayo dito, malapit na magdilim" saad ni belle tsaka kinuha na ang bag niya.
Nagsitayuan narin kami dahil dumidilim na sa labas ang tagal namin dito, nagiyakan pa kami, kunti narin ang mga tao sa paligid dahil ang iba ay siguro naka alis na hindi lang namin namamalayan.
"So paano ba yan? see you tommorow mga be hahaha" tumatawang saad ni pia "nandiyan na yung sundo ko" "ako din eh" sabay sabay na silang sumakay dahil dumating na ang kanilang mga sundo.
Kinawayan nila ako hanggang sa mawala na sila sa paningin ko, nagsimula na akong maglakad dahil malapit lang naman ang bahay namin dito sa school mga ilang metro lang.
Habang naglalakad ako may nabunggo pa ako na lalaki na matangkad kaya kailangan kopang tumingala para makita siya "sorry po" nakayukong saad ko tumango lang ang lalaki at walang emosyon ang mukha.
"Next time watch your steps" walang emosyon na wika nito habang nakatingin sakin, medyo nainis ako sa inasta niya kaya tinaasan ko siya ng kilay "ikaw nga yung nakabunggo sakin eh" mataray na saad ko sa lalaking ito.
"I don't care ms.whoever you are umalis kana sa dinadaanan ko" seryosong saad nito kaya mas lalo pa akong nainis, aba itong lalaking to hindi man lang din manghingi ng sorry kung hindi ba naman siya dumaan sa dinadaanan ko edi sana hindi ko siya mabubunggo ko.
"Ang kapal ng mukha mo ah, ako pa talaga ang tatabi?" masungit na saad ko dahil nakaharang rin naman siya sa daanan ko kaya quits lang kami no duh, wala man lang manners itong lalaking to.
"Tss" iyon lang ang narinig ko sa kanya at tuluyan ng nagpatuloy sa paglalakad, binangga pa ako bago umalis, aba wag lang magpapakita sakin ulit yung lalaking iyon ah, kundi malilintikan yun sakin.
Lumingon ako sa dinadaanan ng lalaki at nakita ko medyo malayo na rin ito, pansin ko na mahaba ang mga biyas nito, kaya pala ang layo agad ng narating.
"psh mayabang" bulong ko sa sarili ko hanggang sa mawala na sa paningin ko ang lalaki na iyon, napatingin ako sa relo ko at nakita kona madilim na nga kaya nagmadali na akong naglakad, dahil baka pagalitan na naman ako.
Mga ilang minuto rin bago ako nakarating sa bahay kaya nakahinga ako ng maluwag, pero hindi parin ako ligtas kailangan ko na maghanda sa sermon nila sakin, oh well hindi na pala kailangan palagi naman nilang ginagawa yun eh.
Kahit na valid naman ang reason ko, yung kapatid ko na kahit gabing gabi na dumating hindi sila nagagalit at okay lang sa kanila iyon, pero kapag ako halos hanggang sa pagtulog ko sasabihan ako ng kung ano ano, naglalakwatsa raw ako, uwi pa daw ng matinong babae iyon.
Kaya lang naman ako nalate ng uwi nun dahil tinapos namin ang project at mga props para sa nutrition month, ako kase ay secretary sa room kaya ako lagi ang taga attendance sa mga kaklase ko na tumulong, actually kami naman lahat sabay sabay nun umuwi eh.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa gate at naglakad na papunta sa pinto, "ito na naman tayo" mahinang saad ko hindi na ao nakakaramdam ng kaba o takot dahil ganito naman talaga palagi ang nangyayari sakin.
Hinawakan kona ang door knob bago ito ipihit para buksan, nakita ko agad sila sa may kusina na masayang nagkekwentuhan habang kumakain.
Ang saya nilang tignan tatlo, si mama, papa, at ang kapatid ko, si princess mas close nila ang kapatid ko kaysa sakin, palagi silang sabay kumain, masayang nagkekwentuhan.
Habang ako ay nakatingin lang sa kanila, masaya ako na masaya din sila, pero hindi ko maiwasan na malungkot dahil matagal na panahon na bago ko huling naranasan ang bagay na iyon.
May halong lungkot at inis ang nararamdaman ko, inis dahil anak rin naman nila ako gusto ko rin makaranas ng kalinga ng mga magulang, lungkot dahil parang hangin lang ako dito sa bahay, hindi din nila ako pinapayagan sa mga bagay na gusto ko, lahat ng mali ko nakikita nila.
Bakit ganun ang iba? hindi nila nakikita lahat ng kabutihan na nagawa mo para sa kanila, kapag nakagawa ka ng mali yun ang pinupuna nila kaysa mga kabutihan.
Yumuko ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko mabilis ko rin itong pinunasan dahil baka makita nila ako ng ganito, aakyat na sana ako sa hagdanan pero naalala ko na hindi pa pala ako nakapag mano sa kanila.
Kahit masama ang loob ko sa kanila, pinipili ko parin na maging mabuti dahil mahal ko sila, dahan dahan akong naglakad papunta sa kanila, hindi parin nila ako napapansin sa sarap ng mga kwentuhan nila.
Nakarating na ako sa harap nila at kinuha na ang kamay ni mama para magmano, nagulat ako dahil bigla niya itong iwinaksi, "bakit ngayon kalang? lagi ka nalang ganyan aria anong oras na oh!" sermon sa akin ni mama hindi na ako nagugulat sa mga ganito.
"So-sorry po ma may tina-" hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng sumingit si princess "hay nako ma, baka nga naglalakwatsa na yan si ate eh" saad niya habang masama ang tingin sakin.
"Ikaw talagang bata ka, kailan kaba magtatanda? palagi ka nalang late umuwi!" medyo may kalakasang wika ni papa habang dinuduro ako.
Kumikirot na ang puso ko sa sakit dahil sa mga sinasabi nila sakin, hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang tingin nila sa akin, wala naman aong ginagawang masama.
Gusto ko ng umiyak pero pilit ko paring pinipigilan ang sarili ko na huwag maging emosyonal dahil nasa harapam ko sila, hanggat maaari ayokong makita nila akong mahina, umiiyak. Hanggang kaya ko titiisin ko ang mga binibintang nila sakin.
"Hindi naman po, ma, pa.. kumain lang po kami nila pia,belle,liv-" nagulat ako dahil biglang sumigaw si mama kaya nabigla ako "ayan na naman! sinasabi kona nga ba eh! puro ka barkada yan nalang palaging inaatupag mong bata ka!"
Nanlalabo ang paningin ko nanunubig na ang mata ko pero pinunasan ko palang agad ito, "sorry ma, pa" mahinang saad ko at nakayuko.
"Sa bakasyon, hindi ka sasama na amin ah, pupunta kami sa palawan, dito kalang bantayan mo yung bahay" saad ni mama at masama parin ang tingin sa akin.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang marinig ko iyon, ano? iiwan nila ako rito? sila lang ang magbabakasyon? hindi nila ako isasama.
Sa sandaling narinig iyon ay agad na napa angat ang tingin ko sa kanila "ho? bakit ma?" tanong ko dahil hindi parin ako makapaniwala na iiwan lang ako nila dito, ang buong akala ko ay hindi talaga kami aalis dito, yan kase ang paagi nilang sinasabi sa akin.
"Gusto ko hong suma-" hindi na ako pinatapos ni mama sa sasabihin ko dahil inalagay na niya ang kaniyang kamay sa harap ko upang pahintuin ako sa sasabihin ko "pwede bang manahimik kana aria, pumapanget ang araw kapag nandito ka sa bahay" sigaw sa akin ni mama.
Nakita ko na tumatawa lang sila ni papa tsaka ni princess habang nakatingin sa akin na parang nakakatawa ang mukha ko habang nakayuko, "ayan kase tanong ng tanong" parinig sa akin ng kapatid ko.
"Tama na yan lynda, wag mo ng aksayahin ang oras mo sa batang iyan" parang mabibingi na ako sa mga naririnig ko sa kanila.
Parang tuwang tuwa pa sila na nakikita akong ganito "oh sya, ikaw na ang maghugas ng pinagkainan namin ah, dapat malinis din sa sala, linisin mo lahat ng kalata na makikita mo ha? naiintindihan moko?"
Tumango ako kay mama at nagsitayuan na sila sa mga upuan nila, tinignan ko ang ulam nakita kona ubos na ito, lagi nalang hindi nila ako tinitirhan ng ulam, o kahit nga kanin lang, nagsasaing nalang ako para sa sarili ko.
Mabuti nalang at naka kain ako kanina kasama ang mga kaibigan ko, ito ang dahilan kung bakit mas gusto ko silang kasama.
Friends are everything, sa kanila ko nararanasan ang saya na hindi ko maramdaman dito sa bahay, hindi ako nakakatanggap ng masasakit na salita sa kanila, kumpara dito sa bahay, hindi nila ako hinuhusgahan bagkus pinapakinggan pa nila ako.
Natauhan lang ako ng bigla akong tinulak ni princess muntik na akong matumba buti nalang nakahawak ako sa upuan "anong tinutunganga mo diyan? maglinis kana magagalit si mama tsaka papa.." ngumiti ito na parang may binabalak gawin "oh baka gusto mong matulog ka sa labas? kawawa naman ang magaling kong at-" tinawag na ni mama ang kapatid ko "tara na princess hayaan mona siya diyan"
Tinignan muna ako ni princess bago siya umakyat sa taas, manonood sila ng movie tatlo, nang mawala ba sila sa pangingin ko ay agad akong napaupo sa sahig dahil sa pang hihina.
Bumuhos na ang luhang pinipilit ko kaninang huwag ilabas, ang sakit sakit.. ganito nalang ba palagi ang nangyayari sa akin? hindi ba nila ako mahal? bakit simula ng ipinagbuntis ni mama ang kapatid ko nawalan na sila ng pake sa akin? para na akong b****a na itinapon.
Nakatakip ang dalawa kong palad sa mukha ko habang patuloy parin umaagos ang mga luha ko, ang sikip sikip ng dibdib ko, halos hindi na ako makahinga sa bigat ng iyak ko.
Maya maya ay medyo kumalma narin ako kaya sinubukan kong tumayo pero nanghihina parin ang katawan ko, kahit na nanghihina pinilit ko parin ang sarili ko na kumilos dahil marami pa akong gagawin, lilinisin.
Pinunasan ko ang mukha ko na basang basa sa luha ko, huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang kumilos para maglinis, kinuha kona ang mga plato sa lamesa at inalagay iyon sa lababo.
Medyo humihikbi pa ako habang naghuhugas, kailangan kong matapos dito para makapag pahinga narin ako, kahit na mabigat ang loob ko, kahit na nasasaktan ako.
Habang nilalagay kona sa mga lagayan ang mga baso bigla ko nalang nabitawan ito, nanginginig kase ang kamay ko dahil sa mga naiisip kong hindi maganda.
Pinulot kona ang mga bubong na malaki para itapon, wawalisin ko nalang ang mga maliliit na bubog, nang itatapon kona ang ang mga ito, napatitig ako sa talim ng nabasag na baso.
Ayoko sanang gawin ito pero gusto ko lang naman itry kung masakit ba talaga, susubukan ko sa sarili ko kung may nararamdaman paba akong mas masakit na bagay.
Itutusok kona sana ang basag na baso sa palapulsuhan ko bigla nalang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong nabitawan, dun ako natauhan sa kung ano ang dapat ko sanang gawin.
Kinapa ko ang bulsa ng palda ko, kinuha kona ang cellphone ko na nagriring parin, si pia tumatawag, nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin koba o hindi, pero mas mabuting sagutin konalang ang tawag para malaman niya na okay lang ako.
Tumikhim muna ako bago sagutin "hello pia, bakit ka tumawag? namiss mo ako no?" pilit kong pinasaya ang tono ng pananalita ko upang hindi niya mahalataan na medyo mahina ang boses ko.
"Bestiee! may chika ako" masayang saad niya sa telepono nailayo kopa sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses niya nakakabingi naman to "lakas ng boses mo ah" sagot ko sa kanya.
"So ito na nga yun, nakita ko na yung kinikwento ko na childhood friend ko diba? kilala mo yun, si hayden bumalik na sila dito sa pilipinas.. kasama niya rin yung mga kapatid niya"
Hindi ko alam kung bakit pero parang nalungkot lang ako sa saya ng boses ni pia kahit na masaya naman ang kwento niya sakin, napahagulgul ako bigla dahil hindi koba mapigilab ang sarili ko.
Patuloy parin ang pag hagulgul ko na para bang wala na akong kausap sa telepono "hoy aria umiiyak kaba? bakit ka umiiyak?" halata sa boses ni pia na nagaaalala siya kaya pilit kong pinapahinahon ang sarili ko.
"Ha? wala okay lang ako...buti naman na-nakauwi na si ha-hayden" sambit ko habang mabigat parin ang paghinga at pilit na pinapasaya ang boses.
"Hoy sure ka? bakit anong nangyari sayo?.. Azaria bryn umayos ka ah hindi magandang biro yan.. anong problema mo makikinig ako sayo, bilis magkwento ka andito lang ako.. kami"
Humina ang boses ni pia sa huli niyang sinabi, hindi pwede ito ayokong malaman nila na nalulungkot ako, na nasasaktan ako, ayokong nag aaalala sila sakin, sapat na yung mga bagay na sinakripisyo nila sakin makasama lang ako.
"Ano kaba pia wala no.. sige na.. ma-may gagawin pa ako" tumawa pa ako para hindi halata ang hikbi ko, alam ko na sarili ko lang ang niloloko ko na okay lang ako, pero ayaw kona na may nag aalala sakin, hindi ko naman deserve yun.
Hindi kona hinintay pa ang sasabihin niya at pinatay kona ang tawag para hindi na niya ako tanungin, huminga muna ako ng malalim bago gawin ulit ang ginagawa ko kanina.
Pagkatapos kong maghugas, pinunasan kona rin ang lamesa, nag walis dahil halata sa sahig na parang kaninang umaga pa ito walang walis walis, pinalitan ko rin ang kurtina para bago naman ang itsura ng bintana.
Tinignan ko ang labahan at nakita kona kakaunti lang, pero nilabhan ko parin para hindi na matambak pa ng matambak, kapag ipinagsabukas pa mas dadami na naman ang mga damit.
Kumuha ako ng planggana at nilagyan ito ng tubig, tsaka ariel para mabango, mga damit ko lang halos ang mga ito, nakita ko sa sampayan at nakasampay duon ang kanilang mga damit.
Hindi isinali ni mama sa paglaba niya ang mga damit ko, kay princess lang, napangiti ako ng mapait, napailing nalang ako sa mga naiisip ko, ayoko nang mmadagdagan pa ang bigat ng damdamin ko ngayon kaya pinagpatuloy kona ang paglalaba ko.
Pagkatapos ko maglaba, ay isinampay ko na ang mga damit ko, kahit na matamlay ang katawan ko ngayon, pinilit ko parin na maglinis kahit gabi na, ayokong mapagalitan nila mama at papa.
Hindi ko halos maintindihan sila dahil ginagawa ko naman ang best ko sa school, sa academics ko, matataas naman ang nakukuha kong grado, ang pinaka mataas ko nga ay 95 math subject.
Ang iba ko namang mga grado ay nasa 88,89 akala ko noon magiging proud na sila sa akin dahil nga top2 ako, nung ipinakita kona sa kanila ang card ko, sinabihan parin nila akong bobo.
Well i guess, they're right i was stupid, numb, useless, hindi ko man lang sila magawang maging proud sakin and i hate that.
Na disappoint ko sila, anong klaseng anak ba ako? mabait naman ako eh, ginagawa ko naman lahat para matuwa naman sila sa akin, hindi lang kay princess.
Kait hindi naman kataasan ang grades niya proud sa kanya sila mama at papa, eh ako? hindi sila proud. i don't know why, is it because that i'm unwanted child.
"Tama na azaria, wag ka nang mag isip ng ganyan" bulong ko sa sarili at sinamsampal ko pa ang pisnge ko, tapos na akong naglinis kaya pumasok na ako sa loob ng bahay, gusto kona rin magpahinga.
Nasa tapat na ako ng kwarto ko at napahinto ng marinig ko ang mga tawanan nila, nasa dulo ang kwarto nila mama at papa, may tv dun, kaya dun sila nanood, may tv rin naman sa sala pero hindi nakakapag youtube.
Sa tawa palang nila ay halata na agad na sobrang saya nila, habang ako ito, nagiisa, pakiramdam ko isa lang akong katulong dito sa bahay, ang nakikita lang nila mama at papa si prinvess lang.
Kapag ako late na nakauwi marami akong aabutin na sermon, panghuhusga, at nakakatanggap rin ako ng mga masasakit na salita, mas nag papadagdag ng sakit yung mismong pamilya mo pa ang nanghuhusga sa iyo.
Binuksan kona ang pinto ng kwarto ko para makatulog na ako, masyadong mabigat ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko nga alam kung paano ko nakayanan ang ganitong pangyayari sa buhay ko araw araw.
Tumingin ako sa suot ko at nakita ko na nakauniform pa ako, kaya kahit na pagod ako, sinikap ko paring makapagpalit at mag half bath para magaan ang pakiramdam ko.
Nang matapos na akong mag ayos sa sarili ko humiga na ako sa kama ko, sa pagtulog ko lang nararamdaman na wala akong problema, pati narin kapag kasama ko ang mga kaibigan ko.
Ipinikit kona ang mga mata ko para matulog na sana kaso bigla na lang akong napahagulgul, nakatakip ang dalawa kong palad sa mukha ko habang lumalakas ang hikbi ko, wala na akong pakialam kung maririnig nila ako, nasasaktan ako.
"Ayoko naaa" sambit ko habang humihikbi parin, ang sakit sakit talaga, kumikirot ang puso ko, palaging nag plaplay sa utak ko ang mga sinabi sakin nila mama at papa, pati narin ng kapatid ko.
What did i do to them? what did i do to treat me like this? what did i do to deserve this? hindi kona alam gulong gulo na ang utak ko sa mga naiisip ko.
Nagising nalang ako dahil sa nag riring ang cellphone ko, panigurado ang mga kaibigan ko na naman ito, pero bakit ang aga naman, tinignan ko ang binta at nakita kona madilim pa naman.
Nakakapagtaka kung bakit tumatawag sila ng ganitong oras, alam ko late na gumising ang mga iyon palagi kaseng puyat, tinignan ko na kung sino ang tumatawag.
Si belle, napakunot ang noo ko at napapikit ang mga mata dahil sa lakas ng brightness ng cellphone ko, sinagot kona ang tawag niya "belle ano kaba naman ang aga aga pa" antok na saad ko sa kanya.
"Oo alam ko, 5:20 palang pero nandito kami sa labas ng bahay niyo, magbihis kana bilis" agad akong napatayo sa sinabi nito nawala kaagad ang antok ko ng marinig na nandito sila? tama ba ang pagkakarinig ko? napatayo ako agad hinawa ko ang kurtina ng bintana ko.
Nakita ko sila sa labas ng gate nag aabang, nakauniform na sila parang handang handa sila, hindi ko alam kung anong meron, ang aga pa eh 7 pa naman ang pasok namin.
Nagmadali akong pumunta sa cr at naligo, mabilis rin akong nag ayos sa sarili, maikli lang naman ang buhok ko kaya mabilis lang itong suklayin, naglagay lang ako ng ponds sa mukha at kinalat ito mabili.
Makapal naman ang kilay ko kaya hindi kona kailangan pang mag kilay pa, inayos ko lang ang hulma nito para maganda tignan, naglagay din ako ng powdery matte sa labi ko.
Nang okay na ako sa sarili ko ay agad ko nang kinuha ang bag ko, lumabas na ako, pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig, sa school nalang ako kakain.
Hindi pa naman nagigising sila mama at papa at ang kapatid ko, mga 6 pa nagising ang mga yun, pero si mama naman ang palaging nagluluto ng breakfast kaya hindi na ako nagluto, nagmamadali na rin ako.
Lumabas na ako at nakita ko sila agad na naghihintay, pero hindi lang din pala sila, may mga kasama din pero hindi ko mga kilala, pero bakit parang namumukhaan ko ang isa?
______________________________
______________________________
=)
"Aria ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay sayo rito" iritang sambit sa akin ni livia habang nakakunot pa ang noo. "Agree, ang tagal mo nagkuskos kaba ng mabuti sa pagligo mo kaya ka natagalan? hahaha" sabay tawa nito sumabay narin ang dalawa kaya nagtawanan na sila, mga siraulo. "Mga baliw malamang nag ayos pa ako, tsaka naaantok pa ako nung tumawag kayo, ay oo nga pala bakit ang aga niyo ngayon? anong meron?" kunot noong saad ko sa kanila. Tumingin ako sa likod nila, may apat na lalaki na nakatayo, parang mga kasing edad lang namin iyon, bago ba sila? o kaibigan din nila pia to? Agad kong pinandilatan sila ng mga mata and i mouthed to them "sino sila?" sabay sabay naman silang lumingon sa likod kung saan ang apat na lalaki na halatang bored na. Lumapit sa akin si pia at bumulong "mga
Kanina pa kami naglalakad dito sa plaza nitong lalaking to, ilang beses na kaming nagkita pero hindi ko parin alam pangalan niya. Tanungin ko kaya? oh baka mas yumabang pa siya kung tatanungin ko pangalan niya.Baka isipin niya na interesado ako sa kanya, ang kapal naman ng mukha niya kung nagtanong lang ako sa pangalan niya may gusto na ako sa kanya.Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa kanina pa, ang awkward tuloy ng pakiramdam. Hindi ba talaga siya magsasalita? napakatahimik niya naman."Say what you want to say" he said.I was surprised by his sudden speech, i looked at him and saw that he was already staring at me. I have suddenly turned away because of the way he look at me."May gusto lang sana akong itanong... wag ka sana mag isip ng kung ano ha?" I said and i saw that he seemed to b
This is a work of fiction.Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Note: Grammatical and typographical errors. My characters in this story are not perfect as the other stories you read, so if you don't want to read this kind of story where in the characters have imperfection, flaws, this is a realistic story. Be kind to the other characters, i don't need a toxic reader please, lawakan ang pagiisip at pagiintindi sa mga bagay bagay. They get what they deserve in this world. I'm a new writer, so expected na hindi masyadong maganda ang storya na ito hihi. But i will try my best in this story, thank you!