Share

CHAPTER 01

"Aria ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay sayo rito" iritang sambit sa akin ni livia habang nakakunot pa ang noo.

"Agree, ang tagal mo nagkuskos kaba ng mabuti sa pagligo mo kaya ka natagalan? hahaha" sabay tawa nito sumabay narin ang dalawa kaya nagtawanan na sila, mga siraulo.

"Mga baliw malamang nag ayos pa ako, tsaka naaantok pa ako nung tumawag kayo, ay oo nga pala bakit ang aga niyo ngayon? anong meron?" kunot noong saad ko sa kanila.

Tumingin ako sa likod nila, may apat na lalaki na nakatayo, parang mga kasing edad lang namin iyon, bago ba sila? o kaibigan din nila pia to?

Agad kong pinandilatan sila ng mga mata and i mouthed to them "sino sila?" sabay sabay naman silang lumingon sa likod kung saan ang apat na lalaki na halatang bored na.

Lumapit sa akin si pia at bumulong "mga kaibigan ni hayden.." sambit niya "sa school din natin sila nag enroll" agad naman akong tumango tango sa kanya, si hayden yung palaging kinekwento ni pia sa amin, pero hindi ko naman alam na may mga kaibigan pala itong mga to.

"Okay tara na" nagsimula na kaming maglakad sumunod narin ang apat na lalaki sa likuran namin, kanina pa sila hindi nagsasalita ang susungit naman ng mga ito.

Habang naglalakad kami tsaka ko lang naisip na kagabi lang umiiyak ako at nasasaktan, ngayon kasama ko ang mga kaibigan ko nawala lahat, mabuti nalang at hindi na nagtanong si pia tungkol kagabi.

"Bakit hindi sila nagsasalita?" mahinang bulong ko kay pia "ewan ko nga eh, pero wait ipapakilala ko sayo si hayden" sagot niya tsaka pumunta sa likuran kung nasaan ang mga lalaki.

Lumapit siya sa lalaking matangkad at may pagka chinito ito, maputi din, lumiliwanag na kaya kita ko na rin ang mga mukha nila "hayden, si azaria. azaria si hayden."

I smile genuinely and put my hand in front of him, tinanggap niya naman ito at nag shake hands kami. His hands are so warm, hindi malamig sakto lang, pero hindi niya parin binibitawan yung kamay ko.

"Yu- yung kamay ko" pagkasabi ko nun ay mukha siyang natauhan pero agad rin namang nakabawi "so.. bestfriends na tayong lahat ah" ani ni pia at pumunta na ulit sa pwesto namin sabay akbay.

This is why i love about pia, she's so friendly and kind and understanding. Hindi ka niya pipilitin na sabihin yung problema mo kapag hindi ka kumportable.

Mga ilang minuto rin kaming naglakad papuntang school at nakarating narin kami, wala pa masiyadong tao dahil masyado pang maaga. 

Nagulat talaga ako na ang aga nila akong pinuntahan, at talagang pinagmadali pa nila ako ha!

Pumunta na kami sa kanya kanyang classroom, ang apat na lalaki ang room nilay ay katabi lang din ng classroom namin, hindi ko masyado kabisado ang mga pangalan nila, ngayon ko lang naman sila nakilala.

Kakaunti palang ang mga kaklase namin sa loob, nagdadaldalan pa sila at ang iba naman ay gumagala sa ibang room, iba naman ay bumibili ng pagkain sa canteen.

Pumunta na ako sa upuan ko at inilagay ang bag, medyo naantok pa ako kaya yumuko ako para makaidlip ng sandali. Ang kase mang gising ni nila pia at livia.

Maya maya ay naramdaman kong tumayo si pia dahil katabi ko siya, pero hindi ko nalang binigyan ng pansin iyon at pinilit na makatulog.

Pero takte ang kulit nila pia at pia, ang ingay pa. Nawala na ang antok ko dahil sa kaingayan nila, pati narin ng iba naming kaklase dumadating narin kase yung iba.

Umayos na ako ng upo at narinig ko ang malakas na sambit niya "arghh nakita ko na naman yung crush ko!" tili ni pia, jusko ang kulit!

Tinignan ko si livia na mukhang naiingayan rin kay pia, karamihan sa mga tao tingin kay livia ay masungit, pero totoo naman. She's very observant person. Tahimik lang yan pero marami nang nalalaman.

Sana ganun rin ako.

I hope i have a personality like pia and livia. Strong, confident.

I don't know what's wrong with me, or maybe it's because of my parents that didn't treat me well. I've always hated myself since then.

I'm so sensitive. 

That's why i hate myself and being not good enough to my parents, kase kahit anong gawin ko hindi parin nila nakikita yung pagsisikap ko.

What did i do wrong to treat me like that?

I don't know.

Naalala ko naman ang nangyari kagabi, ang sakit. Ang sakit ng mga sinasabi nila sa akin, they only love my sister, not me.

But yeah, i know i'm adopted.

Tumingala ako para punasan ang nagbabadyang luha ko na bumagsak, mabilis ko itong pinunasan para hindi na nila makita.

"Okay kalang ba?" napatingin ako kay belle na nasa tabi kona, nakaupo na siya sa upuan ni pia, ngumiti ako bago sumagot "oo naman bakit?" Lies.

"Sabihin mo lang kung hindi ah, dadamayan kita" saad niya, pero ayaw ko nang pagusapan yun dahil baka umiyak na naman ako, kaya iniba ko nag change topic ako.

"Nasaan yung dalawa?" tanong ko, buti naman at hindi na ulit nagtanong pa si belle.

"Duh saan pa ba? edi sa crush nila" napailing nalang ako dahil dun, sana lang at hindi nila makasalubong si maam.

Malapit narin kase magsimula ang klase "eh diba walang crush si livia?" nagtatakang tanong ko, sa pagkakaalam ko si pia lang talaga ang meron, o baka meron talaga si livia hindi niya lang sinasabi.

Mga ilang sandali lang bumalik narin sila, ang sasaya ng mukha nila.

Sana ako din. Sana totoo din yung saya sa mga ngiti at mata ko.

Dumating narin ang teacher namin at nagsimula nang mag turo, ganun ulit ang nangyari naglunch lang kami ng sabay sabay, pero hindi namin kasama yung apat na lalaki.

Hindi ko alam kung bakit pero ang narinig ko lang kay pia ay magbabasketball daw sila at dun narin kakain.

Paulit ulit lang din ang nangyayari, hindi ko alam kung anong maganda, normal na sa akin ang sigawa ako nila mama at papa.

Hindi ko alam pero kahit matagal na nila akong sinasaktan sa mga salita nila, at minsan pa ay pisikal. Bakit nasasaktan parin ako hanggang ngayon? bakit ang sakit sakit parin.

Gusto kong maging manhid, para sa ganun ay wala na akong maramdaman na sakit.

"Wow cinderella lang ang peg" sambit ng kapatid ko habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan nila, ano paba hindi nila ako tinirhan ng ulam.

Kaya mabuti nalang at kumain kami nila livia kanina sa palagi naming pinupuntahan na tapsilog, palagi kaming pumupunta dun dahil ako talaga ang nagpiprisinta.

Mabuti nalang talaga at hindi sila nagtataka, alam nila na paborito ko lang ang pagkain. Sa totoo lang nagsasawa na nga rin ako eh pero i have no choice, pag uwi ko ay wala akong makakain.

Hindi ko siya sinagot dahil ayoko nang away, kahit naman palagi nila akong pinagsasalitaan ng hindi magaganda i still love them, because for me they still my family.

Family.

Pamilya paba talaga ang turing nila sa akin? o ibang tao na? ako nalang ata ang nagsasabi na pamilya koparin sila kahit nakakasakit na sila sakin.

I don't know but there is a part of me, na magbabago sila, na baka bumalik ulit kami sa dati na masaya. Hindi ganito. Pero masaya naman sila, ako lang hindi.

Maya maya pa kumuha siya ng plato at kinuha rin yung peanut butter at ketchup, nagtataka man ako sa ginagawa niya pero hindi ko nalang pinansin.

Tahimik lang akong naghuhugas hanggang sa nakarinig ako na may bumagsak na plato, i quickly look at her to find out what had happen.

I saw princess sitting next to the broken plate, i immediately hurried to go to her for help "huwag mo akong hawakan! this is all your fault!".

"Ha? a-anong sinasabi mo? naghuhugas lang ako dito at kinuha mo yung plato tsaka yung ketchup at p-" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang dumating na si mama.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni mama at masama na ang tingin sa akin, yung tingin na parang may ginawa akong krimen... mukhang galit na galit siya sakin.

"Ma, lumapit lang ako sa kanya para ilapag sa lababo ang pinagkainan ko pero bigla niya nalang hinagis sa akin" umiiyak na sambit ni princess.

Habang ako ay umi iling iling dahil hindi ko naman ginawa yun, bakit niya ako pinagbibintangan sa hindi ko naman ginawa? bakit niya ako ginagawa sakin ito.

"Wa-wala po akong kasalanan ma, habang naghuhugas ako narinig k-" napaigtad ako sa biglang pag sigaw ni mama sakin "wala kana ngang nagawang tama dito sa bahay tapos gumagawa kapa ng kasalanan sa kapatid mo!"

Hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa tuwing sinisigawan ako, pero ngayon takot na takot ako. Parang anytime mahihimatay ako.

Huminga muna ako ng malalim para kahit papaano ay mawala pero mas lalo lang lumala "naghuhugas lang po ak-" nandilim ng konti ang paningin ko ng sampalin ako ng malakas ni mama.

Pero pinilit ko paring tumayo ng maayos at sumagot "wala kang kwenta ria! Sumasama na ang ugali mo habang palaki ka ng palaki, lumalaki na rin yang ulo mo!" saad niya habang pinisil ang pisnge ko at dinuro duro pa ako.

I don't know what to do but to cry, my body is weakening. My right cheek was also numb from the slap i feel like it swollen.

I don't why i'm receiving all of this shit. It hurts, i never thought they could do this to me. Why? Did i deserve it? 

Baka deserve ko talaga.

"Hi-hindi po talaga a-ako ang gum-" isang malakas ulit na sampal ang binigay sakin ni mama, kaya napatagilid ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal.

I just cried because i couldn't do anything to defend myself. I have no strength i'm so weak. Even though my vision was a bit blurred because of the tears forming.

I can still see in my eyes that she looks so happy that i'm hurting, she was still laughing. Habang ako dito ay nasasaktan.

"Matulog ka ngayon sa labas ria!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya umiling iling ako at pilit na nagmakaawa "mama wag po... wag po ma.." i said while sobbing i knelt down to beg.

I bent down to beg, but she just kicked me in the face. Napahawak ako sa mukha ko dahil sa sakit, kahit masakit ay iyak lang ang nagagawa ko.

"Hindi! Sa labas ka ngayon matutulog!!" Sigaw pa ni mama, she dragged me outside and i couldn't do anything but to cry. Ang boses ko ay paos narin kaya parang wala naring lumalabas na boses.

Hindi na ako nagmakaawa pa ulit dahil alam kong hindi naman nila ako papakinggan kahit ano pang sabihin ko. 

"Diyan ka hanggang umaga!" Dagdag niya at pumasok na sa loob, malakas niyang isinarado ang pinto kaya nakagawa ito ng malakas na ingay na nagpagulat ulit sakin at pati ang kamay ko ay nanginginig.

My whole body was shaking, i hugged myself. All i have now is myself, i don't know where i'm going right now. I don't want to bother my three friends.

Ayokong malaman nila na ganito ako ngayon, walang matulugan. Ayaw ko silang mag alala sa akin dahil alam kong may nga problema din sila, i don't want to add more.

Andun sa kwarto ko ang cellphone ko kaya hindi ko rin sila macocontact.

Siguro dito nalang ako.

Pumunta ako sa likod ng bahay para dun matulog dahil mas safety ron meron pang karton, kinuha ko ang malaking karton at inilatag sa malamig na sahig.

Mabuti nalang at mayroong ilaw dito para hindi masyadong madilim, humiga na ako para matulog, hindi ko alam kung paano makakapasok sa school bukas, siguro ay agahan ko nalang magising.

Nararamdaman ko na parang may kumikiliti sa paa ko, hindi ko alam kung ano yun pero hinayaan ko nalang dahil naaantok pa ako. Pero hindi parin nawawala.

Iminulat kona ang mata ko para malaman kung ano yun kahit kinukusot kusot ko pa ang mata ko habang humihikab.

Umayos ako ng upo para makita ko ng maayos, nagulat ako na may kulay puti at mabalbon ang balat nito. Dahil sa gulat ay nasipa ko ito at tumalsik.

Tinignan ko ito ng mabuti at nalaman kong pusa pala ito. Agad ko itong nilapitan para tignan kung okay lang ba ang pusa.

"Ayos kalang ba? sorry hindi ko sinasadya nagulat ako" paghingi ko ng tawad dito, sa totoo lang gustong gusto ko ang mga pusa because their are so sweet.

Sinuri ko pa ang buong katawan niya kung may sugat pa pero mabuti naman at wala, niyakap ko ito at paulit ulit na nagso-sorry.

Ang kaninang antok ko ay nawala na, pansin kong magliliwanag na, mga ganitong oras ay pupunta na sa trabaho si mama, si papa naman ay hindi pa makakauwi dahil may kailangan siyang asikasuhin sa cebu.

Kailangan kong pumasok ngayon dahil may quiz kami, dahan dahan akong pumunta sa pinto para buksan ito. Nakapasok agad ako dahil hindi na nakalock.

Pati ang paglalakad ko papuntang kwarto ko ay dahan dahan para hindi makagawa ng ingay, alam ko namang sa oras na ito ay umalis na si mama pero natutulog pa kase si princess.

Nang makarating na ako binuksan ko agad ang kwarto at dahan dahang isinarado, ibiniba ko muna yung pusa "diyan kalang ah tsaka wag kang maingay maliligo lang ako" sabi ko dito na parang maiintindihan niya ako.

May sarili namang banyo ang kwarto ko kaya hindi na ako lumalabas sa kwarto ko kapag naliligo, kinuha kona ang towel ko at pumasok na sa banyo.

Mga ilang minuto rin bago ako natapos, dinadahan dahan ko ang pagsasabon sa pisnge ko dahil masakit ito, ang mata ko rin ay maga dahil rin sa iyak ko kagabi.

Ayokong makita nilang ganto ang itsura ko, kinuha ko ang salamin ko sa may drawer at isinuot. Kulay lightpink at white naman ang lens nito, wala naman itong grado.

Tapos na akong mag ayos sa sarili ko, hindi naman ako binibigyan ng baon nila mama at papa, minsan lang, okay narin naman ang bente. Mahalaga na yun sa akin basta galing sa kanila.

Sampung piso nalang pala ang natira, pero okay lang kaya ko naman pumasok ng walang pera dala, tsaka hindi naman ako mabilis magutom. Kaya ko naman mag tiis.

Bago ako umalis tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin kung ayos naba tignan at para hindi nila mahalata na umiyak ako, ayaw ko silang mag alala.

Kahit kita sa mga mata ko na hindi ako masaya.

I mean it's okay not to be okay but, it is okay not to be okay all the time? 

I'm emotionally and physically unstable.

Kinuha kona ang bagpack ko pati narin ang pusa, dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay na ikakagalit ni princess sa akin.

I don't want her to be angry with me, even if she tells me bad things i still love her. I love my sister, even she doesn't love me it's okay.

Ilang minuto rin akong naglakad papunta sa eskwelahan ko, bago ako pumasok sa gate. Ibinaba ko muna ang pusa.

"Papasok na ako sa school ha? kung may amo ka man umuwi kana, siguradong hinahanap kana" i sweetly said.

Nakatingin lang siya sakin at parang naiintindihan niya ako, tumayo na ako para pumasok na.

Pag pasok ko sa room nandun na sila pia sa upuan nila at masayang nag kekwentuhan, kailangan kong ngumiti at magpanggap na okay lang ako para hindi sila mag alala.

"Ang tagal mong pumasok ngayon ria usually maaga ka" si belle.

"Late lang nagising" sagot ko habang inaayos ang pagkakalagay ng bag ko, nakatitig lang sakin si livia na parang may kasalanan akong nagawa.

"Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanya "anong meron at nagsalamin ka?" curious na tanong niya.

"Wala lang, trip ko lang" para hindi niyo masyadong mahalata ang pamamaga ng mata ko dahil sa iyak ko. Gustong gusto kong sabihin iyon pero.. ayokong magkaroon pa kayo ng problema.

Alam kong mga kaibigan ko sila, pwedeng pagsabihan ng mga problema. 

Ngunit hindi ako kumportableng sabihin iyon sa kanila, ayokong kaawaan, i don't want them to know that i'm not okay, not , mentally unstable.

"Namumula yung mukha mo, marami ka bang blush na nilagay?" takang tanong ni pia at akamang hahawakan niya na ang pisnge ko pero agad akong umiwas.

"Hi-hindi ah, ganito talaga pisnge ko pag umaga" i smiled awkwardly because that's not true, who am i folling? i'm pathetic.

"Huh? hindi ka-" hindi kona siya pinatapos at nagsalita agad "may assignment kayo?" hindi ko alam pero ayan ang unang lumabas sa bibig ko.

Wala namang assignment na binigay kahapon, kita kona rin sa mga mukha nila na parang naweweirduhan sila sa inaakto ko.

Mabuti nalang din at dumating na ang first subject teacher namin kaya hindi na sila nagtanong pa, mukha namang nakalimutan na nila.

Ganun din ulit ang nangyari nag quiz at discuss, pati din sa math na halos hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi talaga ako magaling sa math, i hate math, wala akong maintindihan. Hindi madadaan sa titig lang.

"Okay class dismiss" nagsitayuan kaagad ang mga kaklase ko dahil lunch break na.

Nagugutom narin ako pero wala akong pera, tubig nalang ang bibilhin ko. Total sampung piso nalang ang pera ko.

Tumayo na ang tatlo pero ako lang ang hindi, kumuha lang ako ng ballpen at intermidiate pad para libangin ko nalang ang sarili ko na mag drawing, habang wala sila at kumakain.

"Azaria tara na" saad ni livia at naghihintay na sila sa akin, ngunit umiling lang ako "dito nalang ako kakain" 

"Sabay sabay tayong kakain, walang mahihiwalay kaya ria tara na" sambit ni pia at lumapit para hilain ako. Wala narin akong nagawa kundi sumama nalang sa kanila sa canteen.

"Bakit tubig lang binili mo?" tanong ni belle na sinang ayunan rin ng dalawa.

"Marami akong nakain kaninang umaga kaya busog parin ako hanggang ngayon" pagsisinungaling ko, i literally don't want to lie to them, but i don't want them to know how my family treats me.

That's just my problem, not theirs.

I noticed livia as if examining me, sa aming apat na magkakaibigan. Tignan kapalang niya ay malalaman niya na kung ano ang nararamdaman mo. Pero sana hindi niya malaman ang nararamdaman ko.

"Bibili lang ako ng piattos, tara ria" ani ni livia at pinanlisikan niya ako ng mata para sumama sa kanya, knowing livia siya ang malakas ang personality.

Tumayo na ako para sumama sa kanya, alam kong tatanungin niya ako. Dapat mag isip na ako ng mga ipapalusot ko. Hindi ko dapat sabihin.. hindi pa ako handa.

"Azaria anong problema?" panimula niya at mahinahon niyang saad.

"Wala bakit?" tipid kong sagot.

"Are you sure? you're acting weird awhile ago" inaasahan ko nang sasabihin niya yan.

Napayuko nalang ako at hindi na nakasagot.

"Oh sila hayden" rinig kong sabi ni livia. mabuti nalang at dumating sila dahil wala akong masagot kay livia.

"Mag ccr lang ako" mabilis na paalam ko kay livia at hindi na hinintay ang sasabihin niya. 

I feel like crying again. I want to leave her and be alone, i don't expect to be blamed she did it to make me look that i'm the one who did that to her, when i'm not.

Mabilis akong naglakad papunta sa cr at pumasok sa cubicle.

Bumuhos lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan, wala na akong pake kung may makarinig man sa akin dito na umiiyak.

I just want to get rid of all the pain i'm felling. All the hurtful words that my family said to me flashing back.

"Wala kang kwenta ria"

"Wala nang ginawang tama"

"Ampon"

Hindi ko alam kung bakit nila nasasabi sa akin ang mga ganun, ang sakit.

Until when will i suffer?

Tinanggal ko muna ang salamin ko at pinunasan ang pisnge ko dahil basang basa na ito sa luha ko. Inayos ko ang buhok ko at itsura, naghilamos narin ako.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa cubicle, mabuti at wala masyadong nag ccr ngayon, ako lang mag isa.

When i came out i saw the familiar face, i think i saw her before i just don't remember where.

Lalagpasan kona sana siya pero narinig kong tumikhim siya bago nagsalita "why are you crying?" ani niya.

"Hindi ako umiyak" mahinang saad ko at sapat lang para marinig niya.

"Really?" 

"Oo nga ang kulit" saad ko at hinarap na siya "i know you, you are the one i saw in the street last time" he said in a monotone voice and his face is emotionless.

"Oo nga ikaw yun so ibig sabihin kaibigan mo rin sila hayden?" saad ko na nanamangha, alam ko sinungitan kopa siya nun. Ang yabang niya kase nun.

"Yes" he says boringly.

"Akalain mo nga naman nagig kaibigan mo pa ang childhood friend ni pia" 

Tumingin siya sa relo niya bago niya ako tinignan "the class are starting tara na" ani niya at nagsimula nang maglakad.

Ang bilis niyang maglakad mahaba kase ang legs niya "wait lang hintay" sambit ko halos tumakbo na ako para lang maabutan siya, hindi man lang ako hinintay.

Totoo nga na nag start na ang class, wala ng tao sa canteen. Binilisan ko rin ang lakad ko dahil baka mapagalitan pa ako ng subject teacher namin ngayon, patay ako.

"Go first" rinig kong sabi niya habang sinisigurado ko muna kung may teacher na sa loob ng classroom, nakita ko namang wala kaya napawi rin ang kaba ko.

"Sige" sagot ko at pumasok na sa loob ng classroom, pagkaupo ko ang sasama ng tingin ng tatlo kong kaibigan sa akin, i smile sweetly to them.

As if i hadn't breakdown awhile ago.

"Saan ka galing?" "Hindi ko narinig yung sinabi mo kanina" "saan ka nagpunta?" sabay sabay nilang sambit sa akin.

"Huwag kayong mag alala nag cr lang ako" sagot ko pero mukhang hindi parin sila naniniwala.

"Eh bakit ang tagal mong mag cr? may gina-" hindi kona siya pinatapos "kung ano anong iniisip mo pia, kailangan mo ng holy water" sabi ko.

"True" pag sang ayon nila livia at tumawa "grabe kayo sakin, sige okay lang alam ko namang ganito lang. Sorry kung pangit ako pasensya na talaga".

"Tanginang yan sad girl" belle said and we all laugh.

"Hoy wag ka sad girl to na maganda" she flip her hair.

"Saan yung ganda diyan sis?" 

"Aba gusto mo nang away belle? sige tara ano?" ani ni pia at itinaas pa ang manggas ng uniform niya na parang makikipag suntukan.

"Tama na yan mga batang adik" dagdag ni livia, natawa nalang ako sa mga pinag gagawa nila. 

Sometimes i also forget my problem when i am with them, i want them to always be happy. That's why i don't saying my problem to them.

Alam ko na, para saan pa ang pagkakaibigan namin kung hindi ko sila sinasabihan ng problema ko.

Para sa akin kase mas gusto kong akin nalang iyon, i always overthink na paano kung isang araw maging mag ka away kami at alam niya lahat ng problema at sekreto ko? 

Paano kung sabihin nila yun sa iba? ang malala pa baka ipagkalat nila. I don't want that to happen, natatakot ako.

I know i trust them, i love them. 

I just don't want oversharing my personal problems, pakiramdam ko ay mas safe ito kapag ako lang ang may alam.

Pero alam kong one day makakaya ko ring i open up sa kanila lahat ng ito.

Ilang minuto nalag at patapos na ang klase, hindi naman nanginginig ang kamay ko at mabilis ang tibok ng puso ko kapag uuwi na.

Alam kona kung bakit.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami, hindi ako kumikibo dahil baka mahalata nila na nanginginig ang kamay ko kung kaya't tinatago ko ito sa likod ko.

Paano kung maulit na naman ang nangyari kagabi? paano kung patulungin ako ulit sa labas? paano kung sigawan na naman ni mama? 

"Hindi!" napatingin sila lahat sakin dahil sa biglaang pag sigaw ko, bigla rin akong natauhan na kasama ko pa pala sila at hindi pa ako nakauwi.

Bumabalik lahat ng nagyari kagabi.

"Okay ka lang ba ria?" sabay sabay na tanong nila sa akin.

Dahan dahan lang akong tumango at pilit na itinatago ang kamay ko na nanginginig. 

Maya maya pa ay dumating narin ang sundo nilang tatlo kaya ako nalang ang naiwan.

Ako nalang mag isa.

My whole body was shaking, i know it's possible to happen it again. Kapag naaalala ko ang pangyayaring iyon kagabi ay nanginginig na ako, lalo na yung sinagawan ako ni mama.

She wasn't like that before, she changed. 

Nagbago na ang pakikitungo nila sa akin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang naaalala ko lang ay ang mga masasakit na sinabi nila sa akin.

Even their not my true family, i still love them. Because even fir a short time, they raised me and cared for me.

Nasa tapat na ako ng pinto, nagdadalawang isip na bukas ito, pero kahit nanginginig ang kamay ko ay sinubukan ko parin.

Napasigaw ako sa biglang pagbukas nito at napatakip sa dalawang tenga ko, ayaw ko ng ingay. Natatakot ako.

"Oh ria bantayan mo ang bahay pupunta na kami sa palawan, hindi pa namin alam kung kailan ang balik namin ikaw na ang bahala sa sarili mo at bantayan mo ang bahay wag kang patanga tanga".

"Si-sige po" sagot ko habang nakayuko    lumapit sakin si papa "simula ngayon hindi kana namin pag aaralin, ikaw na ang bahala sa sarili mo hindi ka naman namin tunay na anak".

Tinitigan ako ni princess na parang nakakaawa ako at gusto niya ag ginagawa sa akin, ang pahirapan at saktan ako.

Nilagpasan na nila ako at sumakay na sa kotse at umalis.

Nakaramdam ako ng konting saya dahil hindi na nila ako masasaktan kada uwi ko, o kahit nasa bahay lang ako. Pero mas malaki ang lungkot ko dahil sa sinabi ni papa.

'Hindi ka na namin pag aaralin'

'Hindi ka naman namin tunay na anak'

"Arghhhhh!" napasabunot ako sa sarili ko at kinurot kurot ang balat ko dahil sa inis sa sarili. 

"Bakit ba ag hina hina ko? Bakit hindi ko man lang maipagtanggol yung sarili ko? bakit hindi ko madepensahan ang sarili ko? bakit?!"

Sigaw ko habang malakas ang hagulgul ko dahil sa frustration na nararamdaman ko, naiinis ako.

Nakita kong tumitingin sa akin ang ibang dumadaan na tao, kaya pumasok na kaagad ako sa gate baka isipin nila na nababaliw na ako.

Hindi pa naman bakasyon pero ang aga nilang umalis, totoo talaga yung sinabi nila na hindi ako kasama.

Ako lang mag isa dito sa bahay, kaya malaya akong gawin ang mga bagay na hindi ko nagagawa pag nandito sila.

Matagal na aon hindi nakakapasok sa kwarto nila mama at papa, simula nang magbago ang pakikitungo nila sa akin.

Nandito na ako sa harap ng kwarto nila, hindi ko alam kung tutuloy ba ako. Dati mga litrato namin apat na magkakasama ang nakalagay, parang kulang na nga lag mapupuno na lahat ng buong kwarto.

I smile with that thought. I miss the old days.

Dahan dahan ko itong binuksan bago pumasok, lahat ay nagbago na. Wala na rin ang mga litrato namin na magkakasama, magkakasama parin naman pero wala na ako.

Una kong nilapitan ang picture frame ni princess na nakangiti habang nakayakap sila mama at papa, buti pa siya mahal.

But, what about me? i think i'm a outsider in this house.

Sunod kong nakita ang magkayakap silang tatlo. Makikita ko pa lang sa mukha nila ay alam kong sobrang saya nila.

May hawak na popcorn si mama pati rin si princess at kunwaring itatapon iyon kay papa na tumatawa.

Kung hindi ako nagkakamali ito yung araw na pinagalitan ako nila papa at mama, nanonood pala sila ng movie nito.

Habang ako nung oras na yan ay naghuhugas at naglalaba, gumagawa ng gawaing bahay.

I just silently cried while looking at their photo, they all look so happt without me. But aleast they're happy even i am not the reason behind it.

Nilibot kopa ang paningin ko sa buong kwarto bago pumunta sa king size bed, malinis at malambot. Dito muna ako kahit ngayon lang para maramdaman ko rin na kasama nila ako bilang pamilya.

Maya maya ay nakaramdam na din ako ng antok kaya humiga na ako. Kahit nakauniform pa ako ay hindi ko nalang pinansin.

Kaninang umaga pa ako hindi nakakain pero ayos lang naman ako, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang umiyak ng umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Malaya ako ngayon na ilabas ang damdamin ko dahil ako lang mag isa. 

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, napatakip ako sa mukha ko at bumangon na.

Kahit papaano ay naging masaya ako ngayon dahil nakatulog narin ako ulit dito sa loob ng dalawang taon, sobrang tagal na nun. Kaya ganito nalang ang saya ko na makapasok at makatulig ulit dito.

Lumabas na ako at pumunta agad sa kwarto ko para maligo na. Naka uniporme pa ako kaya kailangan ko ng magpalit ng damit.

It's saturday, wala kaming pasok ngayon, habang wala sila dito sa bahay ako muna ang magbabantay dito. Susulitin kona ang oras na nandito ako.

Kapag nakauwi na sila ay tsaka ako aalis hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero aalis ako. 

Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumain, wala naman akong gana kumain pero kakain ako para may laman kahit kaunti ang tiyan ko.

Kumuha lang ako ng saging at cococrunch tsaka gatas, konti lang ang nilagay ko dahil hindi ko naman mauubos lahat to.

Tinignan ko ang cellphone ko na nag vibrate, nagmessage sa akin si pia.

Piaworstback: gala tayo ngayon sabihan ko lang dila belle at livia.

Sumubo muna ako ng pagkain ko bago nag tipa sa cellphone ko.

Azariaaa: sige pagkatapos kong kumain.

Piaworstback: nasabihan kona sila, sige kain well.

Hindi na ako nag reply pa at kumain nalang ulit, konti lang naman kaya mabilis naubos. Hinugasan kona ang pinagkainan ko at pumunta sa kwarto ko.

Nagsuot lang ako ng black leggings at ang favorite kong kulay peach na hoodie. Nagsuklay lang ako para hindi magulo ang buhok ko, maikli lang naman.

Wala akong pake sa itsura ko ngayon dahil sila pia lang naman kasama ko, kami kami lang din magkakaibigan ang gagala.

Lumabas na ako at nilocked ang pinto ng bahay,  as i was walking i bump into someone.

Pagtingin ko sa kanya namukhaan ko agad ang itsura niya, siya yung kaibigan ni hayden at ang mayabang na nakabangga rin sa akin nung nakaraan.

-Christine

Christine Olenares

Tw: harassment

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status