Share

Chapter 4 "Pagdating

"mama! " agad na sumalubong si Wesly sa kanyang na naka upo wheel chair at tulak ng isang nurse at may mga kasama itong mga bodyguard .

"deretso na tayo sa Mansion Wesly " hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin kahit kailan hindi niya ramdam ang pagiging ina nito .Walang imik na sumunod si Wesly sa ina niya at pinauna muna nila ito pasakayin sa Van.

"kamusta ang kasal ng apo ko Wesly?" seryosong salita ng donya sa anak nito .

"maayos lang naman mama kahit papaano nakaraos "

"mabuti naman kung ganon .Dalawang araw lang ako dito Wesly hindi ako magtatagal dahil kailangan kong manatili sa state dahil naroon ang doktor ko .Hanggat maari ituring niyo ng maayos si Helen. I know hindi niyo siya gusto dahil hindi siya galing sa mayaman na pamilya . But I warn you Wesly wag na wag kong malaman na tinuturing niyo siya na wala lang " napalunok si Wesly sa lahat ng narinig bigla niyang naisip ang mga napag usapan nilang mag asawa .

Buong byahe na walang imik na naganap sa loob ng Van . Takot siya sa ina niya dahil kung bigla niya itong galitin ay baka matulad siya sa kapatid nito na hanggang ngayon hindi pa bumabalik at hindi na nila mahanap .

Pagkarating nila sa mansion ay naroon ang lahat maliban sa bagong kasal na tulog parin .

"I miss you lola !" bebeso na sana si Krizel ngunit iniwas ng Donya ang kanyang mukha sa apo nito .

"Naka make up ka iha you know naman diba may allergies ako " medyo napahiya si Krizel pero hindi niya pinahalata .

"ayos lang yon lola sorry nakalimutan ko po!" pigil na pigil ang kanyang mga luha na kusa ng babagsak kung papayagan na niya itong kumawala sa mga mata niya .Alam niyang allergy ang lola niya sa cosmetics at hindi niya yon naisip pero masama parin ang loob dahil malamig ang pakitungo nito .

"kamusta ka mama !"abot tainga ang ngiti ni Vilma sa byenan nito bagong dating .Ngunit wala man lang itong reaksyon kaya gaya nila Wesly nainis din ito sa kanyang loob loob .

"gusto ko muna magpahinga ." walang gana nitong saad saka inutusan ang mga nurse na ipunta siya sa kwarto .

"bakit ganon si Lola mommy? " maluha luha nitong tanong sa kanyang ina .

"hindi ko alam at dati na siyang ganon nagtaka kapa Krizel " padabog siyang umakyat sa taas para pumanhik sa kwarto nito .

"I hate you !" malakas ang pagkasara niya sa pintuan ng kanyang kwarto .Hindi niya maintindihan pero simula nakilala ng lola niya si Helen ay nagbago na ito sa pakikitungo sa kanila .Maliban sa kuya Kurt niya na siyang pinangakuan niya ng mana basta pakasalanan ang isang hampas lupang kagaya ni Helen .

"gagawin ko lahat mawala ka sa buhay namin pag makuha ni kuya ang dapat sa kanya Helen " inis siyang nahiga sa kama nito tinatamad naman siyang pumasok sa kompanya nila dahil puyat siya kagabi .

"kamusta ang pakikitungo nila kay Helen ?" pumasok ang mayordoma ng mansion .

"ayos naman po ma'am wala naman akong nakikitang kakaiba at maayos naman po ang pakitungo nila sa kanya." pero ang totoo marami siyang naririnig na reklamo ni Vilma sa kanyang manugang dahil ayaw niya ng gulo at ayaw niya rin kay Helen ay hindi siya nagsabi ng totoo .

"makakaalis kana " yumuko ito at umalis na siya sa kwarto ng donya .

"sa ngayon maam wala silang ipinapakita na mali kay Helen pero pag magtagal siguro ma'am " suhento ng kanyang nurse na kaibigan ni Helen .Hindi mapakali si Maxy ng makita niya ang itsura ng magiging pamilya ni Helen parang hindi niya gusto ang negatibong enerhiya na kanyang naramdaman .

"tama ka at ayaw ko yan mangyari kay Helen siya sige Maxy iwan muna ako dito at pumunta kana sa kwarto mo .Tawagan nalang kita kung kailangan ko ng tulong mo .

Nagpaalam na an nurse sa kanyang amo at maaga pa naman ng umaga kaya nakaramdam siya ng antok dahil sa byahe nila mula sa ibang bansa .

"honey eron na daw si lola " bulong ni Kurt sa asawa nitong mahimbing ang tulog .Hindi niya alam pero parang sanay na siya sa presensya ni Helen na noon ay kinakaya niya kahit pagpapanggap lang ang meron siya .

"halla bakit mo lang ngayon sinabi "agad agad bumangon si Helen at pumunta sa banyo para magshower . Nakabihis na siyang lumabas sa banyo at nagsuklay mula bago lumabas sa kanilang kwarto .

"nasaan po si lola ?" tanong niya sa isang katulong na naglilinis sa hagdan .Sumunod naman sa kanya si Kurt .

"nasa kwarto niya po ma'am"sagot naman nito .Mabilis na bumaba si Helen at tumungo sa kwarto ng donya .

"lola!!! "agad niyang yakap sa matanda .

"kamusta ang mga bagong kasal .Bakit hindi kayo mag honeymoon sa state Kurt " tumingin siya sa asawa niyang sumunod pala ito sa kanya .

"naku lola tapos na po ang honeymoon at sinisiguro ko sa inyo magkakaroon na kayo ng apo sa tuhod " namula ang pisngi ni Helen dahil sa pagsabi ni Kurt tungkol sa nangyari sa kanila kaninang madaling araw .Masakit pa ang kanyang katawan pero hindi niya pinahalata at hindi niya naisip dahil sa excited niyang makita ang Donya .

"mabuti at mabigyan niyo ako ng apo agad agad dahil maikli lamang ang buhay ng tulad kong ugod god na "

"hay naku lola wag nga kayong magsabi ng ganyan "parang hindi niya kaya kung mawala ang matanda sa buhay niya dahil ang Donya ang nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay ng makilala niya ito sa ibang bansa .Hindi niya akalain na nagustuhan siya ng Donya at dahil sa kanya nakilala niya si Kurt.

"biro ko lang iyon iha .Alam mo naman gusto ko pang makita ang apo ko sa tuhod lalot galing sa tulad mo" hinawakan ni Donya Thalia ang pisngi ni Helen .Nakikita niya sa asawa ng kanyang apo ang namayapang matalik nitong kaibigan noong dalaga pa sila .Kahit anong pag imbestiga ang ginawa niya hindi niya mahanap ang kaibigan niya noon at hanggang ngayon .Kaya simula nakilala niya si Helen ay parang tinuring niyang walang iba ang dalaga hanggang naisipan niyang ipakilala sa apo niyang lalaki dahil gusto niya mapabilang si Helen sa kanilang pamilya na siyang pinangako nila sa isat isa ng kanyang matalik na kaibigan noon .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status