Share

Chapter 7 "Palpak

"nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe.

"nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya .

" kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan.

Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob .

"kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya "

boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan.

"bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abogado .

"natanong ko lang mama dahil may gustong gawin ni Kurt sa manang ibibigay niyo .Ayaw niyo yon mama makikita niyo pa kung saan gagamitin ni Kurt ang ibibigay niyo " walang salita ang lumabas sa Donta dahil sa inis kay Wesley na hindi man lang ginalang ang pananahimik niya sa library .Dahil naramdaman na ni Helen na tahimik na sila ay kumatok muna siya at hinintay buksan nila ang pintuan .

"daddy !" si Wesley ang nagbukas at nabungaran niya na si Helen ang kumatok .Walang emosyon sa mukha ng kanyang byenan .

"bakit iha?" malumanay niyang salita sa kanyang manugang .Minsan gusto niya ang napangasawa ng anak perp dahil hindi siya gusto ng asawa niya ay sumasang ayon din siya minsan sa lahat ng sinasabi nito tuwing naiinis ang asawa niya sa kanilang manugang . Kailangan niyang maging pakitang tao .

"ah dad kain na po kasi nakapag hain na po ako at kunin kona din si lola dahil iinom pa siya ng gamot pag tapos niya kumain" hindi na siya magtataka kung bakit nagustuhan ng kanyang ina si Helen dahil maalaga ito at malambing na paramg hindi makabasag pinggan dahil sa kabaitan.

"sige !! mama si Helen na daw ang magtutulak !" pumasok na si Helen at pumunta sa kinaroroonan ng Donya para itulak palabas ang kanyang wheel chair.

"lola niluto ko po ang favorite niyong pagkain "

"aba iha nag abala kapa .Pero salamat Helen namis ko ang luto mo hindi kasi makuha ni Maxy ang lasa na gusto ko at ikaw lang ang nakakakuha " hinawakan nito ang palad ni Helen . Gustuhin man niya kunin si Helen sa state ay hindi pumayag si Kurt nang makausap niya ito dahil nasa sariling bansa nila ang kompanya na inaalagaan nito .

Nakangiting naghihintay si Vilma sa hapagkainan ng palapit na ang kanyang byenan na tulaktulak ni Helen ang wheel chair nito.

"tawagin mo ang aking nurse na kumain sila dito!" inutusan ni Donya Fatima ang isang katulong at agad ito tumalima para tawagin ang pinapatawag niyang nurse .

"sana magustuhan niyo po ang mga ulam na pinaluto ko kay Helen mama alam ko po favorite niyo ang mga ito" gulat na gulat si Helen sa narinig hindi niya inaasahan na ganon ang sasabihin ng kanyang byenan na babae .Hindi nga niya ito kinausap o nagsabi ng ulam na gusto niyang lutuhin kundi pumunta lang ito sa kusina para asarin . Napalunok nalang siya at biglang may iba siyang naramdaman sa pamilya ng kanyang asawa .Malamig ang pakitungo nila sa kanya at laging pinapamukha ang kanyang kahirapan .Pero titiisin niya lahat basta ang importante maayos sa kanya ang Donya at ang asawa nitong si Kurt .

"totoo ba yon honey ikaw ang nagluto nito !" nagtaka siyang tumingin sa papasok mula sa dinning area ang akala niya nasa kompanya ang asawa niya dahil nag ka emergency meeting at yon ang paalam niya kanina. Pero hindi naman ito nakasuot ng pang opisina saad ng kanyang isip habang palapit sa kanya si Kurt at b****o ito sa kanyang pisngi.

"umupo na kayo at kakain na!" lahat sila sumunod sa utos ng Donya .

Nakatingin lang si Vilma sa plato ng kanyang byenan nagbibilang siya kung ipag sasandok na ito ni Helen .Nakikita na niya ang mga galit ng kanyang asawa at anak nito at nakahanda na rin siya sa drama .

"wait lang lola kunin ko po ang kakainin niyo para sa inyo " tumayo si Helen at pumunta sa kusina para kunin ang pagkain na para sa Donya. Itinabi niya muna sa loob ng microwave para hindi ma exposed sa hangin ang pagkain ng Donya .Sanay na siya dahil ilang taon niya rin naalagaan ang Donya at alam na niya ang bawal at mga gusto nito .

Hindi makapaniwala si Vilma sa kanyang nakita hindi pala kasali ang byenan niya sa nakahain na pagkain.

"bakit ano yan Helen?" pagtataka nitong tanong .

"ah pagkain po ni Lola mommy .Bawal kasi ma exposed sa hangin ang kakainin ni lola kaya pag maihain na po dapat mainit ." bigla siyang napalunok dahil palpak ang kanyang balak mabuti nalang wala ang kanyang anak na babae dahil ito ang may allergies sa hipon .

"grabe sakto ang dating ko gutom na ako ." akma na sana uupo si Krizel kaya nataranta si Vilma dahil biglang dating ni Krizel na mukhang galing lang ito sa gimik kasama ang mga kaibigan niya.

"ah kain na kayo .Halika ka Krizel magpalit ka muna ng damit mo bago ka lumapit sa hapag kainan . " hinila niya ang anak papunta sa taas .

"mommy ano ba nangyayari sayo?" nagtataka siya dahil sa paghila bigla ng ina nito sa kanya .

"palpak ang plano ko!" hindi ito mapakali pagkarating nila sa kwarto ni Krizel .

"palpak anong palpak mommy?" hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina. Hindi ito mapakali na parang naiihi sa inis .

"inom kana ng anti allergy mo dahil nalagyan ko ng hipon powder ang mga pagkain at bawal sa iyo yon!" inis na umupo si Krizel sa kanyang kama dahil gutom na na ito at hindi pa siya makakain .

"wala ako extra na gamot mom!!! .Bakit niyo naisipan na lagyan ng ganun ?" inis niyang tanong sa kanyang ina .

"diba bawal sa lola mo ang hipon so ginawa ko yon dahil sa inis si Helen ang nagluto ng mga ulam kaya gusto ko siyang mapahamak kaso ang lintek may inihiwalay pala siyang pagkain ng lola mo " napakagat ng daliri si Krizel dahil gusto niyang matawa sa ina niyang palpak mag isip .

"wag na ako kakain siya pala nagluto hmmpt!" humalikipkip ito at biglang nawala ang kanyang gutom dahil sa narinig niya kung sino ang nagluto sa mga nakahain .Hindi pa niya nakakalimutan ang pinakitang ugali ni Helen kanina .Sa isang tulad niyang mataas ang pride at bratty kung tawagin nila never siyang tumatanggap ng kahit ano mula sa kanyang kaaway .

Bumalik si Vilma sa dinning area at nagtaka sila dahil hindi sumunod sa kanya si Krizel at dinahilan nalang niya ay wala na itong gana at busog pa ito .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status