"mabuti naman at magawa mong tumulong dito sa kusina Helen akala ko nagbubuhay reyna ka dito " lumapit si Vilma kay Helen na abala sa paghihiwa ng mga carots para sa sahog ng kanilang uulamin mamayang lunch .
"hindi naman po mommy hilig ko ang po talaga ang magluto dahil sanay na ako dyan " hindi maintindihan ni Helen pero parang ang bigat ng pairamdam niya tuwing lumalapit sa kanya ang pamilya ng kanyang asawa . "ohh really maayos naman iha sige at dapat masarap a dahil ngayon ko palang matitkman ang iyong luto " hindi na umimik pa si Helen at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay para sa lulutuin niyang ginataang gulay .Lihim na ngumiti si Vilma dahil nagkunwari lang siyang mabait ng makita niyang dumaan ang isang nurse ng kanyang byenan .Kailangan nilang maging maingat habang narito ang ugod niyang byenan dahil nagsumbong sa kanya ang mayordoma nila na nagtanong ang Donya tungkol sa maayos na pakikitungo nila kay Helen . Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kapit ni Helen sa kanyang byenan na siyang kakaiba kung ituring siya ng matanda . "bilisan mo dyan! " umalis na ito pagkakuha ng isang aso para sa kanilang kwarto . "ayos ka lang ba ma'am Helen?" tanong ng isang ginang na isa ding katulong na siyang tumutulong sa kanya sa pagluluto . "ayos lang ako manang ." pero ang totoo parang may iba siyang naramdaman sa pakikitungo sa kanya. "Janeth halika dito may ipapagawa ako sayo !!" bumalik si Vilma at tinawag ang katulong na kasama ni Helen sa pagluluto .Gusto niyang pahirapan ang kanyang manugang para pag malaman nilang mailipat na sa pangalan ni Kurt na anak niya ang mana nito sa matanda papalayasin na nila ang hampas lupang babae na dumikit sa kanilang pamilya . "sige manang sumama kana ako na ang bahala'' napilitang sumama si Janeth kay Vilma ayaw niya sana iwan si Helen dahil madami itong lulutuhin ngunit parang hindi na niya magawa dahil sa patawag sa kanya ng isa pa nilang amo . "ano po papagawa niyo ma'am?" tanong ni Janeth. "dito ka lang at wag mo siyang tulungan doon .Ayusin mo dyan at linisan mo anf mga iyan" nasa hardin siya ngayon at hindi niya trabaho ang pinapagawa nito dahil may hardinero sila at siyaay tinalagang kusinera. "maam hindi ko po trabaho ito " may karapatan siyang magreklamo dahil yun ang totoo. "isang beses ka pang magreklamo tatanggalin kita dito Janeth hayaan mo si Helen doon tutal nagpapakitang dilas then be it manigas siya doon !!! " dahil sa takot niyang matanggal siya agad siyang tumalima sa paglilinis sa mga paso na madudumi .Iniwan muna ni Vilma ang katulong at sinilip si Helen kung nahihirapan na siya sa ginagawa nito sa kusina. "halla ka Janeth ano ginagawa mo dyan trabaho ko yan "agad na kinuha ng hardinero ang mga pasong nililinisan ni Janeth .Bawat katulong sa kanila ay may kanya kanyang gawain at bawal maki alam . "utos ito ni ma'am Vilma ayaw niya akong tumulong sa pagluluto dahil naroon si ma'am Helen '' "halatang hindi nila gusto yung asawa ni sir Kurt nuh?" lumapit siya kay Janeth at lumingon muna dahil baka may makarinig sa kanila . "halata nga .Parang ayaw nila sa mabait gusto nila doon sa tulad ni Eunice na m*****a " masama ang loob niya dahil naiisip niya si Helen na hindi na niya alam ang ginagawa ngayon lalot marami itong niluluto . "may sira ata sa utak ang pamilyang ito ang Donya lang ata ang matino .Alam mo bang noong isang gabi bago ang kasal nakita ko dyan sina sir Kurt at Eunice naghahalikan at mukhang may milagro pang ginagawa " tinuro niya ang isang kahoy na upuan mula sa tabi ng mga halaman na hindi makikita kung sino man ang gustong magpahinga doon pero nang gabing nakita niya ang dalawa ay masasabi niyang may ginagawang milagro ang dalawa dahil sa ungol ng babae . "ano kaya maramdaman ni ma'am Helen kung malaman niya lahat ng plastik lang pala ang mga tao dito " sila na ang naiinis sa pinapakitang masama ng mga amo nila sa isang Helen na mabait at palangiti .Tinigil nila magkwentuhan dahil baka may makarinig sa kanilang pinagkwekwentuhan nila ang kanilang mga amo . Samantala hindi na alam ni Helen kung ano ang dapat niyang lutuhin dahil kailangan niya ng kasama lalot madaming hugasin na sa lababo na siyang nagpapahirap at hindi siya focus sa pagluluto . "mommy nasaan na po si manang Janeth lakas loob niyang tinanong sa byenan niyang napadaan mula sa kusina . "may ginagawa siya .Kaya mo yan Helen dapat matapos ang lahat yan mamaya dahil alam mo kung anong oras umiinom ng gamot ang mama kaya dapat dalian mo dyan " hindi na siya nakaimik dahil parang hindi maganda ang pagkarinig niya sa mga salita ng kanyang byenan parang katulong lang siya kung utusan .Nagbuntong hininga lang siya habang nakatitig sya sa iba pa niyang lulutuhin .Tinignan niya ang orasan at talang isang oras nalang at kailangan na nilang kumain . Lihim naman sumilip si Janeth kung pumanhik na sa taas ang bruha nilang amo kaya agad agad siyang pumunta sa kusina para tulungan si Helen . "ako na po maghuhugas sa mga yan maam Helen tapusin niyo na po ang mga niluluto niyo habang wala pa siya " nagpasalamat siya sa isang katulong dahil marunong itong makiramdam hindi gaya ng iba kanina na parang wala lang siya at ramdam niya na iba sila tumingin at parang wala lang siya . Binilisan niya ang nagluto at sabay sabay niya itong ginawa sa isan kalan na apat ang lutuhan .Kaya niyang lutuhin ang lahat basta may kasama lang siyang magligpit sa ibang gagamitin niya para makapag focus siya sa pagluluto . Natapos ang lahat at nakapag ligpit na rin si Janeth at nag ayos na rin siya sa mesa ay nagpaalam na kanya ang katulong dahil baka biglang dumating ang kanilang amo . Abala sa pag hahain ng mga pagkain si Helen ng bumababa si Vilma. Kunot noong tumingin si Vilma sa abalang Helen na naghahain ng ulam.Tinignan niya ang kusina malinis na ito at walang kalat kaya nagtaka siya at tumungo sa hardin dahil baka pumunta si Janeth para tulungan si Helen . Nakita niya si Janeth na abala sa pagkuskos ng mga paso at mag isa lang ito kaya nagtataka siyang bumalik sa kinaroroonan ni Helen . "talagang binalokan ka ni bruha dito at baka nakota niyang tapos na si Helen sa kusina" bulong ni Pasyo kay Janeth .Nagtawanan sila dahil nakikita na nila ang itsura ni Vilma sa pagtataka. "mabilis ka palang magtrabaho bagay mo nga ang maging katulong Helen" nakakainsultong tawa ang kanyang pinakawalan. Hindi nalang umimik si Helen at pinagpatuloy ang paghain ng pagkain sa mesa .Nasaktan siya sa sinabi ng kanyang byenan pero papalagpasin lang muna niya dahil baka sinusubukan lang siya nito gaya ng mga nababasa at napapanood niyang mga drama noon . "tawagin muna sila Helen ." una na siyang umupo at nakita niya ang walang upuan na ispasyo at alam niyang doon pwepwesto ang byenan niyang may wheelchair kaya agad siyang kumuha ng hipon powder para budburan ang mga ulam na ginawa ni Helen alam niyang allegic sa cosmetic at hipon ang kanyang byenan .Gusto niyang siraan si Helen sa matanda gamit ang paglabas ng kanyang allergies dahil sa hipon .Alam ng matanda na siya ang nagluluto dahil nag request ang matanda na magluto si Helen sa paborito niya .Dahil hindi niya alam kung alin doon ang paborito niya ay lahat ng nakahain maliban sa kanin ay binudburan niya ng hipon Powder."nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe."nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya ." kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan. Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob ."kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya " boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan."bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abog
Kinaumagahan sumama si Helen kay Maxy para bumisita sa bahay ampunan ."uyyy kinakausap kita Helen lumilipad ata ang isip mo hindi kaba napagbigyan ni Kurt kagabi " nagtataka si Maxy dahil kanina pa niya kinakasap ang kaibigan pero wala itong imik at parang malalim ang iniisip .'' sira ka talag kung ano ano ang sinasabi mo !! '' gusto niyang magkwento sa kaibigan ang tunay na ganap nila ni Kurt kagabi .Walang nangyari at hindi na naulit ang kanilang masayang umaga ng may nangyari sa kanila .Natulog ito ng maaga at walang yakap magdamag kaya nagtatampo siya pero hindi niya pinahalata sa lahat lalo na sa Donya."kung ano man yang problema mo Helen mag sabi ka ng totoo dahil kung patuloy mo kimkimin yan hindi mo namamalayan parang bulkan yan na basta basta nalang sasabog at doon ka mahihirapan " natawa nalang siya dahil saan saan na napunta ang sinasabi sa kanya ni Maxy .Hindi niya hilig magsabi ng problema dahil problema niya iyon at ayaw niyang may madamay o may makaalam dahil mas gus
''alam mo bang marunong ng sumagot sagot yang magaling mong manugang " inis niyang sumbong sa kanyang asawa na abala sa pagbabasa ng mga news paper . "wag mo siyang lapitan kung ayaw mong sagutin ka niya .Pwede ba Vilma mabuti naman ang ipakita mo kay Helen dahil asawa siya ng anak natin " nagtataka siya dahil mukhang kampi ang asawa niya sa hilaw nitong manugang . "bahala ka Wesley basta sa akin hindi ko tanggap yang babaeng yan .Ano pala sabi ni mama sa manan ng anak mo?" gusto na niyang madaliin dahil tuwing nakikita niya si Helen ay kumukulo ang kanyang dugo . "knowing mama she's wise Vilma hindi yan ibibigay agad hanggat hindi niya nakikita na maayos ang pagsasama ng dalawa .Kaya kung ako sayo pagsabihan mo ang anak mo na wag lang mana ang tanging nasa isip niya " tumayo ito at biglang sumakit ang ulo niya dahil sa bunganga ng kanyang asawa . "ang bilis naman lola aalis na kayo ?" si Helen na ang nagtulak ng wheel chair ng donya para ihatid sa Van .Paalis na sila at kailangan
Bigong nakita ni Helen ang kanyang asawa dahil pinauwi agad siya ni Krindel. Pagkalabas niya sa elevator ay sakto naman lumabas din si Eunice ngunit hindi siya nakita ni Helen dahil bigla itong nagtago mula sa gilid . "tama ba yong nakita ko?" bulong ng kanyang isip at lumingon ito dahil parang nakita niya si Eunice .Bigla siyang kinabahan dahil kilala niya si Eunice ex ito ni Kurt at hiwalay na sila noong nanligaw si Kurt sa kanya . Bigla siyang nakaramdam mg selos dahil anong oras na pero galing sa taas ito . Agad siyang bumalik sa taas na agad naman tumawag si Eunice kay Kurt na pabalik na si Helen sa taas . "nasaan si Kurt?" tanong niya agad kay Krindel . "nasa loob maam .Pasok nalang kayo" pinagbuksan siya ng pintuan at nakita niyang abala ito kasama ng tatlong lakaki . "honey bakit bumalik kapa gabi na!" lumapit ang asawa niya at hinalikan ito sa labi .Bigla siyang nahiya dahil parang kulang siya ng tiwala at naghinala agad siya sa asawa niya . "wala kumain kana ba o kayo?
"hay naku Helen niyaya mo ako dito sa park tapos ganyan ang mukha mo and wait mabuti nakalaya kana sa kulungan mo ?'' natatawa nitong pang aasar sa kaibigan niyang tahimik at mukhang pasan ang buong mundo dahil sa nakasimangot ito .Nagtaka si Zia dahil ngayon lang nakalabas ang kaibigan niya simula kinasal ito .Ang huling kita nila ay noong pumunta ang mga ito magkasama sila ni Maxy dumalaw sa bahay ampunan ang tantya niya may isang buwan ng hindi nakita ni Zia ang kaibigan ."ayos ka lang ba Helen?" sumeryoso na siya sa pagtatanong dahil mukhang wala sa mood makipag asaran si Helen .Buntong hininga lang ang tanging sagot ni Helen at may luhang pumatak sa mga mata nito ."halla mag sabi ka nga ng totoo sa akin may problema ka bang hindi mo masabi ?" tumango si Helen at nagpunas ng luha .Hindi niya pinahalata na umiiyak siya dahil parang nakita niya ang babaeng laging nakasunod sa kanya pag pumupunta siya palengke ."tama ka Zia para nga akong nakakulong sa bahay na iyon .Hindi nila a
Pagpasok ni Helen sa mansion tahimik wala na gaanong ilaw sa sala dahil medyo gabi na rin .Bago niya buksan ang pintuan ng kanilang kwarto at tumingin muna siya sa guestroom dahil baka naroon na naman ang asawa niya .Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya nakita si Kurt na nakaupo mula sa madilim na bahagi ng kwarto .Pag ka bukas niya ng ilaw ay nagsalita si Kurt .''saan ka galing at ginabi ka?" gulat na napatingin si Helen sa sofa kung saan naroroon sa kanilang kwarto .Sinadya niyang gabihin umuwi para makaiwas man lang ng ilang oras na stress sa mansion .Nasarapan niyang nakipag kwentuhan sa mga bata lalot naaliw siya dahil maraming palaro na ginawa ni Zia na inihanda dahil kaarawan ng isa nilang ampon ."sa bahay ampunan lang !" malamig nitong sagot .Hindi parin nawawala sa kanya ang tampo nito dahil sa ilang araw ng malamig ang pakitungo ni Kurt sa kanya ."hindi ka daw nagpaalam sabi ni mommy ?" hindi parin ito tumayo at seryoso parin ito sa kanyang loptop na nasa harap."if ev
Maagang nagising si Kurt para ipaghanda ng pagkain si Helen bago siya pumasok ng trabaho .Nagpasyang babawi siya bilang asawa .Isinantabi muna niya ang plano nito dahil kung iisipin niya kung tuluyang umalis si Helen kagabi at hindi naagapan ay malalaman ng kanyang lola at baka bawiin sa kanya ang mana ng ibibigay. Marami siyang niluto at kailangan pag silbihan niya para mawala ang tampo nito sa kanya .Bumuntong hininga siya ng maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi .Isang mainit at hindi pilit nagtataka siya dahil sa gabing iyon ay nakalimutan ang tunay na hangarin at naramdaman niya ang isang Helen bilang isang asawa niya .Naging malamig siyang asawa kaya kailangan niyang bumawi .Pagkatapos niya naghanda ng pagkain ay pumasok na siya sa kwarto para mag ayos papuntang opisina .Hindi niya muna gigisingin si Helen dahil alam niyang pagod ito .Lumapit siya sa asawa niyang mahimbing matulog at hinalikan ito sa labi ."I'm sorry!!!" bulong nito saka tumayo at pinatay ang ilaw bago l
"congratulations sa inyong dalawa finally kinasal na rin kayo "pag bati ng sa kaibigan ni Helen na si Zia ."paano yang kaibigan mo ang tagal bago siya pumayag na magpakasal na kami " natatawang sagot ni Kurt sa kaibigan ng kanyang misis na ngayon ."sus ang sabihin mo nalate kang nag propose kasi sa kanya ." natatawa nalang si Helen sa dalawa dahil walang papatalo sa kanilang usapan .''love !" bulong ni Kurt kay Helen ng makaalis na ang kanyang kaibigan."magtimpi mister Bizon " nakikiliti siya sa paghaplos nito mula sa kanyang likuran.Natawa nalang din si Kurt at tinawag sila ng kanyang ama para pumunta sa ibang bisita ."grabe senyor Bizon hindi namin alam na maganda pala ang mapapangasawa ng anak mong si Kurt ?"ngumiti lang si Helen sa mga pumupuri sa kanya ."hayy nako kumpadre alangan naman pipili ang anak ko ng hindi kagandahan.Alam mo naman lahing gwapo ang aming pamilya" dalawang lalaki ang anak niya at hindi nakauwi ang kuya ni Kurt dahil abala ito sa training mula sa ibang