"congratulations sa inyong dalawa finally kinasal na rin kayo "pag bati ng sa kaibigan ni Helen na si Zia .
"paano yang kaibigan mo ang tagal bago siya pumayag na magpakasal na kami " natatawang sagot ni Kurt sa kaibigan ng kanyang misis na ngayon . "sus ang sabihin mo nalate kang nag propose kasi sa kanya ." natatawa nalang si Helen sa dalawa dahil walang papatalo sa kanilang usapan . ''love !" bulong ni Kurt kay Helen ng makaalis na ang kanyang kaibigan. "magtimpi mister Bizon " nakikiliti siya sa paghaplos nito mula sa kanyang likuran.Natawa nalang din si Kurt at tinawag sila ng kanyang ama para pumunta sa ibang bisita . "grabe senyor Bizon hindi namin alam na maganda pala ang mapapangasawa ng anak mong si Kurt ?"ngumiti lang si Helen sa mga pumupuri sa kanya . "hayy nako kumpadre alangan naman pipili ang anak ko ng hindi kagandahan.Alam mo naman lahing gwapo ang aming pamilya" dalawang lalaki ang anak niya at hindi nakauwi ang kuya ni Kurt dahil abala ito sa training mula sa ibang bansa . "bakit wala ni isang relatives mo ang dumalo Helen?" kakaalis lang ang mga kasosyo nila sa negosyo at sila nalang tatlo ang naiwan mula sa kinatatayuan nila. "dad alam mo naman ulilang lubos si Helen kaya wala talagang aattend maliban sa madre na kumupkop sa kanya noon at mga kaibigan niya " alam ni Helen na hind siya gusto ng kanyang byenan na lalaki at lalong lalo na ang byenan nitong babae . "okey never mind !!!" umalis na ito sa kanilang harap at niyakap lang siy ni Kurt. "pagpasensyahan muna ang daddy love ." tumango lang siya at tumugon sa yakap nito . "Kurt !" isang babae na maganda at elegante kung manamit ang lumapit sa kanila .Hindi maiwasan ni Helen ang mainggit mula sa hinaharap ng babae dahil maganda ito at nababagay sa hubog ng kanyang katawan .Hindi naman nagpapatalo ang kanyang hubog dahil sexy rin naman siya pero hindi gaano kalakihan ang kanyang dalawang hinaharap . "Eunice '' b****o ang babae sa asawa nito at parang hangin lang siya na hindi niya nakita dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin . "pwede ba tayong mag usap" ang akala niya hindi siya iiwan ni Kurt pero nagpatangay ito sa paghila sa kanya ng babae . "ayyy wow basta ka nalang niya iniwan dito?" ngumiti siya sa kaibigan nito at kumuha siya ng wine sa waiter na padaan sa kanila . "kaibigan niya si Eunice yon pala ang lagi niyang kinekweto sa akin noon" nakatingin lang si Zia sa gawi ng asawa ni Helen na siyang iba ang kutob niya . "hayaan mo nalang sila inom na tayo " binigay nito ang isang baso ng wine kay Zia.Npatingin din siya sa gawi ng dalawa na nag uusap . "ngayon ka lang nagpakita ?" ang alam ng kanyang asawa kibigan niya lang si Eunice pero ang totoo matagal na niya itong girlfriend at palihim silang nagkikita . "bakit hindi ako ang pinakasalan mo Kurt ?" naluluhang tanong nito sa kanya . "alam mo ang reason kung bakit ko siya pinakasalan " "yon lang ba ang rason Kurt o sadyang mahal mo rin siya ?" hindi siya nakasagot sa tanong nito dahil ang totoo hindi pa niya alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman niya kay Helen o pag hahangad na makuha nito ang matagal niyang inaasam. "maghintay ka lang Eunice dalawang taon .Hihiwalayan ko rin siya" umasa si Eunice sa pangako ni Kurt sa kanya kaya niyaya na niya itong bumalik dahil baka maghinala na ang kanyang asawa. Pagkabalik nila ay naka ilang baso na rin si Helen at magisang nakatayo sa mesa at nakita niyang may isang bote ng wine sa tabi nito. "lasing kana ata ?" tanong nito habang hinawakan niya ang baywang nito dahil matutumba na si Helen . "akala ko kasi hindi nakakalasing yung wine na yon sarap kasi ng lasa" natatawa nitong sagot . Lumapit si Zia para magpaalam sa kaibigan nitong mukhang lasing na "Helen mauna na kami nila sister maggagabi na kasi " . "sige sis padala ka nalang ng mensahe kung nakarating na kayo " yumakap si Zia sa kaibigan "ikaw na ang bahala sa kanya Kurt sana wag mo siyang pabayaan tuwing natutulog yan dahil laging binabangungot " hindi alam ni Kurt ang sinabi ni Zia tungkol kay Helen . "sige I will ingat kayo " ihahatid pa sana nila ito mula sa labas pero hindi na makalakad ng maayos si Helen dahil sa dami ng nainom . Binuhat niya ito at pumunta sila sa kwato nila sa bahay lang naman nila naganap ang venew ng kanilang kasal dahil ito ang gusto ng mga magulang niya .Lumabas muna si Kurt at iniwan na nakatulog si Helen sa kanyang kwarto ."nakatulog na ba ang magaling na babae" iilan na ang mga bisita at sila sila nalang din ang nasa hardin ."alam pinsan umiiyak kanina si Eunice hindi matanggap na yang babae na yan ang pinakasalan mo " alam niyang buong pamilya niya ang ayaw sa napangasawa niya dahil ang gusto nila si Eunice pero dahil kailangan niya si Helen na siyang lola lang niya ang may gusto dito sa kuya niya san ipaasawa si Helen at yon ang ayaw niya dahil kung sino ang aasawahin ni Helen ang siyang magmamana sa malaking lupain nila sa Makati na siyang gusto niyang mapunta sa kanya dahil marami siyang pangarap gawin sa lupang mamanahin .''pwede bang pakisamahan siya ng maayos lalot darating si lola bukas " bukas ang dating ng lola nila na siyang nag stay sa isang kapatid ng kanyang ama."hindi mo naman makukuha yon kung hindi mo mabubuntis si Helen remember yon ang gusto ng mama" madali lang buntisin si Helen kung kinakailangan. "naku ti
Hindi makapaniwalang nakatulog si Helen na hindi pa siya nakapag palit sa kanyang wedding dress. Bumangon siya para makapagpalit at amoy alak ang kanyang hininga .Pagtingin niya kay Kurt mahimbing ang tulog nito .Alam niyang pagod ito .Napalingon siya sa orasan na sa tabi ng lampshade kita niyang mag alasinko na ng madaling araw . Kaya nagpasya siyang magpalit ng gown .Kumuha siya ng pajama at isang maluwag na damit para ito ang kanyang isuot.Ngayon sana ang honeymoon nila pero nalasing siya kaya hindi niya nagawang pagbigyan ang kanyang asawa .Pagkatapos niya naligo ay nagpasya siyang magblower muna ng buhok sa loob ng kanilang lagayan ng damit .May sariling area ang closet nila .Noong isang araw lang siya lumipat kaya nangangapa pa siya .Hindi na pinadala ni Kristof ang ibang gamit niya mula sa kanyang apartment dahil binilhan siya ng mga damit .Pero mas gusto niyang isuot ang dati niyang damit kumpara sa bago .Parang tingin niya sa mga bago ay panlabas lang yon at hindi nababa
"mama! " agad na sumalubong si Wesly sa kanyang na naka upo wheel chair at tulak ng isang nurse at may mga kasama itong mga bodyguard . "deretso na tayo sa Mansion Wesly " hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin kahit kailan hindi niya ramdam ang pagiging ina nito .Walang imik na sumunod si Wesly sa ina niya at pinauna muna nila ito pasakayin sa Van. "kamusta ang kasal ng apo ko Wesly?" seryosong salita ng donya sa anak nito . "maayos lang naman mama kahit papaano nakaraos " "mabuti naman kung ganon .Dalawang araw lang ako dito Wesly hindi ako magtatagal dahil kailangan kong manatili sa state dahil naroon ang doktor ko .Hanggat maari ituring niyo ng maayos si Helen. I know hindi niyo siya gusto dahil hindi siya galing sa mayaman na pamilya . But I warn you Wesly wag na wag kong malaman na tinuturing niyo siya na wala lang " napalunok si Wesly sa lahat ng narinig bigla niyang naisip ang mga napag usapan nilang mag asawa . Buong byahe na walang imik na naganap sa loob ng Van
"iba ang saya ni mama kung yang babae na yan ang kasama niya ?" nakasilip mula sa malaking bintana si Vilma at Wesley habang pinapanood nila ang ina nila kasama si Helen . "hayaan mo itong taon na ito huli ng mamasyal ang mama dito sa mansion dahil magpapagamot na siya ng kanyang sakit sa europe so matagal bago siya babalik " ngumisi lang si Vilma at matalim ang tingin niya kay Helen na tumatawa dahil sa kwento ng Donya tungkol sa kalokohan nila ng kaibigan niya noong kabataan nila . "grabe pala kayong mag bestfriend lola .Sana makilala ko rin siya " saad ni Helen .Laging bukang bibig ng Donya ang kaibigan niya noon kaya humahanga siya tuwing laging kinekwento ang kanilang nakaraan . "siya sige kailangan ko ng bumalik sa kwarto Helen dahil mainit na dito sa labas .Kurt ihatid mo ako sa kwarto maiwan si Maxy dito para makapag usap naman ang dalawang ito " nagpasalamat ang dalawa at pinalayo muna nila ang Donya kasama ang apo nito bago sila nagkatinginan . "kamusta ka dito ?" tanong
"mabuti naman at magawa mong tumulong dito sa kusina Helen akala ko nagbubuhay reyna ka dito " lumapit si Vilma kay Helen na abala sa paghihiwa ng mga carots para sa sahog ng kanilang uulamin mamayang lunch ."hindi naman po mommy hilig ko ang po talaga ang magluto dahil sanay na ako dyan " hindi maintindihan ni Helen pero parang ang bigat ng pairamdam niya tuwing lumalapit sa kanya ang pamilya ng kanyang asawa ."ohh really maayos naman iha sige at dapat masarap a dahil ngayon ko palang matitkman ang iyong luto " hindi na umimik pa si Helen at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay para sa lulutuin niyang ginataang gulay .Lihim na ngumiti si Vilma dahil nagkunwari lang siyang mabait ng makita niyang dumaan ang isang nurse ng kanyang byenan .Kailangan nilang maging maingat habang narito ang ugod niyang byenan dahil nagsumbong sa kanya ang mayordoma nila na nagtanong ang Donya tungkol sa maayos na pakikitungo nila kay Helen .Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kapit ni Hele
"nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe."nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya ." kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan. Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob ."kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya " boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan."bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abog
Kinaumagahan sumama si Helen kay Maxy para bumisita sa bahay ampunan ."uyyy kinakausap kita Helen lumilipad ata ang isip mo hindi kaba napagbigyan ni Kurt kagabi " nagtataka si Maxy dahil kanina pa niya kinakasap ang kaibigan pero wala itong imik at parang malalim ang iniisip .'' sira ka talag kung ano ano ang sinasabi mo !! '' gusto niyang magkwento sa kaibigan ang tunay na ganap nila ni Kurt kagabi .Walang nangyari at hindi na naulit ang kanilang masayang umaga ng may nangyari sa kanila .Natulog ito ng maaga at walang yakap magdamag kaya nagtatampo siya pero hindi niya pinahalata sa lahat lalo na sa Donya."kung ano man yang problema mo Helen mag sabi ka ng totoo dahil kung patuloy mo kimkimin yan hindi mo namamalayan parang bulkan yan na basta basta nalang sasabog at doon ka mahihirapan " natawa nalang siya dahil saan saan na napunta ang sinasabi sa kanya ni Maxy .Hindi niya hilig magsabi ng problema dahil problema niya iyon at ayaw niyang may madamay o may makaalam dahil mas gus
''alam mo bang marunong ng sumagot sagot yang magaling mong manugang " inis niyang sumbong sa kanyang asawa na abala sa pagbabasa ng mga news paper . "wag mo siyang lapitan kung ayaw mong sagutin ka niya .Pwede ba Vilma mabuti naman ang ipakita mo kay Helen dahil asawa siya ng anak natin " nagtataka siya dahil mukhang kampi ang asawa niya sa hilaw nitong manugang . "bahala ka Wesley basta sa akin hindi ko tanggap yang babaeng yan .Ano pala sabi ni mama sa manan ng anak mo?" gusto na niyang madaliin dahil tuwing nakikita niya si Helen ay kumukulo ang kanyang dugo . "knowing mama she's wise Vilma hindi yan ibibigay agad hanggat hindi niya nakikita na maayos ang pagsasama ng dalawa .Kaya kung ako sayo pagsabihan mo ang anak mo na wag lang mana ang tanging nasa isip niya " tumayo ito at biglang sumakit ang ulo niya dahil sa bunganga ng kanyang asawa . "ang bilis naman lola aalis na kayo ?" si Helen na ang nagtulak ng wheel chair ng donya para ihatid sa Van .Paalis na sila at kailangan