Share

Chapter 2 "lihim na galit"

Lumabas muna si Kurt at iniwan na nakatulog si Helen sa kanyang kwarto .

"nakatulog na ba ang magaling na babae" iilan na ang mga bisita at sila sila nalang din ang nasa hardin .

"alam pinsan umiiyak kanina si Eunice hindi matanggap na yang babae na yan ang pinakasalan mo " alam niyang buong pamilya niya ang ayaw sa napangasawa niya dahil ang gusto nila si Eunice pero dahil kailangan niya si Helen na siyang lola lang niya ang may gusto dito sa kuya niya san ipaasawa si Helen at yon ang ayaw niya dahil kung sino ang aasawahin ni Helen ang siyang magmamana sa malaking lupain nila sa Makati na siyang gusto niyang mapunta sa kanya dahil marami siyang pangarap gawin sa lupang mamanahin .

''pwede bang pakisamahan siya ng maayos lalot darating si lola bukas " bukas ang dating ng lola nila na siyang nag stay sa isang kapatid ng kanyang ama.

"hindi mo naman makukuha yon kung hindi mo mabubuntis si Helen remember yon ang gusto ng mama" madali lang buntisin si Helen kung kinakailangan.

"naku tita madali lang mabuntis si Helen for sure dahil virgin pa yon .Ikaw ba naman lumaki sa kumbente malang conservative yan " nagtawanan silang lahat dahil naimagine nila ang unang araw na dating ni Helen sa kanila na halos balot na ito ng tela dahil sa style nito sa pananamit .

"stop laughing at her mas okey nga yon dahil kung showy siyang babae malamang hindi ko siya makukuha lalot maraming manliligaw sa kanya noon na mga mayayaman din " napatigil sila sa pagtawa dahil hindi nila maikakaila na may angking kagandan si Helen kahit manang itong manamit .

Dahil masyado ng malalim ang gabi ay umuwi na rin ang ibang bisita na naiwan . Naisipan niyang pumunta na sa kwrto nito para tignan kung gising na si Helen hindi niya ito mapalitan dahil nirerespeto parin niya ito .

''you look angel coming from heaven Helen ang amo ng mukha mo kaya hindi ako nag alinlangan na ikaw ang pinili kong pakasalan ."hinlikan niya ito sa labi . Ngumiti siya dahil naadik siya kanina sa malambot nitong labi .Sa kauna unahan nakahalik na rin siya kaninang nasa Altar sila .Ilang beses niya tangkain na halikan ito ngunit hindi pumapayag si Helen sa dalawang taon nila ngayong kasal lang nila natikman niya ang labi ng asawa .

''hmmm" napalayo kaunti si Kurt sa mukha ni Helen dahil sa paggalaw nito .Tumagilid si Helen sa pag higa at tinuloy ang kanyang pag tulog .

Napalunok nalang si Kurt habang pinagmasdan ang likod ng kanyang asawa na makinis at maputi .

Hindi gusto ni Helen ang damit niya dahil kitang kita ang balat nito sa likod pero dahil wala na siyang choice dahil ang byenan niyang babae ang namili sa kanyang wedding gown .

Dahil sa mainit niyang nararamdaman ay tumungo siya sa banyo para doon magpalamig .Hindi niya maiwasan maakit kay Helen lalo kung ito ay titigan niya o di kaya mahawakan .

Tumapat siya sa shower at doon niya binuhos ang init na kanyang nararamdaman.Asawa na niya si Helen pero parang nakakaramdam siya ng hiya tuwing nahahawakan niya ito .

Pagkatapos niyang nagbihis ay tumabi siya kay Helen na suot parin ang kanyang wedding gown. Gusto niyang bihisan pero natatakot siya dahil baka magalit sa kanya ito lalot isang conservative na babae ang kanyang napangasawa .

***

"nandito na sa bahay natin yang babaeng yan Wesly hindi ko gusto ang presensya niya dito " inis na humiga si Vilma sa kama nilang mag asawa .Kung hindi lang dahil sa mamanahin ng kanyang anak na naging kondisyon ng kanyang byenan ay di niya matatanggap ang babaeng pinakasalan ni Kurt .

"hayaan mo nalang Vilma dalawang taon pag oras naipasa na ni mama ang manahin ni Kurt then get rid Helen out our life " ganyan naman talaga ang kanilang plano pero sa kanya masyadong matagal ang dalawang taon na manatili sa poder nila si Helen .

"uuwi si mama bukas honey kaya pakiusap ko pakisamahan mo ng maayos si Helen isantabi mo muna ang galit mo sa babaeng yan " kailangan pa siyang maagang pupunta sa airport bukas para sunduin ang kanyang ina .

"hindi ko alam kung magagawa ko yan Wesly pero sana hindi magtagal ay mahikayat niyo na ang mama sa paglipat sa mamanahin ng anak natin " humugot ng maraming hangin si Wesly dahil nakukulitan na siya sa kanyang asawa na paulit ulit nalang ang kanyang sinasbi .

"matulog na tayo Vilma . Kailangan maaga pa tayo bukas at ipaalinis mo ang hardin dahil doon lagi naglalagi si mama " ang ayaw niya sa lahat kung bakit ayaw niya na kasama ang kanyang byenan dahil ito ay laging kontra sa lahat ng kanyang gusto .Dahil sa inis ay tumalikd siya sa kanyang asawa at ulog nalang ang kanyang inis .Masaya sana sila dahil kinasal na ang kanilang bunso pero sa babaeng hindi nila gusto kaya kumukulo ang dugo niya kay Helen .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status