Nataranta si AJ nang makitang huminto ang sinasakyan nila sa City jail, kinakalma niya ang sarili ng mga sandaling iyon at pinilit ngumiti sa harap ni Juaquin.“A-anong ginagawa natin dito? Akala ko ba may sorpresa kang ipakikita sa akin?” kinakabahang tanong ni AJ, wala siyang ideya kung bakit naririto sila pero ang alam niya ay natataranta siya kung anong dahilan ng pagdala ni Juaquin dito sa kaniya. Naniniwala siyang walang nakaalam ng ginawa niya bago siya umalis ng bansang Pilipinas at alam niyang hindi kailanman malalaman ng kahit na sino ang tungkol doon ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mapaisip.Tumawa si Juaquin sa nasasaksihang pagkataranta ng kalapit na dalaga, hindi nito malaman ang gagawin sa kinaiikot ng lingon sa kanyang upo na parang nais tumakas.“May dadaanan lamang ako sa loob, maaari mo ba akong samahan sa loob?” nakangising tanong ni Juaquin sa kanya.Hindi makasagot si AJ sa tanong ng binata, nais niyang tanggihan agad ang binata sa alok nito sa kanya,
Hindi matanggap ni Olivia ang nangyari sa kanyang anak, hindi siya natutuwa sa pangyayaring itong naganap sa kanyang anak. “Alis muna ako, anak. Babalikan kita,” nilakasan ni Olivia ang loob para sa kanyang anak na nagdurusa sa loob ng bilangguan na maraming pasa, galos at dugo ang noo. Agad siyang nagtungo sa kumpanya ni Juaquin para makiusap dito na iatras nito ang kaso laban sa anak, alang-alang sa kanilang pinagsamahan ngunit hinarang siya ng guard building at hindi pinapasok. “Bakit ayaw ninyo akong papasukin? Kilala ako ni Juaquin, sigurado akong papapasukin niya ako. Tawagin niyo siya,” utos ni Olivia sa mga sekyung nagbabantay ng gusali. “I’m sorry, ma’am pero si Mr. Cristobal mismo ang nag-utos na wag kayong papasukin,” paliwanag ng isang sekyu. “Imposible! Hindi ako naniniwalang magagawa niya akong balewalain, kilala niya ako kaya ako’y papasukin niyo na kung ayaw niyong mapagalitan kapag naabutan niya ako dito sa labas,” pagbabanta niya sa mga ito. “Pasensya na ma’am, g
Hindi pa rin matanggap ni Lalaine na namatay ang ina niya ng dahil kay AJ, gusto niyang sabunutan at saktan si AJ ng higit pa sa ginawa nito sa kanyang ina ngunit hindi niya nais maging tulad ng dalaga na umabot sa pagpatay ang pagmamahal.Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa kapabayaan niya sa ina pero nawawala rin ito dahil sa pinaparamdam ni Juaquin sa kanyang pagmamahal at hindi niya dapat sisihin ang sarili.“Bakit hindi mo sakin sinabi na alam mong hindi namatay ang nanay ko?” bato niya ng tanong sa nobyo, masama pa rin ang loob niya na huli siyang nakaalam na pinatay ang ina niya ni AJ.“Dahil ayokong sisihin mong kasalanan ang pagkawala ng nanay mo, it’s not your fault. I know you did your very best para maisalba ang buhay niya yun nga lang ay ito ang nangyari,” malungkot na paliwanag ni Juaquin.“Pero hindi mo pa rin dapat itinago sa akin ang totoo. Karapatan kong malaman ang totoong nangyari sa aking ina,” pakikipagtalo niya sa binata. Tumutulo pa rin ang luha ni AJ dahi
Humarap si Aika sa ama, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kung maiinis, matutuwa, o magagalit. Magkakahalong emosyon ang kanyang nadarama sa ngayon, pinilit niyang walang maramdaman na kahit ano para sa ama. Maging ang pagluha ay ipinagdadamot niya sa ama.“Anak? Maaari ba kitang yakapin?” tanong nito sa kanya, tumango na lamang siya kahit ang totoo’y sabik na sabik na siyang mayakap ang ama. Bata pa lamang ay nais na niya ng isang ama na tatawagin niya araw-araw, kakausapin, makakalaro at mapagsusumbungan niya ngunit wala ito sa mga panahong kailangan niya ito.Isang mainit na yakap ang sumalubong kay Aika nang sandaling yakapin siya ni Jose, “God knows how much I love you all,” bulong nito sa kanyang habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.Pahid ng pahid ng luha si Aika upang hindi makita ng ama niya na nanabik pa rin siya sa kanya, tuyo na ang pisngi ng dalaga ng kumalas ito sa pagkakayakap kay Jose.“Maaari na ba akong umuwi? My mom is waiting for me to come back,” hindi
Isang malakas ng sampal ang tumama sa mukha ni Cassie pag-uwi ng kaniyang pamilya sa kanilang tahanan, humagis siya sa sofa sa lakas ng pagkakasampal ng ama niyang si Lucio.Iniharang ni Linda ang kanyang sarili nang makitang sasaktang muli ni Lucio ang anak nila sa pangalawang pagkakataon.“Tama na, Lucio. Hindi tama na sa twing may nangyayaring ganito sa atin ay palagi mong sasaktan si Cassie. Wala siyang kasalanan sa nangyari…” pakiusap ni Linda sa asawa.“Wala? Napakalaking kahihiyan ng nangyari sa pamilya natin at nalaman pa ng buong bansa ang pagkakabaon natin sa utang ng dahil sa lintik na kasal nila ni Sandro na hindi naman natuloy. Ilang beses niyang siniguro sakin na matutuloy ang kasal pero anong nangyari?! Sino ngayon ang mga kasalanan?!” patuloy sa panunumbat si Julio sa anak niyang tumatangis dahil sa nag-iinit niyang pisngi sa sampal na natamo mula sa ama niya.“Patawarin mo na siya, Lucio. Makakagawa pa naman tayo ng paraan para makabawi kay Mr. Lee. Marami pang paraan
Duda si Jose sa totoong pagkatao ni Cassie kaya pinaimbestigahan niya ito at pinakuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa dalaga, ang pinagtatakahan niya ay paanong naging malapit na magkamukha ang anak nila ni Julio kagayong hindi sila isang daang porsyentong magkadugo.Kumilos si Emil at nagsimula ng magtanong-tanong ng impormasyon tungkol kay Cassie, maraming mga tao rin ang pinakalap si Jose sa Amerika na pinasukan ni Cassie noon sa kolehiyo para malaman ang buong katotohanan.Mabilis nagsikilos ang mga tauhan ng doon upang alamin ang totoo, hindi pa rin siya kumbinsido na nagkataon lamang na magkamukha ang kanilang anak ni Julio.Hindi pa rin mapakali si Jose habang naghihintay ng resulta sa mga tauhan niyang kanyang inatasan na maghanap ng impormasyon, nakamasid lamang siya sa bintana mula sa kwarto niya at nag-aabang na bumalik si Emil maging ang telepono nito ay pualit-ulit niyang tinitignan.Pakiramdam niya ay may kakaiba sa dalagang si Cassie, hindi niya masabi kung ano pa i
Labis ang pag-aalala ni Jose sa kanyang pamangkin na si Cassie nang mawalan ito ng malay sa kanyang harapan, hindi siya mapakali kung ano ang gagawin dahil sa biglaang nawalan ng malay ang dalaga.“Leo! Buhatin mo si Cassie, dali.” Sigaw ni Jose sa isa sa kanyang mga bodyguard, “sa—saan ko siya dadalhin, don Jose?” natatarantang tanong ni Leo.Lumingon si Jose sa labas para tingnan kung dumating na ang kanyang sasakyan ngunit wala pa rin ito, “ipasok mo sa loob para makapagpahinga ‘yan, palagay ko ay pinagod ng mga magulang niya iyan. Pagkatapos ay tawagin mo ang doktor ko.”Nagtatatalon ang puso ni Cassie sa kanyang loob habang binubuhat siya sa loob ng mansyon ni Jose dahil sa matagumpay siyang nakapasok sa loob ng mansyon. Naramdaman niyang ihiniga siya ni Leo sa isang malambot na kama at narinig niya ang mga yabag ng paa nitong lumabas ng silid.Idinilat ni Cassie ang kanyang mga mata at tumayo nang makitang wala ng tao sa silid, nakatayo siya sa tabi ng bintana at hinawi ang puti
“Hindi ako papayag na makalabas ang anak niyang si Olivia sa kulungan dahil alam kong marami pang madadamay sa kasamaan ng mag-ina ng iyan.” Nag-aalala si Ofie dahil sa mga nababasa niyang mga statement ng mga fans ni AJ na tutulong ang mga ito upang makalaya ang dalaga, hindi niya maiwasan ang maawa sa mga naloko ni AJ na mabait siya kahit pa bina-backfight niya ang mga ito sa tuwing magpapa-picture kasama ang dalaga.“Kung alam niyo lamang ang totoong ugali ng babaeng iyon, sigurado akong hindi na kayo maaawa kay AJ kapag nalaman niyo na ang mga sinabi sa inyo ng babaeng iyan,” agad inilabas ni Ofie ang kanyang laptop at sinaksak ang flashdisk sa saksakan sa laptop nito para mabasa ang laman nito.Pinanuod niya ang mga nakuhaang video niya noong nasa Paris pa siya at inedit sa English subtitle ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi ni AJ para maintindihan ng mga taga-France ang sinasabi dito bago niya ipakalat sa social media.“Magbabago ang pananaw ninyong lahat dahil sa videong ito a
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta