Duda si Jose sa totoong pagkatao ni Cassie kaya pinaimbestigahan niya ito at pinakuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa dalaga, ang pinagtatakahan niya ay paanong naging malapit na magkamukha ang anak nila ni Julio kagayong hindi sila isang daang porsyentong magkadugo.Kumilos si Emil at nagsimula ng magtanong-tanong ng impormasyon tungkol kay Cassie, maraming mga tao rin ang pinakalap si Jose sa Amerika na pinasukan ni Cassie noon sa kolehiyo para malaman ang buong katotohanan.Mabilis nagsikilos ang mga tauhan ng doon upang alamin ang totoo, hindi pa rin siya kumbinsido na nagkataon lamang na magkamukha ang kanilang anak ni Julio.Hindi pa rin mapakali si Jose habang naghihintay ng resulta sa mga tauhan niyang kanyang inatasan na maghanap ng impormasyon, nakamasid lamang siya sa bintana mula sa kwarto niya at nag-aabang na bumalik si Emil maging ang telepono nito ay pualit-ulit niyang tinitignan.Pakiramdam niya ay may kakaiba sa dalagang si Cassie, hindi niya masabi kung ano pa i
Labis ang pag-aalala ni Jose sa kanyang pamangkin na si Cassie nang mawalan ito ng malay sa kanyang harapan, hindi siya mapakali kung ano ang gagawin dahil sa biglaang nawalan ng malay ang dalaga.“Leo! Buhatin mo si Cassie, dali.” Sigaw ni Jose sa isa sa kanyang mga bodyguard, “sa—saan ko siya dadalhin, don Jose?” natatarantang tanong ni Leo.Lumingon si Jose sa labas para tingnan kung dumating na ang kanyang sasakyan ngunit wala pa rin ito, “ipasok mo sa loob para makapagpahinga ‘yan, palagay ko ay pinagod ng mga magulang niya iyan. Pagkatapos ay tawagin mo ang doktor ko.”Nagtatatalon ang puso ni Cassie sa kanyang loob habang binubuhat siya sa loob ng mansyon ni Jose dahil sa matagumpay siyang nakapasok sa loob ng mansyon. Naramdaman niyang ihiniga siya ni Leo sa isang malambot na kama at narinig niya ang mga yabag ng paa nitong lumabas ng silid.Idinilat ni Cassie ang kanyang mga mata at tumayo nang makitang wala ng tao sa silid, nakatayo siya sa tabi ng bintana at hinawi ang puti
“Hindi ako papayag na makalabas ang anak niyang si Olivia sa kulungan dahil alam kong marami pang madadamay sa kasamaan ng mag-ina ng iyan.” Nag-aalala si Ofie dahil sa mga nababasa niyang mga statement ng mga fans ni AJ na tutulong ang mga ito upang makalaya ang dalaga, hindi niya maiwasan ang maawa sa mga naloko ni AJ na mabait siya kahit pa bina-backfight niya ang mga ito sa tuwing magpapa-picture kasama ang dalaga.“Kung alam niyo lamang ang totoong ugali ng babaeng iyon, sigurado akong hindi na kayo maaawa kay AJ kapag nalaman niyo na ang mga sinabi sa inyo ng babaeng iyan,” agad inilabas ni Ofie ang kanyang laptop at sinaksak ang flashdisk sa saksakan sa laptop nito para mabasa ang laman nito.Pinanuod niya ang mga nakuhaang video niya noong nasa Paris pa siya at inedit sa English subtitle ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi ni AJ para maintindihan ng mga taga-France ang sinasabi dito bago niya ipakalat sa social media.“Magbabago ang pananaw ninyong lahat dahil sa videong ito a
Nagulat ang lahat sa isiniwalat ni Olivia sa harap nila, hindi makapaniwala si Juaquin sa sinabi ni Olivia ngunit buo pa rin ang paniniwala ni Lalaine na si AJ ang pumatay sa kanyang ina kahit pa i-claim pa nito na siya ang tunay na may sala.Nakita ni Risa ang paghihinagpis ni Lalaine hanggang sa mahanapan nila ng butas ang mag-ina at kasamang isinakdal si Olivia sa salang accessory to the crime at pagtulong na itago ang anak nito sa mga otoridan. Tuluyan nang nabilanggo si AJ kasama ang ina niyang si Olivia dahil sa napakatibay na ebidensyang nagtuturo sa kanila.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng ina, “h-hindi ko dapat iniwan ang nanay ko sa ospital. Nandon ako dapat palagi sa tabi niya, kasalanan ko rin ang lahat ng ito,” umiiyak na paninisi ni Lalaine sa kanyang sarili.Mataas at proud pa rin si Olivia kahit pa kasama na siyang makukulong ng kanyang anak kaya nang madaanan niya ang naghihinagpis na si Lalaine ay hindi siya natinag na inisin ang dalaga, “k
Nasa site pa rin si Aika at naghihintay ng balita tungkol sa lagay ni AJ matapos itong mabaril ng mga pulis dahil sa ginawang pangho-hostage sa kanyang kaibigan, naka-abang pa rin siya sa balita ng mga pulis habang nagtitiis sa matinding init ng araw na tumatama sa kanyang balat.“Ang sakit naman sa balat ng init ng araw,” bulong niya sa sarili, ilang sandali lamang ay may nagsilong sa kanya at nawala ang araw na dumadampi sa kanyang katawan. Tumingala si Aika at nakita ang payong na nakasilong sa kanya na hawak ng isang lalaki, marahan niyang nilingon ito at nakita niya si Sandro na may hawak nito.“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa binata.“I came here to check AJ’s condition,” concerned niyang sambit. Nagtaka si Aika sa sinabi nito at napaisip, “bakit naman siya concerned sa lagay ni AJ? Don’t tell me may gusto siya kay AJ?” nakatitig lamang si Aika sa seryosong mukha ni Sandro, “anong tumatakbo sa isip mo? Bakit ganun na lamang ang pag-aalala mo kay AJ?” kumikirot ang puso n
“Bakit siya narito? Anong ginagawa ni Sandro? Sinusundan ba niya ako?” tanong ni Aika sa sarili nang mahagip ng kanyang paningin ang binatang nakatitig lamang sa kanya at nakaupo malapit sa kanila.“Ano pang gusto mong orderin, Aika? May gusto ka pa bang kainin?” tanong ni Jose sa anak, hindi magawang alisin ni Aika ang kanyang mga mata sa binata.“Why is he staring at me like that? May mali ba akong ginawa sa kanya?” natigilan si Aika at napaisip sa ginawa niya sa binata hanggang pumasok sa kanyang isipan ang pagtangging ginawa niya sa alok nito sa kanyang paghahatid.“Bakit naman siya magagalit sakin? Hindi naman kaming dalawa saka hindi ko naman hiniling ihatid niya ako,” sumimangot si Aika, hindi niya namalayang naihain na ang mga pagkain na kanilang inorder.“Bakit, Aika? Ayaw mo ba ng mga nakahain sa hapag?” tanong ni Jose nang makita ang pagsimangot ng dalaga.Muling ibinalik ni Aika ang kanyang paningin sa ama na nasasaktan sa ikinikilos niya, ngumiti siya sa ama at tumugon, “
Nakangisi si Cassie na pinapanood ang paalis na si Aika, “kung hindi magiging akin si Sandro, pwes, magiging akin ang lahat ng yaman ng ama mo, Aika,” nakatitig pa rin si Cassie sa malayo ng si Aika.Nararamdaman ni Jose ang matinding iringan ng dalawa, alam niya na hindi ito simpleng misunderstanding dahil iba ang pakiramdam niya sa mga sinasabi ng kanyang anak laban sa dalagang si Cassie ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagbubulag-bulagan para mapapaniwala niya si Cassie na nagtatagumpay siya sa anumang binabalak niya sa pamamahay niya.“Hindi mo bang talaga naiintindihan kung bakit ganun na lamang ang galit ng anak ko sa iyo?” mariing tanong ni Jose sa kanya.“H-hindi po, tito,” sambit nito kahit alam na alam niya ang ikinagagalit ni Aika sa kanya ngunit ayaw niya itong ipaalam sa matanda para hindi siya nito patalsikin sa mansyon at hindi rin masira ang mga plano niyang pagkuha ng yaman nito.Tumango lamang si Jose sa sinabi ng kanyang pamangkin, “kumain ka na ba?” tanong ni Jose
Nadadalas ang pagsama ni Aika sa kanyang ama na siyang nasasaksihan ni Sandro at ikinagagalit ng binata, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ng binata dahil sa pagsama-sama ni Aika sa isang matanda.Hindi niya maiwasan ang husgahan ang dalaga dahil dito, sobrang frustrated si Sandro sa nangyayari. Hindi niya maisip na darating ang araw na isang matanda ang kanyang magiging karibal sa puso ng dalaga.Buong araw niyang iniisip kung ano ang kulang sa kanya, tingin naman niya ay higit na lamang ang kanyang katawan at mas lalo na ang fresh niyang itsura hindi katulad ni Jose.Inabutan ni Sandro sa parking lot ng condominium na tinutuluyan niya ang sasakyan ng kaibigan nito, “kanina pa pala siya dumating hindi man lamang ako sinabihan,” napapakamot ng ulo si Sandro.Matagal bago umakyat si Sandro sa itaas, nanalamin siya sa salamin ng kanyang sasakyan at tinignan ang sarili hanggang sa narinig niyang may tumunog sa sasakyang malapit sa kanya.“Kanina ka pa nakatingin dyan, may nagbago b
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta