“Kumusta ka na, AJ? I heard nadala ka sa ospital?” usisa ni Karla nang makasalubong ang dalaga sa coffee shop.Pilit siyang ngumiti sa dalaga at tinugon ito, “yeah, I am good now. Syempre inalagaan ako ni Juaquin,” hirit niya.“Oh, talaga? Pero I heard sa news na may new girlfriend na siya and they are living under the same roof now,” balita nito sa kanya.“That’s a lie, that’s not true!” mariin niyang pagtanggi habang nakasara ang kanyang mga palad na ubod higpit at tila gustong dumurog.“It’s true! In fact, I saw him the other night. Yun ang araw na nasa ospital ka, he came to pick up a lady. Malakas ang ulan nun at bigla niyang hinawakan ang kamay nung girl at hinila papasok sa loob ng kotse niya and I don’t know what happened next nung makauwi na sila.” Pang-aasar ni Karla, iniikutan niya si AJ habang nagpapaliwanag dito ng kaniyang nakita, “malamig nun at malakas ang ulan, hindi natin masabi kung anong ginawa nilang dalawa…” bumungtong hininga si Karla habang ang nagtitimpi na si
“Nakita mo si Juaquin na hinahalikan ni AJ?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Aika kay Lalaine, “sinasabi ko na nga ba. Magaling magpaikot ang haliparot na iyon ng ulo,” inis na komento ni Aika sa binagsakan ng langit at lupa na si Lalaine.“Hindi siya pinaikot, okay? Mahal naman talaga niya si AJ,” argumento ni Lalaine habang umiiling sa komento ng kaibigan.“Ano ba talagang gusto mo, Lalaine? Kampihan ko si AJ at ikaw ang pagmukhain kong masama sa kanila katulad ng ginagawa mo sa sarili mo? Alam mo, bff, mahirap kalaban ang sarili, pinabibigat mo lamang ang sakit na nararamdaman mo dahil sa pagkalaban mo sa nararamdaman mo.”“I know pero hindi ko siya dapat minahal in the first place dahil alam kong peke lang ang meron kami,” nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Lalaine sa kanyang mukha.“Iyan pala ang gusto mo, kampihan ko si AJ. Sige, Lalaine. Kasalanan mo nga talaga ang nangyayari sa iyo. Kasalanan mong nainlove ka sa lalaking ang plano lang ay makuhang muli ang dating nobya. Si
Nagising si Lalaine na puno ng text messages at missed calls ni Juaquin ang notification niya, binuksan niya ang mga isa sa mga mensahe sa kanya.From: Mr. CristobalWhere are you, Lalaine? Bakit hindi ka umuwi dito?“Bakit ako uuwi dyan? There’s no use of staying in your house,” wika niya na parang kaharap ang sinasabihan niya. Tinurn off niya ang kanyang phone upang matigil na ang pagpasok ng mga messages ng binata sa kanya.Napansin niya ang nakahiga pang kaibigan sa kanyang tabi na himbing ang tulog, “Aika… Gising na, 8:30 na ng umaga. Di ba may pasok ka pa?” Niyugyog niya ang katawan ng kaibigang ayaw pang bumangon sa kama.Tamad na naupo si Aika sa kama habang nakapikit pa ang dalawang mata, “wala akong pasok…” tamad niyang anunsiyo.“Martes pa lang ngayon, bff, wag kang susuko,” pang-aasar niya sa kaibigang tulog pa ang diwa.Iminulat ni Aika ang mga mapupungay na mata at tinignan ang kaibigang mukhang nasa mood ang pang-aasar, “mukhang ambilis gumaling ng puso natin, ah?” pang
"Masaya ka na bang nakita mo ang kondisyon ng mother mo?” tanong ni Aika habang naglalakad palabas ng ospital kasama ng kaibigan.“Oo, I am happy na nag-iimprove ang kondisyon niya,” masayang tugon ni Lalaine sa kaibigan.“Buti na lang maganda ang panahon ngayon, hindi masyadong mainit at walang asungot na basta na lang sumusulpot sa paligid,” masayang pagdedescribe ni Aika sa paligid nila.“Masaya ako para sa iyo, Aika. Natutuwa akong naaappreciate mo na ngayon ang umaga,” alam ni Lalaine na ayaw na ayaw ni Aika ang natatapat ng matagal sa ilalim ng sikat ng araw dahil sa mabilis nitong mairitang balat pero dahil nga sa ayaw nitong makita si Sandro ay napilitan itong magsakripisyo at piniling lumabas na lamang.“Alam mong wala akong choice kung hindi ang lumabas, panahon na para makadiskubre naman ako ng kakaiba sa paligid, di ba?” positibo niyang pananaw kahit unang araw pa lamang ay nakakaramdam na siya ng pagkairita ng balat na syang napapansin rin ng kaibigan niya. “You better go
Nanahimik na lang si Juaquin sa hinanakit ni Lalaine sa kanya dahil nais niyang matapos muna ang mga naka-line up nitong project bago ipaliwanag ang sarili sa minamahal niyang babae at alam niya kung gaano kabusy si Lalaine para dito kaya mas minabuti na lang muna niya ma-misunderstand siya nito.Tahimik ang buong byahe nila Lalaine patungo sa teatro, hindi pa rin kinikibo ni Lalaine ang binata matapos niyang maglabas ng sama ng loob sa binata. Pagkahinto ng sasakyan ay agad syang bumaba dito ng walang sabi-sabi kahit an okay Juaquin.Nag-expect si Lalaine na may sasabihin ito sa kanya ngunit wala siyang narinig kahit paliwanag man lang dito.“Hindi niya itinanggi, siguro nga ay totoo ang lahat ng paratang ko sa kanya. Ang swerte ni AJ sa kanya, he must really love him. Sana naman ay wag na niyang sayangin pa ang pagkakataong ito na maging masaya muli silang dalawa ng magkasama.” Nagtungo na si Lalaine sa loob ng teatro at hindi na lumingon pa sa binata, pagdating niya sa loob ay naab
Buong byaheng tahimik na nakatitig si Juaquin sa mukha ni Lalaine na parang binabasa ang nasa isip nito, “anong pumasok sa isip mo? Bakit ganyan ang mga sinasabi mo?” tanong ni Juaquin sa kanyang isipan.Hindi na nakapagpigil si Juaquin at pinahinto ang sasakyan kay Chito, “ihinto mo ang sasakyan at umuwi ka na, Chito. Ako na ang bahala,” aniya habang nakatitig pa rin sa dalaga, narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan na patunay na nakababa na si Chito.Nanginginig na iniiwas ni Lalaine ang kanyang tingin at tumingin sa salamin ng bintana kung saan matatanaw niya ang naglalakad palayong si Chito, “anong pinaplano mo? Ba-bakit mo pinauwi ang drayber mo?” hindi mapakali si Lalaine mula sa kanyang inuupuan.Umusog palapit ng upo si Juaquin sa dalaga at inilapit ng husto ang mukha nito, “bakit ka kinakabahan?”“H-hindi ako kinakabahan,” nag-iisip ng paraan si Lalaine upang makababa ng sasakyan at makalayo sa lalaking labis na nagbibigay sa kanya ng matinding kaba.“Bakit
“Siguro tama ako na inisip mo nga ako buong gabi kaya ayaw mong tanggalin ang glasses mo at ipakita iyang mga mata mo,” panghahamon ni Sandro kay Aika.“Hindi ako makikinig sa’yo, no. Wala akong pakialam sa iniisip mo basta maganda ako suot ang salamin kong ito,” claim ni Aika.“Sino bang nagsabing hindi ka maganda? Ang ganda-ganda mo nga, wifey ko,” malambing na komento ni Sandro sa kanya at maganda kasuotang bumagay sa kanya.Nandulat ang mga mata ni Aika nang tawagin siya ng binata na ‘wifey’ na siyang narinig ng isang dumaan na businessman.“Mr. Valdez, have a great evening,” nakipag-handshake ang businessman na si Vladimir Enrico kay Sandro, pa-exit na si Aika sa eksena nang bigla siyang awatin ni Vladimir.“I overheard that this beautiful lady is your wife, maari ko bang makilala ang iyong napakagandang asawa,” hirit ni Vlad na nakangiti sa dalaga.Biglang hinila ni Sandro si Aika at inilagay ang kamay nito sa bewang nito, hinila palapit ng husto sa katawan ni Sandro na ikinakun
“Ma, anong ginagawa mo sa mga gamit ko?” tanong ni AJ nang makita niyang pinag-iimpake siya ng ina ng mga damit.“Isasama na kita sa Paris, anak. Ayokong tuluyan kang maging masamang tao dahil sa pagmamahal mo kay Juaquin,” tumutulo ang mga luha ni Olivia habang sinasalampak ang lahat ng gamit ni AJ sa maleta.Hinawakan ni AJ ang braso ng ina upang pahintuin ito sa ginagawa pagliligpit ng mga gamit, “mom, please. Ayokong umalis dito, gusto kong makasama si Juaquin,” pakiusap ni AJ.Nanginginig ang laman ni Olivia sa sakit at lungkot na nadarama para sa anak, tinanggal niya ang pagkakahawak ng anak niya sa kanyang braso, “kung ang tinatawag mong pagmamahal ang magtutulak sa iyong maging masamang tao ka, pwes, mali ang pagmamahal mong iyan!” nagpatuloy si Olivia sa pag-iimpake ng mga gamit ng anak, “hindi ako sasama sayo, mom!” sigaw niya.Huminto si Olivia at ibinaling ang matatalas na tingin sa anak, “sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo!” striktong bulalas ng ina, “nagtangkang luma
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta