“Nakita mo si Juaquin na hinahalikan ni AJ?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Aika kay Lalaine, “sinasabi ko na nga ba. Magaling magpaikot ang haliparot na iyon ng ulo,” inis na komento ni Aika sa binagsakan ng langit at lupa na si Lalaine.“Hindi siya pinaikot, okay? Mahal naman talaga niya si AJ,” argumento ni Lalaine habang umiiling sa komento ng kaibigan.“Ano ba talagang gusto mo, Lalaine? Kampihan ko si AJ at ikaw ang pagmukhain kong masama sa kanila katulad ng ginagawa mo sa sarili mo? Alam mo, bff, mahirap kalaban ang sarili, pinabibigat mo lamang ang sakit na nararamdaman mo dahil sa pagkalaban mo sa nararamdaman mo.”“I know pero hindi ko siya dapat minahal in the first place dahil alam kong peke lang ang meron kami,” nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Lalaine sa kanyang mukha.“Iyan pala ang gusto mo, kampihan ko si AJ. Sige, Lalaine. Kasalanan mo nga talaga ang nangyayari sa iyo. Kasalanan mong nainlove ka sa lalaking ang plano lang ay makuhang muli ang dating nobya. Si
Nagising si Lalaine na puno ng text messages at missed calls ni Juaquin ang notification niya, binuksan niya ang mga isa sa mga mensahe sa kanya.From: Mr. CristobalWhere are you, Lalaine? Bakit hindi ka umuwi dito?“Bakit ako uuwi dyan? There’s no use of staying in your house,” wika niya na parang kaharap ang sinasabihan niya. Tinurn off niya ang kanyang phone upang matigil na ang pagpasok ng mga messages ng binata sa kanya.Napansin niya ang nakahiga pang kaibigan sa kanyang tabi na himbing ang tulog, “Aika… Gising na, 8:30 na ng umaga. Di ba may pasok ka pa?” Niyugyog niya ang katawan ng kaibigang ayaw pang bumangon sa kama.Tamad na naupo si Aika sa kama habang nakapikit pa ang dalawang mata, “wala akong pasok…” tamad niyang anunsiyo.“Martes pa lang ngayon, bff, wag kang susuko,” pang-aasar niya sa kaibigang tulog pa ang diwa.Iminulat ni Aika ang mga mapupungay na mata at tinignan ang kaibigang mukhang nasa mood ang pang-aasar, “mukhang ambilis gumaling ng puso natin, ah?” pang
"Masaya ka na bang nakita mo ang kondisyon ng mother mo?” tanong ni Aika habang naglalakad palabas ng ospital kasama ng kaibigan.“Oo, I am happy na nag-iimprove ang kondisyon niya,” masayang tugon ni Lalaine sa kaibigan.“Buti na lang maganda ang panahon ngayon, hindi masyadong mainit at walang asungot na basta na lang sumusulpot sa paligid,” masayang pagdedescribe ni Aika sa paligid nila.“Masaya ako para sa iyo, Aika. Natutuwa akong naaappreciate mo na ngayon ang umaga,” alam ni Lalaine na ayaw na ayaw ni Aika ang natatapat ng matagal sa ilalim ng sikat ng araw dahil sa mabilis nitong mairitang balat pero dahil nga sa ayaw nitong makita si Sandro ay napilitan itong magsakripisyo at piniling lumabas na lamang.“Alam mong wala akong choice kung hindi ang lumabas, panahon na para makadiskubre naman ako ng kakaiba sa paligid, di ba?” positibo niyang pananaw kahit unang araw pa lamang ay nakakaramdam na siya ng pagkairita ng balat na syang napapansin rin ng kaibigan niya. “You better go
Nanahimik na lang si Juaquin sa hinanakit ni Lalaine sa kanya dahil nais niyang matapos muna ang mga naka-line up nitong project bago ipaliwanag ang sarili sa minamahal niyang babae at alam niya kung gaano kabusy si Lalaine para dito kaya mas minabuti na lang muna niya ma-misunderstand siya nito.Tahimik ang buong byahe nila Lalaine patungo sa teatro, hindi pa rin kinikibo ni Lalaine ang binata matapos niyang maglabas ng sama ng loob sa binata. Pagkahinto ng sasakyan ay agad syang bumaba dito ng walang sabi-sabi kahit an okay Juaquin.Nag-expect si Lalaine na may sasabihin ito sa kanya ngunit wala siyang narinig kahit paliwanag man lang dito.“Hindi niya itinanggi, siguro nga ay totoo ang lahat ng paratang ko sa kanya. Ang swerte ni AJ sa kanya, he must really love him. Sana naman ay wag na niyang sayangin pa ang pagkakataong ito na maging masaya muli silang dalawa ng magkasama.” Nagtungo na si Lalaine sa loob ng teatro at hindi na lumingon pa sa binata, pagdating niya sa loob ay naab
Buong byaheng tahimik na nakatitig si Juaquin sa mukha ni Lalaine na parang binabasa ang nasa isip nito, “anong pumasok sa isip mo? Bakit ganyan ang mga sinasabi mo?” tanong ni Juaquin sa kanyang isipan.Hindi na nakapagpigil si Juaquin at pinahinto ang sasakyan kay Chito, “ihinto mo ang sasakyan at umuwi ka na, Chito. Ako na ang bahala,” aniya habang nakatitig pa rin sa dalaga, narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan na patunay na nakababa na si Chito.Nanginginig na iniiwas ni Lalaine ang kanyang tingin at tumingin sa salamin ng bintana kung saan matatanaw niya ang naglalakad palayong si Chito, “anong pinaplano mo? Ba-bakit mo pinauwi ang drayber mo?” hindi mapakali si Lalaine mula sa kanyang inuupuan.Umusog palapit ng upo si Juaquin sa dalaga at inilapit ng husto ang mukha nito, “bakit ka kinakabahan?”“H-hindi ako kinakabahan,” nag-iisip ng paraan si Lalaine upang makababa ng sasakyan at makalayo sa lalaking labis na nagbibigay sa kanya ng matinding kaba.“Bakit
“Siguro tama ako na inisip mo nga ako buong gabi kaya ayaw mong tanggalin ang glasses mo at ipakita iyang mga mata mo,” panghahamon ni Sandro kay Aika.“Hindi ako makikinig sa’yo, no. Wala akong pakialam sa iniisip mo basta maganda ako suot ang salamin kong ito,” claim ni Aika.“Sino bang nagsabing hindi ka maganda? Ang ganda-ganda mo nga, wifey ko,” malambing na komento ni Sandro sa kanya at maganda kasuotang bumagay sa kanya.Nandulat ang mga mata ni Aika nang tawagin siya ng binata na ‘wifey’ na siyang narinig ng isang dumaan na businessman.“Mr. Valdez, have a great evening,” nakipag-handshake ang businessman na si Vladimir Enrico kay Sandro, pa-exit na si Aika sa eksena nang bigla siyang awatin ni Vladimir.“I overheard that this beautiful lady is your wife, maari ko bang makilala ang iyong napakagandang asawa,” hirit ni Vlad na nakangiti sa dalaga.Biglang hinila ni Sandro si Aika at inilagay ang kamay nito sa bewang nito, hinila palapit ng husto sa katawan ni Sandro na ikinakun
“Ma, anong ginagawa mo sa mga gamit ko?” tanong ni AJ nang makita niyang pinag-iimpake siya ng ina ng mga damit.“Isasama na kita sa Paris, anak. Ayokong tuluyan kang maging masamang tao dahil sa pagmamahal mo kay Juaquin,” tumutulo ang mga luha ni Olivia habang sinasalampak ang lahat ng gamit ni AJ sa maleta.Hinawakan ni AJ ang braso ng ina upang pahintuin ito sa ginagawa pagliligpit ng mga gamit, “mom, please. Ayokong umalis dito, gusto kong makasama si Juaquin,” pakiusap ni AJ.Nanginginig ang laman ni Olivia sa sakit at lungkot na nadarama para sa anak, tinanggal niya ang pagkakahawak ng anak niya sa kanyang braso, “kung ang tinatawag mong pagmamahal ang magtutulak sa iyong maging masamang tao ka, pwes, mali ang pagmamahal mong iyan!” nagpatuloy si Olivia sa pag-iimpake ng mga gamit ng anak, “hindi ako sasama sayo, mom!” sigaw niya.Huminto si Olivia at ibinaling ang matatalas na tingin sa anak, “sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo!” striktong bulalas ng ina, “nagtangkang luma
“Miss Lalaine, nasa meeting pa po si Mr. Cristobal. Kung maaari ay sa opisina na lang po niya kayo maghintay, dito po,” sinamahan siya ng sekretarya ni Juaquin sa loob ng opisina at umalis na.Naupo siya sa sofa at tahimik na naghintay sa pagdating ni Juaquin, hindi pa lumilipas ang isang minuto ay bumukas ang pinto ng opisina ng binata at pumasok si Juaquin.“Kanina mo pa ba ako hinihintay, sweetie?” tanong ni Juaquin sa nobya sabay halik sa pisngi ng dalaga.“Hindi naman, kadarating ko lang. I didn’t expect na ganun kabilis matatapos ang meeting mo,” tugon ni Lalaine.“Hindi pa tapos, nagpaalam lang ako saglit kasi nalaman ko sa sekretarya kong dumating ka na. Siya nga pala, may ibibigay ako sayo bago bumalik sa confe.” Inilagay ni Juaquin ang isang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon na parang may kinukuha.“Ano naman yun?” tanong ni Lalaine sa binata, nakatuon ang paningin niya sa kamay ng binata. Hinila ni Juaquin ang kamay at nakangiting pinakita ang daliring naka-heart sign.Tin