Kahit na sila ay malayo pa, nararamdman ni Catherine na si Shaun ay sobrang sama ang mood. Kahit ang kanyang mata ay puno ng galit.Nang maalala niya na siya ay nanggaling sa ospital, alam niya na ang p*tang iyon, si Sarah, ay nagtanim ng bagay para magkaroon ng kaguluhan sa pagitan nila muli.“Eldest Young Master Hill, sabi ni Miss Jones na gusto niya makita si Logan,” Humakbang paharap si Chance at sinabi.Ang manipis na labi ni Shaun ay tumaas nakangisi. “Maaari mo siyang makita, ngunit hindi ka na muli makakalabas matapos mong pumasok. Ano sa tingin mo?”Ang kilay ni Catherine ay nakakunot ng magkakalapit. “Shaun, nandito ako dahil ako ay tapat na gusto na makipagusap sayo. Kailangan ba nating gawin ganito ang mga bagay sa pagitan natin?”“Sa tingin mo ba papayag ako? Ikaw ang pumilit sa akin.” Ang dibdib ni Shaun ay puno ng galit. Ginawa nito ang kanyang tono na mapuno din ng inis.“Catherine, inisip mo ba ang aking damdamin ng tinutok mo ang baril sa akin? Gumawa ka din ng
Nanginig ang puso ni Shaun. Nanliit ang mata niya. "Ano ang ibig mong sabihin?""Nag-iisip lang ako, Eldest Young Master Hill, ano kaya ang mararamdaman mo kung may tao na tumaga sa daliri ng miyembro ng pamilya mo?" Mapait na ngumiti si Elle. Yumuko siya para kuhain ang daliri sa sahig at nagpunta sa ospital habang dala iyon.Nakatayo lang si Shaun sa pwesto niya, hindi gumagalaw.Nalalapit na ang tag-init, ngunit pakiramdam niya ay nanlalamig ang kalaman-lamanan niya.Hindi, hindi maaari. Siya ay isang bodyguard lang.Atsaka, kailangan niya turuan ng leksyon si Catherine. Kung hindi, hindi niya mabibigyan si Sarah ng paliwanag....Sa basement.Ipinasok si Catherine. Pagbukas ng pinto, naamoy kaagad niya ang dugo. Pagkatapos ay nakita niya itinapon si Logan sa sahig na parang sako. Wala na siyang malay.Ang mukha niya, na mayabang at hindi sumusuko dati, ay may matinding sugat. Ang buong katawan niya ay puno ng sugat na mula sa latigo.Tinignan niya ang buong katawan nito.
"Lahat ng ito… ay siguradong konektado kay Sarah. Ngunit… ang mas nakakatakot ay ang tao na nagtatago sa likod ni Sarah."Nahihirapan si Logan at sinabi, "Tayo na… ang pinupunterya niya."Kinilabutan si Catherine. "Sinabi mo na ba kay Shaun ito?""Sinabi ko na, ngunit… sa tingin nila ay nagsisinungaling ako." Mapait na tumawa si Logan. "Boss, ikaw… ang pangit ng pinili mo. Mas… malakas pa nga ako sa kanya.""Pasensya ka na. Kaya mo ba ito tiisin?" Nag-aalala siya tinignan ni Catherine."Ang pinakamasakit na bagay… ay ang withdrawal symptoms." Naghihingalo si Logan. Ngunit… ang sakit sa katawan ko ay tinutulungan ako magising at makontrol… ang sarili ko. Bukod doon, ang kamatayan… ay wala lang. Utang na loob ko naman sa iyo ang buhay ko.”“Huwag ka na magsalita pa. Ilalabas kita dito.”Hinawakan ni Catherine ang kamay niya at nangako habang namumula ang mata niya.Biglang bumukas ang bakal na pinto. Nakatayo si Shaun sa may pintuan. Nang nakita niya na magkahawak nang mahigpit
Nagbago ang ekspresyon ni Shaun. Tinignan niya si Catherine ng hindi natitinag.Hindi gumagalaw ang mata ni Catherine na parang tubig sa lawa- kalmado at walang alon.“Kung ano ang sinabi niya ay tama. Kung opisyal tayo na lumalabas dati, opisyal ko na sinasabi ito. Shaun, maghiwalay na tayo. Imposible para sa akin na makasama pa kita. Ito ay hindi na magiging posible ulit. Samakatuwid, hindi na importante kung patatawarin mo ako o hindi.”Tinignan ni Shaun ang babae na nasa harap niya na may kalmado at determinado na ekspresyon. Ang malakas niya na puso ay nanginig nang husto.Isang hindi maipaliwanag na pakiramdam na kawalan ng pag-asa ang bumalot sa kanya.Sobrang lapit sa kanya ni Catherine sa saglit na iyon, ngunit para bang may mga bundok at ilog sa pagitan nila.Walang nakakaalam na kailanman ay hindi niya inisip makipaghiwalay. Kahit pa noong lumuhod sa harap niya si Rodney… Kahit noong alam niya na siya ang nag-utos kay Logan, gusto niya gamitin si Logan na palusot. Bast
”Gusto mo ba tawagan si Suzie para tanungin kung nasaan siya ngayon?” Tinaas ni Catherine ang kilay niya at pinaalala kay Shaun.Nabasag ang puso ni Shaun. Hinanap niya ang numeo ni Suzie at dali-dali ito tinawagan, ngunit hindi siya matawaagn.“Ano ang ginawa mo kay Szuie?” Ang mata niya puno ng nakakamatay na balak na para bang papatayin na niya si Catherine.“Maaari kita payagan makipag video call sa kanya ng saglit, ngunit kailangan mo hilingin na may magbalik ng phone ko sa akin.” Inabot ni Catherine ang kamay niya papunta kay Shaun.Mabilis na tumawag ng tao si Shaun para dalhin ang phone niya. Tinawagan ni Catherine si Austin. Isang lalaki na may suot na maskara ang nagpakita sa screen. “Miss…”“Hayaan mo siya makita ang bata,” Utos ni Catherine.‘Di kalaunan, binigay ni Austin ang phone kay Suzie.“Uncle Shaun…” Tinaas ni Suzie ang ulo niya ng nakangiti. Tinignan ni Shaun ang likuran. Napansin niya na ito ay hindi sa Hackett Institute kundi sa isang hindi kilala na lugar
Nang maipadala sa presinto si Logan, kinakailangan niya munang maipagamot sa ospital bago muling sumailalim sa interrogation ayon sa standard procedure. Sa buong prosesong ito’y nasa kamay siya ng kapulisan, kaya’t hindi matuturuan ni Shaun ng leksyon si Logan.“Gagawa rin ako ng police report.” Paglalakad niya pababa ng hagdan habang tinuturo si Catherine. “Dinukot ng babaeng iyan ang pamangkin ko at balak pa siyang saktan. Imbestigahan niyo ‘yan ngayon din!” “Sige ho, Mr. Hill, ate, sumama na lamang ho muna kayo sa presinto,” Ang sinabi ng pulis.Matapos nito’y ipinadala si Logan sa ospital sakay ng isang ambulansya. Nakaupo si Catherine sa sasakyan ng pulis habang nakasunod si Shaun sakay ng isang sedan na ipinadala ng Liona.Pagkarating nila sa presinto ay dumating si Liam dala-dala si Suzie.“Hello po, Mr. Police,” Palambing na bati ni Suzie pagkapasok.“Kumusta ka, anak?” Matapos nitong kurutin nang pabiro sa kanyang pisngi si Suzie ay nalilito-litong tumingin ang pulis ka
Habang nakasakay sa sports car ay hindi pumaliwalag si Suzie sa kapit nito sa mga bisig ni Catherine. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Mommy, ganon po bang kasakit? Ayoko na po kay papa. ‘Wag na po kayong sumama sa kanya.”“‘Wag kang mag-alala. Okay lang ako.” Hinawakan ni Catherine ang ulo ni Suzie. “Suzie, maganda ang nagawa mo ngayon. Pasensya ka na at ginamit pa kita.”Kung maaari ay ayaw idamay ni Catherine ang kanyang mga anak sa mga gulo.“Okay lang naman po. Ginawa niyo lang naman po iyon para sagipin si Uncle Logan. Isa pa po, palagi pong nakikipaglaro sa akin si Uncle Austin.”“Makipaglaro ka na lang kay Uncle Liam mamaya. Kailangan ko pang maghanap ng ebidensyang magpapatunay na inosente ang Uncle Logal mo.” Hinalikan ni Catherine ang noo ni Suzie. “Balikan kita mamaya pagkatapos ko magtrabaho, okay?”“Mm. Good girl po si Suzie.” Tungo ni Suzie sabay singhot.“Kailangan mo ba ng tulong?” Tanong ni Liam.“Hindi na, kahit tulungan mo na lang akong alagaan si Su
Kinuyom ni Liam ang kanyang mga kamao at nadidismayang sinabi, “Hindi ako pwedeng umalis ngayon. Masyado pang bata si Suzie. Pwede mo naman itong ipagawa sa iba…”“Marami ang pwedeng mag-alaga kay Suzie. Isa pa, masyado kang malapit sa babaeng iyon. Hindi ako panatag na mapapalaki mong maayos si Suzie. Ayokong magkakaroon pa ulit ng pagkakataong magiging hostage ang bata. Wala pa siyang puwang sa mundo. Ikaw ang ama, ngunit nakipagsabwatan ka sa ibang tao upang gamitin si Suzie at pagbantaan ako. Naisip mo bang paano na lamang kung seryoso si Catherine at namatay ang bata?”Tinignan nang masama ni Shaun si Liam. “Ako ang ulo ng mga Hill at bilang si Suzie ay kasapi ng mga Hill, may karapatan akong pagdesisyunan ang anumang bagay patungkol sa inyong lahat.”“Napakayabang mo talagang tao.” Nababagot na si Liam. “Bakit ba ang sama ng tingin mo kay Cathy? Napakamalas niya talagang nahulog ang isang tulad mo sa kanya.”“Nahulog?” Ngisi ni Shaun. “Hindi karapat-dapat ang mga katulad niya