Share

Kabanata 858

Itinuro ni Catherine ang malaking motif ng dragon at sinabing, “Kung iyan nga ay mula sa panahon ng Kangxi, nasa pitong daan taon na dapat ang kasaysayan niyan, at matagal na dapat nag-silicify ang jade niyan. Tignan po ninyo, masyadong reflective itong bahaging ito, at ito nama’y hindi gaanong pantay ang glaze. Ngunit masasabi kong maganda siyang imitation. Mga dalawang libo siguro, kaya kong ibigay.”

Namula sa kahihiyan ang mukha ng nagtitinda matapos iyon sabihin ni Catherine.

Tinitigan nang masama ni Mr. Kawada ang nagtitinda. “Gumamit ka ng peke upang lokohin ako. Tingin mo ba’y madali akong makuha dahil hindi ako Chinese?”

“Hindi ah. Isa pa, tingin ko nama’y totoo itong tinitinda ko.” Umalis ang nagtitinda hawak-hawak ang plato sa kanyang mga kamay.

“Salamat, miss.” Ngiti ni Mr. Kawada. “Parang pamilyar ang iyong itsura.”

“Marami nga po ang nagsasabing pamilyar ang aking itsura.” Tumalikod si Catherine at mahiya-hiyang sinubukang umalis.

“Teka, naaalala ko na. Ikaw ang taga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status