Si Catherine, na kumakain ng tsokolate, ay muntik mabilaukan. Ano ba yan. Nasaniban ba ng husky ang lalaki na ito?Subalit, nakangiti siya na parang loka-loka habang nakatingin sa pag-uusap.Nang nakarating siya sa dulo, ang dulo ng bibig niya ay nanigas.............Noong gabi na, sa isang bar.Umupo si Catherine sa isang upuan sa tabi ni Logan, na may suot na trench coat.“Mahirap siguro ang biyahe papuntang Neah Bay. Kumusta ang imbestigasyon?” Nagbukas ng bote ng alak si Catherine at ipinasa ito.“Ang ganitong klase ng bagay ay kumpidensyal at kadalasan ay hindi isinisiwalat.” Uminom si Logan ng alak at mayabang na sinabi, “Ngunit sino ba naman ako? Gumugol ako ng maraming oras doon at may narinig sa isang bagay. Totoo na may mga ilang lalaki na nagpunta sa bansa. Noong panahon na iyon, isang bata at gwapo na lalaki mula sa Australia ang personal na nagpunta doon at gumastos ng maraming pera para kunin sila.”“May litrato ba?”“Wala.”Sa ilalim ng titig niya na para bang
Nagising si Catherine kinabukasan nang may medyo masakit na tiyan dahil sa ilang baso ng alak na nainom niya kagabi.Nang tumayo siya at naghimalos, nakatanggap siya ng tawag mula kay Shaun. Ang boses niya ay mababa. “Saan ka nagpunta kagabi?”“May ginawa ako na bagay kasama ang kaibigan ko…”“Ang bagay ba na iyon ay pag-inom sa bar kasama siya?” Nagngitngit si Shaun ng ngipin at malungkot na sinabi, “Sige, basahin mo ang balita mag-isa, Ms. Jones. Darating ako sa bahay mo sa sampung minuto. Dapat mo ako bigyan ng paliwanag.”Pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.Nagulat si Catherine at ginamit ang phone niya para hanapin ang balita. Ang pinakabago ay: [Ang tagapagmana ng Yule Corporation ay nakikipag-usap at nakikipag tawanan sa kanyang misteryosong nobyo, nagnanaig.]Ang litrato ay sila ni Logan na may malabo niyang pigura sa bar. “......”Nanliit ang mata niya at kinusot niya ang kilay niya. Sa kabutihang palad, ang mukha ni Logan ay hindi pinakita, kung hindi, magiging m
Si Shaun ay kitang-kita na 'di natutuwa, ngunit bakit hindi siya inalo ni Catherine, o kaya ipaliwanag ang sarili niya?Basta magmakaawa siya at mangako na hindi na makikisalamuha sa kabilang uri sa susunod, mapipilit niya ang sarili niya na mapatawad si Catherine.Subalit, ang ugali ng babae na ito ay sobrang lamig."Catherine Jones, sa tingin ko ay hindi mo pa napagtanto ito, ngunit dahil babae kita, hindi ganun kadali makipaghiwalay. Itatapon kita kung ayaw ko na sa iyo, ngunit imposible para sa iyo na kusa makipaghiwalay."Pagkatapos ay binalibag niya ang pinto at umalis.Sa kwarto, tinawagan ni Catherine si Logan. "Nakuhaan ka ng litrato ng taga-ulat. Magtago ka muna ngayon at huwag mo ipapakita ang mukha mo. Tatawagan kita kapag may nangyari."Kinabukasan, hindi siya tinawagan ni Shaun.Nagpunta si Catherine sa villa ng pamilyang Yule para samahan si Lucas. Pagkarating niya doon, nilalaro ni Lucas ang laruan niya na lego set na Star Wars."Binili ba ito ni Grandpa para sa
"Baka tama ka…" Nabigla si Joel sa mga sinabi niya ng ilang saglit at malungkot na nagbuntong hininga.Nakita siya ni Catherine mag-alinlangan at sinabi, "Dad, kung hindi mo bibitawan, iwanan mo na ang bagay na iyan sa akin. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi mo ba maintindihan? Masyado mo pinapahalagahan ang pagmamahal. Ang pagsisisi mo kay Nicola, ang pagmamahal mo sa kapatid mo na si Damien, at ang pagmamahal mo kala Grandma at Grandpa. Kung hindi dahil doon, kahihinatnan niyo ba ng nanay ko kung ano ang kinaroroonan mo ngayon? Sabihin mo sa akin ng totoo. Masaya ka ba?"Mapait na ngumiti si Joel. Paano siya magiging masaya? Simula noong malaman niya na hindi niya anak si Melanie, pinagsisihan niya ang bawat sandali.Tintrato siya na parang t*nga ng mga tao na iyon at sinaktan siya at walang taos-puso na paghingi ng tawad na naganap."Okay, Cathy. Iiwan ko na ito sa iyo." Tumango si Joel. "Bibigay ko na lahat ng karapatan ko sa iyo.""Dad, kapag nagsimula ka ng bagong kompa
“Alam mo ang kanyang WhatsApp?” Naningkit ang mga mata ni Shaun habang siya’y nakatingin kay Hadley. “At nag-private message ka sa kanya?”“......”Namula si Hadley. “Bilang inyong assistant, in-add ko sa WhatsApp si Ms. Jones para sa inyong kapakanan. Halimbawa, kapag alam kong malungkot kayo, maaari ko siyang sabihang aliwin kayo.”Suminghal si Shaun. “Ngunit hindi naman niya ako inaaliw ngayon. Sinabi niya ba sa’yong pupunta siyang Hobart?”“Nabanggit niya, ngunit…”“Alam ko. Gusto niyang sayo na lang manggaling upang malaman ko.” Kutya ni Shaun. “Akala niya siguro ay mababnalisa ako kapag umalis siya ng Canberra. Mangarap siya.”Walang masabi si Hadley.Marahil ay kung ano-ano nanaman ang iniisip nitong si President Hill.“I-book mo ako ng ticket, pupunta ako ng Hobart mamayang gabi.” Biglang utos ni Shaun.“...Hahabulin ninyo si Ms. Jones?” Natigilan si Hadley nang marinig ang pagbabago ng isip ng lalaki.“Hindi, ano ka ba? Bibili lang ako ng porselana.” Tumayo si Shaun
Itinuro ni Catherine ang malaking motif ng dragon at sinabing, “Kung iyan nga ay mula sa panahon ng Kangxi, nasa pitong daan taon na dapat ang kasaysayan niyan, at matagal na dapat nag-silicify ang jade niyan. Tignan po ninyo, masyadong reflective itong bahaging ito, at ito nama’y hindi gaanong pantay ang glaze. Ngunit masasabi kong maganda siyang imitation. Mga dalawang libo siguro, kaya kong ibigay.”Namula sa kahihiyan ang mukha ng nagtitinda matapos iyon sabihin ni Catherine.Tinitigan nang masama ni Mr. Kawada ang nagtitinda. “Gumamit ka ng peke upang lokohin ako. Tingin mo ba’y madali akong makuha dahil hindi ako Chinese?”“Hindi ah. Isa pa, tingin ko nama’y totoo itong tinitinda ko.” Umalis ang nagtitinda hawak-hawak ang plato sa kanyang mga kamay.“Salamat, miss.” Ngiti ni Mr. Kawada. “Parang pamilyar ang iyong itsura.”“Marami nga po ang nagsasabing pamilyar ang aking itsura.” Tumalikod si Catherine at mahiya-hiyang sinubukang umalis.“Teka, naaalala ko na. Ikaw ang taga
Labis itong kinatuwa ni Kawada. “Kung gayo’y pirmahan na natin ang kontrata mamayang gabi. ‘Ika nga nila, there’s no time like the present.”Pangamba niya’y umatras itong batang ito at magsumbong kay Joel, at sa huli’y tatanggi si Joel. Ang Yule ang pinakamalaking logistics company sa bansa at labis ang kanilang paglago sa e-commerce. Matagal niya na itong gustong bilhin.Hindi mapakaling sumagot si Catherine, “Sige po, magkita tayo mamayang gabi. Kilangan ko ring ipadala ng aking sekratarya ang kontrata. Ngunit huwag niyo muna sabihin kahit na kanino, ha? At baka pagalita ako ng aking ama. Pumunta na lang tayo sa kumpanya matapos ang ilang araw upang pormal na ilipat ang shares.”“Sige, sige, sige. Kung gayo’y ayos na tayo, ha?”Kinamayan ni Kawada si Catherine at masayang umalis.Pagkaalis niya’y napangiti si Catherine.Ibebenta niya ang 40% ng mga share ng Yule Corporation sa halagang limampung milyon? Hindi na rin masama.Tiyak na ikagagalit nina Damien, Melanie, at Charlie
“Ano ang pinaplano mo, Catherine Jones?”Kakaiba ang tingin ni Shaun. “Binenta mo na lamang ang shares ng Yule Corporation nang gano’n-gano’n na lamang. Alam ba iyan ng iyong ama?”Ang Yule Corporation ang pinakamalaking logistics company sa buong bansa at nitong mga nakaraang taon ay bumibilis ang paglago nito sa mundo ng e-commerce. Minamataan ito ng maraming tao, ngunit basta-basta na lamang itong ipinamigay ni Catherine.“Oo, kinumbinse ko siyang ibenta ko na lamang.” Kibit balikat ni Catherine. “May kaguluhang nangyayari sa loob ng Yule Corporation, at sa tanda niyang iyon, marami pa ring gustong mangyari ng aking lolo. Minamataan kami nina Damien pati ng kanyang anak, at walang pinagkaiba sa kanila ang iba pang mga shareholder, parang mga pinagbibibiyak na bunga. Kaya’t mabuti pang ibenta ko na lamang iyon lahat.“Malaking kumpanya ang Delta Co., Ltd. sa Japan. Marahil ay pagkapasok ni President Kawada sa Yule Corporation, pag-iisipan niyang makipagpalakasan sa aking lolo at