Nagbago ang ekspresyon ng lahat. Ang malalim na mata ni Chester ay nakatingin lang kay Cindy, at ang gwapong mukha ni Shaun ay nagdilim. "Kailan ko… iniwanan ng chikinini si Sarah sa leeg?"Hindi nga mahawakan ni Shaun si Sarah. Paano siya makakapag-iwan ng chikinini?Pinilit ni Cindy manatiling kalmado at sinabi, "Catherine, hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi mo.""Sa totoo lang, medyo nagpapasalamat ako sa iyo." Sabi ni Catherine. "Noon, noong buntis pa ako at nilagay ako ni Shaun sa house arrest hanggang sa kailangan ko na magpasuri. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko malalaman na kinalat ng media ang balita na nasaktan si Freya. Hindi ko nga rin malalaman na publikong inanunsyo ni Thomas na si Freya ang nang akit sa kanya. Nainis ako doon nang sobra na bumalik ako sa bahay at nagbato ng mga gamit. Nag-away pa kami ni Shaun, at ang kinahinatnan ay itinulak niya ako sa sahig…”Iyon ang oras na nawala sa kanya ang kambal.Nagbago nang husto ang itsura ni Shaun.Para bang
”Kung hindi ka kapaki-pakinabang sa akin, nakipaghiwalay na ako sa mapagpanggap na babae na tulad mo dati pa.” Binalaan siya ni Chester, “Manahimik ka na ngayon at itikom mo ang bibig mo. Kung hindi, huwag mo na isipin ang pagiging miyembro ng isang pelikula at gumawa ng pagbabalik.”Masunurin na tumango si Cindy habang namumutla ang mukha.Sinira na ni Catherine ang reputasyon niya dati. At saka, sa paglabas labas niya sa ilang variety show sa nakaraang buwan, nakatanggap pa siya ng casting offer para sa isang bagong pelikula. Dahil dito, umaasa siya kay Chester.“Chesterm may sasabihin ako… Ngunit hindi ko alam kung dapat ko ba ito sabihin o hindi…” Nautal siya.“Kung sa tingin mo hindi dapat, itikom mo ang bibig mo.” Pinagalitan siya ni Chester.“Hindi. Naguguluhan lang ako.” Nagngitngit si Cindy. Kailangan niya tapusin ang pangungusap niya. “Sinaktan nang sobra ni Young Master Hill si Catherine dati. Nilagay niya ito sa house arrest at siya ang naging sanhi ng pagkawala ng ana
”Babe, bakit sobrang sarap ng luto mo?” Daing ulit ni Shaun. “Gusto ko ito kainin sa buong buhay ko.”“Oo. Nagkaroon ka na ng tiyansa kainin iyan sa buong buhay mo, ngunit pinaalis mo ako.” Tumayo si Catherine at kinuha ang mga plato. “Umuwi ka na. Gabi na.”Nang tumalikod siya, pumunta si Shaun sa likod niya at niyakap ng mahigpit sa baiwang ni Catherine.“Ayaw ko bumalik. Gusto ko manatili. Maaari ako matulog sa sofa.”“Shaun, hindi ako ibang babae,” Malungkot na sinabi ni Catherine. “Noong natulog ako kasama ka dati, ang nakuha ko mula sa iyo ay kalapastanganan at birth control pills. Ngayon, gusto ko mahalin lalo ang sarili ko. Ayaw ko ipamigay nang ganun kadali ang sarili ko.”Hindi makapagsalita si Shaun. Kasalanan niya iyon sa paggawa ng maraming masamang bagay.Kung alam niya lang na ang araw na ito ay mangyayari, babalik siya dati at susuntukin ang sarili ng ilang beses.Dati, hindi niya pinahalagahan ang pagtulog kasama siya. Ngunit ngayon, hindi siya makatulog kasama
“Bumalik ‘yung babaeng iyon?” Umupo si Shaun sa tabi ni Chester. “Chester, palagi mo na lang bang pababayaan ‘yang babaeng ‘yan? Wala akong gaanong alam tungkol kay Cindy, ngunit simula nitong gabi, nakita ko nang hindi siya gano’ng kagaling. Hindi siya ang nararapat para sa’yo.”“May mga bagay na hindi mo talaga mapipigilan.” Tumikim ng wine si Chester. Malalim ang tingin ng mga mata nito. “Ikaw naman, makikipagbalikan ka na ba kay Catherine?”“Oo.” Maganda ang mood ni Shaun noong gabing iyon. Marahil ay mas maganda pa ito kung hindi niya lamang nakilala si Cindy.Nag-aalalang tinignan ni Chester ang kaibigan. “Naisip mo na ba kung gusto ba talagang makipagbalikan sa’yo ni Catherine dahil gusto ka niya talaga… o dahil gusto niya lamang maghiganti?”Agad na nanigas ang masaya at kaaya-ayang mukha ng lalaki. Ibinaba ni Shaun ang kanyang wine glass, ay may talim na kumislap sa kanyang mga mata.Kung ibang tao lamang iyon, marahil ay nasindak na sila, ngunit kilala na siya ni Chester
Yumuko si Catherine at kumurba pataas ang mga sulok ng kanyang labi. Bagama’t nahihiya siya, naaalala niyang nagawa na niya iyon noong magkasama pa silang nakatira noon sa Melbourne.Heh. Kung umasta naman ito, akala mo’y hindi pa siya nakakita ng babae noon.“Oo na, sige na.”Bahagya niyang kinagat ang kanyang kulay rosas na mga labi at muling bumalik sa kanyang kwarto upang maghilamos. Pagkatapos nito’y nagpalit siya ng damit at lumabas papunta sa hapag-kainan.Umupo rin si Shaun dala-dala ang agahang binili niya sa isang sikat na restaurant na kilala sa kanilang pang-agahan.“Ipinaluto ko ito sa pinakamagaling na chef ng Forkful. Mayroong mga waffle, avocado toast, breakfast wrap, french toast…” Inisa-isa ni Shaun ang mga laman nito.Amoy pa lamang nito ay masasabi na agad ni Catherine na masarap ang mga dala ng lalaki.Kung kaya’t kumuha siya ng tinidor at nagsimulang kumain. Matapos ang ilang sandali ng pagkain, nakita niyang hindi kumikibo si Shaun. “Hindi ka ba kakain?”
“Ngunit…” Iniba ni Catherine ang kanilang pinag-uusapan. “May tao akong gustong turuan ng leksyon. Kung hindi mo ako hahayaang ilabas ko ang aking galit, pagdududahan ko ang nararamdaman mo para sa akin.”“Sino?”“Si Yael Chadwick.” Mabagal na pagpapatuloy ni Catherine. Mula sa tinig ng kanyang boses ay mistulang nangangalit ang kanyang mga ngipin.Ikinagulat naman ito ni Shaun, ngunit agad siyang sumimangot. “Paano ka naman inalipusta ni Yael? Dahil ba pinaprotektahan ko sa kanya si Sarah…”“Hindi.” May galit sa tingin ni Catherine. “Noong araw na pinapirma mo sa akin ang divorce agreement, hindi ba’t hinayaan mo siyang hanapin sa akin ‘yung marriage certificate? Pero alam mo ginawa niya? Tinanggalan niya ako ng damit sa harap ng iba pang tauhan ng Liona. Kung hindi pa magsasalita si Hadley ay marahil tinanggal niya rin ang aking pang-ibaba. Hinding-hindi ko malilimutan ang kahihiyang iyon.”Bahagyang nanlamig ang madidilim na mga mata ni Shaun.Napakagulo ng mga pangyayari noon
Gulat na tumingala si Hadley. Marahil ay naghihiganti na nga si Ms. Jones. Kung siya lang iyon ay marahil hindi rin siya matutuwa. “Hindi ko rin masabi. Noong araw na iyon, nakita kong tinatanggal ni Yael ang suot na coat ni Ms. Jones. Iniangat niya ang damit at… maraming bagay ang nakita. Pinigilan ko lamang siya noong tatanggalin niya na rin sana iyong pang-ibaba ni Ms. Jones, ngunit inisip siguro ni Yael na pinagdududahan ko siya sa kanyang paghahanap, kaya’t sa akin niya iyon pinagawa. Iyon ay hanggang sa pumasok po kayo.”Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao at tinitigan sina Irving at Roy. “Sabihin ninyo ang totoo.”Sa takot ni Irving ay bigla niya na lamang siabing, “Kung ano po ang sinabi ni Assistant Young.”“Kung gayo’y… sinubukan talagang tanggalin ni Yael ang pang-ibaba ni Catherine?” Naningkit ang mga mata ni Shaun.Ninenerbyos na lumunok si Roy. “Sinabi po ni Yael na baka raw po sa pang-ibaba niya iyon tinatago ni Catherine Jones…”Bago pa man niya tapusin ang kany
"Inembistigahan mo ba?" Pangungutya ni Catherine. "Parang hindi mo ako pinaniniwalaan."Hindi makaisip ng kahit anong salita para isagot ito.Galit na galit siya. Naiintindihan niya ang ibig-sabihin nang barilin ang sarili sa paa."Tulad ng inaasahan. Ang sabi ng internet na kapag na-inlove ang dominant president sa akin, masasabi ko ang kahit ano at paniniwalaan niya ako nang walang kondisyon. Pero mukhang mali ito." Nagbuntong hininga nang tahimik. "Kaintindi-intindi naman. Pinaniniwalaan mo ang sinasabi ni Sarah noon pero hindi mo paniniwalaan ang sinasabi ko. Kung si Sarah ba ang pinag uusapan, magbabago ba ang lahat.""Paumanhin…" Naantig ang puso ni Shaun.Oo. Tuwing nakikipag-away siya kay Sarah, palagi niyang pipiliin si Sarah kahit walang kondisyon. Ngunit, pagkatapos ng oras na ito, napagtanto niya na may mga oras na nagkakamali siya ng intindi sa kanya sa nakaraan.Siguro ay nagsinungaling din si Sarah. Kung tutuusin, hindi niya inasahan na may gagawin si Yael habang s