Share

Kabanata 830

Gulat na tumingala si Hadley. Marahil ay naghihiganti na nga si Ms. Jones. Kung siya lang iyon ay marahil hindi rin siya matutuwa. “Hindi ko rin masabi. Noong araw na iyon, nakita kong tinatanggal ni Yael ang suot na coat ni Ms. Jones. Iniangat niya ang damit at… maraming bagay ang nakita. Pinigilan ko lamang siya noong tatanggalin niya na rin sana iyong pang-ibaba ni Ms. Jones, ngunit inisip siguro ni Yael na pinagdududahan ko siya sa kanyang paghahanap, kaya’t sa akin niya iyon pinagawa. Iyon ay hanggang sa pumasok po kayo.”

Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao at tinitigan sina Irving at Roy. “Sabihin ninyo ang totoo.”

Sa takot ni Irving ay bigla niya na lamang siabing, “Kung ano po ang sinabi ni Assistant Young.”

“Kung gayo’y… sinubukan talagang tanggalin ni Yael ang pang-ibaba ni Catherine?” Naningkit ang mga mata ni Shaun.

Ninenerbyos na lumunok si Roy. “Sinabi po ni Yael na baka raw po sa pang-ibaba niya iyon tinatago ni Catherine Jones…”

Bago pa man niya tapusin ang kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status