”Ms. Neeson, si President Hill ay nasa pagpupulong.” Pinutol siya ni Hadley.“Assistant Young…” Natulala si Sarah. “Kung gayon, kapag natapos na ang pagpupulong, maaari mo ba…”“Ms. Neeson, kung umalis ang nag-aalaga, mag-aayos ako ng isa pa para magpunta dyan. Ngunit umaasa ako na hindi uminit ang ulo mo sa ibang taga-alaga. Tao rin sila, at sila ay nagsusumikap para sa pera. Walang sinuman ang nakakataas sa isa pa na tao.”Namula ang mata ni Sarah sa bawat salita na sinabi ni Hadley. “Assistant Young, anong ibig mong sabihin? Minamaliit mo na rin ako. Sinasabi ko sa iyo, ang posisyon ko sa puso ni Shaun ay hindi mapapalitan.”“Ms. Neeson, iyon lang ang masasabi ko.” Binaba na ni Hadley ang tawag pagkatapos magsalita.Sa sobrang galit ni Sarah muntik na niya basagin ang phone niya.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal para magpunta si Yael. Subalit, si Yael ay umiyak pagkakita niya kay Sarah. “Ms. Neeson, sobrang sama ni Catherine Jones…”Pagkatapos ay sinabi niya kay Sarah ang
Kumulo ang dugo ni Sarah nang marinig siya.Ang puso ni Shaun ay nakuha ni Catherine. Tapos ngayon, pati ang backup plan niya, si Rodney ay nakapalibot kay Freya buong araw.Talagang tinupad niya ang titulo ng pagiging matalik na kaibigan ni Catherine. Siya ay nakaka-irita at mababang uri.“Rodney, sobrang naiirita ako.” Tunog malungkot si Sarah. “Dati palagi ko kasama si Yael, ngunit ngayon, nilipat na siya sa malayo.”“Hindi ba at pinoprotektahan ka na niya noon pa man?” Biglang sumabog ang boses ni Rodney.“Sinusunod niya lang ang utos ng Liona.” Mapait na nagbuntong hininga si Sarah. “Umalis na rin ang nag aalaga sa akin, sinabi na mainitin ang ulo ko. Hindi ko talaga inaasahan na mapupunta ako sa ganito na sitwasyon.”“P*ta. Katawa-tawa itong si Shaun.” Hindi inaasahan ni Rodney si Shaun maging ganito kawalang puso. Kahit pa gusto niya makipag-hiwalay, kailangan niya ba mawalan ng pasensya at ilipat ang tauhan ni Sarah sa malayo? “Huwag mo na pag-isipan. Pupunta agad ako.”
Umiling si Freya. “Ayaw ko lumabas. Kamakailan lang ay araw-araw ako kumakain sa labas, at hindi maganda ang lagay ng tiyan ko, kaya gusto ko kumain dito. Maaari ka magluto para sa akin.”“Ano?” Akala ni Rodney ay bingi siya.“Ayaw mo? Kung ayaw mo, kalimutan mo na. Akala ko ay maaari natin pag-usapan ito habang kumakain…”“Ga…Gagawin ko na. Gagawin ko na.”Kinagat ni Rodney ang bala at hinabol siya.Hindi niya inakala na darating ang araw na kailangan niya makinig sa mga hiling ni Freya.Pagkatapos umakyat, tinapon ni Freya ang sarili niya sa sofa. Pagkatapos ay binuksan niya ang pagkain na nasa lamesa at nagsimula kumain. “Bilisan mo at magluto ka na. Kung hindi iyan masarap, walang tiyansa na mag-usap tayo. At saka, huwag ka mag-isip na humingi ng tulong sa ibang tao. Ako yung tao na gusto ng katapatan.”Binuksan ni Rodney ang refrigerator nang may malupit na itsura. Maraming bagay ang nasa loob, ngunit ito ay yogurt, gatas, prutas, at keso lang. Walang mga sangkap sa paglulu
Nagngitngit si Rodney ng ngipin. “Kailangan mo bang magulat ng sobra? Sobrang kakaiba ba na nakakapagluto ako?”“Oo. Sa mga mata ko, isa ka lang na walang kwentang, pampered na young master na walang alam gawin kundi sundin ang mga utos ni Sarah at gawin ang bidding niya araw-araw.” Tumango si Freya na walang pag-aalinlangan.“...”Naglagay sana siya ng lason sa putahe kanina para tapusin na ang lahat. Humiwa si Freya ng maliit na piraso ng steak at tinikman ito. Ang lasa ay kagulat-gulat… na talagang masarap. Ito ay kasing authentic ng steak na natikman niya sa Country F.Ang lasa ng temoura ay tila galing ito sa Japan, at pati ang sashimi ay tender sa espesyal na paraan at sariwa. Ahem, syempre, may kinalaman ito sa kanyang good ingredients.“Talaga bang ginawa mo ‘to mag-isa?”Nacurious siya. “Hindi mo ito pinadala sa mga subordinates mo mula sa kitchen window gamit ang drone, tama?”“Hindi, ginawa ko ito mag-isa. Gusto ko ang pagluluto simula bata pa ako, okay?” Talagang h
“Isa lang naman akong pangkaraniwang cosmetic chemist para sa’yo, ngunit kahit minsan ba’y napag-isip-isipan mo na kung gaano kahirap ang dapat naming pagdaanan upang marating namin ang kung nasaan kami ngayon?“Habang nasa labas at nagpapakasasa kayong mga young master, pinagkakaabalahan namin ang midnight oil sa laboratory. Habang naglalaro kayo o nangingisda, nasa bahay lang kami upang tapusin ang mga kailangang basahin.”Hindi mapigilan ni Freya na mamula ang kanyang mga mata habang nagsasalita.“Alam mo ba kung gaano mo akong pinagmukhang desperada noon? Nagkataong sabay silang nangyari ng insidente ni Thomas Neeson, kaya’t sinusulsulan nila ako sa supermarket. Hindi ako makahanap ng trabaho at hindi ako ligtas dito sa bansa, kaya’t kailangan kong mangibang-bansa.“Bilang dayuhan, ang baba ng tingin nila sa akin sa ibang bansa. Ni hindi nga ako makauwi sa sarili kong apartment noon. Sa tatlong daan at animnapu’t limang araw sa isang tao, halos tatlong daan at limampu roon ay n
Galit na galit si Sarah.Hindi niya lubos na inaakalang darating ang isang araw na kung saan ang kanyang backup plan na si Rodney ay matatagalan sa isang pagpupulong at kakalimutan siya. Noon, siya lagi ang laman ng isip ng lalaki, at sa isang salita niya lamang ay pupuntahan na siya nito agad kahit na gaano man ito kaabala o kalayo mula sa kanya.Ngayo’y hindi pa siya nito naalala nang dahil kay Freya Lynch.Subalit ay hindi niya maaaring sabihin iyon, kaya’t ang tanging magagawa niya na lamang ay magpanggap na mabait at mapagbigay. “Ano ka ba, okay lang. Kumusta naman ang pag-uuusap ninyo ni Freya?”“Naayos na ang lahat, ngunit humihingi siya ng 10 percent ng mga share ng Osher Corporation,” Sagot ni Rodney. “Kaya’t bumalik ako sa kumpanya para pag-usapan iyon kasama ang mga executive. Iniisip ng lahat na feasible naman ang plano. Sulit na sulit kung makukuha ng Osher si Freya Lynch.”“10 percent?” Hindi mapigilan ni Sarah na itaas ang kanyang boses. “Lantarang pagnanakaw na iyo
“‘Ba, ‘nong sinasabi mo diyan. Napapaisip lang ako rito. Maganda naman talaga ang kinatatayuan ni Sarah minsan, ngunit hindi niya alam kung paano iyon pahalagahan. Prangkahin lang kita ha, masarap talagang magluto si Rodney. Masarap ang kanyang steak at tempura.” Bahagyang natakam si Freya nang maalala niya kung paano magluto ang lalaki.“Kaya’t hindi ko masasabing wala siyang kwenta. Kaunting kaunti na lamang ang mga lalaking magaling magluto ngayon, ‘di tulad ni Shaun…” Nakapangingilabot ang itsura ni Catherine. “Wala na siyang ibang gustong kainin kundi ang aking mga niluluto. Ayokong makuha ang lalaki nang dahil sa aking mga niluluto. Gusto kong ako ang pinaglulutuan ng lalaki.”“Kaya ni Wesley.” Kindat ni Freya.Bigla na lamang natahimik si Catherine. Nitong mga nakaraang araw ay hindi sila nakakapag-usap ni Wesley dahil sa kanyang plano. Malaki na rin ang utang na loob niya kay Wesley.Habang sila’y kumakain ay nakatanggap ng tawag si Catherine mula kay Shaun. “Tapos na kamin
Sa isang idlap ay nakita na lamang ng dalawang tinali sila ng apat na lalaki sa isang kama.“Boss, si Freya Lynch ‘yung isa.” Naglabas ng isang litrato ang isa sa mga lalaki habang tinuturo si Freya.“Siya nga. Kayo na bahala sa kanya.” Ikinaway ng lalaking may makapal na kwintas na gawa sa ginto ang kanyang kamay bago niya titigan si Catherine. “Mauna na kayo. Dito muna ako at magpapakasasa.”“Brod, gusto ko rin.” Dinilaan ng isang nakababatang lalaki sa gilid ang kanyang mga labi habang tinititigan niya si Freya. “Wala naman siyang sinabing hindi natin siya pwedeng galawin.”“Sige na nga.”“Mga m*nyak.” Ikinagalit nina Catherine at Freya na makitang pinagkakaguluhan sila ng mga lalaki at tinatanggal ang kanilang mga damit.Nang mga sandaling iyon ay mayroong sumipa pabukas ng pinto.Pumasok si Shaun. Nang makita niya ang estado ni Catherine na halos tanggal at sira na ang damit ay biglang namula at nanlamig ang kanyang mga mata. “Ang kapal ng mukha niyong galawin siya.”“Sino