Share

Kabanata 827

“Bumalik ‘yung babaeng iyon?” Umupo si Shaun sa tabi ni Chester. “Chester, palagi mo na lang bang pababayaan ‘yang babaeng ‘yan? Wala akong gaanong alam tungkol kay Cindy, ngunit simula nitong gabi, nakita ko nang hindi siya gano’ng kagaling. Hindi siya ang nararapat para sa’yo.”

“May mga bagay na hindi mo talaga mapipigilan.” Tumikim ng wine si Chester. Malalim ang tingin ng mga mata nito. “Ikaw naman, makikipagbalikan ka na ba kay Catherine?”

“Oo.” Maganda ang mood ni Shaun noong gabing iyon. Marahil ay mas maganda pa ito kung hindi niya lamang nakilala si Cindy.

Nag-aalalang tinignan ni Chester ang kaibigan. “Naisip mo na ba kung gusto ba talagang makipagbalikan sa’yo ni Catherine dahil gusto ka niya talaga… o dahil gusto niya lamang maghiganti?”

Agad na nanigas ang masaya at kaaya-ayang mukha ng lalaki. Ibinaba ni Shaun ang kanyang wine glass, ay may talim na kumislap sa kanyang mga mata.

Kung ibang tao lamang iyon, marahil ay nasindak na sila, ngunit kilala na siya ni Chester
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status