“Bumalik ‘yung babaeng iyon?” Umupo si Shaun sa tabi ni Chester. “Chester, palagi mo na lang bang pababayaan ‘yang babaeng ‘yan? Wala akong gaanong alam tungkol kay Cindy, ngunit simula nitong gabi, nakita ko nang hindi siya gano’ng kagaling. Hindi siya ang nararapat para sa’yo.”“May mga bagay na hindi mo talaga mapipigilan.” Tumikim ng wine si Chester. Malalim ang tingin ng mga mata nito. “Ikaw naman, makikipagbalikan ka na ba kay Catherine?”“Oo.” Maganda ang mood ni Shaun noong gabing iyon. Marahil ay mas maganda pa ito kung hindi niya lamang nakilala si Cindy.Nag-aalalang tinignan ni Chester ang kaibigan. “Naisip mo na ba kung gusto ba talagang makipagbalikan sa’yo ni Catherine dahil gusto ka niya talaga… o dahil gusto niya lamang maghiganti?”Agad na nanigas ang masaya at kaaya-ayang mukha ng lalaki. Ibinaba ni Shaun ang kanyang wine glass, ay may talim na kumislap sa kanyang mga mata.Kung ibang tao lamang iyon, marahil ay nasindak na sila, ngunit kilala na siya ni Chester
Yumuko si Catherine at kumurba pataas ang mga sulok ng kanyang labi. Bagama’t nahihiya siya, naaalala niyang nagawa na niya iyon noong magkasama pa silang nakatira noon sa Melbourne.Heh. Kung umasta naman ito, akala mo’y hindi pa siya nakakita ng babae noon.“Oo na, sige na.”Bahagya niyang kinagat ang kanyang kulay rosas na mga labi at muling bumalik sa kanyang kwarto upang maghilamos. Pagkatapos nito’y nagpalit siya ng damit at lumabas papunta sa hapag-kainan.Umupo rin si Shaun dala-dala ang agahang binili niya sa isang sikat na restaurant na kilala sa kanilang pang-agahan.“Ipinaluto ko ito sa pinakamagaling na chef ng Forkful. Mayroong mga waffle, avocado toast, breakfast wrap, french toast…” Inisa-isa ni Shaun ang mga laman nito.Amoy pa lamang nito ay masasabi na agad ni Catherine na masarap ang mga dala ng lalaki.Kung kaya’t kumuha siya ng tinidor at nagsimulang kumain. Matapos ang ilang sandali ng pagkain, nakita niyang hindi kumikibo si Shaun. “Hindi ka ba kakain?”
“Ngunit…” Iniba ni Catherine ang kanilang pinag-uusapan. “May tao akong gustong turuan ng leksyon. Kung hindi mo ako hahayaang ilabas ko ang aking galit, pagdududahan ko ang nararamdaman mo para sa akin.”“Sino?”“Si Yael Chadwick.” Mabagal na pagpapatuloy ni Catherine. Mula sa tinig ng kanyang boses ay mistulang nangangalit ang kanyang mga ngipin.Ikinagulat naman ito ni Shaun, ngunit agad siyang sumimangot. “Paano ka naman inalipusta ni Yael? Dahil ba pinaprotektahan ko sa kanya si Sarah…”“Hindi.” May galit sa tingin ni Catherine. “Noong araw na pinapirma mo sa akin ang divorce agreement, hindi ba’t hinayaan mo siyang hanapin sa akin ‘yung marriage certificate? Pero alam mo ginawa niya? Tinanggalan niya ako ng damit sa harap ng iba pang tauhan ng Liona. Kung hindi pa magsasalita si Hadley ay marahil tinanggal niya rin ang aking pang-ibaba. Hinding-hindi ko malilimutan ang kahihiyang iyon.”Bahagyang nanlamig ang madidilim na mga mata ni Shaun.Napakagulo ng mga pangyayari noon
Gulat na tumingala si Hadley. Marahil ay naghihiganti na nga si Ms. Jones. Kung siya lang iyon ay marahil hindi rin siya matutuwa. “Hindi ko rin masabi. Noong araw na iyon, nakita kong tinatanggal ni Yael ang suot na coat ni Ms. Jones. Iniangat niya ang damit at… maraming bagay ang nakita. Pinigilan ko lamang siya noong tatanggalin niya na rin sana iyong pang-ibaba ni Ms. Jones, ngunit inisip siguro ni Yael na pinagdududahan ko siya sa kanyang paghahanap, kaya’t sa akin niya iyon pinagawa. Iyon ay hanggang sa pumasok po kayo.”Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao at tinitigan sina Irving at Roy. “Sabihin ninyo ang totoo.”Sa takot ni Irving ay bigla niya na lamang siabing, “Kung ano po ang sinabi ni Assistant Young.”“Kung gayo’y… sinubukan talagang tanggalin ni Yael ang pang-ibaba ni Catherine?” Naningkit ang mga mata ni Shaun.Ninenerbyos na lumunok si Roy. “Sinabi po ni Yael na baka raw po sa pang-ibaba niya iyon tinatago ni Catherine Jones…”Bago pa man niya tapusin ang kany
"Inembistigahan mo ba?" Pangungutya ni Catherine. "Parang hindi mo ako pinaniniwalaan."Hindi makaisip ng kahit anong salita para isagot ito.Galit na galit siya. Naiintindihan niya ang ibig-sabihin nang barilin ang sarili sa paa."Tulad ng inaasahan. Ang sabi ng internet na kapag na-inlove ang dominant president sa akin, masasabi ko ang kahit ano at paniniwalaan niya ako nang walang kondisyon. Pero mukhang mali ito." Nagbuntong hininga nang tahimik. "Kaintindi-intindi naman. Pinaniniwalaan mo ang sinasabi ni Sarah noon pero hindi mo paniniwalaan ang sinasabi ko. Kung si Sarah ba ang pinag uusapan, magbabago ba ang lahat.""Paumanhin…" Naantig ang puso ni Shaun.Oo. Tuwing nakikipag-away siya kay Sarah, palagi niyang pipiliin si Sarah kahit walang kondisyon. Ngunit, pagkatapos ng oras na ito, napagtanto niya na may mga oras na nagkakamali siya ng intindi sa kanya sa nakaraan.Siguro ay nagsinungaling din si Sarah. Kung tutuusin, hindi niya inasahan na may gagawin si Yael habang s
"Ayos lang. Alam kong sumusunod ka lang sa utos." Sumulyap si Catherine kay Shaun. "Bakit mo siya binugbog ng ganoon? Hindi ba't sinusunod lang naman nila ang utos mo?"“...”Sumakit ang puso ni Shaun sa pagtitiis pero hindi siya naglakas ng loob para magsabi ng kahit anong tamang sasabihin.Tinignan ni Irving si Shaun na may talong ekspresyoh at halos bumagsak sa lapag ang panga sa gulat. Ito ang unang beses na nakita niyang masunurin si Eldest Young Master Hill sa babae. Kahit si Sarah ay hindi nakaranas nang ganitong klaseng trato. Para bang kailangan niyang respetuhin si Ms. Jones."Eldest Young Master, nasa punishment roon si Yael."tumakbo si Roy, nanginginig. Ang pwet niya ay binugbog hanggang sa dumugo, at sumasakit pa rin ito.“Okay.”Dinala ni Shaun si Catherine sa loob.… Sa punishment room.Dinala kaagad si Yael dito pagkatapos tawagan pabalik si Catherine. Ang kanyang ohone ay kinuha sandali at ang hindi magandang pakiramdam sa puso ay lumaki nang lumaki."Umalis
"Kung ganoon… ako ang nobya ni Shaun. Hindi ba't ang tono mo ngayon ay hindi pagrerespeto sa akin? O dahil hindi ako si Sarah, kaya kinamumuhian mo ako at hindi tinatrato ng ayos. Mababa nga ang tingin mo kay Elle dahil sa pagprotekta sa akin. Baka masyado mo nang matagal prinoprotemgahan si Sarah kaya totoong master na ang tingin mo sa kanya?" Tinaas ni Catherine ang kilay niya. Nasapul niya ang pako sa ulo."Hindi." Namutla ang mukha ni Yael.Sa Liona, ang pinakabawal na akto ay ang pagtaksil sa pamilyang Hill, at ang kahihinatnan doon ay napaka seryoso. "Ms. Jones, bakit mo ako sinisiraan nang ganito? Wala akong sama ng loob sa'yo. Isa lang akong hamak na bodyguard.""Miyembro ka ng Liona, kaya hindi ka simpleng bodyguard lang. Masyadong mababa ang tingin mo sa sarili mo." Ngumiti si Catherine at tinanong si Shaun, "Masyado ba akong matapang para magtanong? Gaano katagal nang prinoprotektahan ni Yael si Sarah?"Sumimangot si Shaun. "Kasama ang oras bago mawala si Sarah, mga pito
Nanigas si Catherine, at pagkagulat ang lumitaw sa mga mata niya.Gayunpaman, akala ni Yael na naprovoke siya, kaya malupit niyang sinabi, “Kung posible ito kay Ms. Neeson, ni hindi ka niya hahanapin. Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong palihim na tignan ito. Sa oras na maging okay siya, wala ka nang halaga sa kanya. Mainam na magtira ka ng mukha para sakin, o hindi kita palalayain.” “Ganun ba?” Huminga ng malalim si Catherine at hindi makapaniwalang tumango. “Tatanungin ko si Shaun mamaya.”“Huwag mo nang subukan.”Natakot si Yael. Gusto niya lang iprovoke si Catherine. Kapag nalaman ni Shaun na sinabi niya kay Catherine ang ganoong bagay, talagang papatayin siya nito. Matapos ang lahat, ang mga lalaki ay maalalahanin ng sobra sa kanilang pride.Tumawa si Catherine. Takot si Yael, na ibig sabihin na ang sinabi niya ay posibleng totoo.Hindi kailanman ay inasahan niya na walang nangyari sa pagitan ni Shaun at ni Sarah sa kabila ng pagsasama ng sobrang tagal.Tsk. Ito a