Share

Kabanata 813

9:30 p.m.

Sumandal si Shaun sa pinto ng bahay ni Catherine at paminsan-minsan itong tumitingin sa kanyang phone.

Gabi na, ngunit bakit wala pa rin ang babaeng iyon? Nakikipag-date nanaman ba ito kasama ang ibang lalaki? Kung hindi pa niya isinilip ang kinaroroonan ni Isaac at nalamang magpapagabi ito sa kumpanya dahil sa karagdagang trabaho, marahil ay hindi na siya magpapakatangang maghintay sa harap ng pintuan nito sa loob ng pitong oras.

Hindi pa siya naghintay nang ganitong katagal para lamang sa isang babae noon.

Ding. May tunog na narinig mula sa elevator.

May mga lumapit sa kanyang miyembro ng kapulisang nakasimangot. “Mukhang ikaw nga iyon.”

Natulala si Shaun.

“Halika na. Aalis ka rito, o susundan mo kami pabalik ng istasyon?” Malamig na sinabi ng pulis. “Ipinagbigay alam na sa amin ng may-ari nitong bahay ang nagyayari. Sabi niya’y ikaw raw ang dati niyang asawang pinepeste pa rin siya kahit na hiwalay na kayo kung kaya’t hindi niya kayang umuwi sa sarili niyang bahay.”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status