9:30 p.m.Sumandal si Shaun sa pinto ng bahay ni Catherine at paminsan-minsan itong tumitingin sa kanyang phone.Gabi na, ngunit bakit wala pa rin ang babaeng iyon? Nakikipag-date nanaman ba ito kasama ang ibang lalaki? Kung hindi pa niya isinilip ang kinaroroonan ni Isaac at nalamang magpapagabi ito sa kumpanya dahil sa karagdagang trabaho, marahil ay hindi na siya magpapakatangang maghintay sa harap ng pintuan nito sa loob ng pitong oras.Hindi pa siya naghintay nang ganitong katagal para lamang sa isang babae noon.Ding. May tunog na narinig mula sa elevator.May mga lumapit sa kanyang miyembro ng kapulisang nakasimangot. “Mukhang ikaw nga iyon.”Natulala si Shaun.“Halika na. Aalis ka rito, o susundan mo kami pabalik ng istasyon?” Malamig na sinabi ng pulis. “Ipinagbigay alam na sa amin ng may-ari nitong bahay ang nagyayari. Sabi niya’y ikaw raw ang dati niyang asawang pinepeste pa rin siya kahit na hiwalay na kayo kung kaya’t hindi niya kayang umuwi sa sarili niyang bahay.”
Pagkatapos kumain ng agahan ay naglakapad si Catherine palabas mula sa main entrance ng family villa ng mga Yule.Agad-agarang binuksan ni Shaun ang pinto ng sasakyan at naglakad patungo sa kanya. Dahil dalawang araw na siyang hindi umuuwi ng bahay, lukot-lukot ang suot nitong damit, at may mga balbas nang tumutubo sa kanyang mukha. Subalit hindi nito inapektuhan ang kanyang kaaya-ayang mukha. Sa katunayan ay pinaigting pa nito ang kanyang presensya. Kahit sa malumanay nitong itsura ay nagmukha siyang isang bad boy na kinahahalina ng mga babae.“Tumawag ka ng pulis kagabi?” Mamula-mula ang mga mata ni Shaun nang titigan nito si Catherine.“Oo. Nakatayo ka lang sa harapan ng aking pinto at ayaw mong umalis. Ang laking abala no’n para sa akin,” Malamig na sinabi ni Catherine nang walang bahid ng pagsisisi.“Ikaw…”Tumaas ang dibdib ni Shaun. Bilang isang respetadong lalaki, hindi pa siya pinapahiya nang ganoon ng isang babae noon.“Paano naman ako? Hindi ako isang taong nandiyan pa
May isang kamay na humarang sa mga labi ni Shaun bago pa man niya tuluyang halikan si Catherine.“At kailan naman ako nagkaroon ng utang sa iyo na halik?” Nalilito si Catherine. Muntikan na siyang matalo ng paglalakas-loob ng lalaki.“Noong isang gabi.” Inilabas ni Shaun ang kanyang phone at ipinakita kay Catherine ang kiss emoji na ipinadala niya rito.Namula ang magandang mukha ni Catherine nang makita niya ang kiss emoji sa phone ng lalaki. Bugso lamang ng kanyang damdamin ang dahilan kaya niya ito nagawa dahil sa intensiyon niyang suyuin pa siya lalo ng lalaki. Subalit hindi niya iisiping tatandaan talaga ito ng lalaki.“Ah, naaalala ko nga, ngunit… hindi ba’t hinanap mo kaagad si Sarah matapos mong matanggap ang aking emoji?” Nagpanggap na nakangiti si Catherine nang siya ay sumagot.“Hindi.”Tinigasan ni Shaun ang kanyang itsura, at sumagot sa hindi natural na paraan, “Naligo ako gamit ang malamig na tubig matapos ko itong matanggap mula sa’yo.”“...”At dahil malalaki na
”Hindi ko na imamaneho ‘yan. Ayaw ni Cathy, kaya wala nang dahilan para panatilihin iyan.”Nakaramdam ng hiya si Hadley. “Pero hindi ba pipityugin tignan ang Aston Martin? Hindi bagay sa estado mo.”“Hayaan na. Aston Martin din ang minamaneho ni Cathy. Dahil puti ang minamaneho niya, pwede mo akong kunan ng itim. Nakaktuwa, mayroon kaming parehas na sasakyan.”Binaba ni Shaun ang tawag pagkatapos sabihin iyon. Para bang kasing dali lang ng pagbili ng gulay ang magpalit ng sports car sa kanya.Nakatutok si Catherine sa pagmamaneho at hinayaan itong gawin ang gusto niya.Habang nagmamaneho siya, sabi ni Shaun, “Hindi ito ang daan papuntang Hudson Corporation.”“Mm, pupunta ako Sa Yule Corporation. Ang toxin sa katawan ng dad ay hindi pa naaalis, kaya pupunta ako sa kumpanya niya para tignan.”Ito ay dahil sinabi ni Joel sa kanya kagabi na pumayag ang Old Master Yule na hayaan ni Melanie na bumalik sa kumpanya. Kaya kailangan niyang personal na puntahan at tignan. Kung hindi, gugul
Nang hindi napapamalakad ang kumpanya ng ilang taon na, nagkataong nahatak ni Melanie si Old Master Yule ngayo. Ngunit, napabilib siya sa speech ni Charlie.Siya ang piaka naiinis sa katotohanang ang Yule Corporation ay hindi kailanman magiging top 3 sa pinakamayamang pamilya sa Australia.“Old Master Yule, magsalita ka. Naniniwala kami sa pangitain mo.” Binola siya ni President Parker. “Ngayong nalason ni Director Yule at hindi kasing lusog noon, sa’yo nakasalalay ang Yule Corporation.”“Tama, Old Master Yule. bmalik ka na sa kumpanya.” Payo ng ibang shareholder. “Mabilis na umunlad ang Campos Corporation ng mga taong ito, umabot agad sila sa ikalawang pinakamalaking corporation sa Australia. Sa tingin ko hindi natin dapat hinahayaang mawala ang tyansang ito.”“Oo. Kahit na anong hinanakt ng tao, kung hindi dahil sa e-commerce na naitatag ng Campos Corporation, hindi kaagad uunlad ang Yule Corporation.”“Old Master Yule, dapat mong pangunahan ang dangal ng Yule Corporation muli.”
Ngunit, hindi pumayag si Catherine sa collaboration sa Campos Corporation.“Grandpa, sa tingin ko kailangan muna suriin ng mabuti ang bagay na ito. Halimbawa, pagkatapos ng pagsanib pwersa, sino ang magbibigay ng professional team? Sino ang magiging managing director? Hindi rin bihasa ang Yule Corporation sa finance sector, kaya wala tayong pangunahing resources. Kung biglaan tayong papasok sa sector na ito…”“Anong ibig mong sabihin? Kinekwestyon mo ba ang desisyon ko?” Dumilim ang ekspresyon ni Old Master Yule. “Catherine, ilang taon na akong nasa business world. Mas may kasanayan ako kaysa sa’yo. Hindi mo na kailangan pang manialam sa usaping Yule Corporation.”“Grandpa, hindi sa wala akong tiwala sa’yo. Sa tingin ko lang na dapat talakayin itong mabuti pagbalik ng aking ama…”Sarkatikong sabi ni Charlie, “Ms. Jones sinasabi mo bang hindi parehas ng ambisyon ang Old Master Yule at iyong ama?”Nainis si Old Master Yule nang marinig niya iyon. “Ilang taon kong pinalakad ang Yule
Tinignan ni Charlie ang magandang silhouette na may madilim na ekspresyon at matigas na pinunasan ang kanyang mga labi.Ha! Eh ano kung tinignan pababa ng babae ang lalaki? Siguradong tuturuan ng leksyon ng lalaki ang babae isang araw.… Pagkatapos bumalik sa opisina, nahilo si Catherine sa pagtingin nang matagal sa mga dokumento ng Yule Corporation. Kaya nagsimula siyang maglaro sa kanyang phone.Nang matapos siya ng isang round ng laro, isang manlalaro na may pangalang You’re In My Heart ay dumating para maging kakampi niya.Nang inapprove ni Catherine ang request, pareho silang pumunta sa battlefield.Gayunpaman, nagdilim ang ekspresyon ni Catherine matapos maglaro ng sandali. Ang manlalarong iyon ay siguro baguhan dahil hindi ito nakita matapos magparachute.Hindi niya napigilan na buksan ang kanyang microphone at magpaalala, “Hey! Hey sister, tumigil ka sa pagtakbo kung saan saan. Matetrespass mo ang border kapag lumayo ka pa at mamamatay.”“Lalaki ako. Saan dapat ako pum
”Sino ang babe mo?” Nainis si Catherine. “Shaun, hindi ba presidente ka? Marami ka bang libreng oras para istorbohin ako sa laro ko?”“Kumita na ‘ko ng sapat na pera. Ang pinakaimportante ngayon ay magpick-up ng mga babae at makakuha ng girlfriend.” May lakas ng loob ang sagot ni Shaun. “Tungkulin ko na samahan ang girlfriend ko sa paglalaro ng games.” Hinawakan ni Catherine ang noo niya. “Paano sa mundong ‘to nahanap mo ang account ko?”Naalala niya na hindi niya niregister ang kanyang WhatsApp number sa laro.“Napansin ko ito nung nilalaro mo ang game nung araw na nanood tayo na pelikula,” Sabi ni Shaun na may mahinang boses. “Ito ang unang beses ko sa paglalaro ng mga games. Iniisip ko dati na ang paglalaro ng mga games ay pagsasayang ng buhay, pero ngayon naiintindihan ko na ang paglalaro kasama ang taong mahal ko ay romantic din.”Bagaman nasa tawag sila, kinilabutan si Catherine sa paglandi ng lalaki. Hindi niya alam kung paano ituloy ang usapan.“Good girl. Anong oras ka
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging