Subalit ay paniniphayo lamang ang naramdaman ng puso ng pulis para kay Sarah.Wala siyang inilantad ang lahat buhat ng kanyang respeto sa pamilyang Hill.“Shaun, kailangan nating makiisa sa imbestigasyon ng mga pulis,” Pautos ang tono ng boses ni Old Master Hill, “Kung siya’y inosente, maaaring ituloy ang kasal matapos ang ilang araw. Hindi naman problema para sa mga Hill ang pagdaraos ng isa pang kasalan. Gayumpaman, kinakailangang malinis ang record ng sinumang magiging Young Madam ng mga Hill.”“Shaun, sundin na lang natin ang sinabi ng iyong lolo,” Tungo ni Old Madam Hill.Hindi rin naman nila nagustuhan si Sarah. Iginiit lamang ni Shaun na pakasalan ang babaeng iyon, kaya’t wala silang nagawa. At dahil narito ang pulis na sinasabing may relasyon si Sarah sa ibang lalaki, kapag napatunayang totoo ito, tiyak silang hindi nila hahayaang ituloy ni Shaun ang kasal.Kahit na pakakasalan ni Shaun si Sarah, kailangan pa ring imbestigahan ang lahat nang mabuti.Isa pa, ito na ang ika
Agad namang sinundan ni Joel si Catherine nang makita niyang paalis na ito.Marami ang unti-unting sumunod na umalis nang makita nilang mayroon nang umaalis.Maaari naman silang kumain sa ibang lugar, ngunit sa totoo nito’y gusto nilang umalis upang pag-usapan kung totoong niloko ni Sarah si Shaun o hindi.Nang makita ni Old Master Hill na paisa-isang umaalis ang mga dumalo, nabasag niya ang isang baso sa galit na kanyang nararamdaman. “Anong kahihiyan! Ito ba ang babaeng pinipilit mong mapakasalan!”“Lolo, mayroong nagtatangkang ibato ang lahat ng sisi kay Sarah. Naniniwala akong inosente siya.” Sinubukang ipaglaban ni Shaun si Sarah nang may kasuklam-suklam na itsura. “Kilala ko na siya simula pa lamang noong nasa loob ako ng mental hospital. Kilalang kilala ko si Sarah.”“Walang sinumang naiintindihan nang buong-buo ang isa pang tao,” Biglang sinabi ni Lea matapos niyang sulyapan si Mason bilang isang halimbawa. Buong akala niya noong una’y kilalang kilala na niya si Mason, ngu
Agad na nanlamig ang dugong dumadaloy sa katawan ni Shaun.Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isip ang mga eksena na kung saan mula sa bahay nila ay hinihintay siya ni Sarah na makabalik mula sa kanyang trabaho.Naaalala niya ang masigla, mabait, at inosentent itsura nito.Sinabi sa kanya ng pulis na anim hanggang pitong oras sa loob ng ilang beses sa isang linggong namamalagi si Sarah sa isang apartment kasama ang ibang lalaki.Bukod pa rito, nakita ring iba ang suot niyang damit kumpara sa kanyang suot noong siya’y pumasok sa apartment na iyon…Sinabi ni Sarah na isa lamang tenant ang lalaking iyon, ngunit kinakailangan ba talagang mamalagi siya nang ganoong katagal na oras kasama ang isang hamak na tenant?Bakit naman ito magsisinungaling sa kanya?Sa totoo’y simple lang ang rason dito.Kung kaya niya lamang ay hindi niya sana paniniwalaan ito.Ngunit lumalabas na hindi niya pa lubos na nauunawaan si Sarah.Naaalala niya ang sariling buong kumpyansang sinasabi na naniniwa
"Ang sinabi ko ay katotohanan. Kung hindi, bakit magkakaroon ng babaeng mangangaliwa sa kanilang asawa, hindi lang sa isip kundi pati sa espirito. Hindi ba dahil sa kalungkutan?" Humipak ng mahaba si Chester. "Para naman sa 200 milyong dolyar na binigay ni Sarah kay Lucifer, naniniwala akong tinakot lang siya."Walang duda na si Chester ang pinaka kalmado sa tatlong lalaki nung oras na iyon.Kaagad ding napagtanto ni Shaun.Kung gusto lang makipagtalik sa lalaking iyon, hindi niya ito bibigyan ng 200 milyong dolyar."Saka na natin ito pag-usapan paglabas niya."Maya-maya, binuksan ni Shaun ang pinto at pumasok.Maraming bagay ang nangyari ngayon. Gusto niya lang kumalma saglit at isipin ang hinaharap nila ni Sarah.Makalipas ang ilang minuto, tinawagan niya si Hadley. "Kailangan ko lahat ng impormasyon sa kaso ni Sarah."...Isa't kalahating araw lang si Sarah sa prisinto.Ngunit, ang isa't kalahating araw ay parang isang taon. Kada minuto ay kinekwestyon siya ng pulis."Ala
“Shuanic, hindi ko sinadyang magsinungaling sa’yo. Pinilit lang ako. Ang taong iyon ay isa sa mga kriminal na kumidnap sa akin noon sa States. Dapat malaman mo kung gaano kasakit ang isidenteng iyon. Hindi na ako malinis pero ang taong iyon ay lumitaw ng parang demonyo.“Sabi niya meron siyang litrato ng nakaraan ko. Wala akong magawa. Natatakot akong mandiri ka sa akin kung malaman mo kaya binigyan ko siya ng pera. Binigyan ko siya ng 200 milyong dolyar pero hindi siya nakuntento. Nais niyang makipagtalik ako sa kanya.”Yumuko si Sarah at mapait na umiyak habang nagsasalita siya, “Diring-diri ako. Tuwing hahawakan siya ako, tumataas ang balahibo ko gusto kong sumuka. Shaunic, nagkamali ako. Mali ang ginawa ko sa’yo pero hindi ko iyon sinasadya. Mahal kita. Nandidiri ka na sa akin kaya susuka ka na tuwing hahawakan kita. Natatakot akong kamumuhian mo ako kapag nakita mo ang mga litrato.”“Tumayo ka.”Nilahad ni Shaun ang kamay niya para tulungan siyang tumayo.Itinapon ni Sarah an
”Hindi ito tayong dalawa, ako lang.” Hinimas ni Shaun ang kanyang mga kilay. Isang malalim na bahid ng kawalan ng pag-asa ang lumitaw sa makitid na mga mata ng lalaki. “Patawad, Sarah. Sa tingin ko pareho nating kailangan ng oras para magcool down.”Natigilan si Sarah. Hindi siya makapaniwala rito.Hindi pa ba nakakapagdesisyon si Shaun na tigilan ang pagpupursige sa usapin ngayon lang? Bakit bigla siyang aalis?!Hindi, hindi niya pwedeng hayaan na umalis ang lalaki.Hinablot ni Sarah ang kamay ni Shaun. “Shaunic, huwag kang umalis. Nagmamakaawa ako sayo. Anong kailangan kong gawin para patawarin mo ko? Sabihin mo lang, handa ako na gawin ang kahit ano.”“Sarah, huwag mong gawin ‘to…” Sinubukan ni Shaun itulak palayo ang kamay ng babae.Gayunpaman, ito ay tila nabaliw si Sarah. Ang kanyang mukha ay may marka ng mga luha. “Kung gusto mong magcool down, pwede mo itong gawin dito. Hindi kita iistorbohin. Shaunic, lahat ng nasa Canberra ay nakikita ako bilang isang katatawanan ngayon
”President Hill, hindi ka isang scumbag. Hindi mo lang… mahal na si Ms. Neeson.” ‘Matagal na ang nakalipas mula nang tumigil kang mahalin siya, pero nalinlang ka lang ng hypnosis ni Ms. Neeson,’ naisip ni Hadley.“Hindi ko siya mahal?” Mapait na ngumiti si Shaun. “Iniisip ko dati na kaya ko siyang mahalin magpakailanman.”“Mayroong harang sa pagitan niyong dalawa ni Ms. Neeson,” Sabi ni Hadley, “Ang kasiyahan ang pinakaimportanteng bagay sa dalawang taong nasa relasyon. Pero hindi kailanman ay naisip ko na masaya ka sa bawat beses na nakita kitang lumalabas ng villa.”Nabigla si Shaun. Hindi ba siya masaya?Nang isipin niya ito, ito ay tila tumpak. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, pero mas pipiliin niyang magtagal sa trabaho sa kompanya.Nakita ni Hadley na natulala si Shaun. Patuloy niyang sinabi, “Bukod pa rito… kahit na sugpuin mo ang usaping ito, ang pulis ay lumitaw sa publiko para kunin si Ms. Neeson ng araw na iyon. Maraming tao na ang nakakaalam niyo. Kung ipipil
”Kung hindi dahil sa mabilis kong pag-iisip, muntik na akong madamay sa gulo mo. Aayusin ko pa lang ang kautangan sayo. BUkod pa rito, dapat isipin mo kung anong mayroon ka pa na may pakinabang sakin. Sa oras na iwan mo ang tabi ni Shaun, wala ka lang sa akin.”Walang awang natapos ang tawag. Nabigla si Sarah.Mahigpit niyang hinawakan ang phone niya. Alam niya una pa lamang na sa mga mata ng mga taong iyon, hindi mahalaga kung gaano siya kagaling sa larangan ng psychology at arts, isasaalang-alang lang nila ang family background. Ang pamilyang Neeson ay hindi kagaya ng dati. Kaya naman, magagawa niya lang na higpitan ang kapit kay Shaun, Rodney at Chester.Isang alon ng pagkataranta ang pumawi sa kanya. Dinial niya ang numero ni Rodney.Makalipas ang kalahating oras, nagmamadaling dumating si Rodney.Nahilamusan na ni Sarah ang kanyang mukha at nakapagpalit ng isang set ng puting mga damit. Umupo siya sa sopa sa sala, umiinom ng alak. Ang itsura niya ay yung sa isang taong walang