Ngayon, ang tao na gustong-gusto harapin ni Catherine… ay si Sarah Neeson.Pagkatapos iwan si Lucas sa villa, guminhawa ang loob ni Catherine sa mga kasalukuyan niyang inaalala. Habang kasama ang dalawang bata, para siyang bomba na sasabog na anumang oras.Sa gabi, pagkatapos makatulog ni Lucas, umalis si Catherine sa villa. Nang makapasok siya sa kotse, tinawagan niya ang numero ni Logan. “Kumusta ang sitwasyon kay Lucifer?”“Ang lalaki na iyon ay nagsusugal, umiinom, at paiba-iba ng bar araw-araw. Nagdala pa nga siya ng babae sa dalawang magkasunod na araw.” nagbuntong hininga si Logan. “Pumupunta si Sarah tatlong beses sa isang linggo at nanatili ng pito hanggang walong oras kada bisita. Tsk, nagtataka talaga ako kung may sakit ba si Shaun. Kung wala, makukuha niya rin iyon ‘di kalaunan.”“Manahimik ka.” kinusot ni Catherine ang noo niya. Palagi niya sinasabi ang bagay na iyon kapag tinatawagan niya ito, at hindi siya komportable doon.“Kumusta na ang pinaayos ko sa mga tao na
“Kailan pa tayo naging ganun kaayos?” mas lalo naniniwala si Shaun sa mga sinabi ni Suzie.“Liam Hill, mayroon ka ng anak. Ilang taon ka na? Kailangan mo tumigil magloko buong araw at kunin ang responsibilidad sa anak mo. Kailangan ka ni Suzie.”“Ngunit kailangan ko rin ng kalayaan. Hey, sa katotohanan, sobrang natuwa ako magkaroon ng anak noong una, ngunit pagkatapos ng ilang araw, abala na ito. Wala na ako kalayaan; at ayaw matulog ni Suzie kasama si Mom, kaya maaari ko lang siya ibigay sayo.” pagkatapos ay ibinaba na ni Liam ang phone.Binaba ni Shaun ang tingin at nakita na naluluha si Suzie, at sinabi, “Hindi na ako gusto ni Daddy.”“Hindi, marami lang ginagawa si Daddy. Matutulog ka kay Uncle ngayong gabi, okay?” nasasaktan si Shaun kapag nakikita niya umiiyak ito.“Uncle, pasensya na sa pag-abala sa iyo.” minura ni Shaun si Liam nang mahigit sampung libong beses sa kakaibang itsura ni Suzie ngayon. Paano niya nakita na nakaka-abala ang mabait na batang ito? Alam niya ba kun
Sa ilalim ng madilim na dilaw na ilaw, nagngitngit si Sarah ng ngipin at wala siyang ibang gustong gawin kundi sampalin si Suzie.…Pagkatapos ng hapunan, gusto maligo ni Suzie. Walang karanasan sa pagpapaligo sa bata si Shaun, kaya hiniling niya na si Aunty Zara ang magpaligo sa kanya.Subalit, umiling si Suzie. “Sabi ni Mommy hindi pwede makita ng mga taong hindi ko kilala ang katawan ko. Aunty Sarah, pwede mo ba ako paliguan?” tinignan niya si Sarah.Nangangati ang anit ni Sarah. “Hindi...Hindi ko rin alam…” ‘At saka, hindi tayo ganon kapamilyar, okay?’“Kalimutan mo na. Hindi na ako maliligo.” binaba ni Suzie ang ulo niya. “Hindi rin ako pwede paliguan ni Uncle. Hindi tama na hawakan ng lalaki ang babae.”Tumawa si Shaun at lumingon kay Sarah. “Paliguan mo na lang siya. Hindi ba at nag-iisip ka magkaroon ng anak? Makakakuha ka ng pagsasanay muna.”Pumadyak si Sarah at umarte na parang malditang bata. “Hindi lang dapat ako ang responsable sa bata. Kapag dumating ang panahon,
Kumulo ang dugo ni Shaun sa eksena na iyon, at hindi mapigilan na sumakit ang puso niya. Mabilis siyang kumuha ng tuwalya at nagmamadali ibalot maigi ang maliit na katawan. Pagkatapos ay kinuha niya si Suzie sa bisig niya at dali-daling naglakad palabas ng banyo.Habang karga niya si Suzie paputang kama, umiiyak ito. “Ang sakit… Sobrang lamig…” hinawakan ni Shaun ang balat niya, at nalaman na sobrang lamig nito, tinignan niya ang katawan niyo at nakita na may pasa siya sa may siko.“Suzie, okay na. Dadamitan ka kaagad ni Uncle.” kinuha ni Shaun ang quilt at ibinalot ito kaagad sa kanya. Pagtalikod niya, nakasalubong niya si Sarah, na papunta habang may hawak ng pares ng damit ng bata. Mukha siyang nagulat at naagrabyado.“Shaun, pasensya ka na. Hindi ko alam paano siya biglang nalaglag…”“Sinabi ko sa iyo na paliguan siya, ngunit ganito mo ginawa iyon? Nakaupo ka lang doon noong nalaglag siya.” isang matinding galit ang naramdaman ni Sarah. Iyon ang unang beses na hindi nakontrol n
Nangatog si Shaun. Kung ibang tao siguro ang nagsabi ng mga salitang iyon, marahil ay hindi niya ito paniniwalaan.Ngunit hindi isang basta-basta lamang na inosenteng bata si Suzie. Nasa edad ang bata na kung saan ay hindi pa ito marunong magsabi ng kasinungalingan. Kaya’t marahil ay totoo ang sinasabi nito.Hindi niya inaasahang sasabihin ni Sarah ang mga bagay na iyon.Isinisisi niya ba si Suzie dahil lamang sa pinagsabihan siya nito nang kaunti habang kumakain ng hapunan? Bago lamang sa kanya na makita ang ganitong pag-uugali sa babae. Ang alam lamang niya ay isang marahan, mapagbigay, mabait, at masiglang babae si Sarah. Inaasahan niyang magiging pasyensyosa rin ito patungo sa mga bata dahil sa kanilang planong mag-pamilya.Subalit matapos niyang dalhin doon si Suzie ay napagtantuan niyang walang pasensya si Sarah sa mga bata. Wala namang problema roon, ngunit papaano niya masasabi ang mga malulupit na salitang tulad noon sa isang batang kamamatay lamang ng ina? May nagbago ba
“Si Isaac Stinger.” Mahinang sinabi ni Catherine.“...”Naging maulap ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Gusto niyang sigawan at pagsabihan ang babae, ngunit hiwalay na sila, kaya’t wala siyang dahilan upang akusahan ito.“Bumalik ka na rito. May injury si Suzie. Narito ako sa inyong pintuan.”“Ha?” Tumunog ang kaba ni Catherine. “Papaano siya nasugatan? Nasa’n si Liam?”“Hindi ko alam. Pabaya masyado ‘yang si Liam. Bilisan mo. Mangiyak-ngiyak si Suzie at sinasabing gusto ka niyang makasama.” Wala gaanong inasahan si Shaun habang sinasabi ito. Hindi rin naman anak ni Catherine si Suzie.Ngunit ikinagulat niya noong sumagot si Catherine, “Sige, papunta na ako.”Matapos ibaba ang tawag, iniyuko ni Shaun ang kanyang ulo upang tignan ang batang nasa kanyang tabi. Hindi niya inaasahang pagtutuunan ng ganoong karaming pansin ni Catherine si Suzie. Tila ba’y anak ni Catherine ang bata.…Sa kabilang banda nama’y kinausap ni Catherine si Isaac matapos nitong ibaba ang tawag, “Pasensya ka
Sinamaan ni Shaun ang tingin sa babae matapos siya nitong akusahan.“Sino ka ba para sabihan ako nang gan’yan? Kung hindi mo lang siya sinigawan nang basta-basta, magugulat ba siya hanggang sa puntong mailalaglag niya ang phone ko? Ikaw kaya ang nasa mali rito.”“Nauunawaan mo ba, Shaun Hill? Bata pa siya, at hindi pa gaanong ganap ang kanyang paningin, kaya’t hindi pa dapat siya naglalaro ng phone.” Naglakad si Catherine papunta kay Suzie nang may seryosong itsura. “Tama ba ‘yong ginawa mo o hindi?”Inisip ni Shaun na matatakot si Suzie at iiyak. Bago pa man niya simulang pagsabihan si Catherine, masunuring tumungo si Suzie.“Mali po ako. Hindi na po ako maglalaro gamit ang phone.”“Kung gusto mong manood ng catoons, pwede mong buksan ang TV at manood nang saglit, pero huwag ka munang manood gamit ang phone.” Nagbago ang tono ni Catherine mula seryoso hanggang marahan. Masunuring tumungo si Suzie at iniunat pa nga nito ang kanyang mga kamay upang yakapin si Catherine.Binuhat si
Hindi alam ni Shaun ang kanyang sasabihin.Sige. Bagama’t iyon din ang kanyang iniisip, hindi niya pa natitikman ang mga luto ni Catherine na may pagmamahal ng isang ina. Marahil siguro’y iisa lamang ang lasa ng mga luto ni Catherine sa mga luto ng totoong nanay ni Suzie? “Nitmal naman sa mga batang magutom nang mga ganitong oras. Gagawan na lang kita...ng souffle.”Hinaplos ni Catherine ang ulo ni Suzie at tumungo sa kusina. Nasa kanya namang buntot si Suzie na para bang isang kuting na sabik na sabik kumain. Hindi pa nakakakain ng isang souffle si Shaun, ngunit narinig na niya mula kay Sarah na isa itong uri ng dessert.“Hindi nakabubuting kumain ng dessert ang isang bata nang ganitong oras.” Nakasimangot na puna ni Shaun. Hindi niya pa rin malinutan ang paninisi sa kanya niyo sa pagpapahiram ng kanyang phone kay Suzie. Hindi rin naman ganoong kagaling ang babae.Hindi siya pinansin ni Catherine dahil naglabas lamang ng tatlong pirasong itlog ang babae mula sa refrigerator. Ipina