Share

Kabanata 6

Author: Shallow South
Natahimik si Catherine.

Dapat pinaliwanag ni Shaun ‘to kanina.

Ilang oras ang ginugol niya kakaisip kung paano maging stepmother!

Nawala ang pakiramdam ng pagkawalang pag-asa.

Kahit na ganoon, ang matabang pusa na may malinis na balahibo ay kaibig-ibig.

Humakbang siya paharap, para pisilin ang matabang pisngi nito pero mas mabilis pa sa alas kwartong tumakbo papunta sa master’s bedroom ang pusa. Ang master’s bedroom ay lugar na hindi siya kwalipikadong pumasok.

Nagbuntong hininga na lang si Catherine dahil hindi siya katanggap-tanggap. Saka niya tinignan ang buong bahay na may tatlong kwarto at dalawang sala.

Merong master’s bedroom, guest room, at study.

Ang interior ng bahay ay may minimalist na palamuti, modern style gamit ang itim, puti, at gray bilang main color scheme. Masarap sa mata pero nagbibigay ito ng malamig at walang buhay na vibe. Hindi siguro mahal ang renovation nito.

Ito ba talaga ang tinitirhan ng tiyuhin ni Ethan?

Ang lalaki ay dapat matagumpay na entrepreneur. Okay lang ang hindi pagpiling tumira sa grand villa pero wala ring makikitang luxury sa lugar na ito.

Isa pa ang mga shelf sa study room ay puno ng aklat tulad ng The Science of Law, The Law Society Gazette, at Are We Slaves to Our Genes?

Parang may mali. May posibilidad kayang ang lalaking iyon ay hindi tito ni Ethan?

Hindi, impossible ‘yun!

Si Freya ay tatanga-tanga minsan pero para sa seryosong bagay tulad nito...

Hindi naman siguro siya nagkamali, tama?

Ang pag-iisip masyado ay ikinamamatay ni Catherine. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kanyang kaibigan. “Siguradong ka bang tito ni Ethan ‘to?”

“Oo naman, narinig ko mismo sa kapatid ko. Nakasabay pa nga niyang kumain yan noon.”

Guminhawa ang pakiramdan ni Catherine at nilagay ang kamay sa kanyang dibdib. “Natakot akong baka maling lalaki ang pinakasalan ko.”

“Diyos ko, pinakasalan mo talaga siya?” Gulat na sabi nito sa kabilang linya. “Nagpakita talaga siya?”

“Uh-huh,” sagot nito. Sa kabilang linya ng phone, naipon ang luha ni Freya sa kanyang mata. “Pinangako natin maging angel ang isa’t-isa. Bakit mo ako iniwan sa isang iglap lang?”

Nastuck sa lalamunan ni Catherine ang mga sasabihin niya.

“Kung ganun, dapat niyo akong ilibre kahit hapunan lang.”

“Um… Wala pa namang nangyayari sa amin.” Nilakasan ni Catherine ang loob niya para ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa kanila ng lalaki.

“Maganda ka pero hindi ka binigyan ng madaling pagmamahal.” Pinakita ni Freya ang simpatya. “Pero ‘wag kang mag-alala, sigurado akong bibigay rin ang sugar-coated mong bala.”

“Naniniwala rin ako.”

Pagkababa ng tawag, nagpunta si Catherine sa pinakamalapit na supermarket. Ang bagong bahay ay napaka lamig at walang laman na hindi ito matawag na tahanan. Kailangan nito ng makeover.

...

4:00 p.m. sa Jennings Solicitors.

Kabubukas lang ni Shaun ng dokumento nang pumasok si Chase Harrison sa kanyang opisina.

“Congrats! Dapat ba tayong kumain ng hapunan kasama ang bago mong asawa ngayong gabi?”

“Para namang hindi mo alam kung bakit ako nagpakasal,” maangas na sagot ni Shaun nang hindi inaangat ang ulo niya, nakadikit ang mata niya sa mga salita sa dokumento.

“Hindi ka talaga patas magmahal.Narinig kong may kagandahan daw si Catherine Jones. Hindi ka man lang ba nagka interes?”

Napuno ng tuwa si Chase. Binaba niya ang sarili niya sa swivel office chair habang binabasa ang ekspresyon ng kaibigan gamit ang nagtatakang mata.

Tumigil si Shaun sa ginagawa niya ng ilang segundo. Inaalala niya kung gaano kakinis, kaputi at kaganda ang kanyang mukha na parang namumulaklak na bulaklak. Ngunit, ang kawalang hiyaan niya...

Sumagot siya pagkatapos ng ilang segundo, “Marami na akong nakitang magandang babae.”

“Tama ka naman. Ang hindi gaanong kahalagang babae sa Melbourne ay hindi magkakaroon ng pagkakataon maging asawa mo kung hindi mo iniiwasan ang arranged marriage na inayos sa’yo ng mga nakakatanda mong kamag-anak. Talaga namang hindi siya bagay sa dakila mong status.”

Makabuluhang huminga ng malalim si Chase. “E ‘di, ang sikat na hindi matalo-talong legend ay bumalik na. Paano ka mag aadjust sa pagtatrabaho sa maliit na lugar tulad ng Melbourne?”

“Karanasan din namang mamuhay tulad ng mga mahirap.”

“Tsk.”humikbi si Chase. “Hindi talaga patas ang mundo. Sabay tayong natapos sa pag-aaral pero nasa tuktok na baitang ka na.”

“Dipende yan sa kung paano mag-isip ang mga utak natin,” sagot ni Shaun, umangat ang walang pakialam niyang titig.

Nginitngit ni Chase ang ngipin niya sa hiya. “Kalimutan mo na, hahayaan ko na lang na ganito. Gawan mo na lang ako ng pabor at samahan akong maghapunan kasama ang ibang mga solicitor ng kumpanya ngayong gabi.”

“Hmm,” sagot ni Shaun. Nag beep ang phone niya ng notification sound.

Kinuha niya ang phone niya para makita ang kararating lang na text galing sa isang taong nagngangalang ‘Shaunerine.’

[Hubby, si Cathy ‘to.]

Kaugnay na kabanata

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 7

    Hindi alam ni Shaun kung ano ang isasagot. Minasahe niya ang pagitan ng kilay niya at tinanggap ang message request.[Hubby, dito ka ba maghahapunan?] Nagsend ulit si Catherine ng text pagtapos ng ilang segundo.Shaun: [Hindi. ‘Wag mo akong tawaging ganyan.]Shaunerine: [Sige, Shaunny na lang ang itatawag ko. Cute na pangalan.]Hindi na niya alam kung ano pang dapat sabihin.Huli na ba para umatras sa marriage arrangement?Kinagabihan.Isang grupo ng tao ang nagpapakasaya sa kanilang hapunan sa nakakatuwang courtyard-style na disenyo ng restaurant.Ilang mga lawyer ang nagpalitan ng opinyon tungkol sa mga bagong kaso na kinuha ng law firm.Wala sa tamang pag-iisip na nakinig si Shuan nang marinig niya ang notification alert sa kanyang phone ulit.Sinendan siya ni Catherine ng litrato. Sa ilalim ng madilaw na ilaw, ang matabang pusa ay nagpapakasaya sa maliit na treat na tuyong isda.Shaunerine:[Shaunny, ‘wag kang mag-alala sa amin. Inaalagaan kong mabuti si Fudge.]Galit na

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 8

    ”Kailangang enjoyin ang high-quality na butter sa mainit na pancake. Saka sisimsim ng mainit na tsokolate bilang panulak.”Tinuloy ni Catherine ang eating show.Ninanamnam niya ang kada kagat ng pagkain. Nadadala rin ng maganda niyang mukha, ang kanyang pagganap ay mas nakakatuwa at nakaka enganyo pa kaysa sa ibang mga eating broadcast show na mayroon.Hindi na kayang tiisin ni Shaun.“Meow.” Sumabay sa pagtalon si Fudge sa dinning table habang winawagwag ang buntot.Iniisip na baka gutom ang puso, naglakad siya sa cupboard. Bumalik siya nang may hawak na plato ng cat food at nilagay sa harap ni Fudge.Inamoy sandali ni Fudge saka nilingon palayo ang ulo niya. Tinignan nito si Catherine ng may matakaw na mata.Isang hindi komportableng ekspresyon ang makikita sa mukha ng lalaki.Natiis niya ang kagustuhang tumawa bago subuan ang puso ng maliit na piraso ng cinnamon roll. Nilamon ito ng pusa ng ilang segundo.“Magaling.”Malambing niyang tinapik ang ulo ng pusa. ‘Mas matino pa

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 9

    Nakaramdam si Catherine ng kurot sa kanyang dibdib. Napakasakit na halos hindi siya makahinga lalo na nang makita niya ang walang pakialam na tingin ni Ethan sa kanya na hindi man lang nagtagal.Nagmadaling pumunta si James kay Rebecca. “Nagbigay ang HQ ng utos na ilipat ang project kay Rebecca.”Nangatog si Catherine bago nilingon ang babae.“Cathy, ‘wag kang magalit.” napaatras si Rebecca na para bang nagulat ito. Swerte siya at nasa maliit niyang likod nag kamay ni Ethan.Mas lalo lang pinalala ng pangyayari ang sitwasyon.“Rebecca, ano pang gusto mo? Nakuha mo na ang nobyo ko at ngayong pati ang project na pinaggugulan ko ng oras at effort ay kinuha mo rin. Ganun ka ba kainggit sa lahat ng meron ako?”“Nakakatawa ka! Kailan mo pa naging nobyo si Young Master Lowe?” pangungutya niy James. “Iba ka rin, ano? Pinepeste mo si Young Master Lowe noon pero hindi siya nagpakita ng kahit anong interes sa’yo. Isa ba, sa tingin mo ba makukuha mo ang project kung hindi kinausap ni Master

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 10

    Nagpilit si Catherine ng isang nakakababang ngiti.Simula nang sumali siya sa kumpanya, hindi pa siya nakaka angat ng posisyon. Masyado siyang maingat at matapat magtrabaho.Siyan ang huling aalis sa trabaho araw-araw, nag oovertime at tinatrato ang lahat ng may respeto. Hindi inaasahang magiging ganito ang kakalabasan ng lahat.Pagka alis niya sa kumpanya, naglakad siya sa palibot ng area nang walang iniisip na specific na destinasyon.Nung mga oras na iyon, tinawagan siya ni Ethan ng ilang beses pero binababa niya ang mga tawag nito.Bumalik na siya sa Jadeite Bay pagkatapos bumili ng kaunting makakain at mga sangkap sa supermarket.Sa sandaling hinakbang niya ang paa niya sa bahay, pinuntahan siya ni Fudge habang nagwawagwag ang buntot nito sa ere.Hinimas nito ang ulo ng pusa at bumulong, “Fudge, ikaw na lang ang natatanging may gusto sa akin ngayon.”“Meow,” sagot ng pusa. Pinikit nito ang mata niya dahil sa tuwa, binibigyan ng pahintulot ang babae na himasin pa ito.Ang

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 11

    ”Ah, bakit mo nalaglag ang twalya?!”Si Catherine ay tuluyang napatanga dahil sa ito ang unang beses na naka salubong siya ng ganitong klaseng sitwasyon. Umabot siya para takpan ang kanyang mata at saka niya napagtanto ng ang puting twalya ay nasa kanyang kamay.Siya ba ay… Siya ba ay aksidenteng nahatak ang twalya mula sa kanya kanina?“Nalaglag ang twalya?”Ang walang pakialam na boses ni Shaun ay dumaan sa kanyang pisngi na parang malamig na yelo. “Hindi pa ako nakakita ng babae na kasing walang hiya tulad mo.”Para siyang napapaiyak, ngunit walang luha ang lumalabas. “Hindi ko plinano na gawin ito. Aksidente akong natapilok sa mat.”“Naglalakad ako sa mat na ito bawat isang araw ngunit hindi pa ako natapilok dati. Kahit isang beses. Hindi mo ako makukumbinsi sa kalokohang palusot na ito.” Ang lalaking iyon ay hindi siya pinaniwalaan.Napakurap siya ng walang ekspresyon. Ang sitwasyon ay lagpas na para ayusin ngayon, kaya inosente siyang tumugon, “Siguro matapos kong makita s

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 12

    Si Catherine ay tumayo. Siya ay bumalik sa bahay para magimpake ng kanyang gamit at umalis.2:00 a.m.Ayaw niyang istorbohin ang tulog ng kanyang kaibigan, kaya siya ay nagmaneho papunta sa pinakamalapit na five-star hotel kaagad.Sa may lobby, kinuha niya ang kanyang credit card at inabot ito sa may receptionist. Ito ay kaagad na binalik sa kanyang kamay ilang segundo makalipas. “Pasensya na ngunit ang card na ito ay hindi pwedeng magamit.”Nagulat, kinuha niya ito at binigay sa tao ang isa pang card.Subalit, pumalpak siya na mabayaran ito kahit matapos ang ilang subok sa kanyang ibang mga card.Ito ay sa wakas naintindihan na niya na ang mga Jones ay binawi ang lahat ng kanyang mga credit card.Kahit na siya ay nagkaroon ng ilang milyong dolyar sa nakaraang ilang taon mula sa pagtatrabaho sa ilang mga proyekto, binigay niya ang pera kay Sally ng walang tinitira para sa kanyang sarili.Siya ay madalas na ginagamit ang mga credit card na binibigay ni Jeffery para sa kanyang pa

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 13

    ”Sige, gusto ko malaman ang proseso. Ang ang pinakamagandang paraan para maging komportable ang pagbubuntis?” Tanong ni Shaun.Sa susunod na sampung minuto, ipinaliwanag ng vet ang proseso ng detalyado at binigyan siya ng gabay sa panganganak ng pusa sa huli. “Ang isang buntis na pusa ay kailangan bantayan ang kinakain nito. Ang iyong puso ay medyo mahina sa umpisa pa lang, kung kaya madaling mangyari na ito ay makunan. Maganda kung maghahanap ka ng tao na magaalaga dito.”“...”Si Shaun ay walang masabi.Pet pa ba ang pinaguusapan nila sa bagay na ito?Sa kung ano mang rason, bigla niyang naalala ang tungkol sa mahusay na pagluluto ni Catherine. Naalala niya na baka maaaring siya ay naging masyadong bastos sa kanya ngayon lang.Tama, dapat niyang ihinto ang pagbanggit sa tungkol sa kanyang pagalis ng bahay pagbalik niya mamaya.Pagbalik sa Jadeite Bay, binuksan niya ang pinto at binuksan ang ilawHindi tama ito.Ang pintuan sa guest room ay bukas at walang taong makikita. Hin

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 14

    Tinanggal ni Cindy ang kanyang sunglasses para bigyan ng sarkastikong tingin si Catherine. “Hindi masamang bagay na nakabunggo mo ako ngayon dahil pagod na din ako na magpalusot. Sa totoo lang, kasalanan mo na hindi mo alam kung saan ka nakatayo. Kailangan ko pa ba itong sabihin sayo bago mo ito makuha?”Pakiramdam ni Catherine na palpak siya habang tinitignan itong magandang mukha sa harap ng kanyang mata.Pareho si Ethan ay Cindy ay tanging pinili na maging mabait sa kanya dati dahil siya ang susunod na tagapagmana ng pamilya Jones.“Cindy, seryoso ka ba?” Sigaw ni Freya, “Nakalimutan mo na ba kung gaano ka inapi ni Janet dati? O kung paano ka tinulungan ni Cathy sa mga kanta...”“Tigilan mo na iblackmail ako gamit ang nakaraan. Siya at ako ay hindi mula sa parehong mundo,” Kabadong sumingit si Cindy. “Freya, tandaan mo ang payo ko. Ang ilang tao ay hahatakin ka pababa. Makabubuti kung lalayo ka sa kanila.”“Tumahimik ka! Ang mga kaibigan ay dapat sinusuportahan ang isa’t isa n

Pinakabagong kabanata

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2346

    Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2345

    Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2344

    ...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2343

    Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2342

    “Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2341

    Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2340

    Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2339

    Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2338

    Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status