Lahat ng nandoon ay may matataas na ranggo. Naintindihan nilang lahat na child’s play para sa isang presidente na sugpuin ang isang maliit na cosmetic chemist.Sa kabila ‘nun, kung talagang nagplagiarize si Freya, paano siya magiging isang top cosmetic chemist na may world-renowned na reputasyon?Umasa ang mga tao sa lakas para magsalita.Hinaharap ang titig ng lipon ng tao, palihim na kinuyom ni Rodney ang mga kamao niya na nasa tukod niya. Ang kanyang magandang mukha ay halos namutla.“Hindi ako masyado nainform tungkol sa mga pangyayari sa taong iyon. Siguro… ang mga tao sa ilalim ko ay nagdulot ng kung anong klase ng hindi pagkakaintindihan.”Maya maya, kaya lang ni Rodney magpakita ng matapang na mukha at magpaliwanag.“Ganun ba?”Sweet na ngumiti si Freya at sinabi sa pabirong tono, “President Snow, ang kakulangan mo sa kamalayan ay sumira sakin. Pero kailangan kitang pasalamatan. Ikaw ang stumbling block sa daan ng pagtagumpay ko. Kung hindi dahil sayo, hindi ko makikilal
”Sinasabi ko lang ang katotohanan tungkol sa taon na iyon. Anong kinalaman noon sa pagiging hindi ako mahawakan?” sagot ni Freya nang may may kasamang tawa.“Maglalakas loob ka ba sabihin sa harap ng lahat na maginoo si Thomas Neeson, President Snow? Kalimutan mo na iyon, ang salitang ‘maginoo’ ay sobra. Gamitin na lang natin ang salitang ‘disente’. Ganoon ba siya?”“...”Agad-agad na tinamaan si Rodney sa pagpuna niya.P*cha. Dapat ba niya kagatin ang bala at sabihin na si Thomas Neeson ay may disente na pagkatao?Ngunit hindi niya talaga masabi ito.Sa katotohanan, kailanman ay hindi siya nakakilala ng tao na may basura na ugali dati. Kung hindi dahil sa katotohanan na kapatid siya ni Sarah, magpapanggap siya na hindi niya ito kilala.Ngumiti si Freya at tumawa nang may kagalakan sa puso.Nagtatrabaho siya maigi sa nakalipas na tatlong taon para gantihan ang kahihiyan mula noon.Hindi lang si Catherine ang naghahawak sa nakaraang sama ng loob; siya rin.Malinaw na biktima s
Sa hapon.Kung ano ang sinabi ni Freya sa forum ay unti-unti inilabas sa media sa pamamagitan ni Big V, at doon, ang lumang balita tatlong taon ang nakalipas ay nahukay muli.[Naaalala ko ang babae na ito ngayon. Tatlong taon ang nakalipas, sinabi na inakit niya si Thomas Neeson, kaya galit sa kanya ang lahat. Initsahan pa nga siya ng itlog noong naglakad siya.][Ang galing niya. Siya na ang pinakamagaling na internasyonal na cosmetic chemist ngayon. Hindi ko alam kung bakit, ngunit medyo naniniwala ako na nagsasabi siya ng katotohanan. Siguro dahil siya ay maganda.][Sa totoo lang ay gusto ko ‘to sabihin tatlong taon ang nakalipas. Hindi talaga maganda ang ugali ni Thomas Neeson, ngunit walang naniniwala sa akin.][Mayroon akong malayong kamag-anak na nagtrabaho noon sa Neeson Corporation at madalas pagsamantalahan ni Thomas. Sa huli, umalis siya dahil hindi na niya kaya.][Sikat na basura si Thomas Neeson sa kapital. Mayroon ako kaklase dati sa unibersidad na nakuha ang atensyo
Ang magandang mukha ni Sarah ay mabilis na nagbago na may kasamang pandidiri. “Itikom mo ang bibig mo. Isa itong kritikal na oras dahil malapit ko na pakasalan si Shaun. Huwag ka gumawa ng gulo para sa akin.”Nagulat si Thomas sa biglaan na sermon. “Ngunit hindi mo ba nakita kung ano ang sinabi ni Freya sa mga taga-ulat-”“Nakahanap na si Shaun ng tao para mapigilan ang bagay na iyan. Kung may sama ka ng loob, tapusin mo iyan pagkatapos ng kasal ko.”Sinabi ni Sarah dahan-dahan, “Narinig mo ba ako? Kapag may mali na nangyari, hindi kita tutulungan.”“...Sige.”Mabigat ang loob ni Thomas nang binaba niya ang phone, ngunit sa puso niya, hindi niya iniisip na may mali na mangyayari.Tumalikod siya at tumawag. “Hanapin mo kung saan nakatira ang p*tang Freya Lynch na iyan”...Sa isang eleganteng western restaurant.Dinala ng waiter si Freya at huminto sa pasukan ng pribadong kwarto. “Ito ang kwarto na kinuha ni President Hatch.”“Salamat.” tinulak ni Freya ang pinto at pumasok.
Tinignan ni Rodney ang steak na umuusok pa sa mantika at sobrang natakot na napatalon siya sa isa pang upuan. “Freya Lynch, tatawagan ko ang pulis kapag nagbato ka pa ng isang piraso.”“Sige lang. Ang pinaka-mangyayari lang ay hihingan ako ng pera para magbayad. Kaya ko iyon bayaran.” binato lahat ni Freya lahat ng nasa lamesa sa kanya.Hindi ito naiwasan ni Rodney at nagawa niya lang magmadali pumunta at hawakan ang kamay ni Freya.Napigilan ang kamay ni Freya, kaya’t mabilis niyang nilingon ang ulo niya at kinagat ng madiin ang tainga niya.“Ow!” sumigaw si Rodney pagkatapos makagat at hindi namalayan hawakan ang katawan niya. Bilang resulta, may naramdaman siyang malambot sa kamay niya.Sa oras na napagtanto niya kung ano ang hinawakan niya, siya ay mabangis na tinuhod ni Freya.Nanlaki ang mata niya sa sakit.Bigla niya naintindihan ang sakit na naramdaman ni Shaun noong nakaraang araw. Hindi nakapagtataka na nagpunta siya ng ospital para sa magpasuri.Sobrang sakit talaga.
”Medyo masaya mong hinalikan ang pampublikong kubeta na ito kanina.” kumindat si Rodney. “Pinatanggal mo pa nga ang damit ko at binuhusan ako ng wine. Alam ko na gusto mo maglaro ng nakakasabik na laro tulad nito.”Sa mga salita niya, ang tagapamahala ng restaurant at si President Hatch ay tumingin ng kakaiba kay Freya. Sobrang ganda niya, ngunit sa hindi inaasahan, sobrang tapang at hindi nagpipigil sa loob.“Kag*guhan!” namula ang mukha ni Freya sa galit.Nakaramdam ng ginhawa si Rodney nang makita niya na ganun si Freya, at ang mata niya ay may bakas ng hindi katiyakan. “Kalimutan mo na iyon, hindi ako magsasabi ng marami tungkol sa ilang bagay. Kung tutuusin, mapapatunayan ng kasalukuyan kong itsura ang lahat.”“Baliw ka!” nagalit sa kanya si Freya at umalis.“Hey, paano na ang pormula?” hindi nahihiya na sinigaw ni Rodney sa likod niya.“Managinip ka!” naglakad palayo si Freya at mabilis na sumunod si President Hatch.Nang nawala na sila, mabilis na bumahing si Rodney. Nags
Matapos ibaba ni Catherine ang tawag, sinabihan niya ang dalawa niyang anak, “Hindi mabuti ang pakiramdam ng inyong lolo, kaya kailangan kong pumunta sa ospital ngayon. Dito lang kayo, ha, at behave kayo. Babalik din ‘yung ninang niyo maya-maya.”“Mommy, pwede rin ba namin bisitahin si lolo?” Nakasimangot na nagtanong si Lucas.“‘Wag muna sa ngayon, ha. Isa pa kasi, nanghihina masyado ang lolo niyo para kausapin kayo. Tsaka niyo na lang siya bisitahin.”Pagkatapos niyang aliwin ang kanyang dalawang anak, sumugod si Catherine papuntang ospital.Habang papunta roon ay tinawagan niya si Freya. Sinabihan niya itong bilisan ang kanyang pag-uwi.…Pagkaalis ni Catherine ay sumampa si Suzie sa isang upuan upang maabot ang lalagyan sa cabinet na kung saan naroroon ang mga pagkain. “Hehe. Sabi ko na nga ba dito tinatago ni mama ‘yung mga pagkain eh. Akala niya siguro hindi ko alam.”Inabutan ni Suzie ng chichirya si Lucas. “Gusto mo ba nito?”“Hindi ako kumakain ng ganyan. Nakakawala r
‘Di kinalauna’y binasag ng mga lalaki ang mga gamit sa loob ng bahay. Umalis lamang sila noong magulo na ang lahat at nasiyahan sila sa kanilang ginawa.Makalipas ang halos limang minuto pagkaalis ng mga lalaki ay bumukas ang bagahe mula sa loob nito.Gumapang palabas si Lucas nang may namumutlang mukha at namumulang mga mata. Sabay nito’y malamya-lamya niya ring inilabas si Suzie. Nagdudugo ang ulo ng kanyang kapatid“Kuya, ang sakit sakit…” Natutulalang sinabi ni Suzie habang nakatingin ito sa kanyang kapatid. Hawak hawak niya ang chichiryang kinuha niya kanina.“Huwag kang matakot, Suzie. Dadalhin kita sa ospital ngayon don.” Sa sobrang pagkabalisa ni Lucas ay nagsimulang tumulo ang mga luha sa kadalasa’y kalmado niyang mukha.Tumakbo si Lucas habang buhat-buhat si Suzie. Tinawagan niya ang numerong 000 gamit ang kanyang phone. Pagkatapo nito’y tinawagan niya si Catherine, “Mama, nasugatan si Suzie.”“Ha?!”Nabalot ng pagkabigo si Catherine na kararating lamang sa ospital pag