Tinignan ni Rodney ang steak na umuusok pa sa mantika at sobrang natakot na napatalon siya sa isa pang upuan. “Freya Lynch, tatawagan ko ang pulis kapag nagbato ka pa ng isang piraso.”“Sige lang. Ang pinaka-mangyayari lang ay hihingan ako ng pera para magbayad. Kaya ko iyon bayaran.” binato lahat ni Freya lahat ng nasa lamesa sa kanya.Hindi ito naiwasan ni Rodney at nagawa niya lang magmadali pumunta at hawakan ang kamay ni Freya.Napigilan ang kamay ni Freya, kaya’t mabilis niyang nilingon ang ulo niya at kinagat ng madiin ang tainga niya.“Ow!” sumigaw si Rodney pagkatapos makagat at hindi namalayan hawakan ang katawan niya. Bilang resulta, may naramdaman siyang malambot sa kamay niya.Sa oras na napagtanto niya kung ano ang hinawakan niya, siya ay mabangis na tinuhod ni Freya.Nanlaki ang mata niya sa sakit.Bigla niya naintindihan ang sakit na naramdaman ni Shaun noong nakaraang araw. Hindi nakapagtataka na nagpunta siya ng ospital para sa magpasuri.Sobrang sakit talaga.
”Medyo masaya mong hinalikan ang pampublikong kubeta na ito kanina.” kumindat si Rodney. “Pinatanggal mo pa nga ang damit ko at binuhusan ako ng wine. Alam ko na gusto mo maglaro ng nakakasabik na laro tulad nito.”Sa mga salita niya, ang tagapamahala ng restaurant at si President Hatch ay tumingin ng kakaiba kay Freya. Sobrang ganda niya, ngunit sa hindi inaasahan, sobrang tapang at hindi nagpipigil sa loob.“Kag*guhan!” namula ang mukha ni Freya sa galit.Nakaramdam ng ginhawa si Rodney nang makita niya na ganun si Freya, at ang mata niya ay may bakas ng hindi katiyakan. “Kalimutan mo na iyon, hindi ako magsasabi ng marami tungkol sa ilang bagay. Kung tutuusin, mapapatunayan ng kasalukuyan kong itsura ang lahat.”“Baliw ka!” nagalit sa kanya si Freya at umalis.“Hey, paano na ang pormula?” hindi nahihiya na sinigaw ni Rodney sa likod niya.“Managinip ka!” naglakad palayo si Freya at mabilis na sumunod si President Hatch.Nang nawala na sila, mabilis na bumahing si Rodney. Nags
Matapos ibaba ni Catherine ang tawag, sinabihan niya ang dalawa niyang anak, “Hindi mabuti ang pakiramdam ng inyong lolo, kaya kailangan kong pumunta sa ospital ngayon. Dito lang kayo, ha, at behave kayo. Babalik din ‘yung ninang niyo maya-maya.”“Mommy, pwede rin ba namin bisitahin si lolo?” Nakasimangot na nagtanong si Lucas.“‘Wag muna sa ngayon, ha. Isa pa kasi, nanghihina masyado ang lolo niyo para kausapin kayo. Tsaka niyo na lang siya bisitahin.”Pagkatapos niyang aliwin ang kanyang dalawang anak, sumugod si Catherine papuntang ospital.Habang papunta roon ay tinawagan niya si Freya. Sinabihan niya itong bilisan ang kanyang pag-uwi.…Pagkaalis ni Catherine ay sumampa si Suzie sa isang upuan upang maabot ang lalagyan sa cabinet na kung saan naroroon ang mga pagkain. “Hehe. Sabi ko na nga ba dito tinatago ni mama ‘yung mga pagkain eh. Akala niya siguro hindi ko alam.”Inabutan ni Suzie ng chichirya si Lucas. “Gusto mo ba nito?”“Hindi ako kumakain ng ganyan. Nakakawala r
‘Di kinalauna’y binasag ng mga lalaki ang mga gamit sa loob ng bahay. Umalis lamang sila noong magulo na ang lahat at nasiyahan sila sa kanilang ginawa.Makalipas ang halos limang minuto pagkaalis ng mga lalaki ay bumukas ang bagahe mula sa loob nito.Gumapang palabas si Lucas nang may namumutlang mukha at namumulang mga mata. Sabay nito’y malamya-lamya niya ring inilabas si Suzie. Nagdudugo ang ulo ng kanyang kapatid“Kuya, ang sakit sakit…” Natutulalang sinabi ni Suzie habang nakatingin ito sa kanyang kapatid. Hawak hawak niya ang chichiryang kinuha niya kanina.“Huwag kang matakot, Suzie. Dadalhin kita sa ospital ngayon don.” Sa sobrang pagkabalisa ni Lucas ay nagsimulang tumulo ang mga luha sa kadalasa’y kalmado niyang mukha.Tumakbo si Lucas habang buhat-buhat si Suzie. Tinawagan niya ang numerong 000 gamit ang kanyang phone. Pagkatapo nito’y tinawagan niya si Catherine, “Mama, nasugatan si Suzie.”“Ha?!”Nabalot ng pagkabigo si Catherine na kararating lamang sa ospital pag
Itinaas ni Lucas ang kanyang mga manggas at sinabing, “Mama, parehas kami—”“Hindi pwede. Masyado ka pang bata para magbigay ng dugo,” pagtitigil sa kanya ng doktor. “Kailangan ng halos 500 milliliters ng dugo ng pasyente. Kahit ang mga matatanda’y hindi rin kakayaning magbigay ng gano’ng karaming dugo. Tiyak na mawawalan ng malay ang isang batang tulad mo. Nasaan ang ama ng bata?”“Ama?” Kinuyom ni Catherine ang kanyang mga kamao. Kapag nalaman ito ni Shaun ay tiyak na ihihiwalay niya ang dalawang bata sa kanya.Sa puntong iyon ay hinila ni Lucas ang kamay ng ina. “Mama, pwede tayong humingi ng tulong kay Tito Liam. Narinig ko noon na sinabi niyang pare-parehas kami ng blood type ni Suzie.”Matapos niyang matigilan nang panandalian, agad na tinawagan ni Catherine si Liam.Sa loob ng sampung minuto’y nagmamadaling pumasok si Liam.“Ano’ng nangyari kay Suzie? Noong nalaman ko agad na may nangyari sa kanya, mga walong red light ang hindi ko sinunod para lang makarating agad dito.”
“At ayon. Case closed.”Nang naghahanda nang umalis ang kapulisan, umimik si Freya sa pagkayamot, “Malinaw na hindi pagnanakaw ang gumawa nito. May nagbayad sa kanila para gantihan kami.”“Tama na, Freya. Nagawa ng mga pulis ang kanilang makakaya.”Pinigilan ni Catherine ang kaibigan at hinayaang umalis ang mga pulis.”“Sigurado akong sinuhulan sila ni Thomas,” Galit na sinabi ni Freya.Nanuya si Catherine. “Oo naman. Sabi nga nila, practice makes perfect. Hangga’t dumadami ang mga masasamang gawain ni Thomas ay mas gumagaling siyang itago iyon. Dati’y kinakailangan pang linisin ni Shaun ang kanyang mga kalat, ngunit ngayo’y mukhang kaya na niya itong linising mag-isa sa puntong hindi na niya kailangang alalahanin pa ang mga susunod na mangyayari.”“Hindi ba natin ipaghihiganti si Suzie?” Nayayamot pa ring tanong ni Freya.“Dahan-dahanin natin. Ngunit alam ko… na hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko sila nababalikan.”Ipinaubaya ni Catherine si Lucas sa kaibigan. “Lalabas l
Lumabas ng sasakyan si Sarah at pinayuhan si Catherine, “Kumalma ka, Catherine. Alam kong maaaring naka-trigger sa’yo ang balita ng aming kasal, ngunit ilegal ‘yang ginagawa mo ngayon. Katatawag ko lang sa pulis.”Natigilan si Shaun. Pagkatapos ay nagpaliwanag si Sarah, “Sumosobra na siya ngayon. Nakita mo ba itong kalat na idinulot niya? Mabuti’y walang nasaktan. Kapag hindi pa natin siya tinuruan ng leksyon, marahil ay mas malala pa rito ang gagawin niya sa susunod.” Panandaliang nanahimik si Shaun.Nababatid niyang mahal pa rin siya ni Catherine, ngunit natatakot siya sa mga kinikilos nito. Pakiramdam niya’y kailangan nga nila itong turuan ng leksyon.Nanuya si Catherine habang tinitignan ang dalawa. “Huwag ninyo masyadong isipin ang mga bagay-bagay. Hindi ako naparirito dahil nagseselos ako. Nais ko kayong balahan na may hangganan din ang aking pasensya. Sarah Langley, bantay-bantayan mo ‘yang si Thomas. May mga lalaking pumasok sa aking bahay kahapon nang walang pahintulot at
“Anong nararamdaman mo ngayong hindi ka pinapansin ng pinakamamahal mong lalaki?” Ang boses ni Catherine na walang pakialam ay narinig ni Sarah.Tumalikod siya at tinitigan ang magandang mukha ni Catherine. Kung pwede niya lang hatiin ito sa dalawa.“Catherine Jones, ‘wag kang masyadong mayabang. Hindi lang naintindihan ni Shaun ang kapatid ko. Isa pa, pinupuna mo lang naman si Thomas nang walang ebidensya.”Inayos ni Sarah ang kanyang sarili. Kung may ebidensya siya sa kagagawani ni Thomas, wala siya dapat dito para manggulo. Dapat hinanap niya si Thomas at ginulo ito.Ngayon, hindi humingi ng tulong si Thomas kay Sarah. Ibig sabihin handa ito sa gagawin ni Catherine sa kanya. “ Oo, wala akong ebidensya, pero hindi ibig sabihin na hindi ito iimbestigahan ni Shaun. At dahil katulad ito ng kapatid mo, sa tingin mo hindi niya ito sususpetsyahan? Siguradong malalaman ni Shaun ang munting laro nito.”Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Catherine, bumagsak ang mukha ni Sarah.“Sar