Pagkatapos lumabas ng balita, nagkaroon ng kaguluhan sa online.[Diyos ko po. Anong klaseng babae si Nicola? Kasal siya sa presidente ng Yule Corporation, nangaliwa kasama ang kapatid ng presidente, at nagkaroon ng relasyon sa sekretarya. May asawa na nangangaliwa si President Yule.][Alam kaya ni Damien ito? Siguro ay wala siya masabi.][Ipinupusta ko na may karelasyon na maraming lalaki ang babae na iyan.][Nagtataka ako kung nasisiyahan din magloko si Melanie tulad ng nanay niya, isinaalang-alang na anak siya ni Nicola. Kahit pa hindi niloko ni Melanie si Charlie ngayon, ‘di kalaunan ay magkakaroon siya ng asawa na nangangaliwa.][Bukod sa kahawig ni Melanie ang nanay niya, hindi magandang bagay kahit na kahawig niya ang tatay niya. Naniniwala ako na may kinalaman sina Damien at Melanie sa paglason kay Joel.][Nakakadiri na pamilya. Nalulungkot ako na naugnay ang pamilyang Campos sa kanila.]“...”Nagalit si Melani pagkatapos magbasa ng mga komento. Binato niya ang ashtray p
“Hindi, Dad. Hindi ganon na tao si Mom. May hindi siguro pagkakaunawaan,” ipinaliwanag ni Melanie habang umiiling.“Tama na, Melanie. Narinig ko iyon mula sa ibang tao,” naiinis na sinabi ni Joel. “Noong pumasok ang mga pulis, hinihila ng nanay mo ang damit ni Walter sa warehouse habang may araw pa. Habang interogasyon ni Walter sa mga pulis, nilabas niya na may relasyon sila ng nasa apat hanggang limang taon na. Nagkikita sila isang beses kada buwan kadalasan sa hotel, kotse o kaya sa labas.”Parang nakakita ng multo ang ekspresyon ni Melanie noong narinig niya ang mga salitang iyon.Lalong nababalisa si Damien habang nagsasalita siya. Para siyang ligaw na hayop na nawalan ng kontrol. Sa kabila ng pagiging lumpo, nagawa niya basagin ang mga nakapaligid sa kanya. Ang mata niya ay puno ng malupit na kapaitan.“Palagi niya akong minamaliit. Ayaw na ayaw niya na lumpo ako.” hinampas ni Damien ang binti niya. “Dahil sa kanya, pinatay ko pa si Sheryl, nilabanan ang buong pamilyang Yule
“Napaka g*go ni Charlie.” nasamid si Nicola. “Pwede mo tanungin si Damien na samahan ka. Kapag nakuha mo ulit ang Yule Corporation, kukunin ng mga Campos ang panig mo.”“Maghihintay kami ni Dad sa’yo, Mom,” naiiyak na sinabi ni Melanie.…Sa ospital.Sinamahan ni Catherine si Joel para makatanggap ng IV infusion.Kahit na lumamig ang ulo ni Joel sa pagkita na naaresto si Nicola, ang kalusugan niya ay bumagsak muli dahil balisa siya. Pinadala siya sa ospital simula noon para magpagamot.Hindi nagtagal para magmadali pumunta sa ospital sina Old Master Yule at Old Madam Yule. Nang nakita ni Old Madam Yule ang sitwasyon ni Joel, nagsimula bumagsak ang mga luha sa mukha niya. “Sira ang ulo ni Nicola. Maganda ang pagtrato namin sa kanya. Ang aksidente na natamo mo nakalipas na tatlong taon ay kaugnay siguro sa kanya. Sa kabutihang palad, hiniling namin kay Catherine na alagaan ka. Kung hindi…"Ang mga salita na iyon ay nagdala ng kilabot pababa sa gulugod ni Old Master Yule. Ngayon at
”Melanie, hawakan mo ako at lumuhod.” nagpumilit si Damien.Dahil si Damien ay biyolohikal na anak ni Old Madam Yule, hindi niya kaya makita na lumuhod ito. “Lumpo ka. Paano ka luluhod? BIlisan mo at tumayo ka.” “Oo, lumpo ako.” ibinaba ni Damien ang ulo niya at tuluyan na umiyak. “Simula noong pinanganak ako, maraming tao na ang nagmamaliit sa akin dahil sa kapansanan ko. Nagpapasalamat ako kay Brother, ngunit sa parehong oras,, naiinggit ako sa kanya. Gusto ko si Nicola, ngunit hindi siya interesado sa akin. Sa lumipas na dekada o mahigit pa, wala akong minahal na iba kundi siya lang. Ginawa ko lahat para sa kanya nang hindi nagrereklamo. Akala ko mamahalin niya rin ako pagkatapos niya makuha ang Yule Corporation, ngunit mali ako. Ngayon ko lnag naintindihan ang pag-uugali niya. Dad, Mom, Brother, kasalanan ko ito.”Malapit na umiyak si Old Madam Yule. Hindi niya matiis sabihin, “Kasalanan ko ito. Hindi na sana kita isinilang at sobrang pahirapan ka nang may mababang kumpiyansa s
”Catherine, dahil nasa ospital ako, hahayaan kita mamahala ng ilang bagay para sa akin pansamantala.” tinapik ni Joel si Catherine sa likod ng kamay niya. “Hihilingin ko si Assistant Church na mag-ulat sa iyo sa susunod.”Nagsimula na sumakit ang ulo ni Catherine. “Dad, pinipilit mo ba ako mamahala ng Yule Corporation?”“Paano kita pinipilit?” seryoso siyang tinignan ni Joel. “Bilang anak ko at young lady ng Yule Corporation, hindi ka na mamarkahan bilang anak sa labas. Nararapat lang na makasama mo ang sinumang lalaki sa buong Australia. Pati si Sarah ay walang-wala sa’yo.”Sa wakas ay tumama na sa kanya ang intensyon ni Joel.Biglang uminit ang pakiramdam ni Catherine.Hindi na kailangan pa sabihin, nalaman siguro ni Joel na ikakasal na si Shaun, kaya ayaw niyang kinukumpara ang sarili niya. Isinaalang-alang na si Catherine ay ang Eldest Young Laste at malapit na maging tagapagmana ng Yule Corporation, hindi siya matatalo ni Sarah sa dangal at katayuan sa buhay. Kahit pa gaano k
Ngumiti si Yael at sinabi, “Si Mr. Hill ang nag-suggest na isagawa ang in-vitro fertilization noong narinig niyang gusto niyong magkaroon ng at least dalawang anak. Natatakot siyang mahirapan kayong mabuntis nang dalawang beses. Nakiusap na siya kay Young Master Jewell upang ikalap ng pinakamagaling na pregnancy team sa buong bansa para sa iyo.”“Yael…” Tila’y nahihiya at nangungutya ang tingin na ibinigay ni Sarah sa babae.Natuon ang tingin ni Catherine sa tiyan ni Sarah bago ito napatawa bigla. “Mas maganda sigurong maging lalaki na lang. Mas madali para sa kanila kasi ang kailangan lang naman nilang gawin ay magbigay ng sperm para sa artificial insemination. Pero ang mga babae, kailangan nilang sumailalim sa kung anu-ano pang proseso. Sa early stages, kailangan nilang sumailalim sa mga injection at gamot. Narinig kong napakasakit ding sumailalim sa insertion. Hangang hanga ako sa’yo. Walang wala ang pagmamahal ko kay Shaun kumpara sa ipinakikita mo ngayon.”Nag-iba ang itsura ni
Makalipas ang labinlimang minuto.Nakatanggap ng abiso si Catherine mula sa ospital na nag-uutos sa kanilang lumipat ng ospital.Nasa kalagitnaan ng kanyang pagpapagamot si Joel, ngunit matinding galit ang kanyang naramdaman noong narinig niya ang tungkol dito. “Masyado nanamang nagmamayabang ‘yang Shaun na ‘yan. May malaking utang na loob ba ang pamilya natin sa kanya noong nakaraang buhay natin? Sa paanong paraan nanaman siya inabala ng pagpapagamot ko?”“Papa, hindi kayo ang umabala sa kanya. Ako ‘yon.” Nakayuko ang mga mahahabang pilikmata ni Catherine. Naaalala niya ang lahat ng mga ginawa ni Shaun sa kanila.“Huwag ka nang malungkot, Catherine. Problema ko ito. Hindi na dapat ako pumunta sa ospital ng mga Jewell. Pare-pareho lang ‘yang mga Jewell at mga Hill. Halika na. Hindi ko malilimutan ‘tong kahihiyang ito. Ibabalik nating mga Yule ang kahihiyang ibinigay nila sa atin sa susunod,” Sinabi ni Joel habang kinakalma ang sarili.“Opo. Ibabalik natin ang lahat ng ginawa nila
Noong mga sandaling iyon, may isang nagaganap na internal higher-level management na pagpupulong sa Hill CorporationTumingin si Liam sa kanyang phone nang bigla siyang napangisi.Biglang nanahimik ang silid na kung saan tanging ang boses lamang ni Shaun ang naririnig. Tumingin ang lahat patungo kay Liam.Sumandal patalikod ang malaking pigura ni Shaun, at inihagis niya ang hawak hawak niyang panulat sa lamesa. Nanlalamig ang kanyang mahigpit na titig. “At ano nanaman ang pinagkakaabalahan ni General Manager Hill? Baka gusto mo ‘yang ibahagi sa lahat?”Hinawakan ni Liam ang kanyang ilong. “Gusto mo talagang malaman?”Nagpigil ng hininga ang mga senior manager. Naririnig nila ang galit ni Shaun kapag hinahamon ito ni General Manager Liam.“Nakatingin ako sa official Facebook account ng kumpanya. Mukhang sasabog na ito.” Nakangiti si Liam. “Ikaw ang pinag-uusapan, Director Hill.”Napatawa ang isang manager at sinabing, “Marahil ay binabati ng mga tao sina Director Hill at Ms. Nees