Noong mga sandaling iyon, may isang nagaganap na internal higher-level management na pagpupulong sa Hill CorporationTumingin si Liam sa kanyang phone nang bigla siyang napangisi.Biglang nanahimik ang silid na kung saan tanging ang boses lamang ni Shaun ang naririnig. Tumingin ang lahat patungo kay Liam.Sumandal patalikod ang malaking pigura ni Shaun, at inihagis niya ang hawak hawak niyang panulat sa lamesa. Nanlalamig ang kanyang mahigpit na titig. “At ano nanaman ang pinagkakaabalahan ni General Manager Hill? Baka gusto mo ‘yang ibahagi sa lahat?”Hinawakan ni Liam ang kanyang ilong. “Gusto mo talagang malaman?”Nagpigil ng hininga ang mga senior manager. Naririnig nila ang galit ni Shaun kapag hinahamon ito ni General Manager Liam.“Nakatingin ako sa official Facebook account ng kumpanya. Mukhang sasabog na ito.” Nakangiti si Liam. “Ikaw ang pinag-uusapan, Director Hill.”Napatawa ang isang manager at sinabing, “Marahil ay binabati ng mga tao sina Director Hill at Ms. Nees
Tinanggap ni Catherine ang invitation card at nilaro-laro ito sa kanyang mga kamay. “May punto ba ang mga pagtitipong tulad nitong gala na ito?”“Mayroon naman. Dadalo ang mga malalaking pangalan sa bawat industriya. Narinig kong magtatanghal din si Cindy, ‘yong babaeng artista na pinakaayaw mo.” Panghihikayat ni Harvey sa takot na hindi dumalo si Catherine sa gala. “Kung wala rin naman kayong gaanong gagawin, pumunta na rin kayo para i-bully siguro ‘yang si Cindy.”“...”Matapos ang ilang segundo ay tumawa si Catherine. “Wow, nagiging pilyo ka na, ha, Assistant York. Nobya ni Chester si Cindy. Hindi ka ba natatakot na baka madawit ako sa gulo?”Sumagot si Harvey nang may ngiti, “Kayo na ang tagapagmana ni President Yule ngayon at ang chief design officer ng Hazle Group. Doon pa lamang ay dumoble na ang market value ng Hudson Corporation. Tiyak na pagpipilahan ka ng mga tao. Bagamat makapangyarihan ang mga Jewell, hindi rin naman kayo basta basta lamang.”“May punto ka rin naman d
Natawa si Catherine. Kahit ang dugong dumadaloy sa kanyang katawan ay… nabuhayan ng loob.Maganda ang mga mangyayari sa gabing ito.Makalipas ang tatlong taon, magkakatipong muli ang mga taong ito sa iisang lugar.Itinaas ni Wesley ang kanyang wine glass patungo kay Catherine mula sa kalayuan. Matapos ang ilang sandali ay nakatanggap siya ng isang WhatsApp message mula sa lalaki: [Alam ko kung ano ang hinahabol mo, kaya’t hindi na kita nilapitan. Babantayan kita.]Naramdaman ni Catherine na lumambot ang kanyang puso.Kaaya-ayang naglakad patungo kay Catherine si Liam suot ang kanyang puting suit. Binigyan niya ang babae ng isang basong may lamang wine. “Ayaw ko sanang pumunta noong una, ngunit nabuo ang loob ko noong nalaman kong dadalo ka. Napakasigla naman ng gabing ito.”“Napakasigla nga. Natutuwa ako.” Uminom si Catherine ng wine bago kumurba ang mga sulok ng kanyang bibig upang bumuo ng isang kaakit-akit na ngiti.Kumislap ang mga mata ni Liam. Bigla na lamang siyang bunton
Ang kilabot na naramdaman niya ay mas nagpakapit sa kamay ni Sarah. Huminga si Sarah at dumaing ng mababang boses. “Shaunic, masakit…”“Pasensya.” Binitawan ni Shaun ang mahigpit na pagkahawak niya nang may paghingi ng tawad na ekpresyon, pero ang kanyang tingin ay hindi nawala sa gitna ng dance floor.Patagong kinuyom ni Sarah ang kanyang kamao nang galit.Ang kasal nila ni Shaun ay dapat na pinaka-tinutuunan ng pansin sa oras na to pero ang biglaang pagdalo ni Catherine ang nagnakaw sa kanya ng atensyon ng mga tao. Hindi lang iyon, marami ring nagkukumpara sa kanila ni Catherine sa internet. Kahit na kumuha siya ng mga tao para sa bayad na poster, halata pa ring talo siya kay Catherine.Sa wakas ay nakadalo siya ng gala kasama si Shaun pero si Catherine ay dumalo nanaman na parang multong sinusundan sila.Ang mas nagpainis sa kanya ay ang tingin ni Shaun dito. Ito ay isang selos na mararamdaman ng lalaki sa ibang lalaki.“Shaunic, si Aunty Lea ay naroon. Tara’t bumati,” Sabi n
Tapos na makipagsayaw si Catherine nang isang kanta kasama si Liam. kaagad inimbitahan siya para sumayaw ng isang may kapabilidad at gwapong Young Master Stringer.Kusang kumuyom ang kamao ni Shaun.Bumuntong hininga si Lea. “Minsan, hindi mo pwedeng maliitin ang iba. ‘Di ba? Ang mga tsimis na naririnig ko ngayon ay hindi tungkol sa mga taong tinatawanan si Liam, pero ang pinag-uusapan nila ay kung paano mo iniwan si Catherine noon at kaagad na pinakasalan si Sarah!“Ano bang magandang naidulo niya sa’yo? Tinalukuran ng lahat sa high society si Thomas Neeson. Kung hindi mo lang sinuportahan ang Neeson Corporation, walang gugustuhing makipagtulungan sa kanila.”“Tama na, huwag ka nang magsalita.”Naiinis na si Shaun, at nakakaramdam siya ng pagka hindi komportable habang pinapakinggan yung salita ni Lea. “Gumaling ako sa sakit ko dahil kay Sarah. Kung hindi dahil sa panghihikayat ni Sarah noon sa mental hospital, siguro ay pagod na ‘ko.”“Hiningkayat ka rin naman ni Catherine noon
”Dahil na-miss kita. Mas matanda nga si Lea kumpara sa’yo.” Pinulupot ni Mason ang bewang ng babae. At kaagad silang naghalikan nang mapusok. “Uncle, may alam akong lugar kung saan walang tao. Tara?” matamis na sabi ng babae.“Mabuting babae. Pumunta na tayo ngayon.” Naglakad si Mason papunta nang nakalagay sa likod ng babae ang kamay niya. Binigyan nila ang isa’t-isa ng halik.Ngunit, hindi nila napagtanto na naglakad si Catherin sa likod ng evergreen tree habang hawak ang phone nang umalis sila. Ang phone na hawak niya habang nagrerekord.Gusto niya lang talagang sundan ang mga ito, isang kamay galing sa likod ang biglang nang-agaw ng phone niya.Tumalikod siya at tinignan. Nakita niya si Shaun na hawak ang phone at pinapanood ang bidyo. Ang kanyang ekspresyon ay madilim.“Hindi ka ba nahihiya bilang babae sa pagrerekord ng mga ganito?”Pagkatapos ng ilang moment, tinignan ni Shaun si Catherine nang may hindi masayang tingin.Hindi siya nakapagsalita. Akala niya ang ekpresyo
Sumimangot si Shaun. “Ano namang gagawin n’un sa apilyedo ko?”“Dahil mahilig kang mangialam,” Sarkastikong sagot ni Catherine.Nangutya si Shaun. “Ikaw ang dati kong asawa. Kapatid ko si Liam. Ano na lang ang sasabihin ng iba kung makita kayong magkasam? Parehas kayong walang hiya, pero ako hindi.”“Trinato mo man lang bang kapatid si Liam? Sinasaktan mo siya kung kelan mo gusto sa kumpanya at hinayaang maging katawa-tawa siya sa Canberra,” pinagalian siya ni Catherine, “Hindi pa ako kailanman nakakita ng bossy at makasariling tulad mo.”“So naaawa ka kay Liam ngayon?” Nangingkit ang mata ni Shaun. Lamig ang lumalabas sa titig nito.“Sinagip niya ako. Hindi ba normal lang na kumampi ako sa kanya?” Ngumiti si Catherine habang sinasabi niya, “Parehas din naman kaming single. Imposibleng hindi namin subukan magdate. Gwapo rin si Liam.”“Huwag mong subukan.” Kita sa titig ni Shaun ang galit na parang handa lumamon. “Hindi ito hahayaan ng pamilyang Hill.”“Hindi na mahalaga kung hin
Pinakita ni Liam kay Shaun ang phone nang may ngiti. “Hindi siya pwede makipaghapunan sa akin dahil may date sila ni Young Master Stringer mamaya, kaya nilipatan niya ako ng 40 milyong dolyar sa akin.”“...”Sa momentong iyon, naramdaman ni Shaun kung paano mapikon, mainis, at magalit.p*ta, ang kinita niyang ang pera na iyon sa kanya at ibinahagi kaagad kay Liam.Niloko niya ba ito para magwaldas?Teka, may date siya kasama si Young Master Stringer mamaya?Hindi na kayang kumalma ni Shaun....Pagkatapos ni Cindy sa kanya niya, dahan-dahan niyang tumayo. Umalis siya sa piano at yumuko.Pumalakpak ang mg a tao sa banquet hall.Sa momentong iyon, tuwang-tuwa si Cindy.Akala niya sa mata niya na ang mga taong ito sa high society, isa lamang siyang celebrity na walang maipapamalas. Ngunit, kailangan niyang ipakita sa lahat ngayong araw na may talento siaya.Saka, nakita niya si Catherie na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya.Ang dalawa ay nakatayo kung saan nakalagay an