“Oo nga eh, hindi siya masyadong tinuturuan sa mga ganitong bagay.” Nagpanggap na lamang si Catherine na nginingitian niya ang lalaki. “Lalo na ‘yung tatay niya. May iba itong babae at palaging wala sa bahay.”“Iresponsableng tatay.” Nakaramdam ng awa si Shaun para sa batang babae.“Kaya nga eh… parang iakw lang,” Sagot ni Catherine, “Noong nasa ibang bansa ako, hindi ko mapigilang maalala ‘yung mga magiging anak sa na natin sa tuwing nakikita ko ‘yung mga anak ng kapitbahay ko.”“...”Sumikip ang dibdib ni Shaun. Napangisi ito, “At ano naman ang ipinararating mo? Bakit ba tayo kinasal noon? Hindi ba’t ikaw ang nagpumilit na ikasal sa akin? Kung hindi ka lang mahilig sumampa sa kama ko, pagbibigyan ba kitang mabuntis?”Mahinang ngumiti si Catherine habang nakatingin ito sa lalaki. “Ipaalala mo nga kung paano ano sumampa sa kama mo noon?”“Ang kapal naman ng mukha mong ipaalala pa iyon. Hindi ba’t kaya ka lang naman nagtagumpay noon ay dahil may hinalo kang kakaiba sa ininom ko no
Anuman ang mangyari, mabait at maalalahanin ang imahen ni Sarah sa puso ni Shaun.Habang umiiyak ang babae sa kanyang harapan, hindi maipaliwanag ni Shaun ang mga nararamdaman ng kanyang puso.Ang alam niya lamang ay isa roon ay galit. Hindi man ito alam ng iba, ngunit alam niyang alam ni Sarah na hindi komportable si Shaun sa mga gano’ng gawain.Ngunit ginawa niya pa rin iyon.At ang rason sa likod nito’y dahil hindi sapat ang kapanatagang ipinararamdam niya rito.Kung pag-iisipang mabuti’y totoo na mula noong bumalik si Catherine ay pakaunti nang pakaunti ang atensyon na ibinibigay niya kay Sarah.Ngunit naroon lamang si Sarah, tahimik pa ring nananatili sa tabi ni Shaun kahit na hindi nito naibibigay ang mga pangunahing pangangailangan nito.Bilang isang lalaki ay naawa si Shaun para kay Sarah.Noong mga sandaling iyon ay hindi madala ang sarili upang tanggihan ang pagsusumamo ni Sarah.At dahil tahimik pa rin ang lalaki, nilakasan na ni Sarah ang kanyang loob upang magkusa
Ikinagalit ni Shaun ang panunukso ni Catherine. “Tingin mo ba’y gusto kong gawin ‘yon? Sinet-up ako!”“Ha.”Pangungutya ni Catherine. Nagtat*nga-t*ngahan nanaman ang lalaki.Marahil ang nais sabihin ng lalaki ay, “Tingin mo ba’t gusto kitang hawakan? Hindi kita hahawakan hangga’t hindi ako sine-set-up. Kaya’t hindi ko iyan pananagutan. At huwag na huwag mo rin akong sisihin.”“Bakit ka natatawa? Nasarapan ka siguro ‘no?” Naalala ni Shaun kung paano niya kinasabihan ang babae kinagabihan lamang. Hiyang hiya ang kanyang pakiramdam.“Nasarapan?” Itinaas ni Catherine ang kanyang mga manggas. Ipinakita niya ang mga pasa sa kanyang braso na siyang bakas ng matinding pagkapit sa mga ito. “Puno ng pasa ang aking mga braso. Pre, hindi mo ba alam na hindi na makatao ang pagtratato mo sa’kin kagabi? Pwede na kitang idemanda!”Pagkakita niya sa mga pasa ay walang masabi si Shaun. Namuo sa kanyang loob ang pagsisisi.“Ano ba’ng ginawa ko sa’yo noong past life ko? At bakit hindi si Sarah ang
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Shaun habang tinititigan niya ang likod ni Catherine.Nagsinungaling si Sarah sa kanya?Hindi niya pa ito naiisip dati. Tiyak na isa nanaman ito sa mga pakulo ni Catherine,Lubos siyang pinagpawisan noong nakaraang gabi, kaya’t nanglalagkit ang kanyang pakiramdam ngayon. Nais niya sanang maligo pagkapasok niya sa banyo ngunit wala siyang towel. Pinag-isipan niya itong mabuti at sa huli’y kinuha niya na lamang ang tuwalya ni Catherine.Isa siyang clean freak. Hindi niya kayang gamitin kahit na tuwalya ni Sarah upang punasan ang kanyang mukha, subalit noong ginamit niya ang tuwalya ni Catherine, hindi na naisipang itaboy ito. Mabango ang tuwalya ng babae, katulad na lamang ng katawan nito.Pagkalabas niya ng banyo’y nakaupo sa may hapag-kainan si Catherine at kumakain ng pasta. Mayroon pang golden fried egg ang pasta. Sa unang tingin ay napakasarap tignan ng pagkain.Agad na nakaramdam ng gutom ang lalaking napagod noong nakaraang gabi. “Nasa
Tinignan ni Shaun si Catherine. Halata namang talo na siya, pero ang itsura niyang parang bata kaya bumilis ang tibok ng puso niya.Lumulon siya at walang malay na humarap, kung saan kinagat niya ang natitira niyang noodles na nalaylay sa bunganga ni Catherine.Nang kagatin niya iyon, tumama ang labi niya dito.Biglang lumaki ang mata niya. Ang makapal niyang pilik-mata at tumama sa balat ng pisngi niya, at ang kanyang inosenteng mata ay mas malinaw pa sa pinakamaliwanag na bituin sa langit.At ngayon, naramdaman ni Shaun na pumitik ang utak niya.Gusto niya sanang hawakan ang likod ng ulo ni Catherine at tikman ulit ang kung anong ginawa nila kagabi muli.Bigla, tumunog ang doorbell.Kumibit-balikat na lang si Catherine at tinulak siya. Ang kanyang snow-white na mukha ay namula ng kaunti habang tinititigan ito bago maglakad para buksan ang pintuan.Matangkad at gwapong nakatayo na Chester ang makikita sa pinto. Kaagad niyang nakita ang labi ni Catherine, biglang umusbong ang s
Tahimik si Shaun. Sa totoo lang, naisip na rin niya ang tanong na iyon noong nahimasmasan niya pero sa oras na iyon, ang tanging naiisip niya ay tulungan sana siya ni Catherine. Hindi niya man lang naisip ang ospital.“Pwede ba iyon… na hindi mo pa nakakalimutan si Catherine?”Ang mga salita ni Chester ay pinalaktaw ang puso niya. “Imposible. Ang mahal ko ay si Sarah.”“Mahal mo si Sarah pero hindi mo siya mahawakan.” Tinaas ni Chester ang kilay niya nang nagdadalawang isip. “Shaun, hindi ka ba nahihiwagaan? Noong aksidente, nagselos ka noong nakita mo si Catherine at Joseph Talton nang magkasama.”“Ako, nagselos?” Ang reaksyon ni Shaun ay parang dinurog ang ego niya. “Hindi naman. Ayoko lang nang niloloko ako.”“Sigurado ka bang wala si Catherine sa puso mo? Sinong inisip mo noong kasama mo siya kagabi?” Matalim na sabi ni Chester.Ang manipis na labi ni Shaun ay gumalaw. Nakaramdam siyua ng bahid ng kasiyahan nang maisip niya ang nangyari kagabi. Isa itong pakiramdam na hindi n
9:00 a.m. Kakabukas lang ni Catherine ng pinto, handa nang pumunta ng trabaho, nang sugurin siya ng bruhang Sarah na parang nababaliw.“Catherine Jones, nakakahiyang p*kpok ka! Kabit ka! P*kpok!” Sigaw niya at sinampal ang mukha ni Catherine.Ngunit, sa halip na si Cathrine ang masampal niya, ang basurahan na hawak ni Catherine ang tinamaan niya.“Para iyan sa’yo.” Binato ni Catherine ang basurahan kay Sarah ng may ngiti. Bugkos ng balat ng prutas, pira-pirasong papel, at tirang pagkain ang tumalsik kay Sarah.Nasuka si Sarah sa mabahong amoy na umalingaw-ngaw.Kinuha niya ang mga bagay na nasa ulo niya at tuluyan nang nasuka.“Bakit ka sumusuka? Nakita mo ba ‘yang mga tisyu na iyan? ‘Yan ang ginamit namin ni Shaun kagabi.”Ngumiti si Catherine nang tuloy-tuloy ang pagbato niya ng masakit na salita para kay Sarah.Tatlong taon na ang nakakalipas nang ginawang impyerno ni Sarah ang buhay niya.Kaagad nasira ni Sarah ang mga kaibigan nito at pamilya pero ang babaeng iton ngayo
Sa sandaling iyon, si Sarah ay sobrang nainis na siya y halos umubo ng dugo. Kahit na ang kanyang mata ay namumula sa galit.“Walang hiya ka. Lalaki ko siya!”Nawalan muli sa Sarah ng kontrol at hinablot ang mukha ni Catherine. Gusto niya ito sirain ng tuluyan.Madaling iniwasan ito ni Catherine at tinakpan ang kanyang ilong. “Sorry, ngunit asawa ko siya. Huwag mo akong hawawakan. Ambaho mo.”Tpos, na may nandidiring ekspresyon, pumunta siya sa elevator at iniwan si Sarah sumisigaw magisa sa pasilyo.Subalit, hindi nagtagal ng magalit si Sarah, tumawag si Shaun.“Sarah, hinanap mo si Catherine.”Nanigas si Sarah ng sandali bago siya magsimulang umiyak. Ang kanyang reaksyon ay sobrang bilis. “Shaun, Pasensya na. Kumuha ako ng tao para hanapin ang address ni Catherine, kaya hinanap ko siya ngunit nakita kita na lumabas ng lugar na iyon ngayong umaga. Hindi ko matanggap na nagsinungaling ka sa akin. Nababaliw na ako.”Ang sentido ni Shaun ay pumintig sa tunog ng umiiyak na babae.