Share

Kabanata 648

Anuman ang mangyari, mabait at maalalahanin ang imahen ni Sarah sa puso ni Shaun.

Habang umiiyak ang babae sa kanyang harapan, hindi maipaliwanag ni Shaun ang mga nararamdaman ng kanyang puso.

Ang alam niya lamang ay isa roon ay galit. Hindi man ito alam ng iba, ngunit alam niyang alam ni Sarah na hindi komportable si Shaun sa mga gano’ng gawain.

Ngunit ginawa niya pa rin iyon.

At ang rason sa likod nito’y dahil hindi sapat ang kapanatagang ipinararamdam niya rito.

Kung pag-iisipang mabuti’y totoo na mula noong bumalik si Catherine ay pakaunti nang pakaunti ang atensyon na ibinibigay niya kay Sarah.

Ngunit naroon lamang si Sarah, tahimik pa ring nananatili sa tabi ni Shaun kahit na hindi nito naibibigay ang mga pangunahing pangangailangan nito.

Bilang isang lalaki ay naawa si Shaun para kay Sarah.

Noong mga sandaling iyon ay hindi madala ang sarili upang tanggihan ang pagsusumamo ni Sarah.

At dahil tahimik pa rin ang lalaki, nilakasan na ni Sarah ang kanyang loob upang magkusa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status