Si Shaun, na hindi naisip na maglalakas loob si Catherine, ay natamaan sa mukha ng swelas ng sapatos nito.Umalog pa nga ang kotse habang nag-iinit ang ulo niya.“Catherine, sa tingin ko ay pagod ka na mabuhay.” kinuha niya ang sapatos at itinapon ito sa labas ng bintana. Kung hindi siya nagmamaneho sa saglit na iyon, tiyak na tuturuan niya ito ng leksyon.“Sino nagsabi na magsabi ka ng masasamang salita?” nakaramdam ng kakaibang ginhawa si Catherine nang makita ang bakas ng sapatos sa gwapong mukha nito. “Shaun, winala mo ang sapatos ko. Kailangan mo ako bayaran ng isa pa na pares.”Ngumisi si Shaun, “Bakit? Gusto mo na bilhan kita ng bagong pares ng sapatos na masusuot mo sa harap ni Sarah at sabihin na binili ko iyon para saktan mo siya? Catherine, napakaganda ng plano mo.”“Kung ayaw mo siya saktan, dapat mo ako pakawalan at hindi na makipagkita sa gitna ng gabi.” tumingin sa harap si Catherine, at para bang hindi ito ang daan pabalik sa bahay niya. “Shaun, saan mo ako dadalhi
Beep beep.“...”Ang tunog ng heart monitor ay patuloy na naririnig.May naririnig si Shaun na umiiyak na boses sa tabi ng tainga niya.Nahirapan siya buksan ang mata niya at nakita ang mukha ni Sarah na puro luha.“Shaunic, gising ka na.” mabilis na tumayo si Sarah.Naglakad din papalapit sa kanya sina Rodney at Chester.Habang tinitignan sila, ang huling eksena bago siya mawalan ng malay ay lumabas sa utak niya. Bigla niya sinabi, “Asan si Catherine?”Ang mukha ni Sarah na puno ng luha ay nanigas. Galit na sinabi ni Rodney, “May lakas ka pa rin ng loob magtanong tungkol sa kanya? Shaun, nagsinungaling ka kay Sarah na may pagpupulong ka ngunit sa halip ay umalis ka para hanapin si Catherine. Anong sinusubukan mo gawin? Tinignan ng mga pulis ang surveillance camera. Sabi nila ay nagtatalo kayo sa loob ng kotse at iyon ang dahilan kung bakit kayo napunta sa halamanan, bumangga sa pader. Ang katotohanan na sinubukan niya kunin ang kontrol ng manibela habang nagmamaneho ka ay sina
”Hindi ako mawawala sayo.”Nagbuntong hininga si Shaun sa puso niya.Pagkatapos ihatid ng taga-maneho si Sarah sa villa, nagpunta ng kompanya si Shaun.Masyado na naantala ang trabaho niya sa mga araw na naospital siya.Pagpasok niya ng kotse, nakatanggap siya ng tawag mulas a pulisya. “President Hill, pasensya na, ngunit nagkaroon ng pagbabago sa sitwasyon. Pakiusap at pumunta ka sa himpilan ng pulis.”...Makalipas ang isang oras.Nagpakita si Shaun sa himpilan ng pulisSa upuan sa labas ng istasyon, nakatapos na ng isang ikot ng laro si Catherine. Wala siyang palamuti. Ang buhok niya ay nakatali lang, pinapakita nito ang maganda at klaro niyang mukha. Mukha siyang dalisay at inosente na estudyante ng isang unibersidad.Subalit, naaalala pa rin ni Shaun kung paano niya kinuha ang manibela at hinawakan ang pribadong niyang parte.P*ta, ilang araw na siya nasasaktan dahil doon.“Hi! Nagkita ulit tayo nang mabilis.” kinawayan siya ni Catherine habang nakangiti.“Anong ginawa
Sinususpetyahan ni Shaun na nilalandi ulit siya ni Catherine.“Ahem, maaari ba lumabas na kayong dalawa kung gusto niyo maglandian?” umubo ng marahan ang pulis na may hindi komportable na ekspresyon.Tinitigan ni Shaun si Catherine ng masama. Kasalanan niya iyon. Wala siyang hiya."Okay, salamat, Mr. Police. Pasensya na sa pag-abala sayo.” elegante na naglakad palabas ng pinto ng himpilan ng pulis si Catherine habang naka-takong.Sinundan siya palabas ni Shaun at pinakita ni Catherine ang QR code ng bank account niya. “I-scan mo ito.”“...”Napansin ni Shaun na kapag kasama niya ito, ang presyon ng dugo niya ay tumataas nang sobra. “Sandali, hindi ba at 6,800 na dolyar yan ngayon lang? Bakit naging 26,800 na dolyar ito ngayon?”“Iyon ang pera para sa sapatos ko.” tinignan siya ni Cagherime na parang tama lang iyon. “Ang pares na iyon ang mula sa internasyonal na tatak. Kakabili ko lang noon. Nagkakahalaga iyon ng 20,000 na dolyar.“Tinamaan mo ang mukha ko ng sapatos, ngunit ma
'Di kalaunan, isang itim na sports car ang dumating, binaba ni Joseph ang bintana at tinanguan si Shaun. Pagkatapos noon, umalis na siya kasama si Catherine sa kotse.Muntik na sila sundan ni Shaun dahil sa galit, ngunit huminto siya noong naalala ang sinabi ni Catherine.“Shaun, nasa puso mo pa rin ba ako…”Ang boses ng babae na iyon ay naririnig sa tainga niya.Naiirita siyang naglabas ng sigarilyo at sinindihan ito.Impossible iyon. Si Sarah lang ang nasa puso niya.Alas diyes ng gabi.Tahimik ang gabi.Tinignan ni Shaun ang pinakabagong quarterly na tala sa study.Si Sarah na nakasuot ng nakakaakit na sando at dahan-dahan siyang niyakap mula sa likod. “Shaunic, umiinom ka ng mga gamot mo, tama? Subukan natin iyon.”Nanigas ang katawan ni Shaun. Tumalikod siya at hindi mahindian si Sarah ng nakita ang nagsusumamo nito na tingin. “Okay.”Kung sa pagiging lohikal, mayroon siyang malakas na reaksyon noon kay Catherine. Parang dapat okay na siya.Subalit, noong nakalapit siy
Nakaramdam ng nagbabadyang anino si Catherine matapos niyang magsalita.Masama ang tingin sa kanya ni Shaun. Nagliliyab ang mga mata ng lalaki.“Sino ang kausap mo? Si Joseph?”Sinabi pa ng babae ang salitang ‘darling’ sabay halik sa taong nasa kabilang dulo ng linya.Sa tuwing naiisip niyang nagiging sweet at malapit si Catherine sa ibang lalaki, gusto na lamang sakalin ni Shaun ang babae.Ikinagulat naman ito ni Catherine. Kausap niya sina Suzie at Lucas. Hinding hindi niya hahayaang malaman ng lalaki ang tungkol sa dalawa.“Ano naman sa’yo?”Mabilisang inalis ni Catherine ang kanyang earphones sa pagnanasang ibaba ang tawag, subalit hindi niya namalayang mas nagsuspetya lamang si Shaun dahil sa kanyang mga kinikilos. Galit nitong inagaw ang kanyang phone at inilagay ang tawag sa speaker mode. “Joseph?”“Shaun…” Tila’y lulundag na palabas ang puso ni Catherine. Tahimik niya na lamang ipinagdasal na nawa’y makuha agad nina Suzie at Lucas na hindi na ang kanilang ina ang kanila
“Oo nga eh, hindi siya masyadong tinuturuan sa mga ganitong bagay.” Nagpanggap na lamang si Catherine na nginingitian niya ang lalaki. “Lalo na ‘yung tatay niya. May iba itong babae at palaging wala sa bahay.”“Iresponsableng tatay.” Nakaramdam ng awa si Shaun para sa batang babae.“Kaya nga eh… parang iakw lang,” Sagot ni Catherine, “Noong nasa ibang bansa ako, hindi ko mapigilang maalala ‘yung mga magiging anak sa na natin sa tuwing nakikita ko ‘yung mga anak ng kapitbahay ko.”“...”Sumikip ang dibdib ni Shaun. Napangisi ito, “At ano naman ang ipinararating mo? Bakit ba tayo kinasal noon? Hindi ba’t ikaw ang nagpumilit na ikasal sa akin? Kung hindi ka lang mahilig sumampa sa kama ko, pagbibigyan ba kitang mabuntis?”Mahinang ngumiti si Catherine habang nakatingin ito sa lalaki. “Ipaalala mo nga kung paano ano sumampa sa kama mo noon?”“Ang kapal naman ng mukha mong ipaalala pa iyon. Hindi ba’t kaya ka lang naman nagtagumpay noon ay dahil may hinalo kang kakaiba sa ininom ko no
Anuman ang mangyari, mabait at maalalahanin ang imahen ni Sarah sa puso ni Shaun.Habang umiiyak ang babae sa kanyang harapan, hindi maipaliwanag ni Shaun ang mga nararamdaman ng kanyang puso.Ang alam niya lamang ay isa roon ay galit. Hindi man ito alam ng iba, ngunit alam niyang alam ni Sarah na hindi komportable si Shaun sa mga gano’ng gawain.Ngunit ginawa niya pa rin iyon.At ang rason sa likod nito’y dahil hindi sapat ang kapanatagang ipinararamdam niya rito.Kung pag-iisipang mabuti’y totoo na mula noong bumalik si Catherine ay pakaunti nang pakaunti ang atensyon na ibinibigay niya kay Sarah.Ngunit naroon lamang si Sarah, tahimik pa ring nananatili sa tabi ni Shaun kahit na hindi nito naibibigay ang mga pangunahing pangangailangan nito.Bilang isang lalaki ay naawa si Shaun para kay Sarah.Noong mga sandaling iyon ay hindi madala ang sarili upang tanggihan ang pagsusumamo ni Sarah.At dahil tahimik pa rin ang lalaki, nilakasan na ni Sarah ang kanyang loob upang magkusa