Binasura ni Catherine lahat ng nasa bahay, na nagtakot sa bagong kasambahay.Kinagabihan pa ng sa wakas ay dumating doon si Shaun.Tinignan niya ang magulong bahay, pero bago pa siya makapagreact, isang kutsilyo ang palapit sa kanya.Yumuko siya palikod at hinablot ang pulsuhan ni Catherine, kinuha ang kutsilyo at binato sa tabi. Lumingon siya sa babae at tumitig sa mahaba ang buhok at galit na babae sa harapan niya. “Sinusubukan mo akong patayin?”“Nagkamali ako. Mas pipiliin kong maging hangal ka, at magiging mas mainam pa ‘yun kaysa sa kung ano ka ngayon.” Tumingin sa kanya si Catherine ng may pagkamuhi. “Bakit ka buhay? Ang isang psychopath na kagaya mo ay dapat nakakulong una palang. Delusional ako nang isipin ko na magagamot kita ng sarili ko. Haha, hibang siguro ako.”“Tumahimik ka. Sa tingin ko ikaw ang psychopath dito.” Kinaladkad siya ni Shaun sa banyo at diniin ang kanyang ulo sa salamin. “Tignan mo ang sarili mo ngayon. Ano ang pinagkaiba mo sa isang baliw?”“Baliw ak
May sakit na pumutok sa tiyan ni Catherine.Malungkot niya na inisip, kung paano siya at si Shaun nag-abang sa mga anak nila. Dahil nagmula sila pareho sa hindi magandang nakaraan, humiling sila na mabibigyan sila ng mga anak nila ng kumpletong pamilya.Minsan na niya pinasalamatan ang Diyos sa pagbibigay ng kambal sa kanya.Subalit, ‘di kalaunan, nag-aalala na siya araw-araw kung paano niya mapoprotektahan ang mga anak niya bilang nanay.Paano niya sila mapapanatiling ligtas mula sa pananakit ni Sarah?Buti na lang wala na sila.Hindi na sila maghihirap pa.Siguro kaginhawaan sa loob ito.“Catherine Jones, kumapit ka dapat. Wala dapat mangyari sa mga bata.” binuhat siya ni Shaun at mabilis na dinala sa ospital. Ang babae sa bisig niya ay tatlong buwan na buntis. Ngunit kasing gaan lang siya ng balahibo. Para bang lulutang siya anumang oras.Parang may kung anong humihigpit sa puso niya.Hindi niya masabi kung ano ito, ngunit parang pakiramdam ito ng katakutan at na mawawala
“Totoo ba iyon?”“Paano ako magsisinungaling? Kung hindi pinirmahan ng assistant ni Eldest Young Master iyon, sa tingin ko walang may pakialam sa kanya.”“Nakita ko si Eldest Young Master at ang babae na iyon umalis na magkahawak pa ang kamay.”“Hay, ang lalaki na iyon…”“...”Isang luha ang bumaba sa sulok ng mata ni Catherine.‘Ha.’‘Shaun Hill, napakasama mo.’Ayaw niya ilagay ang pirma niya kahit pa buhay niya ang nakataya.Para sa kanya, ang kamatayan niya ay hindi importante na parang pulubi lang sa kalye.Kahit sa oras na ito, si Sarah lang ang nasa puso niya.Ano man na pagmamahal ang meron siya ay parang naging abo at nawala lahat.Simula ngayon, habang buhay at humihinga pa siya, mayroon lang siya ng pagkamuhi sa mga manloloko na iyon.… Sa ward, binuksan ni Catherine ang mata niya.Nakatayo si Sarah sa ward mag-isa, nakangiti at pinaglaruan ang susi ng kotse sa kamay niya. “Nakikita mo ito? Ito ang limited edition na sports car na binigay sayo dati ni Shaun,
Ang mga piraso, kasama ang mga katotohanan na si Sarah ang pinakamagaling na psychologist, ay naghinala rin siya.“Sarah Neeson, huwag kang nakakatawa. Wala akong sakit. Maayos ang estado ng kaisipan ko.”Nang nakita ni Catherine kung gaano katahimik si Shaun, bigla siya hindi mapalagay. Kaya, mabilis niya na pinaliwanag, “Iniinis niyo ako.”Tinigian siya ni Sarah nang may nakikiramay na mata .”Walang tao na may depresyon ang aamin sa sakit nila. At saka, nakunan ka. Inaabisuhan kita na mapagamot sa lalong madaling panahon.”Walang ibang gustong gawin si Catherine kundi sirain ang mukha ni Sarah sa huling paghinga niya.Subalit, alam niya na maniniwala lalo si Shaun kay Sarah kung mas magagalit siya ngayon. “Sarah Neeson, sa iyo na si Shaun, at pwede mo na rin kunin ang posisyon ng Mrs. Hill. Ngunit bakit hindi mo ako kaya pakawalan? Nagmamakaawa ako sa inyong dalawa na pakawalan ako, okay? Nangangako ako na iiwasan koo kay kapag nakita ko kayo sa susunod.”Hindi namalayan ni Sha
Kumatok nang matagal na oras si Catherine sa pinto, ngunit walang nagbukas nito.‘Di kalaunan, napagod siya kaya humiga na lang sya sa kama ng ospital, mamaluktot na parang bola.Mainit ang panahon, at walang electric fan o air conditioner sa loob.‘Di kalaunan, bumagsak siya sa init.Habang wala siyang malay, may pumasok na tao para bigyan siya ng iniksyon.Ginamit niya lahat ng enerhiya niya para pigilan sila.Subalit, diniin siya lalo ng mga lalaki sa kama.Isang hiringgilya ang pinilit sa balat niya.Maiinit na luha ang tumulo sa sulok ng mga mata niya.Sa ilang saglit, nahilo siya.Pakiramdam niya ay nababaliw na talaga siya.Kinamumuhian niya ito nang sobra.Ano ba ang ginawa niya sa dati niyang buhay para magmahal siya ng isang Shaun Hill, ang demonyo?Ha. Ginusto niya dati manatili at samahan si Shaun sa pag galing para hindi siya maipadala sa isang mental hospital.Haha, hindi ito nagpunta doon, ngunit siya naman ang nagpadala sa kanya doon.‘Shaun Hill. Sarah N
Tinignan ni Chase si Rodney, at pagkatapos ay sila Chester at Shaun na tahimik.Hindi niya maintindihan kung bakit parang nabrainwash sila.Kailan ito nagsimula?Parang nagbago ang lahat simula noong bumalik si Sarah.“Chester, Rodney, ayos lang dahil may sakit si Shaun, ngunit kayong dalawa ay normal na tao. Noong umakto ang sakit ni Shaun, tumanggi si Rin iwan siya. Alam niyo na pumangit siya at nakulong sa cellar, at pinuri niyo pa siya dati. Oo, hindi niyo siya ganun katagal kakilala, ngunit dapat intindihin niyo man lang siya kahit kaunti.”Sumigaw si Chase sa galit. “Noon, siya ang kumuha kay Shaun at pinigilan ang pamilyang Hill sa pagdala sa kanya sa mental hospital. Ngunit ngayon, pinadala mo siya sa isa. Lalaki pa rin ba kayo?”Sumimangot lalo si Shaun.Parang medyo pamilyar ang mga salita ni Chase.Sinubukan niya alalahanin ang mga memorya, ngunit sumakit lang bigla ang ulo niya, at hindi niya maalala.Sumimangot din si Rodney.Sinigawan siya ni Chase. “Rodney, ala
Nanginginig ang mga kamay ni Shaun nang kanyang itinaas ang puting tela. Tumumbad si Catherine na nakahigang tila ba’y natutulog. Kung hindi dahil sa madilim at kulay berdeng pasa nito sa kanyang lalamunan, mistulang natutulog lamang ang babae.Inilagay ni Shaun ang kanyang nanginginig na kamay sa may ilong ni Catherine upang tignan kung humihinga pa ito.Malamig ang kanyang pakiramdam.Patay na ba talaga ito?Matapos nito’y hinampas ni Shaun nang malakas ang kanyang ulo.Nananaginip lamang siya. Hindi totoo ang lahat. Iyon lamang ang makapagpapaliwanag ng mga pangyayari noon.Noong huli silang nagkita nito’y namumuna pa nga siya ng mga tao.Papaanong namatay na lang siya bigla?“Pwede bang umalis ka na, Shaun?”Mayroong tumulak sa kanya nang buong pwersa mula sa kanyang likuran.Kumaripas si Freya patungo sa gilid ng kama. Matapos nitong makita ang bangkay ni Catherine, tinignan nito nang masama ang lalaki. “Kasalanan mo ‘tong lahat. Ikaw ang nag-udyok upang mamatay si Cathe
“Noong huling hindi ako nakialam, tinulak mo si Catherine at namatay ang kambal. Sumakalawa ko lamang ito nalaman,” Galit ang tinig ng Old Master Hill. “Bakit ka humantong sa ganito? Maaaring salawahan kang lalaki, ngunit hindi mo pwedeng tratuhin nang ganito ang asawa at mga anak mo. Kahit ang nanay mo’y hindi naging ganitong kalupit.”“Totoo,” Buong poot na tinuloy ng Old Madam Hill. “Noong nagdadalang-tao ang iyong asawa, hinayaan mong makiapid si Sarah sa inyong relasyon. Bukod sa pinabayaan mo ang asawa mo, ikinulong mo pa siya hanggang sa mental hospital ang kanyang kinahinatnan. Nakaranas ka rin namang maipasok sa isang mental hospital noong bata ka. Papaano mo ito nagawa sa asawa mo? Ngayong wala na siya, ayaw mo pa rin siyang pakawalan. Balak mo pa rin bang ipakita sa kanya kung gaano mo kamahal si Sarah hanggang sa sarili niyang burol?”“Nagmamakaawa ako sa’yo, pakawalan mo na siya.” Nanikluhod si Freya at mapait na nagdalamhati. “Hindi na siya sumaya sa buong pamamalagi ni