Pinaparusahan ba ng Diyos si Shaun dahil sa pagtulong niya sa bastardong si Thomas?“P-pasensya na. Hindi ko inaasahang hahantong ang lahat sa ganito.” Bakas ang takot ni Sarah dahil sa pagpapakita ng galit ng lalaki. Hindi niya pa nakitang ganito ang lalaki.Kung nangyari lamang ito noon, marahil ay nakaramdam agad si Shaun ng pagsisisi dahil sa pagiging malupit nito sa kanya.Ngunit malinaw na hindi pa rin nalalampasan ni Shaun ang pagkamatay ni Catherine. “Oo. Hindi mo inaasahan iyon dahil wala kang alam kundi ispoil si Thomas. Ilang tao na ba ang nagdusa at namatay dahil sa kanya sa loob ng ilang taon?”Tama nga si Catherine.Para kay Shaun, walang kwenta ang buhay ng lahat ng tao bukod kay Sarah.Handa itong pakawalan kahit na ilan pang beses ang kanyang moralidad para sa kanya.“Shaunic, ako ang may kasalanan ng lahat.”Napaluhod si Sarah at walang humpay ang pag-iyak. “Hindi ko inaasahang hahantong sa ganito ang lahat.”“Kailangan ko munang mapag-isa.” Pumasok si Shaun
Pinatunog ni Sarah ang kanyang dila at sinabing, “Bakit ako magsisinungaling sa’yo? Hindi makayanan ni Catherine ang katotohanang may relasyon kami ni Shaunic. Isa pa, pinilit ng kapatid ko ang kanyang sarili kay Freya. Ngunit hindi makayanan ni Shaunic na makita siyang masangkot sa gulo nang gano’n, kaya’t pinalaya niya ang aking kapatid at pinigilan si Freya na makialam. Sa tindi ng galit ni Catherine ay nakipag-away siya kay Shaunic. Tinulak siya ni Shaunic at tuluyang nakunan si Catherine. Sa tindi ng kanyang trauma ay sinabi ko kay Shaunic na ipadala siya sa isang mental hospital para magpagamot. Sa dami ng injection at pagpapagamot na ibinigay sa kanya, nagpakamatay siya sa huli.”Binitaw ni Sarah ang bawat salita na para bang nagkukwento lamang ito ng lagay ng panahon.Subalit kakaiba ang tunog nito para sa mga tainga ni Charity.Ipinilit ni Thomas ang kanyang sarili kay Freya?Nagpakamatay si Catherine?Bagama’t hindi niya pa lubos na kilala sina Freya at Catherine, alam n
Noong mga panahong iyon ay nagkaroon ng isang pambihirang udyok si Chester upang ibunyag ang tunay na kulay ni Charity sa likod ng malamig na patsada nito.‘Di kalauna’y kusa niya ring ibinunyag ang babae.Noong gabing iyon, kalmado ang kanyang itsura, ngunit pinagtaksilan siya ng namumuong hiya sa kanyang mga mata. Malinaw pa rin para sa kanya ang alaala ng itsura ng babae noong gabing iyon hanggang ngayon.Sa kasamaang palad… nagbabago ang lahat ng tao.…Makalipas ang tatlong taon.Sa Estados Unidos.Dahan-dahang inalis ni Catherine ang bandage sa kanyang mukha sa harapan ng salamin upang ibunyag ang kanyang maliit at kaaya-ayang mukha. Pagkatapos nito’y marahan niyang hinawakan ang kanyang balat. Matapos ang ilang taong pagpapagamot, kuminis at umayos din ang kanyang balat na noo’y napakadalang ilantad.Hindi isang pagmamalabis kung sasabihin mukha siyang isang labing-walong taong gulang na dalaga noong sandaling iyon.“Wow. Ang ganda mo naman, mommy!”Umupo ang isang bat
”Sinabihan ko si Freya na sundan sila. Wesley…”“Handa na ang apartment. Ihatid na kita doon ngayon.”Pag’tapos noon, pumasok na si Wesley at Catherine sa sasakyan.Ang radio sa sasakyan ay nagabablita patungkol sa lokal na balita. “Ayon sa nakaalam na pinagkuhaan. President Hill, and pinakamayaman sa Australia, ay gumasots ng 300 milyong dolyar para wedding gown ng kanyang fiance. Tila naghanda ang President Hill ng dalawang taon para sa gown na ito. Ang dalawa ay magnobyo na ng apat na taon ngayon at sa wakas ay ikakasal na.”Nilingon ni Wesley si Catherine. Ang taning napansin niya ay ang kalmang ekspresyon at huminga ng maluwag. “Narinig ko na rin iyan. Mukhang ikakasal na nga sila.”“Maganda iyon.” Mukhang walang pakialam si Catherine at hindi rin naiirita. Simula nang pinadala siya sa mental hospital para pagamutin, hindi niya kailanman tumigil mahalin si Shaun. “Akala ko nga matagal na silang kasal.”Sabi ni Wesley, “Tumira silang magkasama ng matagal, kaya mukha silang ma
Tinapik ni Wesley ang ulo ni Catherine. “Sige na at pumunta ka sa selebrasyom ng 30th-annversary ng Yule Corporation ngayon.…Pavilion Intercontinental Hotel.Isang engrandeng selebrasyon ang palapit.Maraming nangyari sa pamilyang Yule nitong mga nakaraang mga taon.Tatlong taon na ang nakakalpas nang biglang gumising si Joel galing coma, pagkatpaos ay pinilit niyang makipag-hiwalay kay Nicola, pero pilit itong tumatanggi sa ideya. Pagtapos ng ilang panahon, nadetermina ng korte ang hatol sa kanilang paghihiwalay. Pero responsable pa rin sila sa anak nilang si Melanie.Dahil pinakasalan ni Melanie si Charlie, ang kanyang estado ay gumanda. Hindi lang siya naging Vice Director ng Yule Corporation, nagkaroon din siya ng pagkakataong magbuo ng electronics company kasama ang Campos Corporation. Kapani-paniwala silang may halagang sosobra sa anim na trilyyong dolyuar ang Yule Corporation.Sa araw na ito, ika-30th na taon na simula nang naitayo ang Yule Corporation kaya ang kumpanya
”Salamat.” Tinapik ni Joel ang balikat ni Damien. Natuwa siya. “Sa totoo lang, ang kalusugan ko ay hindi na kasing ganda noon, kaya iiwan ko na ang Yule Corporation sa inyo ni Melanie.”“Maasahan mo ‘ko.”Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Damien ‘yun, may gulong nangyari sa may pinto.May kung sinong sumigaw, “Nandito na si President Hill.”Si Shaun na ang puno ng pamilyang Hill at hindi na Eldest Young Master Hill tulad noon.Nakasuot siya ng desenteng itim na double-breasted suit na tinernuhan ng blue shirt at ng bow tie. Ang kanyang damit ay mas pinamukha siyang kagalang-galang at payat. Kasama ang kilalang tampok at gwapong mukha, walang magawa ang lahat kundi mamangha.Ang ilaw sa dining hall ay nagningning sa kanya.Hindi mahalaga ang edad niya. Kung tutuusin, ang lalaking ito ay parang alak—mas masarap pag matanda. Hindi lang siya gwapo, pero nagpapamalas din ito ng malakas na pakiramdam ng magiging elegante at pagiging makapangyarihan.Naakit sa kanyang presensya, pin
Habang tumatagal ang tingin ni Joel kay Shaun, mas naiinis ito. Kaya’t nilingat niya sa iba ang tingin niya at dumiretso na sa stage.Kinuha niya ang microphone at sinabing, “Mga kababaihan at kalalakihan, maligayang pagdating sa selebrasyon sa ika-30 na anibersaryo ng Yule Corporation. Dagdag sa selebrasyong ito, gusto kong sabihin ang imporanteng anunsyo ngayon dito. Nitong mga nakaraang taon, si Damien at Melanie ang namumuno sa halos lahat ng mahalagang bagay sa kumpanya dahil sa kondisyon ko. At dahil doon, gusto ko sanang kunin ang oppurtunidad na ito para ianunsyo na simula ngayon, si Melanie na ang mamamahala…”“Hindi ako papayag.”Biglang may nagbukas ng pintuan sa banquet hall na nakasara.Lahat ay tumingin sa direksyon na iyon.Pumasok ang babae sa hall nang naka red velvet na gown hanggang tuhod ang slit, pinapakita ang maputi niyang binti sa isang pares ng high heels. Ang kanyang namangha manghang mahaba, kulot at brown na buhok ay nakalugay sa parehas na balikat nito
”Seryoso? Si Catherine… ang dating asawa ng Eldest Young Master Hill?”“Oo, siya nga.”Ang lahat ay palihim na tinignan si Shaun.Sa puntong iyon, ang gwapong mukha ni Shaun ay malamig at madilim. Ang kanyang malalim na mata ay mabagsik.Walang nakakaalam kung ano ang nasa isip nito.Ang nagawa niya lang ay ilabas ang sigarilyo at sindihan ito. Saka, pinalabo ng usok ang tanyag niyang katangian.“Dad, huwag mong hayaang lokohin ka nia.” Biglang naglakad palapit sa kanya si Melanie at mahinahong sinabi, “Paano babalik ang patay? Sa tingin ko kamukha niya lang si Catherine. Kahit papaano kamukha niya ang dating itsura ni Catherine. Isa pa, pumangit na si Catherine.”“Tama, Brother. Naalala mo ba ang itsura ni Catherine dati? Kahit ang pinaka magaling na aesthetic doctor ay sinabing imposibleng maibalik ang kanang itsura. Dapat mong maalala ito, Eldest Young Master Hill.”Lumingon si Damien kay Shaun na nakaupo sa upuan.Pinitik ni Shaun ang abo ng sigarilyo bago siya tumayo. Sak