Demonyo… Demonyo...Paulit-ulit na narinig ni Shaun sa utak niya ang mapangkutyang salita. Kaagad niyang tinakpan ang tenga niya para patigilin ito.Ayaw niyang marinig ang taong mahal niya na tawagin siya ng ganito.Alam niyang may sakit siya, pero kahit si Catherine ay hindi natutuwa ngayon.Nagulat sa mga nangyayari, lumapit si Aunty Yasmin para hawakan siya sa braso. "Eldest Young Master, hindi mo pwedeng gawin kay Young Madam iyon. Hindi niya ginusting sabihin ang mga salitang iyon. Nagseselos lamang siya nang makita kayong magkalapit ni Shelley.Ngunit, galit na galit si Shaun ngayon. Hindi niya lang ito pinakinggan pero pilit niya ring hinawi ito sa tabi. Tumama ang ulo ni Aunty Yasmine sa lapag at nahimatay.Mabilis siyang sinapak ni Shelley. Sa wakas, tumigil na siya nang mahimatay siya.Ang living room ay natahimik ng tuluyan. Ang tangging ingay lang ay ang sigaw ni Catherine galing cellar sa baba. Kumibot ang dulong labi ni Shelley at naging malamig na ngiti nang ipak
"Sinumpong nanaman si Eldest Young Master, at sinabi ni Young Madam na lalayas siya. Kinulong niya ito sa cellar at aksidenteng nasaktan si Aunty Yasmine. Tumawag ako ng ambulansya nang dis oras ng gabi para ipadala si Aunty Yasmine sa ospital. Nagyon, hindi ko na alam ang gagawin," sabi ni Shelley.Ang bakas ng sampal sa kanyang pisngi ay namumula pa rin at namamaga. Naubusan ng pasensya si Rodney nang marinig iyon. "Nababaliw na talaga si Catherine. Tuturuan ko siya ng leksyon…""Kalma." Hinawakan ni Chester ang braso ng kaibigan."Tignan mo kung anong ginawa niya kay Shuan. Alam niyang mahina ang mentalidad nk Shaun pero ininis pa rin siya nito. Sa tingin ko sinusubukan niyang mabaliw ito para makuha niya ang yaman nito."Mahinang sabi ni Shelley, “Binuksan ko ang pinto sa cellar nang pasikreto para makalabas siya. Sa tingin ko… Hindi magandang idea na ikulong ang tao tulad n’un. Ano na lang ang mangyayari kung sumpungin nanaman ang Eldest Young Master at manakit nanaman ng iba?
Oceanic Garden.Ang kabahayan, naglalaman ng mga bungalow at villa, ay tinayo sa tabi ng Elm River. Ito din ay mayroong lawa, sports center at iba pang pasilidad.Ang salesperson ay dinala si Catherine at Freya sa tour ng buong hapon. Ng bumalik sila sa sales unit, ang manager ay nagulat ng makilala si Catherine at kaagad niyang sinabihan ang boss. Ang boss ay kaagad na tinawagan si Hadley at ito ay binigyan ng mensahe si Shaun. “Eldest Young Master, si Mis Jones ay naghahanap ng bahay.”Ang lalaki, na nagbabasa ng mga dokumento sa trabaho sa opisina, nakasimangot. “Ano ang sinusubukan niyang patunayan? Ito ay maliit lang na pagtatalo. Ayaw niya ba talaga na umuwi ngayon?”“...”Hindi inisip ni Hadley na ito ay maliit lang na pagtatalo. Subalit, alam niya na dapat niyang aliwin ang lalaki sa halip na bastusin siya lalo. “Siguro… Gagawa siya ng investment? Maraming mayayamang madam ang ginagawa din ito.”Ang tense na katangian sa mukha ni Shaun ay kalmado. Matapos ang maikling kon
Nilagay ni Freya ang kanyang braso sa paligid ng balikat ni Catherine.Ito ay hindi tumanggi. Kung sabagay, matagal na simula ng siya ay pumunta sa inuman.……9:00 p.m.Silang dalawa ay naglakad papunta sa inuman ng magkasama.Si Catherine ay matagal ng waal sa lugar na ito ng mahabang panahon. Ang pagpunta dito ay nagpaalala sa kanya ng kanyang simple at walang pakialam na buhay bago siya magpakasal.Subalit, hindi nagtagal sila ay nagsimulang uminom, sila ay nilapitan ng mayabang na binata na nakasuot ng mabulaklak na shirt.“Freya, maswerteng nagkita tayong muli.” Ang lalaki ay hinaplos ang mukha ni Freya na may tusong ngiti.Ang mukha ni Freya ang nanlumo at tinulak palayo ang kanyang kamay. “Thomas Neeson, Malinaw kong sinabi na hindi ako interesado sayo. Huwag mo akong hawakan.”Si Catherine ay nagulat na ang lalaking ito ay ang nakakatandang kapatid ni Sarah Neeson.“Huwag mong sabihin iyan. Hindi mo ako magagawang pakawalan kapag nakita mo kung gaano ako kagaling sa k
”Tumahimik ka. Ang Neeson Corporation ay masisira sa ilalim ng pamumuno mo.” Hinawakan ni Charity ang balikat ni Thomas at tinapon ito sa ibabaw ng kanya. Ang lalaki ay walang awang lumipad papunta sa lapag sa harap ng publiko.Pareho si Catherine at Freya ay nagulat. Subalit, ito ay ang unang sumira ng katahimikan sa pagpalakpak ng malakas. “Ikaw ay sobrang galing at astig!”Si Thomas ay galit na mapunta at kinukutya ng mga tao. “Charity, hindi ko palalagpasin ang bagay na ito.”Tapos, bumangon siya at umalis sa inuman.“Maraming salamat.” Nagbuhos ng dalawang baso ng red wine si Catherine at binigay ito kay Charity.Siya ay may magandang unang impresyon sa babaeng ito, ngunit ngayong gabi, siya ay talagang nakakabilib.“Huwag kang magalala. Napadaan lang ako. Ang may ari ng inuman ay sinabihan ako na may taong nanggugulo nanaman ng mga babae, kaya ako ay pumunta para tignan ito.”Uminom si Charity ng alak.“Mahusay, sister!” Nagbigay ng thumbs up si Freya. “Talagang hahabulin
Si Shaun ay kalalabas lang ng shower ng nilapitan siya ni Shelley na may baso ng gatas.Sinubukan niyang hawakan ang lalaki ngunit ito ay mabilis na umiwas. “Hindi na ito kailangan.”Ininom niya ang baso ng gatas at walang ekspresyong sinabi, “Bumaba ka na. Tatawagin kita kung kailangan kita.”“Ngunit...” Hindi niya maitago ang kalungkutan sa kanyang mata. “Hindi ka dapat maiwan magisa sa kondisyong ito. Pwede akong gumawa ng pansamantalang kama sa gilid...”“Hindi.” Sumimangot siya bago sabihin. “Ito ay kwarto na kahati ko ang aking asawa. Ayoko ang ibang babae na umaaligid dito.”“Pasensya na. Hindi ko naisip ang tungkol diyan.” Tumango siya, mukhang nataranta. Matapos umalis sa kwarto, kinagat niya ang kanyang labi sa kairitahan. Si Shaun ay hindi interesado sa kanya kahit na siya at si Sarah Neeson ay pareho ang itsura.Subalit, hindi ito importante. Siya ay kalahati naman na sa kanyang layunin.Ang gilid ng kanyang labi ay kumurba sa isang nanlalamig na ngiti habang siya ay
Tinikom ni Shaun ang kanyang manipis na labi at sa wakas pinaandar ang kotse ng tahimik.Dumating sila sa bar kaagad. Si Thomas, na naghihintay sa pintuan ng matagal na panahon, ay kaagad na lumapit, hawak ang kanyang nasaktang bewang. “Eldest Young Master, sila ay sumasayaw pa din sa loob.”Sa loob ng ilang segundo, ang tatlong babae ay gumegewang palabas mula sa inuman ang kanilang mga braso ay nasa balikat ng isa’t isa. Base sa kanilang mapulang mga pisngi, sila ay nakainom ng marami.“Hindi pa ako nakainom ng sapat. Tara inom pa tayo! Kaya ko pa ng tatlo pang round.” Tinaas ni Freya ang kanyang kamay ng mataas sa ere. “Hindi ako uuwi hanggat hindi ako lasing.”“Tara kumain tayo ng lobsters at wine.” Tumango si Charity.Sumang ayon si Catherine, “Maaari tayo uminom sa aking villa hanggang madaling araw.”“Ayos! Ang mga lalaki ay mga tae! Pabayaan natin sila!”“Tae! Paalam!”Nandilim ang mukha ni Shaun.Well, well, well, tinawag niya pa ito na isang tae sa likod niya.Nagla
”Limitasyon? Ano ba ang iyong limitasyon?” Ngumisi si Catherine ng makita niya si Thomas na nakatayo sa likod ni Shaun. “Bakit mo siya dinala dito? Para suportahan siyang muli?”Kaagad na umungol sa sakit si Thomas. “Young Madam Hill, ikaw ay talagang dapat lumayo mula kay Charity. Meron siyang layunin sa pakikipagkaibigan sayo.”“Thomas, nagsisisi talaga ako na hindi kita inatake ng mas malakas kanina.” Nanliit ang magandang mata ni Charity.Si Thomas ay masyadong natakot na kaagad siyang nagtago sa likod ni Shaun. “Eldest Young Master, tignan mo kung gaano siya kayabang para pagbantaan ako sa harap mo.”“Charity, mukhang masyado akong naging mabait sayo.” Ang mukha ni Shaun ay nanlamig na parang yelo. “Binabalaan kita ngayong na lumayo sa aking asawa. Kung hindi, magpaalam ka na sa pagiging presidente ng Neeson Corporation.”Ang magandang mukha ni Charity ay namutla ng kagatin niya ang kanyang labi. Subalit, hinatak ni Catherine ang kanyang kamay at tumingin kay Shaun na nakataa