Share

Kabanata 338

Pagkalipas ng isang linggo.

Sinamahan ni Freya si Catherine sa pribadong ospital pata ipatanggal ang tahi niya.

Personal na pumunta si Chester sa lote ng paradahan para kitain ang dalawang tao. Ito ang unang pagkakataon na makikilala siya ni Catherine, at ang masasabi niya lang ay lahat ng kaibigan ni Shaun ay mukhang mga modelo.

May suot na puting coat at salamin si Chester. Matangkad siya at mukhang maamo. Ang gwapo niyang mukha ay parang hindi mapanakit. May mala-tagsibol na ngiti sa labi niya at nagmukha siyang madali pakisamahan at malapitan, ngunit pinapakita ng manipis niyang labi na siya ay presko at walang pake na lalaki.

Sumingap si Freya. “Lahat ba ng doktor ngayon ay ganito kagwapo? Mukha siyang modelo na nasa harap ng kamera para sa isang pelikula.”

“Magaling ka magbiro, Ms. Lynch.” ngumiti si Chester. “Tara na. May inayos akong doktor para dalhin ka doon.”

“Pasensya ka na sa abala. Kaya ko naman pumunta mag-isa.” nahihiya si Catherine. Kung sabagay, pupunta siya sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status