“Tignan mo ang sarili mo. Sobrang tapang mo dati, ngunit pinahirapan ka nito nang sobra at naging bubwit ka na lang.”Punong-puno si Freya ng galit. “Sasabihin ko sayo ang totoo. Noong sinabi ko sayo na tulungan mo siya sa kaso dati, lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan. Wala siyang kinalaman doon. Ginawa ko iyon dahil kapag napunta siya sa bilangguan, hindi ko na siya makikita. Wala talaga siyang alam.”Hinimas ni Catherine ang noo nita at pinanood na magdilim ang ekspresyon ni Shaun na parang tinta. Tumayo siya sa harap ni Shaun. “Ginawa iyon ni Freya para isalba ako. Wala iyon kinalaman sa kanya, kaya huwag mo siya saktan.”“...”Para siyang nanay na pinoprotektahan ang anak niya, at nairita at nalungkot nang sobra ang puso niya. Ang tingin ba ni Catherine ay isa siyang demonyo?“Tumabi ka, gutom na ako.”“Huh?”“Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko gutom na ako.” hinawakan siya ni Shaun at pinaupo sa upuan.Ang lamesa ay puno ng maanghang na inihaw at ginisa na pagkain. Sumima
Catherine, “...”Inireserba niya ang buong sinehan makapanood lang ng isang pelikula… Ano nga ba naman ang kanyang inaasahan mula sa isang big shot, o marahil ay ayaw lamang nitong makitang kasama siya manood sa sinehan.Matapos ang kalahating oras, inihatid siya ni Shaun papunta sa movie hall ng Northern Sky Mall. Ang general manager pa mismo ng sinehan ang tumanggap sa kanila at naghatid sa kanila patungo sa VIP couple’s hall.Pumili ng isang action movie si Catherine dahil pinagbibidahan iyon ng isang lalaking artistang iniidolo niya. Panonoorin niya dapat ito kasama si Freya.Habang nanonood, inilagay siya ni Shaun sa dibdib nito. Hindi naging kumportable ang pakiramdam ng likuran ni Catherine, ngunit tila’y hindi ito napansin ng lalaki. Dalawang beses tumunog ang phone ni Shaun, at napansin ni Catherine na ang unang tawag ay mula kay Melanie at ang pangalawa naman ay mula kay Old Madam Hill.Inilagay ni Shaun sa mute ang kanyang phone sabay hagis nito sa kanyang bulsa. Pagyuk
“Tito, Tita, hindi ko na ho kayo iistrobohin. Aalis na ho ako.” Ayaw nang manatili ni Catherine. Umalis agad ito matapos silang batiin.“Liam, gusto mo ba siya?” Diretso ni Lea.Kumislap ang mga mata ni Liam at iniyuko ang kanyang ulo. “Medyo, pero may boyfriend na eh.”Natigilan at nadismaya si Lea. “Hindi siya ang para sa’yo. Ano ang mapapala mo sa anak sa labas ng mga Yule? Isa pa, balita ko’y malapit ‘yan kay Chester Jewell. Alam mo naman siguro kung gaano kalanturay si Chester.”“Ma, hindi gano’ng klaseng tao si Catherine. Huwag kang basta-bastang tumawag ng bastardong anak. Kung tutuusin nga’y maituturing din naman akong anak sa labas dati, ha.”“Ikaw…” Puno ng galit ang dibdib ni Lea.“Oh, tama na.” Marahang sinabi ni Mason. “Hindi ba’t sinabihan mo si Liam na humanap siya ng taong tunay niyang gusto para hindi siya sumunod sa mga yapak mo?”Napabuntong-hininga si Lea. “Ayoko lang namang maloko siya. Pakakasalan na ni Shaun si Melanie. Kapag naging kayo ng anak sa labas n
Sa kanyang opisina, tumingin si Catherine sa orasan. 6:00 na pala ng gabi.Kailangan niya nang maghanda upang umuwi.Noong mga sandaling iyon ay nakatanggap siya ng text mula kay Shaun. [Hindi ako makakabalik ngayong gabi. Matulog kang maaga.]Mukhang wala na siyang dahilan upang magmadali.Idinampot niya ang kanyang planner ngunit wala naman siyang nakitang nakasulat dito.Sasamahan niya kaya si Melanie? Babalik na kaya siya ng Hill Manor upang pag-usapan ang kasal?Malapit na siyang ikasal, at kung patuloy pa rin silang magkikita nang ganito matapos siyang ikasal, habambuhay ay mag-iiba na ang tingin ni Catherine sa kanyang sarili.Kinakailangan niyang maging matatag upang tuluyan na siyang makapumiglas sa kapit nito....Sa loob ng Hill Manor.Nakalabas na si Shaun ng sasakyan at nakita niyang hawak hawak ni Melanie ang kamay ni Old Madam Hill habang naglalakad sila sa may hardin.Sumimangot ito at sa loob-loob niya’y gusto na niyang umalis, ngunit napansin na siya ni Old
Agad na naalala ni Melanie na mayroong babaeng nagtatago sa mansyon na iyon noong isa pang araw. Nagpadala siya ng tao upang imbestigahan ito ngunit wala pa rin siyang makita tungkol dito.“Ay, naalala ko lang, sinabihan ko pala siyang kumuha ng para kay Queenie.” Marahang hinampas ni Old Madam Hill ang kanyang ulo. “Nagiging ulyanin na ata ako.”“Ah, para doon pala ‘yon.” Bumuti ang kalagayan ni Melanie....Bandang 7:30 ng gabi, biglang dumating ang butler na may dala-dalang mga mamahalin na bagay matapos nilang maghapunan.“Kapag inihatid mo pabalik si Melanie, ibigay mo rin ito sa mga Yule. Magkikita kayong muli bukas upang kuhanin ang inyong marriage license.” Sabi ni Old Master Hill.Mahiya-hiyang namula si Melanie sabay tingin kay Shaun. May inaasahan siyang sabihin ang lalaki, ngunit ibinaba lamang nito ang kanyang kubyertos at malamig na tinanong, “Kailan ako sumang-ayon na magpakasal?”“Kung hindi kayo magpapakasal ngayon, gaano mo pa itong balak patagalin?”Madalang
Kinilabutan si Melanie, ngunit nginisi niya pa rin ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy. “Eldest Young Master Hill, hindi ako makikipaghiwalay sa’yo. Ikaw rin naman ang nagkusang suyuin ako noon.”“Sige, slow game tayo.” Pinakawalan siya ni Shaun at pumasok na ito sa sasakyan.Buong takot na pinanood ni Melanie na makalayo ang sasakyan. Ang kanilang koneksiyon sa mga Hill ang tangi nilang pinanghahawakan ni Nicola kung kaya’t malakas pa rin sila sa mga Yule. Nang dahil dito’y tinatrato pa rin sila nang may respeto ni Old Master Yule. Hindi niya maaaring pakawalan ang Eldest Young Master Hill.Marahil ay ang babae nito ang naghuhudyat sa kanyang gawin ito. Kinakailangan niyang malaman kung sino iyon at dispatiyahin ito nang tuluyan....Sa loob ng kanyang sasakyan ay tinawagan ni Shaun si Catherine. “Ano’ng ginagawa mo? Pauwi na ako.”“Nag-overtime ako sa opisina.” Nagulat si Catherine. Sinabi niya naman kaninang hindi siya uuwi?“Bakit nandiyan ka pa rin? Gabi na.” Hindi natutuw
Kinaumagahan.Nang bumangon si Catherine, gaya ng kanyang nakagawian ay inilabas niya ang kanyang phone upang tignan ang mga trending na balita.Ang nasa top trending search noong araw na iyon ay [Kasama ni President Hill ang kanyang nobyang pumitas ng mga strawberry.]Kita sa litratong nakatagilid ang ulo ni Melanie upang tignan si Shaun habang nakakunot ang kanyang mga mata dahil sa kanyang ngiti. Napaka-sweet tignan ng dalawa. Mayroon siyang hawak na strawberry na may kadikit na isa pang pirasong strawberry, at tinitignan ito ng kaakit-akit na mukha ni Shaun. Bumuhos sa kanila ang ilaw ng palubog nang araw na mas lalo silang pinamukhang mag-irog na nagtatapat ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa.Bigla niyang naalala ang sinabi ni Shaun noong nakaraang gabi. “Hindi ba’t parang tayo lang itong strawberry na ito?”Heh, kalokohan.Kinuha niya ang strawberry na pinitas ni Melanie upang sabihan ng ganon ang ibang babae. Wala na ba talagang natitirang kahihiyan sa kanyang katawan?Kun
Pumunta sa Internet si Shaun at nakita niyang binibigyan na siya agad ng mga official account ng tinatawag na “wife-loving persona”. Ang nakakainis pa rito ay mayroong mga taong nagbabalita na magpapakasal na sila ni Melanie sa susunod na buwan. Ang gulo lang ng lahat.Galit niyang tinawagan ang manager ng PR department. “Hindi niyo magawa ang trabaho ninyo sa pagbabalita ng bagong development plan ng kumpanya, pero pagdating sa pagpapalaganap ng tsismis nangunguna kayo. Alisin niyo agad ang balitang iyon.”Nasaktan dito ang manager. “P- pero ang laki ho ng pinagbago ng inyong imahen sa publiko.”“Ako ba o ikaw ang presidente?” Malamig na tanong ni Shaun.“Sige ho, aalisin ko na ho agad ang balita.” Nabibigong tumungo ang manager.Bagama’t tinanggal na ang mga dapat tanggalin, hindi maipagkakailang pinag-uusapan na ng lahat ang balita.Natural lamang na pati si Catherine ay alam na ito.Alam ng lahat na kasado nang ikasal sina Melanie at Shaun.Nag-text sa kanya si Wesley: [Mas