"Tama na." Anak ko si Catherine, at may utang ako sa kanya ng higit pa sa 20 taon. Bahay ko ito at tahanan ko rin. Pwede siyang manatili rito sa kahit gaano katagal niyang gusto. Kung kayong dalawa ay hindi masaya tungkol dito, pwede na kayong umalis," Walang awang sagot ni Joel.Ang mukha ni Nicola at namula sa galit. Sa wakas, sinamaan niya ng tingin si Catherine bago maglakad palayo. "Sige. Kapag may nangyaring pagbabago sa kaayusan ng pagpapakasal ni Melanie, hindi siya makakawala sakin."Sa oras na matapos magsalita si Nicola, galit siyang umalis.“Dad, hindi ko inakit si Young Master Hill,” Seryosong sinabi ni Catherine. Wala siyang pakialam sa kung paano siya tinitignan ng iba, pero kung maniniwala si Joel sa sinasabi ng iba, talagang sasama ang loob niya sa lalaki.Nagbuntong hininga si Joel. “Naniniwala ako sa’yo. Baka hindi gaanong naintindihan ni Young Master Hill na anak ka sa labas, kaya siya may sama ng loob sa’yo.”Medyo nataranta si Catherine. Matapos ay ipinaliwan
“Akala ko takot ka na kukunin ko ang pamana ng mga Yule.” ngumiti ng konti si Catherine.“Probinsyana ka lang.” Ang itsura ni Melanie ay parang nakarinig siya ng biro. Lumingon siya kay Shaun at sinabi, “Eldest Young Master Hill, hindi ba at parang masyado na siya nadadala sa mga pantasya niya? Hindi naman siya importante. Wala na nga siyang pinag-aralan, wala pa siyang alam kung ano ang tunay na mundo.”Sinilip siya ni Shaun. Kung hindi niya kilala si Catherine, sasang-ayon siya sa mga sinabi ni Melanie, ngunit malinaw na nakapagtapos si Catherine mula sa isa sa mga pinakamagandang paaralan sa ibang bansa. Nakatanggap pa siya ng mga gantimpala sa architecture at interior design. Mas magaling siya kay Melanie, ang pinakamamahal na anak ng mga Yule na nag-aksaya ng pera ng magulang niya sa pag-aaral niya sa ibang bansa.Subalit hindi alam ni Melanie na kung ikukumpara siya kay Catherine, magmumukha lang na makitid ang utak niya at tanga siya. Si Catherine ay may suot na ordinaryong k
Ngumiti ng mapait si Freya. “Siguro masaya siya na wala na ako.”“Huwag mo na siya isipin. Hindi ba at maraming gwapo na lalaki dito sa Canberra? Tignan mo, mayroon sa may pinto ngayon. Nakatingin siya sayo.”Tinignan ni Catherine ang nasa likod ni Freya at tinuro ito sa gamit ang baba niya.Sakto naman sa pagtingin ni Freya ang pagtalikod ng lalaki. May suot siyang mamahalin na itim na amerikana na yari sa balat, at ang mahaba niyang mga binti ay maikukumpara sa mga modelo. Dalawang tao ang sumusunod sa kanya na parang aso.“Ganon ba siya ka gwapo? Grabe ka lang magsabi.”Kumurap si Catherine. “Hindi. Maikukumpara pa nga siya kay Shaun Hill.”“Ibig sabihin noon ay gwapo talaga siya.” tumawa si Freya. Kahit na hindi maganda ang kalagayan niya pagkatapos mawalan ng pagmamahal, hindi nito napahinto sa pagpapahalaga niya sa mga gwapong lalaki....Sa kwarto sa taas.Ang heneral na namumuno ng korporasyon ng Osher at dahan-dahan naglagay ng wine para kay Rodney Snow at nang hula s
Nagpalit ng damit si Catherine at naghanda umalis. Noong bumaba siya, nakasalubong niya si Melanie na kakabalik lang.“Saan ka pupunta ng gabing-gabi? Huwag mo sabihin sa akin na may pupuntahan ka na mga lalaki?” Ang mga sinabi ni Melanie ay hindi nakakatuwa.“Lasing ang kaibigan ko kaya susunduin ko siya.” Hindi na siya tinignan pa ni Catherine at diretsong nagmaneho papunta sa daungan.May ilang malalaking yate na nakaparada dito.Nakita niya ang isa sa mga pinakamalaki at sumakay dito. Mainit sa loob at mahigit pa sa dosenang lalaki at babae ang nandoon. Lahat ng babae ay nakasuot ng bikini. Nilagay ni Catherine ang kamay niya sa bulsa dahil sa kapaligiran. Gusto niya tawagan si Joel.Subalit, bago niya pa mapindot ang numero, isang lalaki ang biglang nagmadali na pumunta sa likod niya at ikinulong ang katawan. Kinuha niya ang phone at dinala siya sa taas.Pumiglas si Catherine ngunit hindi siya makawala. Alam niya na nahulog siya sa patibong, ngunit hindi pa nagtatagal simula
Nangangatog ang ngipin ni Catherine dahil sa galit. Dahil sinadya niyang sabihin na hihinto siya sa pagsayaw pagkatapos umabot ng sampung libong dolyar, gaano katagal siya aabot sa ganon na halaga?Dahil doon, tumawa ang mga lalaki. “Kung sa ganon, konting gantimpala lang ang ibibigay namin para matuwa kami ng mas matagal.”“Tama iyon, hayaan natin lumipas ang oras at manood.”Habang nanonood ang grupo ng tao, dahan-dahan niya binalot ang sarili sa bakal na poste at sumayaw. Kaya niya sumayaw, ngunit alam niya na kung mas gagalingan niya sumayaw sa harap ng mga tao na ito, mas lalo sila mawawala sa katuwiran.Subalit nakalimutan niya isipin ang maganda niyang katawan at kamangha-mangha niyang ganda. Kahit na simple lang ang sayaw niya, nagdadala ng tukso ang bawat galaw niya sa mga lalaki na nanonood.Mapaglaro siyang kinuhaan ni Rodney ng bidyo at ipinadala kay Shaun. [Shaun, tinutulungan kita turuan ng leksyon ang babae na ito.]...Sa manor ng mga Hill.Matutulog na sana si
“Ayos, kaya mo uminom ng alak.”Nagsaya ang mga tao, at ang sumunod na young master ay pumunta para bigyan siya ng isang libo para uminom ulit ng isang baso ng alak.Inom siya nang inom hanggang sa nasanay na ang tiyan niya sa sakit. Pagkatapos niya inumin ang inabot ng ika-siyam na lalaki, ang natitira na lang ay si Rodney Snow.Pagewang-gewang siya naglakad. Dalawa na ang nakikita niya at para bang dumami si Rodney. Nakilala niya lang ito sa suot niya amerikana na yari sa balat. Hindi na niya makilala ang itsura nito. “Young Master Snow, tapos mo na dapat ako paglaruan ngayon. Huling baso na para sa isang libo, okay?”Tinignan ni Rodney ang babae sa harap niya. Karamihan ng lalaki ay hindi kaya uminom ng siyam na baso ng matapang na alak ng sunod-sunod. Lasing na siya, ngunit maliwanag pa ang mga mata niya habang tinitignan siya nito pabalik. Diretso ang likod niya at puno ito ng kayabangan.Tumama siya sa mababang boses. “Bakit ako papayag? Hindi ko bibigyan ang babaeng katulad
Tinignan ng mga lalaki si Shaun at natulala. Alam ng lahat na ang Eldest Young Master Hill ay hindi malapit sa mga babae.“Eldest… Eldest Young Master Hill, bakit ka nagpunta dito?”“Sino ang nagpainom sa kanya?” Ang madilim na titig ni Shaun ay dumaan sa bawat mukha ng nasa yate isa-isa.Naramdaman nilang lahat na kinilabutan ang puso nila. Tinignan lang nila si Rodney para humingi ng tulong. “Young Master Snow, ikaw ang nagsabi ngayon lang.”“Ayos lang.” Tinaaas ni Rodney ang kaliwa niyang kamay at binaba ito. Naglakad siya papunta kay Shaun at tumawa sa mababang boses. “Shaun, tinutulungan lang kita maglabas ng galit. Kasalanan niya dahil niloko at pinaglaruan ka niya. Dahil naglakas loob siyang magpunta dito sa Canberra, siyempre, kailangan ko siya turuan ng leksyon sa ngalan mo.”Bago pa siya matapos, sinuntok siya nang malakas ni Shaun sa mukha. Nagulat si Rodney at siya ay binugbog hanggang sa nagdugo ang labi niya.“Shaun Hill…” Nagalit si Rodney.Mabilis na umalis ang m
Nanigas ang katawan ni Shaun. Hinawakan niya ang balikat nito nang galit at tinanong sa paos na boses, “Sinong gusto mo ang humilot sa tiyan mo?”Si Wesley Lyons? Kung ganon, papalabasin niya talaga ito sa kwarto niya.“Shaunny, Shaunny…” Sumimangot si catherine habang tuliro. Naalala niya noong sumakit ang puson niya noong meron siya, tutulungan siya ni Shaunny hilutin ang tiyan niya.“Catherine Jones, sigurado ka ba na lasing ka?” Pinisil ni Shaun ang mukha niya ng madiin. Pinaglalaruan ba siya nito ulit?“Ang sakit, ang sama mo.” Lasing na inangat ni Catherine ang isa niiyang paa para sipain ng marahan si Shaun.Muntik na magdugo ang ilong ni Shaun. Anong bulok na ideya ba ang pumasok sa utak ni Rodney para pasuotin siya ng ganitong damit? Pinapahirapan lang siya nito.“Catherine Jones, pwede ka managinip kung gusto mo tulungan kita hilutin ang tiyan mo.” Pinisil ni Shaun ang mukha niya hanggang sa mamula ito“Mm… Masakit… Shaunny.” Parang bata na kinagat ni Catherina ang lab