Ang mukha ni Catherine ay mabagal na namutla.Nakaranas siya ng pakiramdam ng paninikip ng dibdib.“Nandito ka na , Young Master Hill!” Malanding nilapitan ni Melanie si Shaun at sinukbit ang kanyang mga braso sa lalaki na tila isang couple sa unang bugso ng pagmamahalan.“Oo.” Halos hindi mahalatang sumimangot si Shaun,nagtataka kung anong problema ng babae. Sumayaw lang silang magkasama kahapon, pero kung umasta siya ay tila mahabang panahon na silang magkarelasyon.Nang halos makawala na siya sa pagkakahawak ng babae, nilapitan siya ni Joel at ni Nicola.“Hello, Young Master Hill.” Marahang nakipagkamay si Joel kay Shaun.“Hello, Uncle Joel. Ito ang unang beses na bibisitahin kita. Pasensya na kung naabala kita.”Pagdating sa pakikisalamuha kay Joel, trinato siya ni Shaun na may kabutihang loob at paggalang.“Syempre hindi ka nakakaabala. Isang karangalan na nandito ka,” Mabilis na sagot ni Nicola habang puno ng ngiti.Walang magawang sumulyap si Joel sa asawa. Matapos nito
Kinurba ni Shaun ang kanyang magandang mga labi at nagbigay ng maliit na ngiti. “Mukhang hindi ako tanggap dito. Edi aalis na lang ako…”Sa minutong tumalikod siya, lahat ay nataranta. Mahigpit na hinawakan ni Melanie ang braso ng lalaki at kumalabog. “Dad, sabihan mo si Catherine na humingi ng tawad ngayon din!”Kinuyom ni Joel ang kanyang kamao. Kung aalis si Shaun agad matapos niyang pumasok sa bahay ng mga Yule, lahat ng makapangyarihang pigura sa Canberra ay malalaman na naoffend niya ang pamilyang Hill. Sa kasong iyon, ang pamilyang Yule ay mahihiwalay sa Canberra. “Cathy, humingi ka nalang ng… tawad.”Sa oras na matapos niya ang pangungusap, nagbigay siya ng mapait na ngiti at nagbuntong hininga. Pakiramdam ay natulala, kinuyom ni Catherine ang kanyang kamao. Hindi pa siya nainis sa gwapong mukha ni Shaun dati. Paano siya nahulog sa ganitong klaseng tao dati?”Isang mahaba at malalim na paghinga ang ginawa niya dahil alam niyang kailangan niyang bumigay ngayon. “Patawad, E
Hindi nag-abala si Catherine na panoorin ang eksena dahil nandidiri siya rito.Bakit ba siya nahulog sa ganitong lalaki kamakailan? Talagang nagkagusto siya sa isang babaeng kagaya ni Melanie!Nang sa wakas ay oras nang maghapunan, deretsahang sinabi ni Catherine, “Bilang anak sa labas, wala akong karapatang kumain kasama si Elder Young Master Hill. Sa kusina na lang ako maghahapunan.”Ngayon, agad siyang dumiretso sa kusina bago pa may makapagsalita.Nagpakita si Shaun ng walang emosyon na mukha habang mapagmataas na sinabi ni Melanie, “Mabuti at alam niya sa sarili niya.”Bagaman nagngingitngit si Joel ng ngipin, ayaw niyang magsalita.Ang chef ay naggugol ng isang buong hapon sa paghahanada ng hapunan ayon sa utos ni Nicola. Gayunpaman, huminto si Shaun kumain matapos ang dalawang subo ng pagkain.Mula nang makipaghiwalay siya kay Catherine, hindi pa siya nakakakain ulit ng matinong pagkain. Lagi siyang gutom.“Elder Young Master Hill, ang mga putaheng ito ba ay hindi gaano
Sumulyap si Catherine kay Shaun na hindi makapaniwala, para lang makita siyang nakangiti. Hindi nagtagal ay naging madilim ang ekspresyon nito habang hinihintay na magsimula ang drama.Nagngitngit ng ngipin ang babae. Talagang masamang lalaki siya! “Excuse me, ilang buwan akong mas matanda sa’yo. Malinaw na ang nanay ko ay nakasama ang tatay ko ng mas maaga. Pakiusap bantayan mo yang bibig mo. At isa pa hindi ko siya inakit.”“Hah, sinasabi mo ba na pinaglalaruan ka ni Elder Young Master Hill?” Galit na pinuna ni Melanie si Catherine. “Tignan mo lang ang estado ni Elder Young Master Hill. Isa siyang tanyag na pigura habang ikaw ay isang mumurahing tao. Marami na ‘kong nakilalang anak sa labas na kagaya mo na may mababang ranggo pero ambisyosa.”Ibinaba ni Catherine ang kanyang mga mata, ang pilik mata niya ay bahagyang nanginig.Sumimangot si Shaun sa kanyang sarili. Bigla siyang nainis kahit na siya ang gustong magprank kay Catherine.Kanina, hindi siya makabuo ng impresyon ni Me
"Tama na." Anak ko si Catherine, at may utang ako sa kanya ng higit pa sa 20 taon. Bahay ko ito at tahanan ko rin. Pwede siyang manatili rito sa kahit gaano katagal niyang gusto. Kung kayong dalawa ay hindi masaya tungkol dito, pwede na kayong umalis," Walang awang sagot ni Joel.Ang mukha ni Nicola at namula sa galit. Sa wakas, sinamaan niya ng tingin si Catherine bago maglakad palayo. "Sige. Kapag may nangyaring pagbabago sa kaayusan ng pagpapakasal ni Melanie, hindi siya makakawala sakin."Sa oras na matapos magsalita si Nicola, galit siyang umalis.“Dad, hindi ko inakit si Young Master Hill,” Seryosong sinabi ni Catherine. Wala siyang pakialam sa kung paano siya tinitignan ng iba, pero kung maniniwala si Joel sa sinasabi ng iba, talagang sasama ang loob niya sa lalaki.Nagbuntong hininga si Joel. “Naniniwala ako sa’yo. Baka hindi gaanong naintindihan ni Young Master Hill na anak ka sa labas, kaya siya may sama ng loob sa’yo.”Medyo nataranta si Catherine. Matapos ay ipinaliwan
“Akala ko takot ka na kukunin ko ang pamana ng mga Yule.” ngumiti ng konti si Catherine.“Probinsyana ka lang.” Ang itsura ni Melanie ay parang nakarinig siya ng biro. Lumingon siya kay Shaun at sinabi, “Eldest Young Master Hill, hindi ba at parang masyado na siya nadadala sa mga pantasya niya? Hindi naman siya importante. Wala na nga siyang pinag-aralan, wala pa siyang alam kung ano ang tunay na mundo.”Sinilip siya ni Shaun. Kung hindi niya kilala si Catherine, sasang-ayon siya sa mga sinabi ni Melanie, ngunit malinaw na nakapagtapos si Catherine mula sa isa sa mga pinakamagandang paaralan sa ibang bansa. Nakatanggap pa siya ng mga gantimpala sa architecture at interior design. Mas magaling siya kay Melanie, ang pinakamamahal na anak ng mga Yule na nag-aksaya ng pera ng magulang niya sa pag-aaral niya sa ibang bansa.Subalit hindi alam ni Melanie na kung ikukumpara siya kay Catherine, magmumukha lang na makitid ang utak niya at tanga siya. Si Catherine ay may suot na ordinaryong k
Ngumiti ng mapait si Freya. “Siguro masaya siya na wala na ako.”“Huwag mo na siya isipin. Hindi ba at maraming gwapo na lalaki dito sa Canberra? Tignan mo, mayroon sa may pinto ngayon. Nakatingin siya sayo.”Tinignan ni Catherine ang nasa likod ni Freya at tinuro ito sa gamit ang baba niya.Sakto naman sa pagtingin ni Freya ang pagtalikod ng lalaki. May suot siyang mamahalin na itim na amerikana na yari sa balat, at ang mahaba niyang mga binti ay maikukumpara sa mga modelo. Dalawang tao ang sumusunod sa kanya na parang aso.“Ganon ba siya ka gwapo? Grabe ka lang magsabi.”Kumurap si Catherine. “Hindi. Maikukumpara pa nga siya kay Shaun Hill.”“Ibig sabihin noon ay gwapo talaga siya.” tumawa si Freya. Kahit na hindi maganda ang kalagayan niya pagkatapos mawalan ng pagmamahal, hindi nito napahinto sa pagpapahalaga niya sa mga gwapong lalaki....Sa kwarto sa taas.Ang heneral na namumuno ng korporasyon ng Osher at dahan-dahan naglagay ng wine para kay Rodney Snow at nang hula s
Nagpalit ng damit si Catherine at naghanda umalis. Noong bumaba siya, nakasalubong niya si Melanie na kakabalik lang.“Saan ka pupunta ng gabing-gabi? Huwag mo sabihin sa akin na may pupuntahan ka na mga lalaki?” Ang mga sinabi ni Melanie ay hindi nakakatuwa.“Lasing ang kaibigan ko kaya susunduin ko siya.” Hindi na siya tinignan pa ni Catherine at diretsong nagmaneho papunta sa daungan.May ilang malalaking yate na nakaparada dito.Nakita niya ang isa sa mga pinakamalaki at sumakay dito. Mainit sa loob at mahigit pa sa dosenang lalaki at babae ang nandoon. Lahat ng babae ay nakasuot ng bikini. Nilagay ni Catherine ang kamay niya sa bulsa dahil sa kapaligiran. Gusto niya tawagan si Joel.Subalit, bago niya pa mapindot ang numero, isang lalaki ang biglang nagmadali na pumunta sa likod niya at ikinulong ang katawan. Kinuha niya ang phone at dinala siya sa taas.Pumiglas si Catherine ngunit hindi siya makawala. Alam niya na nahulog siya sa patibong, ngunit hindi pa nagtatagal simula