Ang pinto ay biglang bumukas na may bang.Pumasok si Old Madam Hill at pagalit na sinabi, “Talagang nagtatago ka rito! Sadya kong ginawa ang handaang ito para sayo na pumili ng mapapangasawa mo, pero nandito ka tahimik na nagtatago. Hindi mo ba plano mag-asawa?”“Hindi,” Walang pakialam na sagot ni Shaun.“...”Naoverwhelmed sa galit si Old Madam Hill. “Kailangan mo nang lumabas ngayon kahit na ayaw mo. Dahil ikaw ang pinakamatandang apo sa direktang angkan ng pamilyang Hill, kailangan mong magpakasal. Patay na si Sarah. Kailan mo ba ititigil na ipagpaliban ito?”Si Shaun, na sinusuri ang dokumento gamit ang kanyang payat na mga daliri, ay sandaling tumigil.Pinunit ni Old Madam Hill ang dokumento at itinapon sa tabi. “Pwede kang magtrabaho kahit anong oras pero hindi ngayon. Sulong at pumili ng babae ngayong gabi, o iuuntog ko ang ulo ko sa harapan mo hanggang mamatay ako.”“Granny…” Hinimas ni Shaun ang noo niya. Itong eksakto ang dahilan kung bakit ayaw niyang bumalik. Bilang
Kinaumagahan, bumaba si Catherine matapos ang isang gabing hindi maganda ang tulog. Medyo kakaiba ang atmospera sa sala.Si Joel ay walang kibong nakaupo sa sopa habang yakap ni Melanie ang braso ng lalaki at natutuwang sinabi, “Dad, hindi mo alam kung papaanong masiglang kumilos sa akin si Elder Young Master Hill kagabi. Sa dami ng mga babae, ginusto niyang makilala ako at inimbitahan pa akong sumayaw kasama siya. Kinausap pa ako ng matagal ni Old Madam Hill, sinabihan akong maging girlfriend ng lalaki.”Ngumiti si Nicola mula sa isang tainga hanggang sa kabila. “Si Melanie ay tagadala ng mabuting kapalaran. Alam ko ng mahahanap niya ang kanyang Mr. Right sa kanyang ganda at talento, pero hindi ko lang akalain na may kakayahan siyang magpakasal kay Elder Young Master Hill. Goodness, si Elder Young Master Hill ay ang pinakamayamang lalaki sa Australia. Ang buong asset ng pamilyang Hill ay lahat mapupunta sa kanya sa hinaharap.“Huwag mong kalimutan na mayroong Liam sa pamilya.” Na n
Hindi interesado si Catherine sa Yule Corporation. Kahit pa, binisita niya ang opisina dahil hindi niya magawang tanggihan ang mabait na pag-alok ni Joel.Nakabalik lang siya mula sa opisina kasama si Joel ng alas 5:00 ng hapon.Ang mga parol na inilawan sa bahay ng mga Yule ay maliwanag na kumikislap. Maraming mamahaling halaman at bulaklak ay naidagdag din sa patyo na talagang malinis.Nang pumasok sila sa manor, inuutusan ni Nicola ang mga tagapaglingkod na linisin ang paligid.Nagpalit si Melanie sa isang branded chic woolen top na pinakamahal na haute couture ngayong season. Nakasuot siya ng palda na pinaresan ng isang pares ng tights. Mayroon ding fleece scarf na nakabalabal sa kanyang mga balikat.Sinadya niya ring pinaayos ang kanyang mahabang buhok. Ang harap ng kanyang buhok ay kinulot at ang likod ay nakatirintas. Mukha siyang isang prinsesa.“Hubby, narinig kong sinama mo si Cathy… sa opisina ngayong araw, ‘di ba? Nilapitan ni Nicola si Joel at sadyang nagtanong.“Ma
Ang mukha ni Catherine ay mabagal na namutla.Nakaranas siya ng pakiramdam ng paninikip ng dibdib.“Nandito ka na , Young Master Hill!” Malanding nilapitan ni Melanie si Shaun at sinukbit ang kanyang mga braso sa lalaki na tila isang couple sa unang bugso ng pagmamahalan.“Oo.” Halos hindi mahalatang sumimangot si Shaun,nagtataka kung anong problema ng babae. Sumayaw lang silang magkasama kahapon, pero kung umasta siya ay tila mahabang panahon na silang magkarelasyon.Nang halos makawala na siya sa pagkakahawak ng babae, nilapitan siya ni Joel at ni Nicola.“Hello, Young Master Hill.” Marahang nakipagkamay si Joel kay Shaun.“Hello, Uncle Joel. Ito ang unang beses na bibisitahin kita. Pasensya na kung naabala kita.”Pagdating sa pakikisalamuha kay Joel, trinato siya ni Shaun na may kabutihang loob at paggalang.“Syempre hindi ka nakakaabala. Isang karangalan na nandito ka,” Mabilis na sagot ni Nicola habang puno ng ngiti.Walang magawang sumulyap si Joel sa asawa. Matapos nito
Kinurba ni Shaun ang kanyang magandang mga labi at nagbigay ng maliit na ngiti. “Mukhang hindi ako tanggap dito. Edi aalis na lang ako…”Sa minutong tumalikod siya, lahat ay nataranta. Mahigpit na hinawakan ni Melanie ang braso ng lalaki at kumalabog. “Dad, sabihan mo si Catherine na humingi ng tawad ngayon din!”Kinuyom ni Joel ang kanyang kamao. Kung aalis si Shaun agad matapos niyang pumasok sa bahay ng mga Yule, lahat ng makapangyarihang pigura sa Canberra ay malalaman na naoffend niya ang pamilyang Hill. Sa kasong iyon, ang pamilyang Yule ay mahihiwalay sa Canberra. “Cathy, humingi ka nalang ng… tawad.”Sa oras na matapos niya ang pangungusap, nagbigay siya ng mapait na ngiti at nagbuntong hininga. Pakiramdam ay natulala, kinuyom ni Catherine ang kanyang kamao. Hindi pa siya nainis sa gwapong mukha ni Shaun dati. Paano siya nahulog sa ganitong klaseng tao dati?”Isang mahaba at malalim na paghinga ang ginawa niya dahil alam niyang kailangan niyang bumigay ngayon. “Patawad, E
Hindi nag-abala si Catherine na panoorin ang eksena dahil nandidiri siya rito.Bakit ba siya nahulog sa ganitong lalaki kamakailan? Talagang nagkagusto siya sa isang babaeng kagaya ni Melanie!Nang sa wakas ay oras nang maghapunan, deretsahang sinabi ni Catherine, “Bilang anak sa labas, wala akong karapatang kumain kasama si Elder Young Master Hill. Sa kusina na lang ako maghahapunan.”Ngayon, agad siyang dumiretso sa kusina bago pa may makapagsalita.Nagpakita si Shaun ng walang emosyon na mukha habang mapagmataas na sinabi ni Melanie, “Mabuti at alam niya sa sarili niya.”Bagaman nagngingitngit si Joel ng ngipin, ayaw niyang magsalita.Ang chef ay naggugol ng isang buong hapon sa paghahanada ng hapunan ayon sa utos ni Nicola. Gayunpaman, huminto si Shaun kumain matapos ang dalawang subo ng pagkain.Mula nang makipaghiwalay siya kay Catherine, hindi pa siya nakakakain ulit ng matinong pagkain. Lagi siyang gutom.“Elder Young Master Hill, ang mga putaheng ito ba ay hindi gaano
Sumulyap si Catherine kay Shaun na hindi makapaniwala, para lang makita siyang nakangiti. Hindi nagtagal ay naging madilim ang ekspresyon nito habang hinihintay na magsimula ang drama.Nagngitngit ng ngipin ang babae. Talagang masamang lalaki siya! “Excuse me, ilang buwan akong mas matanda sa’yo. Malinaw na ang nanay ko ay nakasama ang tatay ko ng mas maaga. Pakiusap bantayan mo yang bibig mo. At isa pa hindi ko siya inakit.”“Hah, sinasabi mo ba na pinaglalaruan ka ni Elder Young Master Hill?” Galit na pinuna ni Melanie si Catherine. “Tignan mo lang ang estado ni Elder Young Master Hill. Isa siyang tanyag na pigura habang ikaw ay isang mumurahing tao. Marami na ‘kong nakilalang anak sa labas na kagaya mo na may mababang ranggo pero ambisyosa.”Ibinaba ni Catherine ang kanyang mga mata, ang pilik mata niya ay bahagyang nanginig.Sumimangot si Shaun sa kanyang sarili. Bigla siyang nainis kahit na siya ang gustong magprank kay Catherine.Kanina, hindi siya makabuo ng impresyon ni Me
"Tama na." Anak ko si Catherine, at may utang ako sa kanya ng higit pa sa 20 taon. Bahay ko ito at tahanan ko rin. Pwede siyang manatili rito sa kahit gaano katagal niyang gusto. Kung kayong dalawa ay hindi masaya tungkol dito, pwede na kayong umalis," Walang awang sagot ni Joel.Ang mukha ni Nicola at namula sa galit. Sa wakas, sinamaan niya ng tingin si Catherine bago maglakad palayo. "Sige. Kapag may nangyaring pagbabago sa kaayusan ng pagpapakasal ni Melanie, hindi siya makakawala sakin."Sa oras na matapos magsalita si Nicola, galit siyang umalis.“Dad, hindi ko inakit si Young Master Hill,” Seryosong sinabi ni Catherine. Wala siyang pakialam sa kung paano siya tinitignan ng iba, pero kung maniniwala si Joel sa sinasabi ng iba, talagang sasama ang loob niya sa lalaki.Nagbuntong hininga si Joel. “Naniniwala ako sa’yo. Baka hindi gaanong naintindihan ni Young Master Hill na anak ka sa labas, kaya siya may sama ng loob sa’yo.”Medyo nataranta si Catherine. Matapos ay ipinaliwan